SA halip na ituloy ang laban ay itinuon ko na lamang sa kaniya ang aking atensyon.
"At bakit mo naman kami pinagmamasdan? Hindi ba sinabi ko sa iyo na makipaglaro ka na lamang sa mga batang katulad mo?" wika ko habang isinisilid ang espada sa kaha nito.
Tiningnan niya ang mga batang naglalaro sa malayong banda at paismid na ibinalik sa akin ang paningin. "Hindi ba ay sinabi ko rin sa iyo na hindi na ako bata para maglaro?" sarkastiko niyang wika.
Agad na kumunot ang noo ko, pinipigilang mainis sa paslit na kausap. "Sino ba ang mas may gulang sa atin? Dapat ay makinig ka sa mas may gulang sa iyo."
"Gulang lamang ang lamang mo sa akin, Aliara," seryosong aniya, hindi handang magpatalo.
Lalong nangunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"
"Nais ko ring mag-ensayo. Nais kong matutong makipaglaban katulad mo," seryoso niyang wika na nakapagpagulat sa akin.
"Bakit mo naman nanaisin na matutong makipaglaban? Masyado ka pang bata para isipin ang bagay na iyan."
"Dahil ibig kong makatulong sa iyo, Aliara. Nalaman ko mula kay Hurisa na muli kayong maglalakbay at makikipaglaban sa susunod na kabilugan ng buwan."
"Kaya mo bang matutong makipaglaban sa loob ng labing siyam na araw, bago ang kabilugan ng buwan, Bata?" wika ni Matias sa aking tabi na kanina pa pinagmamasdan ang paslit.
Bumaling sa kaniya si Adrina. "Kaya ko. Kakakayanin ko, Matias," determinado niyang wika.
Gusto kong humanga sa kaniyang tapang ngunit lamang sa akin ang pagtutol. Anong magagawa ng isang paslit sa gitna ng laban? Tiyak na matatalo lamang siya kapag sinubukan niya.
"Kaya mo? Sa liit mong iyan?" natatawang wika ni Matias na agad na nakapagpasimangot sa bata.
"Iniinsulto mo ba ako, Ginoo?" may diin niyang tanong.
"Naiinsulto ka ba?" nanunuyang wika ni Matias, lalong kumunot ang noo ni Adrina, tila nauubusan ng pasensya. "Baka oras na sumabak ka sa laban ay ikaw ang unang mapaslang, isipin mong mabuti ang iyong mga sinasabi, Bata."
"Matias," pigil ko sa kaniya. Ngumisi lamang siya at umiling-iling habang ang bata ay masama na ang tingin sa kaniya.
"Adrina," agaw ko sa atensyon niya. "Hindi ka pa maaaring matuto sa pakikidigma. Masyado ka pang bata para sa ganitong tungkulin."
"Hindi ko naman hinihingi ang iyong pahintulot, Aliara. Sinabi ko na nais kong matutong makipaglaban kaya matututo ako," giit niya at agad na naglakad palayo.
Napahawak ako sa noo ko at napailing, tila sumakit ang ulo ko dahil sa pakikipag-usap sa batang iyon. Kakaibang bata talaga.
"Kakaiba talaga ang batang iyon, Aliara," wika ni Matias na tulad ko rin pala ang iniisip. "Tila may gulang na kung mag-isip at may kakaibang tapang. Kamangha-mangha. Nais ko tuloy malaman ang pinagmulan niya," dugtong niya pa habang sinusundan ng tingin ang bata.
Naagaw niya ang atensyon ko. "Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ka rin ba nagtataka kung saan siya nagmula?" aniya. Muli niyang tiningnan ang bata at ibinalik sa akin ang paningin. "Hindi mo ba nais alamin kung saan siya nagmula? Kung sino ang kaniyang mga magulang?"
Agad na nangunot ang noo ko at napaisip. "Nais mo bang alamin kung saan siya nagmula, Matias?"
"Kung nais mo rin ay sabay nating aalamin," aniya.
Napatingin ako kay Adrina na ngayon ay seryosong nakikipag-usap kay Hamil, isa sa aming kasamahan na siyang laging sumasama sa aming pakikipaglaban. Tila ito nagtataka sa sinasabi ng bata, kung minsan ay napapakamot pa ng ulo.
Maya-maya pa ay naglakad patungo sa amin si Hamil.
"Binibini, nais ng batang inyong alaga na turuan ko siyang matutong makipaglaban," aniya, tila hindi sigurado sa sinasabi.
"Sige, Hamil, turuan mo siya. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya niya," wika ni Matias. Tumango rin ako bilang pagsang-ayon.
GAMIT ang aking bilis ay agad akong nakarating sa tagong talon na lagi kong pinupuntahan upang maligo, katatapos lamang nang pagsasanay ngayong araw. Walang nilalang na nagtutungo dito katulad ng mga sirena, kung mayroon man ay binabalaan ako ng aking ibon na may paparating.
"Vivi," tawag ko sa aking alaga. Ibinaba ko sa malapit na malaking bato ang aking balabal, inumpisahan ko nang hubarin ang aking kasuotan ngunit napahinto ako noong hindi siya tumugon.
Tumingin ako sa punong lagi niyang dinadapuan ngunit hindi ko siya nakita kaya inilibot ko ang aking paningin.
"Vivi," mas malakas kong tawag ngunit wala akong makitang bakas niya. Dapat ay nandito na siya, alam niya kung saan ako laging nagtutungo, kung nasaan ako ay nandoon din dapat siya. Hindi siya nawawala sa aking paningin.
"Mahal kong binibini. Mahal kong binibini."
Agad akong napalingon sa aking likuran nang marinig ko ang tinig niya ngunit agad na nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang kasama niya.
"Siya ba ang hinahanap mo?" nakangiti niyang wika. Ipinapakita sa akin ang braso niya kung saan nakadapo si Vivi.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya nang makabawi. Ibinaling ko ang paningin kay Vivi na hindi pa rin umaalis sa braso niya, tila nakatagpo ng bagong kaibigan. "Bakit mo siya kasama, Vivi? Ikaw ba ang nagdala sa kaniya dito?"
"Hindi. Hindi," sagot nito at agad na lumipad patungo sa malapit na puno.
Nagulat ako nang bigla ay nasa harap ko na ang nilalang na hindi ko inaasahang makikita ko ngayon.
"Nagkita tayong muli, Magnanakaw," aniya. Nakangising inilapit ang mukha sa tainga ko dahilan upang hindi ako makagalaw sa gulat. "..ng halik," mahina niyang dugtong na lalong nagpagulat sa akin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, marahil ay sa kaba.
Hindi agad ako nakapagsalita, napatitig lamang ako sa kaniya noong muli niya akong harapin. Muling namangha sa angkin niyang kaguwapuhan.
"Matalino ang alaga mong ibon, gustong-gusto ko siya," wika niyang muli. Napatingin siya sa balikat ko at inayos ang damit ko sa parteng iyon, umawang ang labi ko nang dumampi ang daliri niya sa balat ko. Nagdulot iyon ng kakaibang pakiramdam sa akin, tila ako nakuryente.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" halos nauutal kong wika, bahagyang umatras mula sa kaniya. "Pangahas."
"Inayos ko lamang ang iyong damit," inosente niyang sagot.
Agad na kumunot ang noo ko, muling umatras. "Bakit ka narito? Anong ginagawa mo sa lugar na ito?" naghihinala kong tanong.
Nakapagtatakang naligaw dito ang isang kawal ng Farianio, malayo ang lugar na ito para puntahan niya at isa pa ay wala siyang mapapala sa pagtapak sa lupain ng Kozania liban na lamang kung may iba siyang pakay.
"Bakit, Binibini? Hindi ba maaaring tumapak ang isang Farianian sa lupain ng Kozania?"
Umismid ako. "Maaari, ngunit nakapagtataka lamang." Kinuha ko ang balabal ko sa malaking bato, handa nang lumisan dahil sa kaniyang pagdating, hindi ako maaaring maligo na nandito siya sa paligid.
"Aalis ka na?" tila dismayado niyang wika. Napalingon ako sa kaniya ngunit agad ko ring iniwas dahil sa tuwing ilalapat ko ang paningin ko sa kaniya ay tila hindi ko na iyon maalis pa.
INILIPAT ko ang paningin sa talon. "Oo." Naglakad na ako ngunit napahinto nang hawakan niya ang braso ko. "Ikaw talaga ang pakay ko sa lugar na ito, nakita ko ang alaga mong ibon at itinuro niya kung nasaan ka," aniya. Seryoso na ngayong nakatingin sa akin. Gusto kong pabulaanan ang sinabi niya dahil itinanggi iyon ni Vivi kanina ngunit nangunot lamang ang noo ko sa pagtataka. "Bakit mo naman ako hahanapin, Ginoo?" Napahinto ako nang mapagtanto ang kaniyang pakay. "Nais mo pa rin akong hulihin dahil sa pagnanakaw ko sa maharlikang iyon?" namamangha kong tanong. Lalong sumeryoso ang mukha niya, inalis ang pagkakahawak sa braso ko. "Hindi kita hinahanap dahil sa kasalanan mo sa ginoong iyon kundi dahil sa kasalanan mo sa akin, Binibini," mariing aniya. Naningkit ang mata ko. "Wala akong maalalang may kasalanan ako sa iyo, Ginoo." Agad siyang napangisi
"ANONG sinasabi mo? Mahal na ginoo? Mas mahal mo na siya ngayon kaysa sa akin, Vivi?" masama ang loob kong tanong. Kaya pala tila ayaw na niyang umalis sa braso ng ginoong iyon. "Mas mahal kita. Mas mahal kita." Lumingon-lingon siya sa paligid, tila hindi alam ang gagawin, kung aalis ba siya sa balikat ko o kung mananatili. "Pero bakit mahal kong ginoo ang tawag mo sa kaniya?" muli kong tanong, lalong sumimangot noong hindi siya sumagot. "Bahala ka, kung mas mahal mo siya kaysa sa akin ay sa kaniya ka na lamang sumama. Sa hangal mong ginoo!" Hinawi ko siya sa aking balikat dahilan upang mabilis siyang lumipad paalis, umirap ako ng tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Hindi man lang umangal sa aking sinabi. "Kapag sumama ka nga sa kaniya ay pagbubuhulin ko kayong dalawa," inis kong wika. Isinarado na ang supot at naglakad patungo sa aking tahanan. "Ang tagal mong nawala. Akala ko ay maliligo ka lamang ngunit saan ka nagtungo?" wika ni Adrina n
"ADRINA," pag-agaw ko sa kaniyang pansin, agad naman siyang tumalima. "Magpahinga muna kayo, Hamil," wika ko, tumango siya at pumunta sa ibang nagsasanay. Inabot ko kay Adrina ang hawak. "Salamat, Binibini," aniya. Pinagmasdan ko lang siyang ubusin ang tubig na ibinigay ko. "Bukas na lamang tayo pumunta sa pamilihan, alam kong pagod ka na mula sa iyong pagsasanay." "Sige, mabuti na rin iyon dahil hapon na, maya-maya lamang ay lulubog na ang araw," tumatangong aniya. Tumango lang din ako at kinuha ang kawayang tasa sa kaniya. "Huwag mong masyadong pilitin ang iyong sarili sa pagsasanay, mahabang panahon pa ang kailangan mo bago tuluyang matuto," wika ko na agad nagpakunot ng noo niya. "Ngunit labing walong araw na lamang mula ngayon bago ang pagsalakay," aniya. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. "Hindi ko sinabing sasama ka sa pagsalakay na iyon, Adrina. Mapapahamak ka lamang," seryoso kong wika. Hindi agad siya nakas
MAYA-MAYA pa ay nagkatinginan sila at agad na nagtawanan, tila alam na ang sagot sa kanilang mga tanong, lumapit na rin ang dalawa sa aking harap. "Ano kaya iyon na lubos na nakapagpula ng pisngi ng binibini?" wika ng isa. Kinakausap ang mga kasama ngunit alam kong para sa akin ang tanong, nanunudyo. "Oo nga, siguro ay maganda ang naganap sa pagitan nila?" gatong pa ng isa. "Hindi kaya ay naglapat na ang kanilang mga labi?" "O higit pa." Agad na kumunot ang noo ko, hindi nagustuhan ang huling narinig. "Hindi! Halik lamang, mga sirena," wika ko ngunit agad na tinakpan ang sariling bibig dahil sa aking kadaldalan. Muli silang nagkatinginan at nagtawanan. Sumimangot ako, nakakainis ang mga sirenang ito. Kung pagbawalan ko rin kaya sila sa talon na ito. "Sabi ko na nga ba, hindi mamumula ng husto ang iyong pisngi kung hindi mo pa natitikman ang kaniyang labi," humahagikhik na wika ng may kulay rosas na palamuti. "Ngayon ay
"BAKIT ang tahimik mo? Hindi ka naman ganyan noong una tayong nagkita. Kanina pa kita kinausap ngunit hindi ka sumasagot," aniyang muli. Luminga-linga siya sa paligid dahil nagsisimula nang maglabasan ang mga alitaptap. Nagtago ako sa puno upang hindi ako mahagip ng kaniyang paningin sa hindi ko malamang dahilan. "Kung nandito siya ay nakikita na sana niya ang ganda ng mga alitaptap na ito. Gustong-gusto kong makita ang maganda niyang ngiti, ang kumikislap niyang mga mata at ang mamula-mula niyang pisngi," may bakas ng katuwaan ang kaniyang tinig. Natulala ako dahil sa narinig, napahawak ako sa aking dibdib dahil tila nagustuhan iyon ng puso ko. Bakit ba ganito ang aking nararamdaman? Tama bang maramdaman ko ito? "Gustong-gusto ko talaga siya, Ibon. Siya lamang ang tanging binibini na hinangaan ko ng ganito, hindi na siya mawala pa sa aking isipan." Kinagat ko ang ibabang labi ko at dahan-dahang sumilip sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa kaw
TUMINGIN muna sa akin si Adrina bago muling nagsalita. "Bakit nais mong malaman? Sino ka ba, Ginoo?" aniya. Gusto ko siyang pagalitan dahil sa kaniyang asal ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kung siguro ay ibang kawal ang kausap niya ay kanina pa siya dinala at pinarusahan. "Hangal. Hindi mo dapat kinakausap ng ganyan ang--" "Favier," pigil ni Sevasti sa pagsasalita ng kaniyang kasamang ginoo. Nang magtama ang paningin nila ay agad silang nagkaintindihan, yumuko ng bahagya si Favier bilang paumanhin sa kaniyang pagsagot. "Adrina," agaw ko sa atensyon niya. "Igalang mo siya, isa siyang kawal ng Farianio," wika ko. Hindi nagbago ang bugnot niyang ekspresyon ngunit marahan siyang tumango sa akin, napipilitan. "Isa kang kawal, Ginoo?" wika ng binibini na siyang nakaagaw ng atensyon ko. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ni Sevasti na siya ko ring ginawa ng hindi ko namamalayan. Hindi iyon marangya katulad ng mga nauna niyang suot ngunit hindi
SIYA na rin ang kusang humiwalay sa halik na iyon. Pareho kaming naghahabol ng hininga habang magkadikit ang aming noo. Matunog akong tumawa, kagat ang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang kaniyang labi. "Muntik na akong maniwala nang hanapin niya ang kaniyang ama." "Muntik ko na ring saktan ang babaeng iyon nang muli ka niyang hawakan." Humiwalay siya sa akin, hawak pa rin ang baywang ko, nakataas ang dalawang kilay at may maliit na ngisi sa labi. "Selosa," nanunudyong aniya. Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "May dapat ba akong pagselosan, Ginoo?" "Wala," mabilis niyang sagot, lalong lumaki ang pagkakangiti. "Akin ka na nga talaga, Binibini." "Paano mong nasabi?" nakataas ang kilay kong wika. Inalis ang dalawang kamay sa batok niya. Agad na kumunot ang noo niya at mas hinigpitan ang hawak sa akin na tila anumang oras ay tatakasan ko siyang muli. "Hindi ba?" "Hmm," tila nag-iisip, nakangisi lang ako sa kan
"ANONG ginagawa ninyo dito, mga verdantes?" tanong ko. Patungo ako sa talon kung saan naroon ang mga Sirena upang maligo ngunit namataan ko sila dito sa gitna ng kagubatan ng Kozania. Tatlo lamang sila at hindi kabilang ang kanilang pinuno na si Dardo. Mayabang na humarap sa akin ang nasa gitna kaya tinaasan ko siya ng kilay at dinala ang aking kamay sa espada ko, handa silang kalabanin kung gagawa sila ng maling kilos. "Namamasyal lamang kami, Binibini," aniya. Bahagya siyang umatras nang makitang hinawakan ko ang aking espada. "Namamasyal?" sarkastiko akong ngumiti. "At saan naman kayo papasyal dito sa Kozania, Verdantes? Kabisado ba ninyo ang lugar na ito?" at masamang tumingin sa kanila. "Paumanhin, Binibini. Aalis na kami," wika nang isa sa kanila, isinenyas ang kamay sa mga kasama upang yayain paalis. "Tama, umalis na kayo kung ayaw ninyong putulin ko ang inyong mga sungay," tiim bagang kong wika. Agad silang nag-atrasan nang uma