Share

Sleep with the Boss - Chapter 9

Bago natugon ni Mina ang tanong sa sarili, natanaw niya ang pagdating ng kotseng minamaneho mismo ni Lyon. Madilim ang mukha nito. Tila galit.

Nag-alangan tuloy siyang magpakita rito. Ngunit kailangan niyang makita ang ikukunsulta nitong mga silid.

Kaya tumawid siya upang lapitan ito. "Mr. Zavala?"

Tila nabigla pa ito nang makita siya. "Kanina ka pa dito?" tanong nito habang umiibis sa kotseng ipinarada sa driveway.

Tumango si Mina. "Dito ako tumuloy. Bakit? Inaasam mo bang mawala na lang ako?"

"On the contrary," tugon nito, bahagya nang nakangiti. "Iniisip ko naman ngayon kung paano kita makukumbinsing tumira sa bahay ko."

"Ano?" She was dumbfounded. "Pinaalis mo kami dito kagabi, pagkatapos pinababalik mo naman kami ngayon?"

"Hindi dito sa bahay na ito. Mayroon akong townhouse sa kabilang bloke," tugon nito. "At ikaw lang ang iniimbitahan ko. Hindi kasama ang kapatid mo," he added casually.

"Aba't -- nasisira na yata

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status