Share

Chapter 6-At the Pub

Adjusting her red strappy-back bodycon dress, Maryjane went to check herself again and went to the door.

Grave naman ang usok dito, nakakasira ng lungs, may ilaw pang patay sindi, nakakahilo, pwede namang huwag ng mag ilaw, kung hanap lang naman ay lalaki, marami naman diyan sa tabi tabi. 

Jerking her head, she went to their table and sauntered slowly,

knowing na maraming nakatingin na mga lalaki, binagalan niya ang kanyang lakad. Huwag naman sana siyang madapa dito, nakakahiya, di naman kataasan ang heels niya but knowing a dozen pair of eyes were looking at her made her uncomfortable. Tama kaya iyong paglakad niya? Hindi kaya siya mukhang inahing baka na naglalakad sa hagdanan. But hell, if those girls can walk like a catwalk model so kaya niya rin. Kailangan lang ay confident sa sarili. Kunwari na lang nasa stage siya ng araw ng barangay at rumarampa.

Somehow, unbeknownst to her, a pair of azure eyes were staring at her intently as if he couldn't believe it was her as his mouth wide opened. Jude Murray didn't plan to come here, however when his best buddy called him for a night out, he couldn't just ignore it. After all he needs to take away his mind from the previous breakup, in fact a sort or an hour ago breakup. And watching her personal assistant saunter slowly and seductively walked in front of these vultures made his blood boiled.

And how on earth could she be wearing such an inciting bodycon dress? Her body was perfect, in fact she was beyond perfect. He eyed her as she went to the two guys in the corner and were laughing heartily.

"Dammit, it's not my bloody business if she was enjoying her night." Not convinced by his nonsense spite, he went to check his phone instead. And dialed.

On the end corner the three were busy laughing. "MJ, really your arshole of a boss, apologize?" Hugh asked and laughed heartily. "Wow, I never see that coming."

"You better believe it because I couldn't believe it myself."

Paano niya naman paniniwalaan sarili niya, kahit saang angulo niya tingnan ang hirap paniwalaan, he was surprisingly kind and knowing na malapit pala siya sa mga pamangkin niya, parang bata pa ngang nakipaglaro rito. Tao din naman pala ang kumag. Akala niya wala ng natitirang humanity dito. Pero king titiisin mabait naman ito eh, wala lang talagang basic manners. Sanay talaga sa buhay mayaman na sa lahat na lang ng bagay may butler at nanny na kasama. Ikaw ba naman maging anak ng isang bilyonaryo. Buti na nga lang tinanggap siya nito bilang personal assistant kapalit nung finire nitong naghubad daw sa harapan niya kaya ang gaga na fire ng wala sa oras. Sabi nga ng boss niya, ang isa sa mga bagay na nagustuhan nito sa kanya ay dahil wala siyang ka gusto gusto dito. Char! Sa totoo lang naman may punto naman si Mr. Murray, kahit kailan di naman talaga siya nag bigay ng motibo dito. Napaka neutral ng trato niya dito. Well, yun ang alam ng kumag. Di nito alam eh halos himatayin siya sa interview dahil sa kaba at sa kilig. Pero buti na lang someone warned her about flirting with the boss, ang pilipinang naging kaibigan niya. Anya, ayaw daw ni Mr. Murray yung flirty at maiksi manamit na halos kita na ang kaluluwa, though mahilig ito sa babae pero business is business daw anya, never daw nitong hinahaluan ng personal ang trabaho, kaya nga raw ito pabago bago ng personal assistant dahil laging nagkakagusto sa kanya. Which was fair enough, para kay Mary Jane she came here to work and not to flirt with the boss. Kaya nga nung araw ng interview, siya lang ata sa sampung babaeng nakapila ang nakadamit ng maayos. Yung iba kasi halos kita na kalahati ng mga pwetan nito sa ikli ng skirt, at siya naman ay halos covered lahat. Naka white long sleeve blouse siya at naka pencil skirt na lampas tuhod naka eyeglasses pa. The epitome of a real personal assistant. Ang mga bruha pinagtatawanan pa siya. Nevertheless she had the last laugh dahil siya naman ang tinanggap nito. Nashock pa nga ito noong pagpasok niya. Ang gago akala ata nito ay nagbebenta siya ng bibliya. Kung makatingin ba naman halos up and down. Susme. Never in her entire life has she felt so exposed. Nakakainit ng balon balonan.

Speaking of the devil. Makalipas ang ilang minuto, nag ring ang kanyang cellphone. Checking it, nakataas ang kilay niya.Ano na naman ang problema ng nilalang na ito. Friday ngayon at bakit siya tinatawagan? "Everyone, listen it's him. Don't talk okay? It's my boss."

"MJ don't answer it," wika pa ni Sean.

"You know I just can't ignore his call right?"

"Are you out of your bloody mind? It's not office hours anymore." 

"Whatever, just keep quiet." Answering the green button, Mary Jane uttered,

"...Yes, hello Mr. Murray, how can I help you?"

"Where are you Miss. Austen?"

"Ah, I'm here in the pub sir."

Aba't anak ng butiki, tumawag lang ba ito para magtanong kung saan siya ngayon. Kakaloka.

"Who's with you?" Tanong pa nito.

"I'm with a friend sir. Do you need something?"

Pakialam niya ba kung sino ang kasama niya. Ano ba kasi ang kailangan nito? Maloka, kailangan niya ng kasama sa kama or ano?

"Do me a favor and go home. I need the Afton Software contract revised and fully ready tomorrow. Bring it to my mansion early in the morning. That is urgent and I need it immediately." 

"But sir…" She blurted,knowing full well na wala na siyang magagawa. Ang gago kung makademand akala mo may ari ng buong planeta.

On his views, he watched her knitted brows and face willing to kill somebody. This was her fault, how dare she wore something that exposed and sexy, almost all of the vultures here had eyes on her. "No buts, I want it now." He blurted again and ended the call,he waited for the woman's next move. In his area in the VIP lounge, it was a one way mirror, he could see her apparently.

"Arrrg, the bloody man demanded to finish some papers as soon as possible. Dammit! Such an arshole." Mara Jane complained.

Ang gago, nakakainis one of this days makukulam ko na to.Dammit! How could he slave her like this. There is no way those raw contracts will be finished soon. Paano niya ba matatapos yun ng madalian eh halos nasa first stage of revision pa siya dun, dapat next week pa nga ito naka schedule na gawin. Nakakainis and gago. Pero wala siyang magagawa. Kailangang sundin ang utos ng kamahalan or else mawawalan siya ng trabaho. Naka last stage of warning na siya nito last month nung nalate siya ng ilang beses. Pinakiusapan lang niya ng maayos ngunit binigyan naman siya ng palugit at isa pang pagkakataon. If she won't follow him this time baka huling sahod na niya ang next week. 

"MJ, you can say no, you know." Hugh responded and followed by a look of dismay.

"You know I can't Hugh. He will fire me and you know how hard it is to look for a new job these impossible days." She have no choice, kinuha niya ang maliit na purse niya at nagpaalam sa dalawa. Hinatid naman siya ni Sean at pinasakay ng taxi.

Habang nag-aalboroto ang bunbunan niya at nakasimangot, on the other hand ang isa na naman ay nagbubunyi.

Pagdating ng bahay, ang laptop agad ang kinuha nya at sinimulan ang napakahabang revision ng kontratang kailangan niyang tapusin habang nagmumura at nagkakape. 

Pag ito matapos ko tapos hindi naman babasahin ng mokong bukas, maghalo na ang balat sa tinalupan ipapakain ko talaga to sa kanya. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Carina De Sa
can we have it fully translated into English. live the story li e bit I am missing out on more than half of it
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status