Share

Chapter 7: Enemies

Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang gulo sa loob ng hell’s gate at hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok si Thunder dahil sa nangyari. Dahil doon ay dalawang araw na ring payapa ang buhay ko, hindi ako nasangkot sa kahit anong gulo at hindi ako nasaktan pero hindi ko magawang magsaya. Kahit na naman kasi sabihing hindi ko pa siya napapatawad sa ginawa niya sa akin noon sa infirmary ay hindi ko pa rin maiwasan ang ma-curious kung ano nangyari sa kanya. Gusto ko man siyang puntahan sa boy’s dorm o kaya sa hideout nila para kamustahin ay hindi ko magawa. Ayoko nang bumalik sa lugar na iyon.

Flashback/

Kahit narito na ako sa loob ng hideout nila ay hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko. Malayo man ako sa gulo ay tanaw na tanaw ko pa rin dito mula sa pinto ang away na nagaganap dahil hindi naman ganoon kalayo ang pwesto nila, at isa pa gawa sa salamin ang pader at pintuan ng buong hideout.

Tumakbo na rin papunta roon sila Axel para tulungan ang dalawang kagrupo. Napatingin na lamang ako sa kamay ko dahil nagdudugo iyon. Masiyado yatang malakas ang pagkakahawak sa akin ni Thunder kaya na-pressure ang sugat ko

‘Yung lalaking ‘yon. He really have his ways para takutin ako, pero mabuti na lang at may natitira pang konting kabaitan sa loob niya. At ‘yung ginawa niya sa akin kanina, hindi ko akalain na gagawin niya iyon. He saved me, again.

“Tara na. Mag-uumpisa na ‘yung klase.”Mabilis akong napatingala nang marinig ang boses ni Jiro, hindi ko namalayang pumasok sila. Sinundan ko siya ng tingin habang inaayos niya ang uniform niyang nagulo, muli akong napatingin sa labas at nakitang nakahiga na sa lupa ang mga third year na nakaaway nila. Alam kong kabaliwan itong gagawin ko pero may nagtutulak talaga sa akin na yakapin si Jiro kaya naman hindi ako nag-alinlangan na gawin iyon.

“Salamat.” Iyon lang ang nasabi ko at agad ding kumalas nang makita ko si Thunder na pumasok na rin ng hideout. Lalapitan ko sana siya para pasalamatan ngunit tinignan niya lamang ako ng masama.

“Umalis na kayo. Hindi ako papasok,” Bored na sabi nito at saka padabog na umakyat ng hagdan, dahilan para mapatingin ako sa apat niyang kagrupo.

“Tara na.” Kibit balikat na aya ni Jasper bago kami sabay-sabay na lumabas sa hideout nila. Sa dami ng nangyari ay hindi ko na tuloy naisip na kasama ko ang grupong kinakatakutan ng mge studyante rito sa Academy, bahagya pa akong nakonsensya dahil hindi ko sinunod ang bilin sa akin nila Ayesha at Liam. Bukod doon ay nakokonsensya din ako dahil hindi ko man lang napasalamatan si Thunder dahil sa ginawa niyang pagligtas sa akin.

End/

“Inaalala mo ba si Thunder?” Tanong ni Axel nang mapansing balisa ako. Agad akong napalingon sa kanya at umiling. Kasalukuyan kaming magkatabi ngayon dahil kami ang mag-partner sa iniwang activity na binigay ng prof, ang weird lang isipin na parang sinasadya talaga ng tadhana na ilapit ako sa grupo ng dark. Masasabi ko rin na medyo naging komportable ako sa kanila matapos kong sumugod sa hideout nila. Minsan tuloy ay naiisip ko kung may saltik na rin ba ako, but to be honest? Hindi naman sila ganoon nakakatakot gaya ng sinabi sa akin nila Ayesha. Insolent nga sila pero hindi sila ganoon kasama, mukhang pangit lang talaga ang imahe nila dahil sa Kind na meron sila.

“Hindi naman sa nag-aalala, hindi ko pa kasi siya napapasalamatan. Bakit nga pala hindi siya pumapasok? May sakit ba siya?” Tanong ko dahil baka nabinat siya or what, hindi pa naman kasi ganoon kagaling ang sugat niya.

“Oo, nasuntok kasi ng ilang beses ang sugat sa braso niya. Yun siguro ang dahilan kung bakit nilalagnat siya hanggang ngayon.” Nakapalumbaba g sagot ni Axel habang nakatingin sa akin.

“Nasaan siya ngayon? Pupuntahan ko siya.” Nagmadali ako sa pag-aayos ng gamit ko nang malamang may sakit nga ang kumag na iyon.

“Wag na, malayo naman ‘yon sa bituka. Don’t mind him.”

“Please?”

“Ayaw.” Napanguso na lamang ako at tumayo para lapitan si Matthew. Napakafeeling close ko nang gagawin kong ito pero hindi na ‘yon mahalaga. Wala na rin akong pakialam kung tignan pa ako ng mga kaklase ko. Hindi ako nagdalawang isip na hawakan si Matthew sa pulsuhan at hatakin palabas ng classroom, sure naman kasi ako na sa kanilang lima ay siya iyong pinakamabait. At isa pa kahit hindi ko siya ganoon kakilala, masasabi kong malayo ang ugali kay Thunder. Kung hindi ko nga lang alam na insolent siya ay aakalain kong nabibilang siya sa grupo ng amiable.

“Saan mo ako dadalhin cutiepie?” Tanong niya habang naglalakad kami sa hallway. Tsk, wala na ba siyang naiisip na mas magandang itawag sa akin bukod sa cutiepie?!

“Samahan mo ko kay Thunder.”

“Ha? Anong kapalit?” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. Napahawak pa siya sa baba niya na tila nag-iisip. “Hmm alam ko na, dance with me later.”

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya, binitawan ko na rin ang isa niyang kamay dahil sa mga estudyanteng nakakasalubong naming sa hallway. “Anong dance with you later?”

“Basta.” Kinindatan niya ako bago kami pumasok ng elevator.  Ayon sa kanya ay wala raw sa hideout si Thunder ngayon kaya naman sa boy’s dorm kami dumiretso. Bawal itong ginagawa ko pero okay na ‘to kaysa hindi ako patulugin ng konsensya ko. Mabuti na lang at wala mga estudyante rito dahil lahat ay nasa klase.

“Ayan, kwarto ‘yan ni Jiro at Thunder. Sigurado kang papasok ka mag-isa? Baka rapin ka ni Thunder.” Seryosong sabi ni Matthew nang huminto kami sa tapat ng room 318. Mabilis akong napalingon sa kanya habang hindi maipinta ang mukha ko. “Nah, just kidding. Sige na pumasok ka na sa loob bago pa may makakita sa’yo.”

“Thank you.” Tinapik niya lang ang balikat ko bago tuluyang umalis. Huminga naman ako ng malalim at saka kumatok sa pintuan. Halos mag-iisang minuto rin bago iyon bumukas, balak ko pa sanang magsalita pero agad akong napaiwas ng tingin nang mapansing wala na namang pang itaas si Thunder.

“Ginagawa mo rito?” Bored na tanong niya pero bago ko siya sagutin ay pumasok muna ako sa loob. Halatang nabigla siya sa ginawa kong iyon ko pero pinanatili niya ang blankong ekspresyon sa mukha niya.

“Kamusta?” Kaswal na tanong ko habang tinitignan ang buong kwarto. Sarado ang mga kurtina kaya naman madilim dito sa loob, halata ring kwarto ito ng lalaki dahil magulo at nagkalat ang maduming damit sa kung saan.

“Nah, I’m okay. Ikaw? Sa tingin mo ba ay magiging okay ka nang tayong dalawa lang dito?” Tanong niya nang mahiga siya sa kama habang ginagawa niyang unan ang kaliwang braso. Napalunok pa ako nang makita ang pagngisi niya pero pinilit kong wag iyon pansinin.  Alam kong hindi ako hindi siya gagawa ng masama ngunit kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sarili ko ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

“Yung sugat mo ‘yung kinakamusta ko. Hindi ikaw,”Lumapit ako ng bahagya sa kanya para sa tinignan ang sugat niya pero sa iba bumabaling mga mata ko. Tss, wala man lang ba siyang balak magsuot ng t-shirt?

“Sure ka?” Tanong niya at laking gulat ko na lang nang bigla niya akong hinatak, dahilan para pumaibabaw ako sa kanya. Dali-dali kong ipinikit ang mga mata dahil sa sobrang kaba, sinubukan ko ring bumangon ngunit niyakap niya ako para hindi makatakas. Manyak talaga ang isang ito! May sakit na siya pero nagagawa niya pa ring magbiro nang ganito. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya, nakakapaso.

Halos sampong segundo ang lumipas nang maramdaman kong lumuwag ang pagyakap niya sa akin, kinuha ko ang pagkakataong iyon para bumangon at tignan siya ng masama habang inaayos ang uniform kong nalukot. Natawa siya ng bahagya bago maupo at sumandal sa headboard ng kama, kinuha na rin niya ang sando sa tabi niya at nagbihis. Mabuti naman at marunong siyang makaramdam.

“Gagamutin ko lang ‘yung sugat mo tapos babalik na ako sa klase.” Sabi ko nang kuhain ko ‘yung first aid kit na nasa ibabaw ng cabinet lamesa malapit sa kama niya. Halatang sinusubukan niyang linisin ang sugat niya ng mag-isa dahil magulo pa iyong kit at nagkalat ang bulak sa sahig. Tinignan ko siya bago maupo sa dulo ng kama at tignan ang sugat niya.

Nakakabigla rin dahil hindi siya nagreklamo gaya noong unag nagprisinta ako na gamutin ang sugat niya, kusa din niyang inilapit ang kanang braso niya sa akin. Mukhang may sakit nga talaga siya ngayon.

“I know I’m beautiful but staring is rude you know?” Tanong ko nang maramdaman kong nakatingin siya sa akin habang abala ako sa paglilinis ng sugat niya.

“Alam mo bang ayaw ko sa presensya mo?” Hindi ko siya tinignan matapos iyong marinig at nagpatuloy lang ginagawa.

“The feeling is mutual kaya babalik tayo sa pagiging magkaaway ‘pag tapos nito.” Bahagya akong napangisi dahil baka akala niya ay nakalimutan ko na ang kasalanan niya sa akin, nandito lang naman ako dahil ayokong kainin ng konsensya ang utak ko mamayang gabi at isa pa, hindi pa ako nakakapagpasalamat ng matino.

“Bakit? Hindi ka rin ba sanay tumanaw ng utang na loob?” This time ay hindi ko na napigilan ang sarili at tinignan na siya habang nakangiti ng pilit.

“This is my way of saying thank you. Kung hindi dahil sa inyo ni Jiro, malamang ay nababaliw na ako ngayon.”

“Tss!” Iyon lang ang lumabas sa bibig niya kaya kahit alam kong  awkward ay pinili ko pa ring magkwento sa kanya. Tutal siya naman ang dahilan kung bakit bumalik sa akin ang mga masasamang alaala na iyon, so might as well ipaalam ko na rin sa kanya.

“Second year highschool ako nang mamatay si mama. Simple lang naman ang buhay namin, hindi kami gano’n kayaman at namumuhay lang ng normal pero isang gabi, may grupo ng mga kalalakihan ang biglang nanloob sa bahay namin..”

“..Nagkataon na ako lang ang tao sa bahay noong gabing ‘yon. Hindi ko alam kung ano talaga ang pakay nila hanggang sa subukan akong gahasin ng isa sa kanila, habang ang iba niyang kasamahan ay may kung anong hinahaluglog sa bahay..” Huminga ako nang malalim at saka ginupit ang bandage na hawak bago magpatuloy sa kwento.

“Wala akong sapat na lakas noong oras na ‘yon para lumaban dahil masyadong malakas ang lalaki pero biglang dumating si mama, iniligtas niya ako sa kapahamakan. Pilit niyang inilayo ang masasamang tao sa akin at sobrang takot na takot ako noong mga oras na ‘yon to the point na hindi ko magawang kumilos para tulungan si mama sa mangyayaring aksidente..” Ramdam kong lalabas na ang luha sa mga mata ko pero pinigilan ko iyon.

“Kung hindi dahil sa akin, siguro ay hindi siya mababaril at malamang ay buhay pa siya ngayon. Simula noon ay takot na akong makakita ng away, takot akong masangkot sa kahit anong riot… At saka alam mo ba na dahil sa ginawa mo sa akin noon sa infirmary ay bumalik ‘yung trauma ko?” Tanong ko nang tumayo ako dahil nailagay ko na ang bandage sa braso niya. Ibinalik ko na rin ang first aid kit kung saan ko iyon kinuha kanina.

“Hindi mo na kailangan sagutin ang tanong ko. Sinabi ko lang ‘yon para kahit paano ay makonsensya ka naman kung meron ka man noon. Babalik na ako sa room, pagaling ka.” Nakatitig lamag sa akin si Thunder at hindi nagpakita ng kahit anong emosyon kaya naglakad na ako patungo sa pintuan pero bago  pihitin ang doorknob ay nilingon ko muna siya.

“We’re still enemies, Thunder Cross, wag mo ‘yon kalimutan.” Paalala ko at nagngisian lang kaming dalawa bago ako tuluyang lumabas. Kahit papaano ay gumaan na iyong bigat sa loob ko, naka-ready na rin ako para sa pagbabalik ni Thunder.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status