Share

Chapter 4: Hell's gate

Pakiramdam ko ay isa akong kriminal dahil sa pasulyap sulyap na ginagawa sa akin ng mga kaklase ko. Okay! Nagsisisi na ako sa ginawa ko kanina kaya pwede bang tigilan niyo na ang kakatingin sa akin?! Gusto kong isigaw iyon sa mga oras na ito ngunit wala akong sapat na lakas ng loob. Kahit mahirap ay sinubukan ko lang mag-focus sa klase.

“Kung sa tingin mong nakaligtas ka, pwes you’re wrong.” Sabi ni Thunder at hindi ko na iyon pinansin pa, kunwari na lang ay wala akong narinig. Kunwari ay wala siya sa tabi ko. Siguro dapat kasi ay bumalik na lang ako ng dorm kanina pero ‘pag ginawa ko naman iyon ay magm-mukha akong duwag kaya mas pinili kong bumalik na lang sa loob ng classroom kahit alam kong hindi ako titigilan ni Thunder.

“Masiyado mo naman yatang tinatakot si Cutiepie,” Sabi noong lalaking nasa harapan ko nang lumingon siya kay Thunder. Eh, cutiepie? Ang pangit naman yata mamili ng nickname ng isang ito.

“Hoy Matthew, itikom mo ‘yang bibig mo.” Giit nang katabi niya na ang pagkakatanda ko ay Axel ang pangalan. Lumingon siya sa akin at kinindatan pa ako. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong ballpen dahil doon. Ano ba ‘to, napapaligiran ako ng mga weirdo. They supposed to be scary, right? Pero bakit parang ang layo naman ng ipinapakita nila sa description nila Ayesha at Liam tungkol sa grupo nila?

Napailing ako at yumuko na lang para sana pupulutin iyong ballpen ko pero sinipa iyon ni Thunder palayo. Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili ko. Ayoko siyang patulan, at isa pa may extra pa naman akong ballpen kaya hahayaan ko na lang iyon, masiyado na kasing malayo.

“Okay, you may take your breaktime.” Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Sir, sa wakas at makakalabas na ako rito. Kung magtatagal pa kasi sa loob kasama ang kagaya ni Thunder ay baka masiraan ako bait. Nagmadali ako sa pag-aayos ng mga gamit ko at balak na sanang tumayo subalit may pares ng sapatos ang huminto sa harapan ko. Dahan-dahan kong akong tumingala para lang makita kung sino iyon.

“Stay here.” Utos ni Thunder na akala mo ay isa akong aso. Bakit naman ako mag i-stay rito? Hindi ko siya pinakinggan at tumayo na pero itinulak niya ang magkabilang balikat ko para bumalik sa pagkakaupo, dahil doon ay hindi ko naiwasang tignan siya ng masama. Gusto ko pa sanang itanong kung ano ang problema niya ngunit bigla siyang naglapag ng cellphone sa mesa ko. Nagtataka ko iyong tinignan bago ibalik ang tingin sa kanya at pasadahan ng tingin ang mga kagrupo niyang naghihintay sa kanya sa likuran. “Save your number,”

“Ha?”

“You will be my slave from now on kaya i-save mo ang number mo, tatawagan kita kapag may iuutos ako.” Sabi niya, dahilan para matawa ako ng malakas. Kitang-kita ko pa ang-iiba ang ekspresyon ng mukha niya na tila nainsulto sa ginawa kong pagtawa sa sinabi niya. Sino ba kasing niloloko ng isang ito? Nkakatawa talaga siya.

“Sorry pero hindi ako ipinanganak ng nanay ko para maging alila mo lang,” Seryoso kong sabi.

“What?!” Sigaw niya na halos magsilabasan na ang ugat niya sa leeg. Medyo nagulat pa ako kaya nawala ang pagiging matapang ko.

“Ha? May sinabi ba ako? Sabi ko nga is-save ko, eh.” Kinuha ko ang phone na inilapag niya sa mesa at sinave ang number doon. I swear mukha akong siraulo ngayon, para akong isang tuta na bigla na lang naging maamo pagtapos sigawan. “Happy?”

Ibalik ko sa kanya ang phone niya at nagmadaling tumakbo palabas ng classroom. Tingin niya ba sa akin tanga? Bakit naman ako magpapaalila sa kanya? Tch. Bago ako sumakay ng elevator ay narinig ko pa siyang sumigaw. 8-7000 kasi ang nilagay kong number doon. Try niyang tawagan, tignan ko lang kung ma-contact niya ako.

Hindi ko maiwasan ang pagtawa ng mag-isa dahil naiimagine ko ang mukha ni Thunder sa mga oras na ito. Nahampas ko pa iyong gilid ng elevator at hindi napansin na mayroong pumasok.

“Balita ko nasa devil’s section ka raw, ah. Ayan ba ang epekto sa’yo noon?” Natatawang sabi ni Liam nang sumara na ang elevator. Pakiramdam ko tuloy ay namula ang pisngi ko. Nakakahiya.

“Siguro, napapalibutan kasi ako noong mga gangster.” Ngumuso na lang ako at bigla niyang ginulo ang buhok ko.

“Nasa kabilang side lang ang classroom ko. Puntahan mo ako kapag kailangan mo ng tulong.” Sabi niya kaya ngumiti ako. Sana sila na lang ni Ayesha ang naging kaklase ko, sure akong mas magiging tahimik ang buhay ko kapag sila ang kasama ko araw-araw.

Tulad kagabi ay sabay pa rin kaming kumaing tatlo. Gusto ko sanang magtago na lang pero wala rin namang maitutulong iyon dahil magkikita at magkikita pa rin kami ng kupal na si Thunder.  And speaking of the devil. Ito na siya at nakatingin sa akin ng masama, alam kong walang maitutulong pero pilit ko pa rin itinago ang sarili ko sa hawak kong tinapay.

“Uy, anong ginagawa mo?” Tanong ni Ayesha nang tusukin niya ang baywang ko. At dahil malakas ang kiliti ko doon ay tumalsik tuloy ang hawak kong tinapay. Oh yeah, my cover has been blown up.

“Ang cute mo. Ano ba ‘yang ginagawa mo? Sayang ‘yung tinapay.” Tatatawang komento ni Liam.

“Uh… Chinecheck ko lang ‘yung texture kung maganda ba ang pagkakagawa. Napakamot ako sa ulo at tinawanan lang nila ang pagiging weirdo ko. Napaka-lame naman kasi ng reason ko, buti pa sa sila ay masayang kumakain samantalang ako, hindi makakain ng maayos dahil pilit kong iniiwasan ang masamang tingin ni Thunder.

“Cr lang ako, ah.” Paalam ko at tumango naman silang dalawa. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng cafeteria, and to be honest? Hindi naman talaga ako mag-ccr. Gusto ko lang umalis sa lugar kung nasaan si Thunder, pakiramdam ko kasi ay ano mang oras ay bubulagta na lang ako bigla sa sahig. Matapos nang ginawa ko kanina, malamag ay hindi niya iyon palalagpasin.

Naglakad lakad na lang ako around the campus since hindi ko pa ito nalilibot. Masiyado naman kasi itong malaki, sana ay may tour guide ako ngayon para naman malaman ko ang pasikot sikot dito. Kulang ang isang araw para malibot ‘to, oa pakinggan pero ganoon talaga siya kalaki.

Habang inililibot ko ang paningin sa paligid ay may isang gate ang nakaagaw ng atensyon ko. Kahit ilang beses ipagsigawan ng utak ko na wag akong lumapit doon ay hindi ko pa rin magawang sumunod dahil parang may sariling buhay ang mga sapatos ko. Ito na naman ako.

“Hell’s gate?” Binasa ko ang maliit na nakasulat sa gate. Ano kayang meron sa loob nito? Sa sobrang curious ay sinubuka kong itulak iyong gate pero hindi pa man lumalapat ang kamay ko roon ay may bumato na sa akin, dahilan para bawiin ko ang kamay.

“Aw!” Sigaw ko at nilingon kung sino ang taong iyon. Wala akong naramdamang takot sa mga oras na ito dahil mas nangingibabaw sa akin ang pagkabwisit. Nakakainis na talaga ang lalaking ito, kung kaya ko lang ay kanina ko pa siya sinapak. Ano na naman ba ang problema niya at talagang sinundan niya pa ako.

“Bakit mo ginawa ‘yon?! Napakaㅡ” Hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin dahil bigla niya akong hinawakan sa pulsuhan at hinatak palayo sa gate na iyon. “Ano ba?!”

“Itikom mo ‘yang bibig mo kung ayaw mong buhatin pa kita.” Sabi niya habang patuloy niya akong kinakaladkad, pumasok kami sa main building at dinala niya ko sa infirmary. Wala pa ring nurse dito sa loob gaya kahapon.

“Hoy Thundㅡ”

“You don’t have the right to call my name.” Pagputol niya sa sasabihin ko bago ako marahas na itinulak para maupo sa kamang narito. Binitawan na rin niya ako at sa sobrang higpit ng paghawak niya sa akin ay nagmarka na iyong kamay niya sa balat ko.

“Bakit mo ba ko binato?! Napakasamaㅡ”

“Naiirita ko sa’yo, stop talking.” Tinignan niya ako ng masama at maya-maya lang ay hinawakan niya ang kamay ko kung saan niya ako binato. Nagsalubong na lamang bigla ang kilay ko nang pahiran niya iyon ng bulak na may alcohol.

“Aray!”  Bahagya kong binawi ang kamay ko pero kinuha niya ulit iyon at hinipan. Ano bang ginagawa niya? Binato-bato niya ako tapos ngayon gagamutin niya ako, may saltik ba siya?

“Endure the pain.” Mahinahon na sabi niya habang patuloy na ginagamot ang sugat ko. Napalunok naman ako nang mapatingin ako sa kanya. Ang gwapo pala ng lalaking ito kapag ganitong umaasta siyang mabait. Ang tangos ng ilong nita at bukod doon ay ang ganda ng pilik mata niya para sa isang lalaki. Katamtaman lang din ang kulay ng kanyang balat at hugis puso ang labi niya.

“I know I’m handsome but staring is rude, you know?" Agad akong umiwas ng tingin nang sabihin niya iyon habang busy sa paggamot ng sugat sa kamay ko.

“Staring is rude, eh ikaw itong halos hindi maialis ang tingin sa akin noong nasa cafeteria tayo.” Tumigil siya sa ginagawa at naramdaman ko na lang na lumapit siya sa akin ng kaunti, dahilan para mapalingon ako sa kanya.

“Pinag-iisipan ko kasi kung paanong makakaganti sa’yo.” Bulong niya at saka ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan lalo pa’t medyo nakakatakot ang paraan niya ng pagsasalita.

“Tch, kung gusto mo talagang gumanti, bakit ka nandito at ginagamot ako?” Tanong ko at bigla na lang siyang ngumisi. Dapat pala ay hindi na lang ako nagtanong. Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin dito ngayon at pagsisihan ko na naman ang pagsagot sa kanya. Maigsi pa naman ang pasenya ng lalaking ito at madaling matrigger.

“Hindi ako sanay tumanaw ng utang na loob kaya binabalik ko lang ang ginawa mong paggamot sa sugat ko at isa pa, dito ko gagawin ang pagganti sa’yo sa pagpapahiya mo sa’kin kanina. Since soundproof itong infirmary. Walang makakarinig sa’yo kahit maputol pa ang litid mo sa kasisigaw.” And with that, awtomatiko akong napatayo at tumakbo.

Hahawakan ko na sana ‘yung doorknob pero hinatak niya ako at isinandal sa pinto. Hinawakan niya rin ang magkabilang kamay ko at idinikit doon para hindi ako makatakas.

“B-bitawan mo ko!” Sinubukan kong magpumilgas pero masiyado siyang malakas. Nanghihina ang tuhod ko sa mga oras na ito lalo pa’t ang lagkit ng tingin na ibinibigay niya sa akin. Mas gugustuhin ko pa iyong death glare niya kaysa sa ganito. Ang manyak niyang tignan.

“Alam ko naman na gaya ka lang ng ibang babae d’yan, I know you like me and you want my attention, right?” Ngumisi siya ulit at naramdaman ko na lang na dumikit ang labi niya sa leeg ko. Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa niyang iyon, para akong paralisado sa mga oras na ito. “See, hindi ka man lang nag pupumiglaㅡ”

Hindi na niya naituloy pa ang dapat niyang sasabihin nang tignan niya ako. Nakita ko na lang din ang sarili kong umiiyak at nanginginig sa takot. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang na unti-unti niyang paglayo sa akin.

“Hey! Stop crying.” Utos niya pero hindi ako kumibo. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko at hindi koi yon magawang pigilan. Natatakot ako sa mga oras na ito. Hindi ko alam ang gagawin, parang nawala ako sa sarili dahil bumalik lahat sa isipan ko ang mga masasamang nangyari sa akin noon, noong gabing muntik akong ma-rape sa apartment na tinutuluyan ko. Naibaon ko na iyon sa memorya ko pero sa isang iglap ay bumalik lahat.

“Fuck! Ano ba?!” Sigaw ni Thunder na nagpatayo sa mga balahibo ko. Itinulak niya ako paalis sa pintuan at saka siya lumabas ng infirmary, habang ako naman ay napaupo na lamang sa sahig at napahigpit ng hawak sa laylan ng palda ko. Damn you, Thunder Coss! Sumusobra ka na talaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status