Share

Ang Huling Kabanata

Sevasti's Point of View

PINAGMAMASDAN ko siya mula rito sa gitna ng kagubatan ng Kozania. Nakaupo siya sa harap ng malinaw na tubig ng sapa, ang sapang nasa pagitan namin. May kalayuan ako sa kaniya kaya hindi niya ako napapansin. Tila malalim din ang kaniyang iniisip upang mapansin pa ang presensya ko.

Kanina pa siya rito at ngayon ay malapit nang sumapit ang dilim ngunit hindi nagbago ang pwesto niya.

Pinagsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniyang kagandahan, sa buhok niyang umaalon tuwing iihip ang hangin. Mas maganda ang kasuotan niya ngayon kumpara noon dahil siya na ang reyna ngayon ng Kozania. Nakamit na niya ang pangarap niyang maitayong muli ang kaniyang kaharian, at masaya ako para sa kaniya. Kahit ang naging kapalit man nito ay ang pagkamatay ng aking ama at pagkawala sa amin ng trono ng Farianio. Una pa lang ay hindi naman talaga ito sa akin kaya tama lamang na maibalik ito sa totoong nagmamay-ari nito.

Ito lang ang malaya kong oras na titigan siya, dahil sa oras na m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status