Share

Chapter 8: Light’s off

“Rain hindi ka pa ba mag-aasikaso?” Tanong ni Ayesha habang kumportable akong nagbabasa ng libro sa kama, samantalang siya naman ay abala sa pagpili ng damit sa cabinet niya.

“Bakit? Maaga pa naman para mag-dinner, ah? 6:00 pm pa lang.” Naramdaman kong lumapit siya sa akin kaya natigil ako ginagawa at napatingala sa kanya. Gulat na gulat siya na para bang may nangyaring hindi tama.

“Oh my god!” Tinakpan niya ang bibig niya ngunit agad din iyong tinanggal. “Hindi ko ba nasabi sa’yo?”

“Ang alin?” Naguguluhang tanong ko dahil wala akong ideya kung ano ang gusto niyang iparating o sabihin. Masyado ko bang iniisip ang nangyari nitong mga nakaraang araw kaya may nakaligtaan ako sa paligid?

“About sa party mamaya. Every three months kasi ay may nagaganap na gathering ‘yung limang kinds. Meaning lahat ng estudyante ay magsasama-sama sa isang event.” Tumango ako at naalala iyong sinabi ni Matthew kanina, hindi kaya may kinalaman ‘yon sa party na ‘to? “Ano pa hinihintay mo, Rain? Magbihis ka na.”

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay inagaw nan i Ayesha ang hawak kong libro at inilapag iyon sa katabing lamesa, matapos noon ay hinila niya ako para tumayo na.

“May nakita akong dress na babagay sa katawan mo, papahiram ko sa’yo.” Naglakad siya papunta sa harap ng nakabukas niyang cabinet ay may kinuhang pulang na longsleeve fitted dress doon, inabot niya iyon sa akin bago mapunta sa lagayan niya ng sapatos at pagbalik sa harapan ko ay may dala na siyang heels.  Balak ko pa sanang magsalita pero itinulak na niya ang balikat ko papunta ng banyo para magbihis. Wala naman akong nagawa kung hindi ang suotin na lang iyon.

“Hindi ba masiyadong maigsi ‘to? At saka kailangan ba naka-heels?” Tanong ko nang lumabas ako ng banyo at makitang naka-ayos na si Ayesha. Nakasuot siya ng black dress, medyo may pagkapareho sa akin pero ‘yung kanya sleeveless. Mabuti na lang at nakaligo na ako kanina kaya kahit paano ay hindi ako dugyot tignan.

“Okay lang ‘yan. Mas sexy kasi tignan kapag naka-heels. Tara na, lalagyan kita ng make-up. Ayusin din natin ‘yang buhok mo.” Gaya kanina ay wala na akong nagawa dahil hinila niya ako sa harapan ng salamin, hindi pa naman ako sanay sa ganitong bagay kaya medyo naiilang ako sa tuwing may ilalagay si Ayesha sa mukha ko. Lahat ng utos niya ay sinusunod ko mula sa pagbuka ng bibig, pagsara ng mata at pangngiti. “Okay done!”

Tinignan ko ang sarili sa salamin at hindi makapaniwalang may iaayos pa pala ang itsura ko, bagay na bagay lang din sa kulay ng balat ko ang mga ginamit na make-up ni Ayesha sa mukha ko, mula sa lipstick, eyeshadow, foundation at blush on. Everything’s perfect.

“Thank you.” Nakangiti kong sabi mula sa repleksyon ni Ayesha sa salamin. Tumango-tango siya kaya naman tumayo na rin ako at sabay na lumabas ng dorm kung saan naroon si Liam, ang gwapo niya tignan sa suot niyang white V-neck shirt, itim na leather jacket at denim pants. Simple lang pero ang lakas ng dating.

“Woah. Ang ganda niyo, ah?” Pagpupuri niya sa amin bago ito pumagitna sa amin ni Ayesha. Medyo nahiya pa akong ikawit ang braso ko sa braso niya gaya ng ginawa ni Ayesha pero ginawa ko pa rin. Mabuti na lang at malapit lang ang function hall sa dorm kaya mabilis kaming nakarating doon, hindi pa naman ako sanay mag-heels. Wala pang isang oras pero ramdam ko na ang pananakit ng hita ko.

“Mocktails and beers ang sineserve tuwing party. Every month iba rin ang nag-oorganize. If I’m not mistaken, Insolent ang organizer ngayong month.” Sabi ni Ayesha habang naghahanap kami nang mapagp-pwestuhan sa loob. Wala kasing upuan at tanging mga tables lang ang narito. Marami na rin ang okupadong lamesa kaya medyo mahirap maghanap ng magandang pwesto.

 “Anong gusto niyong inumin?” Tanong ni Liam nang sa wakas ay makahanap na kami ng pwesto. Medyo malayo kami sa stage pero kahit ganoon ay okay naman dito, hindi madilim at hindi gaanong maliwanag. Sakto lang din ang lamig.

“Mocktails na lang kaming pareho.” Si Ayesha ang sumagot at tumango lamang si Liam bago magpunta sa long table kung saan naroon ang karamihan ng inumin na nasa baso na.

“Rain, wait lang, ah? Puntahan ko lang mga classmate ko.” Paalam ni Ayesha at agad naman akong tumango habang nakangiti. Saktong pag-alis naman niya ay biglang tumugtog ang ang kantang despacito, dahilan para mapuno na ang ingay ang buong hall. Kasabay noon ay ang pagsayaw ng ilang estudyante na tila sumasabay sa mga neon lights na kung saan-saang direksyon napupunta.

“Wow! Who’s that chick?” Nakakalokong tanong ni Matthew nang sumulpot siya sa pwestong kinaroroonan ko. “Bakit mag-isa ka?”

Balak ko na sanang sagutin ang tanong niyang iyon ngunit dumating na si Liam at inilapag ang dalawang inumin sa mesa.

“Date mo?” Tanong ni Matthew at agad naman akong umiling. Inilibot ko pa saglit ang paningin sa buong function hall, nagbabakasakali na Makita ang kagrupo niyang si Jiro. “Wala si Thunder.”

Biglang sabi ni Matthew nang mapansin niyang may hinahanap ako, dahil doon ay bumaling ang tingin ko sa kanya. “Hindi siya ang hinahanap ko, at isa pa… Ikaw lang bang mag-isa nandito?”

“Hindi, nandoon ang mga kasama ko malapit sa stage… Sige mauna na ako, mukhang beast mode ‘yung date mo, eh.” Paalam ni Matthew bago umalis. Napalingon naman ako kay Liam, magkasulubong ang mga kilay niya at halos magdikit na iyon.

“Uy, okay ka lang?” Tinapik ko ang balikat niya at umiling.

“Hindi. Hindi ko kasi ma-gets kung bakit gano’n siya makipag-usap sa’yo pagtapos ka nilang bigyan ng note. You can’t trust them, Rain. Stay away from them.” Seryosong sabi niya kaya hindi ko tuloy maiwasang kabahan, may point naman siya, eh. Pero pakiramdam ko ay mabait talaga si Matthew. Iba siyang makitungo sa akin at naappreciate ko iyon.

“May I call the presence of Mr. Liam Montero here on stage?” Boses ni Ayesha mula sa speaker nang humina ang malakas na tugtog. Sabay naman kaming napalingon ni Liam sa stage kung saan naroon ang kaibigan.

“Aish! Sinabi ko na sa kanya na ayokong kumanta, eh.” Napakamot pa siya sa ulo ngunit nagpaalam pa rin siya sa akin na aalis muna. Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang makarating sa stage at tumayo sa harapan ng mic stand. Maya-maya pa ay tuluyan nang nawala ang tugtog at isa-isang namatay ang mga neon lights kasabay nang pagkanta ni Liam sa kantang Lost stars ni Adam Lavigne.

Napunta sa kanya ang spotlight at hindi ko maiwasang mapapikit, ang sarap sa tainga ng boses niya.

“Malapit na ‘yung lights off!” Kinikilig na sabi ng babaeng hindi kalayuan ng pwesto ko, dahilan para dumilat ang mga mata ko. Nagtataka ko siyang nilingon pero maya-maya lang ay biglang dumilim sa paligid. Pati ang mga ordinaryong ilaw ay namatay na rin, sinubukan kong wag mag-panic pero hindi ko iyon nagawa nang may bigla na lang humawak sa baywang ko.

“Sino ka?” Tanong ko ngunit imbis na sumagot ay nag-umpisa na siyang gumalaw para isayaw ako. Kunot noo akong sumasabay sa galawa niya kahit na hindi ko naman alam kung sino ang taong ito. Ilang segundo ang lumipas at bumukas ‘yung ilaw.

“Hi. Natakot ba kita?” Natatawang tanong ni Matthew,dahilan para mas lalong kumunot ang noo ko. So, ito pala talaga ‘yung sinasabi niyang ‘Dance with me later’ paano naman siya nakasigurado na pupunta talaga ako rito? “Kapag namatay ulit ‘yung ilaw, wag kang bibitaw sa’kin, baka kung sino ang kumuha sa’yo, eh.”

Nagpatuloy kami sa pagsasayaw at hindi inalintala ang sakit na nararamdaman dahil sa heels. Kahit paano ay nakaka-relax pa rin dahil tuloy lamang sa pagkanta si Liam.

“Nandito ‘yung mga nakaaway namin sa loob ng hell’s gate.” Dagdag ni Matthew kaya agad na kumalabog ang puso ko, hindi ko tuloy maiwasang mapalingon sa paligid. Baka ako ang gantihan ng mga lalaking iyon dahil sa nangyari noong nakaraang araw. Magsasalita sana ako para sabihin na babalik ako ng dorm pero bigla na namang namatay ang ilaw at naramdaman ko na lang na may humihila sa akin palayo kay Matthew.

 “Nice to see you again, new girl.” Shit! Gusto kong sumigaw nang marinig ang nakakatakot na boses ng lalaking iyon pero pagbukas ulit ang ilaw at hindi inaasahang si Thunder ang bubungad sa akin. Nakakasira man ng gabi ang presensya niya ay nakahinga pa rin ako ng maluwag, ano bang ginagawa ng lalaking may sakit sa ganitong event? Dapat ay nagpapahinga na lang siya.

“Pwede ba? Wag kang nananakot ng gano’n?!” Irita kong reklamo nang makita ko ang pagngisi niya sa naging reaskyon ko. Balak ko na rin sanang lumayo sa kanya ngunit sapilitan niyang inilagay ang kamay ko sa balikat niya.

“Still scared of me?”

“Kailan ba ako natakot sa’yo?” Medyo may pagkasarcastic na tanong ko, dahilan para hindi siya agad makasagot. Halatang naiinis siya, ganito ba kalakas ang epekto ko sa gaya niya? Wala pang isang lingo pero pakiramdam ko ay buwa na kaming nagtatalo at nagsasagutan.

“You’re brave.” Komento niya nang ilagay niya ang kamay niya sa baywang ko at isayaw sa marahang paraan.

“No, hindi lang ako naiintimidate sa’yo.”

“Really?” Tanong niya nang bigla niyang hinatak ang baywang ko palapit sa kanya. Iyon ang naging dahilan para maging inches na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya sa sobrang lapit namin at pakiramdam ko, ano mang oras ay mahihirapan akong huminga dahil sa tingin na ibinibigay niya sa akin sa mga oras na ito. “Hindi ka pa rin naiintimidate?”

“Still no.” Pagsabi ko noon ay saktong namatay na naman ang ilaw for the third time. Ramdam kong humigpit ang hawak sa akin ni Thunder na para bang ayaw niya na may kumuha sa akin, na-appreciate koi yon pero ang sumunod niyang ginawa ay hindi ko inaasahan.

In just one snapped, nakadikit na ang labi niya sa akin. Sa sobrang pagkabigla sa nangyari ay hindi ko agad nagawang kumilos, pero nang ma-realize ko kung ano ang ginawa niya ay mabilis ko siyang itinulak palayo kasabay nang muling pagbukas ng ilaw. Pilit kong kinusot ang labi ko gamit ang likod ng palad na tila diring-diri sa nangyari.  Anong karapatan niyang gawin ang bagay na iyon ng walang permiso?

Tinignan ko siya nang masama at hindi na nagawang magsalita, tumakbo na lamang ako palayo at nang malapit ko nang marating ang double door ay muling namatay ang ilaw, dahilan para mapahinto ako.

“Bakit namatay na naman ‘yung ilaw?”

“Di ba tatlong beses lang ang lights off?”  Nag-umpisa na naman akong kabahan matapos marinig ang ilang tanong mga estudyante sa paligid. Sinubukan kong mangapa sa dilim pero nahinto rin iyon agad nang maramdamang may nakatayo sa harapan ko.

“I guess it’s not a lucky night for you, new girl.” Nagbilang ako ng limang segundo, nagbabakasakali na pinagtitripan lang ako ni Thunder ngunit ilang segundo na ang nakalipas at hindi pa rin bumubukas ang ilaw.

Shit.

“Hindi ba talaga kayo nadadala?” Tanong ng pamilyar na boses. Wala man akong makita ay alam ko kung kanino galing ang boses na iyon. It’s from Jiro, I can’t be wrong. “Third year na kayo, bakit nakikipaglaro pa kayo?”

Biglang bumukas ang ilaw at nakitang nasa harapan ko ang mga third year. Agad ko namang nilingon si Jiro na cool na cool lang na nakatayo sa likuran ko. Nakasuksok ang mga kamay nito sa bulsa ng pantalon na suot at hindi nawawala ang blankong ekspresyon sa mukha niya.

“Hoy Villaruelㅡ” Hindi na nagawang ituloy ng lalaki ang sasabihin nang biglang dumating sila Thunder. Ramdam na ramdam ko ang namumuong tensyon sa dalawang grupo at mukhang hindi lang ako ang nakapansin noon dahil nagsilapitan na ang ilang estudyante para manuod sa mangyayaring gulo.

Kahit napapagitnaan ay nagawa ko pa ring tumingin s astage kung saan natapos na sa pagkanta si Liam. Mukhang natanaw niya pa ako dahil dali-dali siyang bumaba ng stage kasama si Ayesha. Bakas na bakas ang pag-aalala sa kanilang dalawa.

Gusto ko pa sanang ihakbang ang paa ko para tumakbo papunta sa kanila ngunit hindi ko na nagawa nang mabilis akong nahatak ng mga third year. Sa sobrang rahas ng paghila sa akin ay natapilok na ako. Damn it! Hindi ba sila aware na nakaheels ako? Wagas kung makahatak.

“Come on! Let me try this girl. Hindi niyo naman chicks ang isang ito, bakit ipinagdadamot niyo?” Tanong ng lalaking nakahawak sa braso ko. Tinignan ko ito ng masama at hindi maiwasang mandiri.

“Eh kung sabihin ko sa’yo na girlfriend ko siya? Gusto mo pa rin bang i-try? Mamili ka. Siya o buhay mo?” Hindi ko alam kung matatakot ba ako o kikiligin dahil sa sinabing iyon ni Jiro. Although alam ko naman na sinusubukan lang niya akong iligtas, hindi ko pa rin maiwasan ang humanga sa kanya.

Mukhang effective naman ang sinabi ni Jiro dahil naramdaman ko ang pag luwag nang pagkakahawa sa akin ng lalakㅡor so I thought.

“Hindi ako tanga, Villaruel.” Inakbayan ako ng lalaking iyon at kinilabutan nang ilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. Napapikit na lamang ako sa takot. Sana kainin ako ng lupa ngayon, nagsisisi na ako na nagpunta pa ako sa party na ito. Kung alam ko lang nah-huntingin ako ng mga third year na ito, sana ay tinapos ko na lang ang pagbabasa ng libro.

“Hoy! Ako lang may karapatan gumawa niyan sa kanya.” Nawala bigla ang takot ko dahil sa isinigaw ni Thunder. Tinignan ko siya ng masama dahil doon at maya-maya lang ay may ibinato siya sa direksyon namin.

Saktong pagbitaw sa akin nang lalaki ay hinatak ako ni Thunder palayo at doon na nga nagsimula ang gulo. Itinulak niya ako palayo kaya natapilok na naman ako. Napapikit ako ng mariin hanggang dumating sina Ayesha at Liam para alalayan ako at mas ilayo pa sa nangyayaring gulo.

“Rain, are you okay?” Sabay na tanong nila at tumango lamang ako habang pinagmamasdan kung paanong magsuntukan ang dalawang grupo.

Bakit ba simula nang tumapak ako sa eskwelahan na ito ay lagi na lang akong nalalapit sa gulo? At bakit lagi na lang si Thunder ang nagliligtas sa akin tuwing napupunta ako sa alanganin? Siya ang ang puno’t dulo ng kamalasan ko pero hindi ko magawang magalit sa kanya ng sobra. Siya ang dahilan kung bakit ako napapahamak pero siya rin ang dahilan kung bakit ako nakakaligtas. Mukhang malaki talaga ang magiging papel ng lalaking ito sa buhay ko kaya kami pinagtapo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status