Share

Chapter 8-Going home

Ang sosyal naman kung kumain ito ng tinapay, ang sarap tingnan. Kung sa bahay to sinawsaw ko na to sa kape eh, ang bango pa naman ng kape mas mabango pa sa kapeng barakong dala ni mama galing pilipinas. Sa dami ng kinaing bacon at sausage nito bakit kaya di ito nagkabil bil ang gara ng muscle parang ang tigas tigas at sarap hawakan.

Napaubo siya bigla nung nagsalita ito. "Miss Austen, I need you to come with me in the cabin. We have millions of things to do. I need you to bring all the papers and the contract that needs my attention." Anya pa nito, hindi man lang nakatingin sa kanya nasa newspaper ang buong attention habang humihigop ng kape.

Wait, ano daw? Sa cabin nito? Saan ba ang cabin nito?

"Did I hear you right? Mr. Murray? In the cabin? What cabin are we talking about here?"

"The cabin I purchased last month, the one I told you to contact the owner."

Hala ano daw? Nasa gitna ng gubat yun eh. Ano naman gagawin namin dun. Aba kung millions of things lang naman ang nasa isip nito, aba kahit isang things lang sasama siya."You mean the one in the middle of the forest?"

"It's not a forest Miss Austen, it's just a mountain. I don't even consider it a woods. Just make sure to bring your personal necessities and the papers." He added. There was no apparent reason why he asked her to go with him. He was even surprised he blurted it without thinking. Now he couldn't take it back. He's been planning to visit the cabin but now that he has offered his PA to go with him then he might as well own it and be a man. There was no way he'll take it back. "We are spending the weekend there, we'll be back on Sunday afternoon. So you better hurry with your breakfast and I'll take you to your place and we'll go straight."

"Wait a minute, I have a plan and besides its the weekend there was no-"

"Don't worry about such things, you'll be paid twice as much as what's in your contract. May I remind you that you have signed the contract remember? So take this or give me your resignation."

Grave siya, resignation agad ang hirap kayang maghanap ng trabaho ngayon. Ang herodes kung maka plano pabigla bigla hindi man lang siya tinanong kung gusto niyang sumama. Well, that remain to be seen. Kunwari kapa gaga, panahon mo na para iseduce yang amo mo. Wika pa ng konsensya niya.

"Fine, just us? How about your butler is he not coming with us?" She asked.Huwag naman sanang isama yung maasim na pagmumukha nun.

"Why? Do you want him to come with us?" Wika pa nito.

"No. Actually, I mean No." Napaubo niyang sagot.

Susme, nakakaubo namang tumitig ito sa mga mata niya. Bakit ba pabago bago ng mood ito, kanina lang halos di siya pinapansin nito habamg kumakain, di nga halos nagsalita. Ganito ba ang mga mayayaman kung kumain? Ang tahimik at ang boring? Di katulad nila ng mama niya eh kulang na lang, pati buhay ng lahat ng kapitbahay nila pinag-uusapan nila. Pero itong isa to, ni hi ni ho wala siyang narinig. Teka nga nagsasalita ito ah, ano daw sabi nito?

"Pardon? Mr. Murray, what did you say?"

"You aren't listening are you? Hmp! Never mind. I said, finish your food quickly so we can start our long journey."

"Can you not go there alone?"

Pakipot muna kahit kunti at nang di masyadong obvious.

"No, I need all the papers and contracts. And you know them by heart, so I need you to come with me. I might as well check the cabin. Two birds and one stone. If you know what I mean."

"Uh-huh!" Sagot pa niya habang tinatapos ang kape.

Nakaka excite naman to, weekend kasama si bossing na maraming pandesal na baon. "Okay, I'm done. Thanks for the breakfast." 

"Charles," Mr. Murray shouted and the butler came in a hurry.

"Yes, Mr.Murray sir?"

"Ready the black 4x4 and a two days necessities and my camping gear. I want it done in five minutes. Go, you're dismissed."

Ha, akin ang huling halakhak, oh kitam nataranta ka ngayon. Haha! Go little servant, mataranta kayo sa utos ng makahalan habang nakatingin ito sa relo. Grabe naman pala ang hirap ng trabaho ni Maasim, nakakataranta kung oorasan ka ng amo. Lucky her kasi, minsan lang nangyayari yun sa opisina. 

Umalis si Mr. Murray at nagpaalam na magbibihis. After five minute or so, on time naman pala sila magtrabaho. Good.

Mary Jane saw the driver park the latest dark gray Land Rover Defender in the front lawn. It was huge and sturdy, good for mountain trip.

Ang ganda naman ng sasakyan na ito kahit sa bundok makiling ito pupunta, makakarating ito. Ang astig ng porma. Nakita niyang maraming bitbit si Maasim at nilagay sa likod ng sasakyan. After three minutes nakasakay na sila at palabas na ng mansion. 

"That was quick." She murmured. Adjusting the seat belt.

"I'm paying them to be quick and sufficient when needed. By the way, show me the way to your place." 

"Okay Mr.Murray."

Ganun naman pala, ang sarap siguro ng buhay nito, isang utos lang nandyan na ang lahat. Ang pogi nito sa suot na dark jeans and camping jacket.

Even though his brows were knitted he still looked rather handsome and so manly while driving. 

After ten minutes of complaints about the traffic nakarating din sila sa apartment. 

"I'll be quick Sir." She said, then went to their apartment door, unbeknownst to her lumabas din ng sasakyan ang isa at sumunod sa kanya. Nagulat pa siya nung napalingon siya sa likuran niya. "Why are you here? Aren't you supposed to be in the car waiting?" She uttered and raise a brow.

"I need to ask your mother's permission to keep you away on the weekend. So here I am. Shall we go inside?" Anya pa nito.

Aba naman, nakakahiya naman ang bahay, baka may kung ano ano pang kalat kalat sa sala. Susme, huwag naman sanang nakasabit ang bra niya sa upuan. Maliit lang ang apartment nila, karugtong ng sala ay kusina agad at sa gitna naman ay ang dining table. Dahil sa katamaran at sa hirap maghanap ng sampayan lagi niyang inilalagay ang hubad na bra sa upuan nito. 

Going inside, Mr. Murray was surprised, the apartment was rather small yet warm and homely. Yellow curtains and walls, such odd combination. The couch, pillows, and coffee table were golden and black. Everything was yellow in all the four square corner of the room yet, it was rather neat and cozy.

"Ma, san ka? May bisita." Her PA's yelled. She must be calling her mom. From the employee files he knew she was living with her mom and father was unknown.

"Sino, nak? Pag yung mga Jehovah na naman yan isara mo agad pinto at sabihin mong ligtas na tayo sa impyerno dahil boss mo ang hari dun." 

"Ma? Lika muna, aalis ako. Linggo pa ng hapon or gabi ang ba…"

Nakapamewang ang mama niyang bumungad sa kwarto na may dalang bra at panty para labhan. "Napamura ito at itinago sa likod."

"Ma nakakahiya itago mo nga yang undies ko." Mary Jane intruded.

"Who are yo?" Anya nitong sinadyang gawing pinoy ang accent at sinabayan pa ng pandidilat ng mata na nakatinging sa boss niyang nagulat.

"I'm Jude Murray, your daughter's boss maam." Nagoffer ito ng kamay para makipagkilala.

Mabuti naman yung kamay na walang panty at bra ng mama niya ang nailabas nito. Pinandilatan siya at biglang napa english ng wala sa oras. "Nice meeteng yo Mr. Murray. What made yo visit our hom?" Nakipag kamay ang mama niya at nakatingin kay Mary Jane.

"Nak, ang gwapo naman pala ng demonyong ito anak, di man lang ako nakahanda, wala pa ata akong suot na bra. Sure ka boss moto? Mukha namang anghel ah."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
joushua.021365
hahahahah million things to do talaga.... grave. ikaw na mj. haba hair
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status