Share

Chapter 5: One-on-one

“Hey, are you okay?” Marahan kong iminulat ang mata nang maramdaman ang ilang pagtapik sa balikat ko. Agad ko namang kinusot ang mga mata ko bago bumangon para sumandal sa headboard ng kamang hinihigaan. Nabigla pa ako nang mapagtanto ko na si Jiro pala iyon at kasama niya ang isa pang miyembro ng Dark na nakaupo sa likuran ko kanina sa classroom.

“Jasper, ikuha mo siya ng tubig.” Utos ni Jiro na agad namang sinunod noong si Jasper. Ngumiti ako pero blangko pa rin ang naging ekspresyon ng mukha niya. Gusto ko sana sabihin na ngumiti naman siya kaso napaka-fc ko naman kung gagawin ko iyon kaya pinili kong magtanong na lang.

“Anong nangyarㅡ” Hindi ko na naituloy ang pagtatanong dahil bigla ko na lang naalala ang nangyari kanina. Ang walang hiyang Thunder na iyon! Sana masagasaan siya ng truck o kaya naman ay tamaan siya ng kidlat dahil sa kademonyohan na ginawa niya sa akin kanina! Dahil sa kanya ay bumalik tuloy ang mga masasamang alaala na matagal ko nang nakalimutan.

“Bakit ka umiiyak?” Tanong ni Jasper ng i-abot niya sa akin ang tubig na inutos sa kanya ni Jiro kanina. Hindi ko namamalayan na umiiyak na naman pala ako.

“Ah wala. Anong oras na?” Tanong ko habang pilit pinupunasan ang luha sa pisngi ko.

“1:00 na. Dismiss na ‘yung klase.” Nanlaki na lang ang mata ko sa isinagot niya. Unang araw ko pa lang sa klase ay nag-cut na agad ako sa tatlong subject. Hindi ako makapaniwalang ang daming kamalasan na ang nangyari sa akin sa loob ng eskwelahan na ito. To think na mag-iisang araw pa lang ako? Mukhang totoo na may sumpa talaga ang lumapit sa isang insolent.

“Okay na siya, tara na. May gang fight pa tayo.” Aya ni Jasper kay Jiro at bigla na lang silang umalis nang hindi man lang nagpapaalam. Malapit na akong maniwala na hindi lahat ng insolent ay masasama kaso, kahit ilang beses ko isipin na mabait sila. Wala eh, parang napakaimposible.

May mga time lang siguro na hindi sila ganoon kasama pero hindi pa rin nawawala ang pagiging arogante nila. Typical bad boys.

“Oh Rain, bakit hindi ka na bumalik sa cafeteria kanina? Nag-alala kami ni Liam sa’yo.” Hinatak ako ni Ayesha pagbukas na pagbukas ko ng pintuan. Mukha talaga siyang nag-aalala dahil halatang hinintay niya ang pagbalik ko rito sa dorm. Nakonsensya tuloy ako.

“Sorry. May nangyari lang kasi. Hmm, may itatanong pala ako sa’yo. Kanina kasi may nakita akong gate. Hell’s gate?ㅡ”

“Oh my god! Wag na wag kang lalapit sa gate na ‘yon, No. Wag kang papasok sa loob. Mukha lang siyang paradise on the outside pero sa likod ng mga puno roon ay kuta ng mga gangster. Isang suicide ‘yon kapag pumasok ka sa loob...” Sabi niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko na para bang isa siyang nanay na pinagsasabihan ang anak niya.

“..May isang lumang function hall sa loob noon at doon nagaganap ang mga gang fights ng mga gangster dito sa Academy.” Dagdag niya pa at napatango na lang ako. Hindi ko akalain na may gano’n sa paaralan na ito. Ang creepy. Wala bang gagawing aksyon ang management ng school para sa ganoong bagay? I mean hindi naman yata angkop iyon para sa isang eskwelahan.

“Teka. Kiss mark ba ‘yang nasa leeg mo?” Tanong bigla ni Ayesha habang nakatingin sa leeg ko. Nagsalubong naman ang kilay ko at hinawakan iyon bago humarap sa salamin. Wtf?!

“K-kagat ng lamok.” Pagsisinungaling ko at dali-daling nagpunta ng banyo para maligo. Napakademonyo talaga ng lalaking iyon! Ngayon pa lang sinasabi ko na sa kanya, hindi ko siya aatrasan. Wala na akong pakialam kung ano pang gawin niya sa akin, kakalabanin ko siya kahit siya pa ang pinakagwapongㅡeste pinakademonyong leader ng Dark!

P.E ang unang subject ko tuwing Tuesday, kamusta naman iyon? Umpisa pa lang ng araw ay mahahaggard na agad kami. Napailing ako at inayos ang pagkakasuot ng choker para hindi makita ang kiss mark sa leeg ko, buti na lang ay hindi iyon ganoon kalaki kaya madali lang takpan.

“Ayesha, ibabalik ko na lang ‘tong choker mamaya after class, ah? Una na ako.” Nagmadali na akong lumabas ng kwarto matapos magpaalam at nagpunta sa gym. Kulay gray ang P.E uniform namin mula sa t-shirt hanggang sa jogging pants, at gaya roon sa regular uniform namin ay naka-indicate pa rin kung anong color ang sini-symbolize ko which is ‘Keen’

“Rain!” May tumawag sa pangalan ko kaya napahinto ako sa kalagitnaan ng paglalakad sa field. Lumingon ako at nakitang tumatakbo si Liam palapit sa akin. Kagaya ko ay naka-P.E uniform din siya. “P.E niyo rin? Saan kayo?”

“Ah sa gym, anong nilalaro niyo? Soccer?” Tanong ko nang sumulyap ako sa likuran kung saan naroon ang mga kaklase niya.

“Oo, sige balik na ako. Gusto ko lang sabihin na bagay sa’yo ‘yung choker na suot mo.” Sabi niya at saka tumakbo pabalik. Napailing na lamang ako dahil nag-abala pa siyang puriin ako, kung alam niya lang kung ano ang sikreto sa likod ng choker na ‘to.

Hindi ko alam pero nangingiti akong pumasok sa gym kung saan naroon na ang mga kaklase ko. Agad ko namang napansin na hindi pa kami kumpleto. Wala pa ‘yung dark.

“Anong nangyari sa kamay mo?” Tanong ni Tymee nang maupo ako sa tabi niya. Tinignan ko naman iyong kamay kong may band aid bago siya sagutin.

“Ah nasugatan ako kahapon.” Biglang marahas na bumukas ang double door ng gym kaya naman nag-echo iyon dito sa loob. Lahat kami ay napatingin, pero agad din akong umiwas nang magtama ang paningin namin ni Thunder.

“Okay. Since kumpleto na tayo, please kindly pick your opponents. Maglalaro tayo ng basketball, pero shooting lang. 1v1, the winner will have 100 points for today’s activity.” Sabi ni coach Andrei, well I guess that his name dahil iyon ang nakalagay sa bandang dibdib ng T-shirt niya.

“Pano ‘yon? 25 kami rito?” Tanong ni Tymee.

“Then ako ang magiging opponent ng walang kapartner.” Sabi ni coach at nag-umpisa nang mamili ang mga kaklase ko ng makakalaban nila para sa activity. Balak ko na sanang kausapin si Tymee ngunit nagpunta sa harapan ko si Thunder. Tinignan ko siya ng masama at iniwasan.

“Si Celvero ‘yung partner ko.” Biglang sabi niya ng itaas niya ang kaliwang kamay niya. Nanlaki na lang ang mga mata ko at hindi na nakapagreklamo dahil nagsalita na si Coach.

“Okay. Lumapit kayo sa’kin..” Sinunod naming ang instruction ni coach at lahat ay nagsilapitan kung saan siya naroon. Naglabas din siya ng barya habang nakatingin sa magkakapartner. “First two. Mr. Villaruel and Mr. Sevilla. What’s your choice?”

“Heads.” Sagot ni Jiro kaya automatic na tails ang mapupunta kay Axel. Hinagis na si Coach ang hawak na barya at heads ang lumabas doon kaya naman si Jiro ang mauuna. May one minute lang din para makashoot ng ilang points. Ganoon ang rules na ibinigay kaya parang ang unfair sa side dahil ako lang ang may lalaking kalaban.

Pumwesto na si Jiro sa harapan ng ring at nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa mag-umpisa siyang mag-shoot ng bola sa hudyat ni Coach. Tahimik ko siyang pinapanuod pero bigla na lang akong nakaramdam ng black aura sa paligid. Nakalimutan kong may nakatayo nga pa lang demonyo sa gilid ko kaya lumayo ako ng kaunti kay Thunder, dahilan para masagi ng balikat ko si Matthew.

Tinignan niya ako at kininditan. Eh? Bakit ba ang hilig nilang kumindat? Umabante na lang ako para makaiwas sa kanila ngunit laking gulat ko na lang nang may biglang humila ng buhok ko. Sisigaw sana ako pero hindi nagawa nang maramdaman kong may dumaang bola malapit sa mukha ko. Kung hindi hinila ng taong iyon ang buhok ko, malamang ay natamaan na ako ng bola.

“Ano? Mag rereklamo ka? I just saved your life.” Bored na sabi ni Thunder mula sa likuran. Saved my life? Napaka-oa niya. Mamamatay ba ako sa bolang iyon para masabi niya na iniligtas niya ang buhay ko?! At isa pa pwede naman niyang sabihin na umiwas ako, bakit kailangan niya pang hatakin ang buhok ko? Makakahanap at makakahanap tlaga siya ng paraan para masaktan ako. Bwisit!

“Okay ka lang?” Tanong ni Jiro nang lumapit siya sa direksyon ko para kuhain ‘yung bola. Tumango naman ako ng marahan at ngumiti. Akala ko ay masasabihin pa siya pero agad din siynang umalis para i-abot ang bola kay Axel.

“Mr. Cross and Ms. Celvero.” Tinawag na ang apelyido naming matapos ang turn ni Axel kaya nagpunta na kami sa harap ng ring. Tails ang pinili ni Thunder kaya siya ang nauna. Bago siya mag-umpisa ay nilingon niya pa ako.

“One-on-One ‘to. Kapag natalo ka, magiging slave kita.” Sabi niya at hindi ko na iyon pinansin pa. Wala akong pakialam sa sinasabi niya. Bahala siyang mamumiti ang mga mata niya kakahintay na pumayag ako sa gusto niyang mangyari. Baka akala niya ay nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin kahapon.

Narinig ko ang pagpito ni Coach kaya naman nawala ang iniisip ko, napairap na lang ako habang pinapanuod ang sunod-sunod na pagpasok ng bola sa bawat pagbato ni Thunder, hindi na rin ako nabigla nang 25 ang naging score niya. Mayabang niya pang binato sa akin ang bola na mabilis ko namang nasalo.

“You can’t beat that.” Pagyayabang niya pa kaya pumwesto na ako at nag-umpisa maghagis ng bola sa ere, bato lang ako nang bato at kahit paano naman ay may pumapasok. Unti-unti akong napapangiti dahil nakakarami na rin ako, pero hindi pa rin iyon sapat. 16 points lang ang nakuha kong score.

“Paano ba ‘yan? You’re my slave now.” Sabi ni Thunder pero nilagpasan ko lang siya at dumiretso na sa locker room para magpalit ng regular uniform. Sabi naman ni Coach ay pwede nang magpalit once na matapos ang turn sa activity.

“You’re my slave now. Lul, asa ka!” Kinausap ko na ang sarili ko sa sobrang pagkairita dahil sa lalaking iyon. Kung makaasta siya ay parang hindi niya ako minanyak kahapon, nakakaasar. Karmahin sana siya!

Habang nagbibihis ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas, parang may bumagsak na ewan.

“May tao ba d’yan?” Tanong ko habang narito sa isang cubicle. Walang sumagot sa tanong kong iyon pero nakakarinig pa rin ako ng kaluskos mula sa labas. Binilisan ko na lang ang pagbibihis ngunit bigla na lang may nag-flash mula sa itaas. Nagmadali akong ibutones ang uniform ko para lumabas ng cubicle. Sure akong sa camera galing ang flash na iyon.

“S-sorry na.” Paglabas ko ng locker cr ay nakita ko na lang na hawak-hawak ni Jiro sa leeg ang isang lalaki na may bitbit na dlsr. Sinulyapan ako ni Jiro nang mapansin niya ako pero ibinalik niya din ang atensyon sa lalaki at laking gulat ko nang walang awa niyang sinira ang camera nito at kunin iyong memory card. Halos maiyak pa ang lalaki habang pinagmamasdan ang wasak-wasak niyang camera sa sahig. Hindi ko na rin magawang kumilos dahil sa mga pangyayari.

“Wala ka na bang naiwan sa loob?” Tanong ni Jiro nang lapitan niya ako. Tumango lamang ako ng dahan-dahan at hindi inaasahan na hahawakan niya ako para hatakin palabas.

Lahat ng mga kaklase kong nadaanan namin ay nakatingin sa aming dalawa. Maging ang ibang miyembro ng dark ay tila gulat na gulat din sa nakita, si Jiro naman ay patuloy lang sa paghila sa akin na para bang wala siyang pakialam sa paligid. Na parang kami lang ang tao sa mundo.

Bago kami tuluyang makalabas ng gymasium ay nahagip ng paningin ko si Thunder. Those death glare, bakit parang mas nakakatakot na siyang tumingin ngayon?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status