Share

Chasing Betsy
Chasing Betsy
Author: LadyClarita

Chapter 1

Okay. Kalma ka lang, Betsy. Hingang malalim. Inhale. Exhale. Remember, isa kang sophisticated businesswoman. Kanina pa niya pinapakalma ang sarili habang namumuo ang butil ng pawis sa kanyang noo.

Paano nga ba siya napunta sa sitwasyong ito?

Ay, oo nga pala. Bayarin na ng upa. Para maiwasan na naman ang ratsada ng bunganga ng magaling niyang landlady na si Aling Petra. At saka para na rin sa bagong pustiso ng kanyang Lolo June.

Kaya heto siya ngayon, nasa loob ng malaking conference room na puti ang kulay ng pinta. Nakaupo siya sa isang silya sa likod ng mesa. Sa harap niya sa may hindi kalayuan ay ang isang malaking projector, kasinglaki ng kanyang pasensiya. Dito sa loob ng hotel sa siyudad ng New York. At ah ah. Hindi New York Cubao kundi sa ibang bansa.

“. . . so basically the length of development . . .’’

“ . . . logistics . . . data . . . management . . .”

Ay ano raw te? Ewan niya lang talaga. Kahit ipaikot-ikot pa sa washing machine, pigain, at isampay sa Mars itong utak niya, wala talaga siyang na-gets sa lalaking nakasuot ng salamin na mukhang trenta anyos na hilaw na ito.

Basta tango lang nang tango. Sabayan pa ng ngiting propesyunal. Kumbaga interesado at himay na niya ang kalakaran sa larangan ng negosyo. Siya mismo ay napapabilib sa sariling aktingan. Road to Hollywood!

Teka lang muna. Bakit parang busy itong mga 'to? Natigil siya nang makita ang sabay-sabay na pagyuko ng mga kasamahan niya sa silid. Nakita niyang tila ba naka-focus ang lahat sa kani-kanilang mga laptop sa mesa.

Ay lintik! Tahimik siyang napamura. Bakit hindi yata siya nasabihan na kailangan pa lang may laptop na dala? Nakakahiya naman ito. Parang abalang-abala sila sa kapipindot. Parang siya lang ang walang gadget na nakatuntong sa mesa.

Puwera na lang sa lalaking nakaupo sa may gawing kanan niya, isang lumang kuwaderno ang dala. Nakasandal lang ang likod nito sa upuan na parang bagot. Mas mukha pa nga itong hindi handa kaysa sa kanya, eh. Kung titingnan nga ang pormahan nito ay mukhang gusgusin. Akalain niya ba namang naka T-shirt at pantalon na maong lang. Butas pa sa may tuhod. Kaloka!

Ni mukhang nakalimutan pa nga nitong mag-ahit eh. At ang mga mata . . .

Ack! Nakatitig ang asul na mga mata ni manong sa kanya!

Aba aba, tinaasan pa siya ng kaliwang kilay nito!

Ibinaling na lang ulit ni Betsy ang atensiyon sa nagsasalitang hilaw sa harapan at napaubo pa siya dahil sa pagkakasamid sa sariling laway.

Okay. Ano kaya ang pwede niyang gawin upang hindi naman magmukhang tanga? Tama! 'Yong cellphone niya. Nakaisip kaagad siya ng magandang ideya kaya naman ay mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone mula sa bag at nagsimula na siya sa pagpipindot nito. See? Sa huli hindi siya tanga. Medyo lang!

Medyo gumaang na rin ang pakiramdam niya nang mayroon na siyang napipindot. Pero nagulantang na lamang siya nang makita sa screen ng kanyang cellphone ang naitipa niya. Para naman siyang may ka-chat na alien o hindi kaya ay nakaupo sa keyboard dahil sa natitipa. Fffggghhioo

Delete!

Huminga siya ng malalim at naisipan na maglista na lang ng mga kailangan niyang bilhin pag-uwi niya ng Pilipinas.

  1. bigas
  2. limang lata ng sardinas
  3. manti—

Anak ng tokwa! Biglang tumunog nang malakas ang ringtone ng cellphone niya sa kantang ‘Buwan’ ni JK Labajo.

Gaga! May tumatawag pala!

Nagsilingunan ang mga kasamahan niya at halatang hinahanap ng mga ito ang salarin ng ingay. Nang matagpuan nilang sa cellphone niya nagmula ang ingay ay nakita niyang bakas sa mga mukha nito ang pagkairita. Kaya naman ay dali-dali niyang pinatay ang cellphone at uminit ang magkabilang pisngi niya sa labis na kahihiyan. Bahagya siyang napayuko at pumikit nang mariin na para bang maitatago pa ang sarili. Gusto niya na lang kainin ng lupa!

Maya-maya pa ay nagpatuloy ang talakayan at saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag. Palibhasa ay pinatay na niya ang cellphone, ibinalik na lamang din niya ito sa loob ng bag. Bigo siyang bumuntonghininga at binalingan na muli ang mesa. Nawindang na lamang siya sa nakitang isang halatang pinunit mula sa kuwaderno na piraso ng papel sa kanyang harapan.

Sa mga sandaling iyon ay hindi na siya nagtaka kung kanino ito nanggaling dahil alam niyang lahat ay laptop ang dala maliban sa lalaking katabi niya sa kanang bahagi. Unti-unti siyang napasulyap sa lalaki at nakaramdam ng kahihiyan dahil sa mga hindi kaaya-ayang naisip tungkol dito kanina. Ngunit hindi nagtagpo ang kanilang mga mata na parang eksena sa pelikula dahil nakatutok nang deretso ang tingin at atensiyon nito sa presentasyon na nasa harapan.

Napakagat siya sa kanyang ibabang labi at ibinaba ang tingin sa mesang nasa tapat nito. Marahil ay napansin ng lalaki ang kanina pa niyang malagkit na pagtitig sa panulat na nakalatag katabi ng kuwaderno nito. Bigla nitong ibinaling ang tingin sa kanya at nagsalita gamit ang malalim at mala-musikang boses.

“Do you need a pen with that?” tanong nito sa kanya na may halong lihim na tawa ang mga mata. Napaisip tuloy siya kung pinagtatawan ba siya ng lalaki.

Siyempre, napalunok siya dahil sa kaba. Bigla na lang bumilis ang pintig ng puso niya na para bang nagmamadali. Parang may lakad! Tsar!

Matapos ang ilang segundong pagiging tanga na naman ay nahanap din niya ang sariling boses at nagsalita na.

“Su--sure,” tugon niya gamit ang boses na parang pumiyok na kambing. Siguro napa-facepalm na lang ang guardian angel niya sa hiya, kung mayroon man.

Walang anu-ano ay inilatag ng lalaki ang panulat katabi ng piraso ng papel. At shocks! Nagulantang na lamang siya. Cartier pen pala ito kaya nakasisiguro siyang mamahalin ito. Kaya na sigurong pakainin ang street children. Marahil ay wala itong maayos na mga damit dahil naubos ang pera sa kabibili ng mamahaling panulat. Koleksyon kumbaga.

Kahit may halong kahihiyan man ay pilit niyang ginamit ang ipinahiram sa kanya ni Kuyang Pantalon.

Feeling tuloy ni Betsy ay isa siyang charity case.

Bumawi siya at ipinagpatuloy ang paglilista ng mga bibilhin gamit ang donasyon ng lalaki sa kanya. Pakiwari naman niya ay walang makakahalata sa mga ipinagsusulat niya.

  1. 4. itlog
  2. sabon panlaba
  3. napkin (yung may pakpak)
  4. katol (isang kahon para libre stand)
  5. canton (iyong nanggagalaiti sa anghang)
  6. Panghilod

Makalipas ang ilang oras ay nagsalita ang isa sa mga nag-oorganisa ng nasabing pagtitipon, isang Amerikanong lalaki na patpatin at may boses bungisngis ngunit mukhang may alam naman.

“All right folks! This time, I want you to share your ideas with one another. Don’t be shy . . .”

Anak ng tipaklong!

Bigla siyang tahimik na napamura sa kinauupuan. Sa pagiging abala niya sa paglilista ay hindi na niya nasubaybayan pa ang mga pinagsasabi nito. Hindi niya inaasahan na may ganito pa lang magaganap. Hindi siya ready!

“ . . . groupmates . . .”

“. . . people sitting next to you . . .” pagpapatuloy ni patpat.

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Betsy. Ano ba namang ideya ang maibabahagi niya eh isa lamang siyang hamak na impostora? Lahat na lang ng santo na kilala niya ay natawag na niya, mga bale lima siguro. Ay wait, santo ba si Fred?

 Mas naging balisa siya nang mapunang nagsimula ng maghila ang katabi niya sa kaliwang bahagi ng inuupuan nito, isang blandinang unat na unat ang buhok. Sumunod na rin ang gusgusin na lalaking nasa kanan niya. Halatang maski ito ay iritado sa pangyayari. Nagsimula na rin siyang kumilos upang hindi naman siya masabihang bakal-ulo.

Matapos ang hilahan ng kani-kaniyang upuan, nabuo na ang kanilang prayer meeting- este grupo. Siya, si blandinang unat, at si gusgusin.

“So, should we introduce ourselves first?” pagsisimula ni blandina na may halong ngiting hanggang tainga. “I'm Amanda Waring, executive assistant of Global World."

“Jack Wills,” matipid naman na pagpapakilala ni gusgusin.

"BetYuri Haruko, junior managing director of Kazumi Enterprises," medyo kayas na pagsisinungaling niya. Ilang beses na yata niya itong na-practice sa Pilipinas para lang sa pagkakataon na ito.

“Oh! You're Japanese then. I love Japan though I've never been there.” Biglang kumunot ang noo ng nagpakilalang Amanda kanina habang tinititigan ang bawat sulok ng mukha niya.

“You don't look like Japanese though,” puna nito.

Dahil sa kapa ni Betsy na hinahamon ang kasanayan niya sa pagpapanggap, niliitan niya ang kanyang mga mata na para bagang siya ay nasisilawan sa sikat ng araw. Medyo pinaliit niya rin ng kaunti ang mapupula niyang mga labi.

Bigla na lang napanganga si Amanda at hindi nakapagsalita. Batid niya ang matinding pagkamangha nito kaya naman ay mas pinag-igihan pa niya ang ginagawa. Hanggang umabot sa puntong halos wala na nga siyang makita.

 “Are you all right?” tanong ni gusgusin este Jack Wills. Sinusuri pa nito ang mukha niya habang tinititigan ang bawat sulok na para bang may hinahanap siyang kung ano.

Nang mapagtanto niyang siya pala ang tinatanong nito at sa kanya pala ito nakatingin ay ibinalik na ni Betsy ang kanyang hitsura sa normal.

“Of course!” mariin niyang tugon.

“Are you sure?” Halata ang hindi nito pagiging kumbinsido dahil hindi pa rin siya nito nilulubayan ng tingin.

“Uh huh!” Isang beses itong mabilis na tinanguan ni Betsy sabay iwas ng tingin dahil nababalisa talaga siya sa paraan ng pagtitig nito.

“Can you tell us some Japanese words? Well, aside from ‘Arigato’ of course because that's all I know! Ha ha," madaldal na pagpapatuloy ni Amanda.

Pisti! Napamura na naman siya. Paano ba ito? Iyon lang din ang alam niya! Ingles lang naman ang ginagamit nila ng kliyente niyang haponesa kapag nag-uusap sila. Ipapahamak pa talaga siya ng unat nato. Piktosan ko ‘to sa matres eh. Nasa isip niya.

Pansin niya pa rin ang paghihintay ni blandina sa isasagot niya. Nang pasimple niyang sinulyapan ang amerikanong gusgusin na si Jack Wills ay nakita niyang naghihintay rin ito. Mas lalo siyang pinagpawisan. Nanuyo ang mga gilagid niya. Sa mga oras na ito ay isinaBatman niya na lang kung ano man ang lalabas sa bibig niya at nagsalita gamit ang tinig na ako mismo ay hindi nakakakilala.

“Harujusko!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status