"HUMAYO na kayo, sa aking hudyat ay susugod tayo," wika ko bilang pagtatapos sa aming plano ngayong gabi. Tahimik na nagtanguan ang aking mga kasama at umalis para pumunta sa mga nakaatas na lugar para sa kanila.
Gamit ang aking bilis ay agad akong nakarating sa mataas na bahagi ng lugar, isang talampas kung saan tanaw ko ang buong kagubatan. Mula sa kadiliman ng gabi ay natatanaw ko sa malayo ang ilaw ng mga sulu'ng papalapit sa pwesto kung saan namin gagawin ang pagsalakay.
Tinatahak nila ang daan patungo sa Subastahan ngunit hindi namin hahayaan na mangyari iyon. Tumalim ang aking tingin ng tuluyan kong masilayan ang mga nilalang na iyon mula dito sa aking kinatatayuan. Ang mga Verdantes, mga kalalakihang malalaki ang katawan, may dalawang kayumanggi na sungay na paibaba ang tusok at may taglay din silang kakaibang lakas katulad ko, ngunit hindi ko sila kauri, nakatira sila sa timog na bahagi ng Farianio.
Hawak nila ang mga sulu upang magbigay liwanag sa madilim na daan, pinangungunahan ng kanilang pinuno na si Dardo. Sa bandang dulo ay ang dalawang kabayo na hatak ang isang malaking kulungan na gawa sa makapal na kahoy at sa loob nito ay higit sa limang kababaihan, ang iba ay nagmula sa aming kaharian, ang Kozania.
Narito kami ngayon sa kanlurang bahagi ng Farianio upang iligtas ang mga kababaihang ito na binihag upang ipagbili sa mga kalalakihang hayok sa laman, isusubasta sila sa Bahay Aliwan na pinamumunuan ng isa sa pinakamayaman sa kahariang ito.
Madali lamang silang nahuhuli ng mga verdantes dahil sa taglay nilang lakas, ngunit mahihina at mga mahihirap lamang ang kanilang nahuhuli, mga nilalang na nagmula sa mga bumagsak na kaharian, ang mga nilalang na hindi kayang ipagtanggol ang kanilang sarili.
Nakagapos din ang mga kababaihang ito sa kadenang pumipigil sa kanilang gamitin ang kanilang kapangyarihan na siya ring ginagamit ng mga kawal sa nahuhuling kriminal. Ang mga Verdantes ang gumawa ng kasangkapang iyon kaya mayroon sila ng kadenang iyon, kilala rin ang mga ito sa paggawa ng mga sandata na siyang ikinakalakal nila ngunit hindi pa sapat para sa kanila iyon kaya pati ang mga mahihinang kababaihan ay ikinakalakal din nila. Ganoon sila kaganid sa salapi.
"Vivi," wika ko nang makitang lumilipad papalapit ang aking alaga, dumapo ito sa aking balikat.
"Ang mga kalaban, ang mga kalaban," aniya. Hinimas ko ang ulo niya at mahinang pinitik ang suot niyang maliit na kalasag sa kaniyang dibdib.
Muli kong ibinaling ang atensyon sa mga paparating, itinaas ko ang hawak na pana at palaso, humanda ako sa pagtira. Nang makarating sila sa tamang pwesto ay pinakawalan ko ang palaso, tumama iyon sa paa ni Dardo dahilan upang magulat ito at magsisigaw, kasabay nang paglipad ng mga ibong nabulabog sa kanilang tahanan.
Iyon ang naging hudyat upang magsilabasan ang aking mga kasama mula sa mga punong pinagtataguan. Agad na naalerto ang mga kalaban, pito silang lahat ngunit higit kami sa sampu kaya alam kong mananalo kami.
"Vivi." Agad niyang nakuha ang gusto kong sabihin, hindi ko siya maisasama dahil masyado akong mabilis. Lumipad ito paalis sa balikat ko kaya gamit ang taglay kong bilis ay agad akong lumapit kay Dardo.
Nakahandusay ito sa lupa at iniinda ang sakit mula sa kaniyang paa.
"Ikaw na naman," gigil niyang wika nang makita ako. Ibinaba ko ang talukbong ng aking balabal at matunog na ngumisi.
"Hindi ka pa ba nasasanay, Dardo? Asahan mong palaging magtatagpo ang ating landas sa tuwing dadakip ka ng mga kababaihang nagmula sa Kozania," madiin kong wika sa huli kong mga salita.
"At hindi ka pa rin ba nasasanay sa gawain naming ito, Binibini? Bakit hindi ka na lamang manahimik sa iyong kuta at hayaan nalang ang mga kababaihang ito na makatikim ng ginhawa mula sa masalimuot nilang buhay," aniya. Pikit mata niyang hinugot ang palasong bumaon sa kaniyang paa. Tumayo siya at mabilis na kinuha sa kaha ang kaniyang espada.
"Ginhawa?" gigil kong wika, mabilis akong umilag nang sumugod siya sa akin. "Ginhawa bang maituturing ang alipinin ng mga maharlikang hayok sa laman?" Inilabas ko ang aking espada at agad na nakipagtunggali sa kaniya.
"At ano naman ang iyong magagawa para sa mga kababaihang ito matapos mo silang palayain? Babalik sila sa putikan kung saan sila nanggaling?" sarkastikong aniya. "Dadalhin mo sila sa kahariang bumagsak na at wala ng buhay?" puno ng panunuya niyang dugtong.
Agad na sumiklab ang galit ko sa kanyang pambubuyo, lalo na nang marinig ko ang kaniyang nakakainsultong halakhak.
"Manahimik ka!" Gigil akong sumugod sa kaniya, hindi na nais pang marinig ang mga susunod niyang sasabihin.
Mahirap siyang kalaban dahil tila pareho lamang kami nang lakas, ngunit mas lamang pa rin ako dahil sa angkin kong bilis. Wala pang ilang sandali ay naagaw ko na ang susi'ng nakakwintas sa kaniya na kanina ko pa sinisipat.
"Matias!" tawag ko sa aking kasama na kasalukuyang nakikipagtunggali. Agad nitong tinalo ang kalaban at itinuon ang atensyon sa akin. Ibinato ko sa kaniya ang hawak na susi para sa kadenang nasa kulungan, tumango ito at agad na pinuntahan ang mga babae.
Nang ibaling ko ang atensyon kay Dardo ay wala na ito sa aking harapan, inilibot ko ang aking paningin at nakita ko siyang iika-ikang tumatakbo palabas ng kagubatan.
Nakangisi akong umiling, alam niya ang taglay kong bilis ngunit may lakas pa rin siya ng loob na takasan ako. Hangal.
Gamit ang aking bilis ay agad akong nakarating sa kaniyang harapan, ngumiti ako at malakas na sinipa ang kaniyang tiyan dahilan upang matumba siya.
"Hangal, ang laki mong nilalang ngunit duwag ka," mapanuya kong wika.
Agad na bumalatay ang galit sa mukha niya, mabilis siyang tumayo at sumugod sa akin.
Muli kaming nagpambuno at sa ikalawang pagkakataon ay muli ko siyang napatumba dahil sa panghihina ng kaniyang kapangyarihan, hindi yata kinaya ng lakas niya ang matagal na pakikipagtunggali sa akin.
"Hayop ka, Aliara! Dadarating ang araw na mapapaslang din kita!" galit niyang wika, hindi na makatayo dahil sa tinamo niya mula sa akin.
Umupo ako sa harap niya, inilag niya ang kaniyang mukha sa pag-aakalang sasaktan ko siyang muli.
"Mahina ka, Dardo, kahit kailan ay hindi mo ako magagapi."
Nilihis ko ang aking kamay patungo sa supot ng salapi na nakasabit sa kaniyang baywang.
"SA susunod na malaman kong muli kang dumakip ng Kozanian ay puputulin ko ang iyong sungay," may diin kong banta sa kaniya. Alam kong isang insulto at kahihiyan sa kanilang lahi ang maputulan ng sungay at hindi ako mag-aatubiling gawin iyon sa susunod sa galitin niya ako.Tumayo ako at naglakad pabalik sa aking mga kasama ngunit napahinto ako nang magsalita siya."Sa tingin mo ay susundin ko ang iyong gusto? Dadakpin ko kung sino ang gusto kong dakpin dahil mahihina sila at walang pinunong magtatangol sa kanila, sa mga katulad mo."Agad na kumunot ang noo ko. Muli akong lumapit sa kaniya, nakatayo na siya ngayon ngunit hirap dahil sa iniinda niyang sakit mula sa pagkakabugbog ko."Ako, ako ang magtataggol sa bawat Kozaniang magdurusa sa kamay ng mga tulad mo." Tiim bagang kong wika at malakas na sinuntok ang kaniyang mukha dahilan upang mawalan siya ng malay at matumba sa lupa.Huminga ako nang malalim upang maibsan ang umuusbong na galit sa akin dahil
NAKANGITI kong kinuha sa kanila isa-isa ang mga bulaklak. "Salamat, mga bata, nag-abala pa kayo." Marahan kong hinimas ang mga ulo nila.Tumango ako kay Hurisa nang hawakan niya ang balikat ko upang magpaalam."Maliit na bagay lamang iyan kumpara sa pag-aalaga mo amin, Binibini. Kung hindi dahil sayo ay baka patuloy pa rin kaming naghihirap para lamang makakain," wika ng pinakamatanda sa kanila sa edad na walo. Bahagya akong nagtaka dahil hindi naman siya ganoong magsalita dati."Ang bata mo pa para sa mga isiping iyan, ang dapat ninyong gawin sa edad ninyo ay maglaro at huwag isipin ang mga komplikadong bagay," nakangiti kong wika sa kanila. Tumango naman sila na tila ba naintindihan ang aking sinabi."Mabuti na rin iyon upang maging mulat sila habang bata pa, Aliara," wika ni Adrina na biglang sumulpot sa tabi ko. Gusto ko siyang batukan dahil sa kaniyang sinabi ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang batang ito talaga, dalawang araw pa lamang ang
SA halip na ituloy ang laban ay itinuon ko na lamang sa kaniya ang aking atensyon. "At bakit mo naman kami pinagmamasdan? Hindi ba sinabi ko sa iyo na makipaglaro ka na lamang sa mga batang katulad mo?" wika ko habang isinisilid ang espada sa kaha nito. Tiningnan niya ang mga batang naglalaro sa malayong banda at paismid na ibinalik sa akin ang paningin. "Hindi ba ay sinabi ko rin sa iyo na hindi na ako bata para maglaro?" sarkastiko niyang wika. Agad na kumunot ang noo ko, pinipigilang mainis sa paslit na kausap. "Sino ba ang mas may gulang sa atin? Dapat ay makinig ka sa mas may gulang sa iyo." "Gulang lamang ang lamang mo sa akin, Aliara," seryosong aniya, hindi handang magpatalo. Lalong nangunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" "Nais ko ring mag-ensayo. Nais kong matutong makipaglaban katulad mo," seryoso niyang wika na nakapagpagulat sa akin. "Bakit mo naman nanaisin na matutong makipaglaban? Masyado ka pang bata par
INILIPAT ko ang paningin sa talon. "Oo." Naglakad na ako ngunit napahinto nang hawakan niya ang braso ko. "Ikaw talaga ang pakay ko sa lugar na ito, nakita ko ang alaga mong ibon at itinuro niya kung nasaan ka," aniya. Seryoso na ngayong nakatingin sa akin. Gusto kong pabulaanan ang sinabi niya dahil itinanggi iyon ni Vivi kanina ngunit nangunot lamang ang noo ko sa pagtataka. "Bakit mo naman ako hahanapin, Ginoo?" Napahinto ako nang mapagtanto ang kaniyang pakay. "Nais mo pa rin akong hulihin dahil sa pagnanakaw ko sa maharlikang iyon?" namamangha kong tanong. Lalong sumeryoso ang mukha niya, inalis ang pagkakahawak sa braso ko. "Hindi kita hinahanap dahil sa kasalanan mo sa ginoong iyon kundi dahil sa kasalanan mo sa akin, Binibini," mariing aniya. Naningkit ang mata ko. "Wala akong maalalang may kasalanan ako sa iyo, Ginoo." Agad siyang napangisi
"ANONG sinasabi mo? Mahal na ginoo? Mas mahal mo na siya ngayon kaysa sa akin, Vivi?" masama ang loob kong tanong. Kaya pala tila ayaw na niyang umalis sa braso ng ginoong iyon. "Mas mahal kita. Mas mahal kita." Lumingon-lingon siya sa paligid, tila hindi alam ang gagawin, kung aalis ba siya sa balikat ko o kung mananatili. "Pero bakit mahal kong ginoo ang tawag mo sa kaniya?" muli kong tanong, lalong sumimangot noong hindi siya sumagot. "Bahala ka, kung mas mahal mo siya kaysa sa akin ay sa kaniya ka na lamang sumama. Sa hangal mong ginoo!" Hinawi ko siya sa aking balikat dahilan upang mabilis siyang lumipad paalis, umirap ako ng tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Hindi man lang umangal sa aking sinabi. "Kapag sumama ka nga sa kaniya ay pagbubuhulin ko kayong dalawa," inis kong wika. Isinarado na ang supot at naglakad patungo sa aking tahanan. "Ang tagal mong nawala. Akala ko ay maliligo ka lamang ngunit saan ka nagtungo?" wika ni Adrina n
"ADRINA," pag-agaw ko sa kaniyang pansin, agad naman siyang tumalima. "Magpahinga muna kayo, Hamil," wika ko, tumango siya at pumunta sa ibang nagsasanay. Inabot ko kay Adrina ang hawak. "Salamat, Binibini," aniya. Pinagmasdan ko lang siyang ubusin ang tubig na ibinigay ko. "Bukas na lamang tayo pumunta sa pamilihan, alam kong pagod ka na mula sa iyong pagsasanay." "Sige, mabuti na rin iyon dahil hapon na, maya-maya lamang ay lulubog na ang araw," tumatangong aniya. Tumango lang din ako at kinuha ang kawayang tasa sa kaniya. "Huwag mong masyadong pilitin ang iyong sarili sa pagsasanay, mahabang panahon pa ang kailangan mo bago tuluyang matuto," wika ko na agad nagpakunot ng noo niya. "Ngunit labing walong araw na lamang mula ngayon bago ang pagsalakay," aniya. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. "Hindi ko sinabing sasama ka sa pagsalakay na iyon, Adrina. Mapapahamak ka lamang," seryoso kong wika. Hindi agad siya nakas
MAYA-MAYA pa ay nagkatinginan sila at agad na nagtawanan, tila alam na ang sagot sa kanilang mga tanong, lumapit na rin ang dalawa sa aking harap. "Ano kaya iyon na lubos na nakapagpula ng pisngi ng binibini?" wika ng isa. Kinakausap ang mga kasama ngunit alam kong para sa akin ang tanong, nanunudyo. "Oo nga, siguro ay maganda ang naganap sa pagitan nila?" gatong pa ng isa. "Hindi kaya ay naglapat na ang kanilang mga labi?" "O higit pa." Agad na kumunot ang noo ko, hindi nagustuhan ang huling narinig. "Hindi! Halik lamang, mga sirena," wika ko ngunit agad na tinakpan ang sariling bibig dahil sa aking kadaldalan. Muli silang nagkatinginan at nagtawanan. Sumimangot ako, nakakainis ang mga sirenang ito. Kung pagbawalan ko rin kaya sila sa talon na ito. "Sabi ko na nga ba, hindi mamumula ng husto ang iyong pisngi kung hindi mo pa natitikman ang kaniyang labi," humahagikhik na wika ng may kulay rosas na palamuti. "Ngayon ay
"BAKIT ang tahimik mo? Hindi ka naman ganyan noong una tayong nagkita. Kanina pa kita kinausap ngunit hindi ka sumasagot," aniyang muli. Luminga-linga siya sa paligid dahil nagsisimula nang maglabasan ang mga alitaptap. Nagtago ako sa puno upang hindi ako mahagip ng kaniyang paningin sa hindi ko malamang dahilan. "Kung nandito siya ay nakikita na sana niya ang ganda ng mga alitaptap na ito. Gustong-gusto kong makita ang maganda niyang ngiti, ang kumikislap niyang mga mata at ang mamula-mula niyang pisngi," may bakas ng katuwaan ang kaniyang tinig. Natulala ako dahil sa narinig, napahawak ako sa aking dibdib dahil tila nagustuhan iyon ng puso ko. Bakit ba ganito ang aking nararamdaman? Tama bang maramdaman ko ito? "Gustong-gusto ko talaga siya, Ibon. Siya lamang ang tanging binibini na hinangaan ko ng ganito, hindi na siya mawala pa sa aking isipan." Kinagat ko ang ibabang labi ko at dahan-dahang sumilip sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa kaw