Share

Kabanata 78

MABILIS akong lumapit sa kaniya at hinampas ang dibdib niya, hindi mahina ngunit hindi rin naman malakas. Paulit-ulit kong ginawa iyon ngunit hindi siya gumawa ng anumang kilos, nanatili siyang nakatayo at hinahayaan lamang ako ilabas ang galit ko. Hindi nagbago ang reaksyon niya, lalo nga lamang yata iyong lumambot habang mas tumatagal ang pagtitig niya sa akin.

Nang manghina ang kamay ko ay roon niya lamang ako pinigilan, marahang hinawakan ang mga braso ko. Tuluyan akong nawalan ng lakas dahil doon, tila bulang nawala ang galit na binubuo ko.

Pumatak ang luha sa mga mata ko dahil sa maraming dahilan at emosyong nararamdaman. Ayaw ko mang maging masaya sa sandaling ito ngunit kusa iyong nararamdaman ng puso ko. Masaya ako na nandito siya, sa presensya niya, sa hitsura niya at sa buong pagkatao niya.

Tila tuluyang napanatag ang damdamin ko dahil sa kaniya. Nawala ang lahat ng gumugulo sa isipan ko.

"Bakit ngayon ka lang?" mahina kong tanong. Nakatitig ak

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status