Share

Two: Felix Delgado

Napahinto ako sa pagpasok sa kwarto ko nang lumabas si Rose mula sa kwarto niya. Agad siyang napangiti nang makita ako at humakbang palapit sa akin. "Good morning." Hinalikan niya ako sa pisngi. "Kay Tita Hara ka natulog?"

Tiningnan ko ang suot niya. "What are you wearing?" I asked her.

Napatingin ako sa kaakyat lang ng hagdan na si Dahlia. Her brows furrowed and eyed Rose's shorts. Oh, wait, did I say shorts? I meant strip of material.

Umikot si Rose, tila gandang-ganda sa suot niya. "Well, sasama ako kay Vera sa kompanya," wika niya at ngumiti, "baka naroon si Tim, so better put on something appropriate."

I raised my eyebrow. "You call those shorts appropriate?"

She shrugged. "At least I didn't wear the leather ones."

"You're wasting a slutty outfit on Tim, slutty aren't his type," bulalas ni Dahlia, dahilan para lingon siya ni Rose sa hagdan.

"How would you know what his type is?" Rose flicked her hair over her shoulder. "You aren't even his friend anymore, Dahli. People change in four years, you of all people are proof of that. Look, four year ago, maldita ka. . .Ngayon, maldita ka pa rin. Pero nabawan na ang 100% ng 1%."

Mahina akong natawa. Sinamaan ng tingin ni Dahlia si Rose at umakto na hahampasin ito.

"Sige, subukan mo," mataray na hamon ni Rose rito.

Iniwan ko na sila roon at pumasok na sa kwarto ko.

Today is my rest day. Usually, kapag sabado ng umaga ay pumupunta ako ng gym. Pero dahil pinapunta ako ni Mama roon sa kanya kagabi ay hindi na ako nakapag-gym pa. Bukas naman ay birthday ng isa sa mga kaklase ko noon sa Medical School. Pero mamaya ang selebrasyon at inimbitahan ako. Hindi ko naman matanggihan dahil matagal na rin simula noong huli kaming magkita.

I slept for about an hour. When I woke up, naka-recieve ako ng text mula kay Zico na hindi siya uuwi ngayong gabi. Nasa Agusan del Norte raw siya para sa isang outing kasama ang mga barkada.

Nag-reply muna ako kay Zico bago tinungo ang banyo ko at naligo.

Once I was done scrubbing myself clean and washed my hair, I started getting ready for the party.

What could I wear?

A dress seemed like the most obvious option, so I pulled out five dresses that looked right for the occasion.

Nasa ganoon ako'ng sitwasyon nang may kumatok sa pintuan, and I shouted, "Come in!"

The door slowly opened, and Dahlia walked in.

"Dahli, do you need anything?" I asked her, returning my gaze to the wardrobe.

"You're leaving?"

"Yup," sagot ko.

"Oh, I see." She nodded and opened my door to leave. "Dad's coming home tomorrow. Pinapasabi niya na umuwi kayo nang maaga." Before she went out the door, she turned to look at me. "If I had your legs, I would wear the purple dress on the left." She grinned and shut the door.

I stared at her for a few seconds before returning my gaze back to the dresses. I picked up the purple dress that Dahlia had suggested and looked it over.

It didn't look too fancy, just a plain one-sleeved dress, it looked as if it would come up to mid thigh on me and I knew it would go great with my black high heels.

Agad ko iyong isinuot at humarap sa salamin. I grinned at my reflection. Just as Dahlia had said, they did show off my long tanned legs but I didn't look too slutty. Sa aming magkakapatid, ako ang pinakamatangkad. Siguro ay dahil parehong matangkad si Mama at Daddy.

Feeling satisfied, I started on my hair. I had wavy brown, shoulder length hair. After blow-drying it, I pondered the idea of straightening it but then decided not to straighten it and instead left it natural, framing my face.

Naglagay ako ng kaonting makeup at isinuot ang itim na heels. I glanced at the clock, it was already 6:43 pm.

Naglakad ako pababa ng hagdan at dumeritso palabas ng bahay. Pinatunog ko ang sasakyan ko at saka pumasok doon. Nang pinagbuksan na ako ng gate ay nag-drive na ako palabas.

I entered the small, Italian themed restaurant. Straight away, my attention is locked on the shimmering fairy lights hanging from the ceiling, seemingly doing very little in giving off any source of light; resulting in the space having the rather relaxing, mysterious vibe.

"Haya!" Yelled a very excited Maria from across the room, where everyone else was already seated; Camille, Lauren, Zyra and Khloe.

Napangiti ako at kinawayan sila. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri, at naglakad papunta sa pwesto nila.

"Happy birthday, Mari!" masigla kong bati at mabilis na niyakap sila isa-isa.

"Grabe. . ." Tiningnan ako ni Zyra mula ulo hanggang paa nang bumitaw na siya sa yakap ko. "Ikaw na! Ikaw na talaga ang kilala kong pinakamagandang doktor dito sa buong Davao!"

Nagtawanan kaming lahat. Hinila ko ang bakanteng upuan sa tabi ni Lauren at naupo roon.

"Sayang na sayang nga at hindi siya sumunod sa yapak ni Tita Hara," iling ngunit may ngiting sabi ni Khloe. "Kung ako ang may ganyan mukha at katawan, ibabalandara ko talaga araw-araw at hindi ako magkukulong lang sa hospital, no!"

Mula pagkabata, ginusto ko na talagang maging doktor. Pero nang sabihin ko iyon kay Mama ay nabasa ko ang pagkadismaya sa mga mata niya. Katulad niya, gusto niya rin ako maging beauty queen. Kahit pa marahil may background ako sa ganoon, hindi ko pa rin isasakripisyo ang pangarap ko. Hindi ang pagrampa, pagngiti sa harap ng mga hurado, at pagsagot sa mga tanong ang gusto kong gawin. Iginiit ko ang gusto ko kahit ano pang mararamdaman ni Mama noon.

Mahal ko ang ginagawa ko ngayon. Masaya ako rito. Alam ko rin sa sarili ko na isa akong mahusay doktor at kuntento na ako roon. Wala akong pinagsisihan sa naging desisyon ko.

"Pero bakit wala ka pa rin boyfriend?" Lauren raised her brow. "Kailan ka ba huling pumasok sa relasyon? 6 years ago? 6 years ago 'yun, di 'ba? First boyfriend mo pa, tapos 2 weeks lang naging kayo."

"Oh, Please, Lau." I laughed and shook my head. Hindi katulad nina Zrya, Maria at Kloe, madalas naman kaming dalawa magkita ni Lauren. At sa t'wing nagkikita kami ay parati niyang pinapaalala ang first boyfriend ko na tumagal lang ng dalawang linggo. Hindi rin nawawala ang tanong niya kung kailan ako magkaka-boyfriend. Pati nga ang i-blind date ako sa mga kakila't kaibigan niya ay ginawa na rin niya.

"Syempre, alam mo kasi ang mga tipo ni Haya ay iyong katulad ni Tito Roman at hindi kung ano-ano lang," wika ni Maria. "de Asis siya, girl. Ipapaalala ko lang sa 'yo."

"Paano bang katulad ni Tito Ramon? Maraming babae at anak, gano'n?"

Napamaang ako sa sinabi ni Kloe. Nagtinginan kami ni Zyra at sabay na natawa.

"Gwapo, Khloe! Gwapo!" Maria corrected her while laughing.

Noon, kapag naririnig ko sa iba na maraming babae si Daddy ay bigla akong natatahimik at na-o-offend. Pero ngayon, sanay na ako. Bukod kasi sa alam ng buong Davao ang kwento ng pamilya namin, alam din iyon ng mga nasa bussines sector. Gayon pa man, isa pa rin si Daddy sa mga nirerespetong businessman sa bansa.

We ordered food. Habang naghihintay kami ng pagdating ng pagkain ay patuloy ang kwentuhan namin, hindi nawawala ang mga tawa.

"Paano namang hindi tatanggihan ni Haya ang mga nirereto mo, e, mga gwapo nga. . .pero kung hindi naman may putok, may balakubak at kulugo naman," asik ni Maria kay Lauren. "Ang bagay sa kanya ang iyong mga katulad no'n, oh!" May itinuro ito bandang dulo at sabay kaming napalingon ni Zyra para tiningnan ang sinasabi niya.

My eyes slightly widened when I saw the man. I had to blink twice para siguraduhin kung hindi ako namamalikmata.

His dark brown hair. . .His slender nose. . .His strong and defined jaw—It was him, really. Felix Delgado.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status