Share

Kabanata 80

MALIWANAG na ang paligid nang makarating kami sa sentro ng Farianio. Kusang humahawi ang mga nilalang upang bigyan kami ng daan, bakas sa mga mata nila ang kuryosidad habang nakatingin sa amin. Nasa unahan at gilid namin ang mga kawal, mahigpit kaming binabantayan na tila ba makakatakas pa kami sa ganitong kundisyon. Bukod sa nakakadena ang aming mga kamay ay pagod at nanghihina na kami mula sa mahabang paglalakbay, halos lahat pa kami ay sugatan.

Hindi ko na maayos pa ang palalakad ko dahil sa nanginginig kong binti, ang kumikirot na sugat ko sa hita ay tila kumakalat sa buong katawan ko. Tagaktak na rin ang pawis ko, nanunuyot na ang lalamunan at siguradong namumutla na rin ako dahil sa dugong nawala sa akin.

Ang mga hangal na kawal na ito ay hindi man lang kami binibigyan kahit patak ng tubig.

"Aliara," tawag sa akin ni Casias na katabi ko lamang. Nakagapos din ang mga kamay at walang magawa kung hindi magpatianod sa mga kawal na ito. Ilang beses na niya akon

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status