Share

Chapter 2: D.a.r.k

Hindi ko magawang isara ang bibig ko sa pagkamangha nang makita kung gaano kalawak at kalaki ang cafeteria ng school na ito. Mukha siyang vintage café kung pagmamasdang mabuti, may second floor ito at gawa pa sa salamin ang pader kaya naman kitang-kita mula rito ang mga punong sumasabay sa ihip ng hangin. Makaagaw pansin din ang malaking chandelier sa itaas. Ibang-iba ang ambiance nito kumpara sa cafeteria ng school ko dati na parang karendirya lang.

“Ang daming tao.” Iyon ang una kong nasabi nang makapaglakad ako sa loob at kahit na maraming estudyante ay tila ba hindi napupuno ang cafeteria. Ganoon siya kalaki, parang isang malaking sosyal na food court dahil may iba’t ibang food stall ang makikita sa paligid. Ang iba ay famous chinese cuisine pa.

“Tara doon tayo maupo sa usual place ko.” Hinatak ako ni Ayesha at itinulak pababa ang magkabilang balikat ko para maupo sa pwestong malapit sa glasswall. “Just stay here okay? Mamaya may darating na lalaki rito, don’t worry he’s my bestfriend kaya h’wag ka mahihiya. Ako na rin ang oorder ng kakainin natin. Treat ko since it’s your first time here.”

Nahawa ako sa pagngiti ni Ayesha kaya marahan na lamang akong tumango kahit nahihiya. Grabe ang pagka-hyper niya, parang hindi siya nanggaling sa sakit. Pag-alis na pag-alis niya ay muli kong nilibot ang paningin sa paligid. Halatang mayayaman ang mga estudyante rito, napansin ko rin na may ilang kalalakihan ang pilit iniiwasan ng mga estudyante sa may bandang entrance.

Para silang mga VIP kung maglakad dahil talaga namang binibigyan sila ng daan, iyong tipong kusa na lang nagsisitabihan ang mga taong daraanan nila. Kahit malayo ay halatang may mga itsura sila, those messy hair, ear piercings and blank expression makes them more hotter. No wonder kung bakit kahit natatakot ay makalaglag panga pa rin ang reaksyon ng mga babaeng sinusundan sila ng tingin.

“Hi, nice too see you again. Bakit dito ka nakaupo?” Naialis ko ang tingin sa mga lalaking iyon nang sumulpot sa harapan ko ang lalaking tumulong sa akin kanina. Siya siguro iyong tinutukoy ni Ayesha na bestfriend niya. Nakakatuwa, parang sinadya na pagtagpuin kaming tatlo.

“Oh hi, dito kasi ako pinaupo niㅡ”

“Hey Liam!” Bati ni Ayesha nang ilapag niya ang tray sa mesa na mayroong laman na dalawang pinggan kung saan doon nakalagay ang kanin, chicken, dalawang juice at apple. Tinignan ko ulit iyong lalaki at napangiti ng tipid, so Liam pala ang pangalan niya. Inabot ko ang kamay ko sa kanya at saka ipinakilala ang sarili ko, bagay na hindi ko nagawa kanina.

“Hi Liam, ako nga pala si Rain.” Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at nakipag-shakehands, samantalang si Ayesha naman ay naupo na sa tabi ko na tila naguguluhan.

“Do you know each other?” Tanong niya at marahan akong tumango.

“Siya ‘yung tumulong sa akin kanina para mahanap itong school.” Sagot ko at halos sabay kaming napangiti ni Liam. Maya-maya pa ay sumasabay na rin ako sa kwentuhan nilang dalawa. Mabilis lang din gumaan ang loob ko sa kanila dahil pareho silang mabait at friendly. Sa maigsing oras ay medyo marami na rin akong nalaman sa kanila.

“So Probity ka pala. I can really trust you since you’re honest.” Sabi ko at nagtawanan lang kaming tatlo ngunit agad akong natigil nang makuha ng apat na lalaki ang atensyon ko. Sila iyong mga lalaki kanina na pilit iniiwasan ng mga estudyante. Tatlong lamesa lang ang pagitan ng pwesto nila sa pwesto namin kaya hindi ko maiwasang tignan sila. Ewan ko pero may kakaiba silang aura ng hindi ko maipaliwanag.

“Sino sila?” Hindi ko naiwasang itanong. Agad naman lumingon si Liam para sulyapan kung sino ang tinutukoy ko.

“Dark. Mga insolent, gangster ‘yang mga ‘yan so... As much as you can, stay away from them. Hindi sila mapagkakatiwalaan.” Seryosong sagot ni Liam nang ibalik niya sa akin ang atensyon niya. Tumango lang ako ng tipid at ipinagpatuloy ang pagkain. Wala sa itsura nila ang pagiging delikado kasi naman ang g-gwapo nila.

Maya-maya lang ay biglang natahimik ang buong cafeteria at nabalot na lang ng mahihinang bulungan. Kinabahan tuloy ako at tinaasan ng balahobo dahil wala akong ideya kung ano ang meron. “Anong nangyari? Bakit biglang tumahimiㅡ”

“Shh.” Tinakpan ni Ayesha ang bibig ko at awtomatikong tumaas ang kilay ko nang makita ang pagpasok ng lalaki sa infirmary kanina. Nakasuot siya ng itim na sleeveless kaya kitang kita ang bandage na nasa braso niya. Kumikinang din ang suot niyang mahabang hikaw ka kaliwang tainga, ang cool niyang tignan pero hindi noon maitatago ang pangit niyang ugali.

“Anong pangalan ng lalaking ‘yon?” Tanong ko nang ituro ko ang lalaki gamit lang ang nguso ko.

“Thunder Cross. Leader ng Dark, bakit? Crush mo?” Tanong ni Ayesha at agad akong umiling. Thunder, ang cool ng name niya kaso medyo may pagka-weird. At saka gangster? Uso pala talaga ‘yon sa school na ito.

“Ah hindi, siya kasi iyong tinutukoy ko sa’yo kanina na ginamot ko sa infirmary.” Bigla na lang naibuga ni Ayesha ang juice na iniinom niya dahil sa sinabi kong iyon, pareho naman silang nakatingin sa akin ni Liam ngayon na para bang may ginawa akong masama o maling nasabi.

“Y-You mean, ‘yung sugat na nasa braso niya. Ikaw ang nag gamot?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ayesha at tumango lamang ako ng marahan. Big deal ba iyon? Leader lang naman siya ng mga gangster eh, buti sana kung artista ‘yan. Iyon, big deal iyon para sa akin.

Muli kong tinignang mabuti iyong Thunder at nakitang papalapit siya ngayon sa mga kagrupo niyang gangster. May kung ano silang pinag-uusapan at maya-maya lang ay nahagip ako ng paningin ng isa sa kanila. Halatang napansin niya ang pagtingin ko sa kanila dahil bahagya pa itong ngumiti bago ibalik ang atensyon sa mga kagrupo niya.

Wait, nginitian niya ba talaga ako? O baka imagination ko lang iyon?

“Tara na, bumalik na tayo sa dorm. Maaga pa tayo bukas.” Aya ni Ayesha pagtapos naming kumain.

“Ihahatid ko na kayo.” Prisinta ni Liam pero agad kong naalala ‘yung bilin sa akin ni Ms. De Vera kanina tungkol sa uniform at schedule ko. Ang sabi niya ay bumalik ako roon.

“Bukas pa ba ‘yung faculty ngayon?” Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng cafeteria.

“9:00 p.m nagsasara ‘yung faculty, quarter to 9:00 pa lang naman kaya bukas pa ‘yon. Bakit?” Tanong ni Liam.

“Kailangan ko kasi pumunta ro’n, mauna na kayo ni Ayesha.”

“Sure ka? May curfew ng 10:00 p.m kaya pagtapos ng gagawin mo, bumalik ka na agad sa dorm, ah?” Nag-aalalang sabi ni Ayesha kaya napangiti ako, first time kong makakita ng gaya niya. Wala pang 24 hours kaming magkakilala pero sobrang nag-aalala na siya para sa akin. Prang ang tagal na naming magkakilala.

“Mabilis lang ‘to. Pahinga ka pagbalik sa dorm, ah? Ikaw din Liam, salamat.” Sabi ko at saka nagmadaling naglakad patungo ng faculty. Pagdating ko naman doon ay si Ms. De Vera ulit ang nagbukas ng pintuan para sa akin, mukhang inaasahan niya rin ang pagdating ko dahil pagpasok ko sa loob ay inabutan niya ako ng dalawang pares ng regular uniform at isang P.E uniform, inabot na rin niya sa akin ang class schedule ko.

“You can go back to your dorm.” Tinapik-tapik niya ako sa balikat at nagpasalamat naman ako bago maglakad pabalik. Medyo natakot pa ako dahil tahimik na rito sa buong campus, buti na lang ay may mga ilaw sa field kaya hindi masiyadong madilim sa dinaraanan ko.

Tahimik akong naglalakad at iniwasan ang mag-isip ng kung ano-ano ngunit napahinto ako nang may narinig akong kaluskos sa hindi kalayuan. Parang nanggagaling iyon sa likod ng main building na pinanggalingan ko, kahit gusto ko man na hindi na pansinin iyon ay hindi ko magawa dahil hindi umaayon ang mga paa ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod ng main building at pagdating ko roon ay bigla ko na lang nabitawan ang mga dala ko, dahilan para doon maagaw ko ang atensyon ng mga grupo ng lalaking nag-aaway. Nandito ang Dark na sinasabi nila Liam kanina at mayroon pang isang grupo na hindi ko kilala kung sino pero base sa appearance at aura ay masasabi kong Insolent din sila.

“Sino ka?!” Tanong ng lalaking galing sa kabilang grupo. Hindi ko nagawang makakibo dahil sa takot na nararamdaman. Kinakabahan ako. Mukhang wrong move talaga ang pagpunta ko rito, ano ba kasing pumasok sa isip ko?

“Hoy! Wag mo siyang intindihin. Ako ‘yung bigyan mo ng pansin!” Sigaw noong Thunder bago niya biglang suntukin aang lalaking iyon, dahilan para mapahawak ako sa bibig.

Kahit ilang beses kong subukan ihakbang ang mga paa ko paalis sa lugar na ito ay hindi ko na magawa. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Ngayon lang ako naging malapit sa isang engkwentro, parang may magnet ang sapatos ko dahil hindi na nito kayang gumalaw. Para akong napako sa mismong kinatatayuan ko habang pinapanuod ang sobrang lapit na gulong nangyarari.

“Hi miss, ang sexy m, ah. Bago ka ba rito? At saka bakit ka nandito? Delikado rito. Tara sumama ka sa’kin, ilalayo kita sa kapahamakan.” Naramdaman ko na lang na may braso ang umakbay sa balikat ko na naging dahialan para manginig ang tuhod ko sa takot.

“B-bitawan mo ako.” Sinubukan kong tanggalin ang pagkakaakbay niya sa akin ngunit inilipat niya ang kamay niya sa baywang ko at tinangka akong halikan, mabilis akong nakaiwas sa balak niyang gawin at buong pwersa itong sinampal, dahilan para mapabitaw siya sa akin. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para itulak siya palayo.

Tatakbo na sana ako ngunit hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay napaupo na ako sa damuhan dahil nabangga ako ng lalaking humarang sa daanan ko. Tumingala ako para tignan kung sino iyon at nanlaki na lang ang mga mata ko nang ma-realize na si Thunder iyon. Nakasuksok ang mga kamay nito sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon at nakatingin sa akin ng masama.

Iniwas ko ang tingin sa kanya nang mapansin ko ang dahan-dahang pagtaas ng kaliwa niyang paa. And my instinct kick-in, napapikit ako dahil sa gagawin niyang pag sipa sa akin pero imbis na masaktan ay nakaramdam lang ako ng malakas na kalabog mula sa likuran.

Marahan kong iminulat ang mga mata at tumingin kung saan iyon nanggaling. Nakabulagta na sa damuhan ang lalaking nagtangkang humalik sa akin kanina and without realizing itㅡtumutulo na ang luha ko, sobrang natatakot ako sa nangyayari. Bakit hinahayaan ito ng school?

Ibinalik ko ang tingin kay Thunder ngunit nilagpasan na niya ako at ganoon din ang iba pa niyang kasama ngunit may pares ng sapatos ang biglang huminto sa harapan ko. Naupo ito para magtama ang paningin namin kaya dali-dali kong pinunasan ang luha ko. Kung titignang mabuti ay mas nakakaintimidate siya kaysa kay Thunder, singkit kasi ang mga nito at blangko ang ekspresyon.

“Miss, delikado nang magpagala-gala sa campus kapag ganitong oras. Bumalik ka na sa dorm.” Walang emosyon na sabi nito nang i-abot niya sa akin ang mga plastic na nahulog ko kanina. Wala sa sarili akong napatango ng tipid at laking gulat ko na lang nang i-abot niya sa akin ang kamay niya.

Noong una ay nag-alangan pa ako pero hinawakan ko parin iyon bago niya ako dahan-dahang inalalayan para makatayo, pagtapos noon ay nilagpasan na rin niya ako na tila walang nangyari, hindi ko tuloy nagawang magpasalamat at tanging pagngiti na lang ang nagawa habang pinagmamasdan siyang maglakad palayo.

Hindi ko na rin hinintay na magising pa ang mga lalaking pinatumba nila kaya nagmadali na rin akong tumakbo pabalik sa dorm. Ano kaya ang pangalan ng lalaking iyon?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status