Share

Chapter 7-Mansion

In the next day, she wakes up suddenly, Mary Jane thoughts were uncertain, tulo-laway pa siyang napahikab ng biglang nag alboroto ang alarm clock niya, checking the time napamura siya ng makitang mag aalas syete na pala ng umaga. "Shit shit! I need to hurry up." Sabadong sabado pero natatarantang napaligo siya at nagdamit, a navy pair of jeans and a white rubber shoes. "Okay na to, di naman ako pupunta sa opisina." Wearing the coat, and bonnet. Ready for the morning chill of London.

"Oh anak! Ang aga aga mo ah, saan ka ba pupunta? Sabado ngayon ah." Nagtatakang tanong ng mama niya habang nagluluto ng breakfast nila. "Kain ka muna ah!"

"Sa mansion ng demonyo ma, ang kumag inumaga na nga ako matapos lang ang pinapa revised niyang kontrata. Ihahatid ko lang ito sa mansion, mamaya na ako kakain pag uwi."

"Ganun ba, ano kulamin na lang natin? Alam mo nak, sabi ni insang Esme, nag chat kami kahapon, meron daw siyang nakitang pangkulam dun sa Quiapo. Ano pabili ako?" Biro nito.

"Ma, kahit bumili ka pa ng sampung bote nun, sa itim ng budhi ng amo ko, di tinatablan yun. Ilang dozena na kayang babae ang pinaiyak nun at ang daming dozena na rin ang nabili kong white roses. Pinsan ata ni satanas un eh."

"Oh siya, mag ingat ka na lang. Pwede ka naman atang mag magbus ang mahal ng taxi ngayon."

"Di pwede, nalalate ako. Three rides kung magbabus ako. Daan pa yun sa highway eh. Kung taxi dito lang naman sa shortcut yun dadaan. Ten minutes andun na ako." Wika niya, habang papaalis. "Tirhan moko ng ulam ha, mamaya na ako kakain pag uwi. Pakisabi sa mga bakla na mamaya na kami magswiswiming pag uwi."

"Saan kayo magswiswiming eh ang lamig lamig ngayon?"

"Ewan ko dun sa kanila. May alam daw silang malaking sauna. Dun daw kami magswiswiming. Yung parang ano, parang spring spring. Ewan ko ba nakalimutan ko ang name."

"Oh siya, sige at malate ka pa, baka magagalit na naman yung amo mong demonyo." Sabay tawa 

Natatawa siya sa mama niya, nakikisabay din sa kanya eh, ano kaya reaksyon nun pagkakita niya kung gaano kagwapo ang tinawag niyang demonyo.

Lumipas ang sampung minuto, nasa gate na siya ng mansion. Nakakaloka pa rin sa laki, kahit pangalawang araw niya na ito dito.

Ang sarap siguro maligo sa swimming pool pagsummer, sa harapan or kahit doon na lang sa tabi ng harden.

Knocking the door, ang malasukang butler ang bumungad sa araw niya. Himala, saan na ang doorman nito.

"Good morning Miss. Please come in." The butler slowly gestures her to come inside.

"Thank you." Ang gago nakasimangot. Ang aga aga eh.

"Mr. Murray will be here any moment. If you need anything. Just ring the bell at the side table." He murmured then swirled away.

Mary Jane didn't respond, she went to the living room and sat on the couch.

Ang kumag kung makatingin sa sapatos niya, kahit naman kalumaan itong rubber shoes niya malinis naman ito. Kung makatingin sa carpet eh para bang may dala siyang tae ng kalabaw. Ang arte, mas mataas pa sahod niya dito. Ang kapal, sarap batukan ng cactus at ng matauhan.

Makalipas ang ilang minuto, nakailang tingin ma siya ng relo, wala pa rin ang boss niya.

Ang tagal, ano ba yan kanina pa ako dito, ten minutes na ata di pa bumababa ang kamahalan. Nagugutom na siya.

Bigla siyang nagulat, sa taas ng hagdan may nagsalita. "Why are you late? I told you to bring it early in the morning did I?"

Ang kumag, di man lang nag goodmorning.

"I've been here ten minutes ago Mr. Murray and in fact it is after all quarter to eight, so technically it is still early in the morning." She reasoned out.

There was no way she'll be scared by this arrogant of a man. Kahit ba half naked ito at naka jogging pants lang, basang basa pa ang buhok nito, siguro kakatapos lang mag shower. Grave, sayang naman ang pandesal natabunan ng railings ng hagdan. Ilan kaya ito, I'm sure anim. Grave ang sarap siguro isama sa breakfast yun. 

On cue, her tummy rumbled and Mr. Murray lifted a brow, he called the butler and mumbled something while coming down from the stairs. "Breakfast for two Charles."

"Yes sir." The man then turned around.

Bakit ba nakatingin to sa kanya? May muta ba siya?

Checking herself, she feigned on cleaning her eye glasses. 

"You look good with that Jean Miss Austen. You look like a human after all." She looks rather amazing, but knowing him. There was no way he would let her know how sexy and beautiful she was. He knew from experience never to appreciate his personal assistant or they might think it was a little key to seduce him. And this little woman was more than enough to be his PA, in fact the most reliable and efficient one among the rest. No wonder she lasted two years.

Putcha naman ano pala ang tingin ng kumag na ito sa kanya hindi tao? Human after all pa itong nalalaman. Kung maka asta. Hays, makabili na nga lang ng sampung dozena ng gayuma, gawin ko lang itong butiki. Nakakainis pasempling manginsulto, kasayang ng abs. Sabi ko na ba anim, wait hindi pala walo pala. Hala grave. Ang pandesal.

Tumalikod na ito at pumunta sa garden.

"Follow me Miss. Austen, let's have breakfast in the garden. I can almost hear your tummy rumbling." 

Nakasmile ba ito, habang nagsasalita? Parang naka smile ang tono eh, di ko lang nakita. Bakit ba ang hilig hilig nitong maghubad eh ang lamig lamig ng panahon. Siya nga naka coat pa sa ibabaw ng blouse at jeans niya. Eh etong isang to nakahubad, ang umbok pa ng pwet, di ba siya nilalamig?

As if reading her mind, nag order ito sa isang katulong na kunan siya ng isang t-shirt. Umupo ito sa garden table sa ilalim ng wooden shed.

"Have a seat, Miss Austen. Breakfast will be served soon. Did you have the contract I need?"

"Yes sir. Here it is." She gave him the folders and the latter set it aside in the extra chair.

Aba hindi man lang ba ito basahin? Nagmamadali tapos hindi man lang check in? Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa folder na nasa upuan na.

"I'll check it later, we shall have breakfast first."


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status