Nalaboan siya sa sinabi ni Jack. Kahit na ang dali lang naman intindihin ng sinabi nito, hindi pa rin ito rumehistro sa pang-unawa niya.
“Ho? Ano what? I don't understand.” Nalilito si Betsy sa nangyayari.
“I'm not Jack Wills,” pag-uulit ni Jack na mas lalo lang nagpagulo sa isipan niya. Sa pag-aakalang nagbibiro ito ay tumawa nang malakas si Betsy habang hinahawakan ang kanyang tiyan. Nang muli niya itong tiningnan ay natigilan siya. Napuna niyang seryoso pala talaga si Jack.
“I . . . don't get it.” Naging matabang na ang ginawa niyang pagtawa.
“Jack Wills is my brother. My twin brother,” paliwanag nito.
Napagiwang si Betsy sa kinatatayuan. Mabuti na lang at nakahawak siya sa backrest ng silya na nakalagay sa harap ng mesa nito. Hindi niya napaghandaan ang naging rebelasyon nito. Pinagmasdan ni Jack ang reaksiyon niya.
Parang nanuyo ang lalamunan niya. Unti-unti siyang napaupo sa silya. Dumapo ang kanyang tingin sa mesa
Kung nakakangawit ang pagsusuot ng heels, mas nakakangawit sa pwet ang maupo nang matagal. Dalawampung minuto ng nakaupo si Betsy sa loob ng restawrant habang naghihintay kay Jack Wills o kung ano man ang totoong pangalan nito. Alam niya naman na hindi itodatepero umuwi pa talaga siya ng apartment matapos ang shift para magpalit ng suot. Hindi na siya si Angel Locsin kundi si Alyana ng Probinsyano. Paano ba naman kasi, naka off-shoulder siya na floral dress at straps sandals. Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay dumating na rin si Jack. Napansin niyang ang tangkad pala talaga nito. Kaswal lang ang suot nito. Naka itim na T-shirt at itim na jeans. Terno sana sila kung hindi lang siya nagbihis. “I'm sorry to have kept you waiting. There was just an emergency which I had to attend to,” wika nito nang makaupo na sa tapat niya. “Oh no. I just got here,” pagsisinungaling ni Betsy. Ayaw niya namang isipin nito na nag
Si Devyn Wills ay isang sculptor. Hindi lang basta iskultor kundi kilala sa larangan ng sining. Ilan sa mga nagawa niya ay naidisplay na sa sikat na mga art galleries. Kabilang na rito ang New York, London, Paris, Singapore, at bansang Japan. Nakapangalumbaba si Betsy habang binabasa ang article patungkol kay Devyn Wills. Dahil sa nabasa niya ay nakumpirma niya na talaga na hindi panaginip ang mga nangyari at hindi isang prank ang sekretong ibinunyag sa kanya ni Jack—este Devyn pala. “Ano 'yang binabasa mo? Bakit mukha kang seryoso?” bulong ng boses na nagmumula sa kanang tainga niya. “Ay kambing!” bulalas niya sabay hawak sa dibdib dahil sa gulat. Lumingon siya at nakita ang kaibigang si Pam sa kanyang likod. “Pam, naman nanggugulat ka.” “Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ako pinapansin. Ano ba 'yan? Blind item sa showbiz article?” anito sabay sulyap sa computer. Mabilisan niyang isinara ang page at hinarap na si Pam. “Hmp. Wa
“Bloody hell. That was . . . shit," usal ni Devyn matapos halos mapabuga. Pinunasan nito ang bibig gamit ang likod ng kamay. Halata ang pamumutla ng pisngi nito. Nagsalin uli si Betsy sa baso at inangat ito para ialok kay Devyn. “Do you want some more?” Mabilis ang ginawa nitong pag-iling. Hindi pa rin maipinta ang hitsura nito kaya kinuha ni Betsy ang baso at siya na lang ang lumagok ng laman nito. “Your loss. It's our famous local liquor,” pagmamayabang niya. “Are you planning to get drunk . . . at this hour?” anito sabay sulyap sa suot nitong Rolex na relo. “Probably, unless you summon us to show at work.” Ibinaba na ni Betsy ang baso at nagsalin uli saka uminom. Sinusundan nito ng tingin ang bawat paggalaw ng mga kamay niya. Naniningkit ang mga mata ni Devyn habang pinagmamasdan siya. “Actually, I already sent a memo to the admin to let the agents take the night off." Inilapag ni Betsy ang bas
“Thank you for calling Global Bank. This is Betsy. How can I help?” madulas niyang bungad sa caller na nasa kabilang linya. Pang-huling caller na niya ito bago ang lunch break niya sa trabaho na kahit gabi lunch break pa rin ang tawag. Siyempre, literal nilang ginagawang araw ang gabi dahil sa pagkakaiba ng time zones. “Hi, Betsy. My girlfriend just broke up with me. What shall I do?” pambungad ng lalaking caller niya gamit ang mangiyak-ngiyak na boses sa kabilang linya. “Hindi ho ako dj sa radyo.” “What did you say?” Halos mapatampal siya sa mukha. Napalakas niya pala ang pagkakasabi noon. “I mean did you do something wrong to upset her?” “Well I just went out with my friends! What is wrong with that?”Halos suminghal na ito sa pagiging high blood. “Hmp. So what do you want to do on your account, sir?" “Oh yes.” Bahagya na itong kumalma. “ Uh . . . I would like to hav
Multo, bampira, tiktik, madre, white lady, at sandamakmak na superheroes. Sila ang bumungad sa kanya pagpasok niya sa loob ng gusali. Day-off niya sana ngayon pero pumasok na lang siya dahil sa most awaited na Halloween party. Nagbabakasakali rin siyang manalo sa pa-contest ng costumes para pandagdag kita. Pumasok na siya sa loob ng elevator para makarating sa tenth floor. Nakasabay niya sa pagsakay sina Jon Snow, at si Batman. Nag-uusap ang dalawa at tumango ang dalawa nang makita siya. “Onyok, sama ka sa amin sa inuman mamaya ah,” pag-iimbita ni Jon Snow sabay pangungulangot. “Sure, bro. Nang maka-iskor naman ako kay April,” tugon ni Batman habang pakamot-kamot sa pwet. Napailing na lang si Betsy sa sulok. Ilang sandali pa ay pumasok si Valak na nakasuot ng red heels at halatang may kausap sa cellphone. “ . . . kasi wala nga akong datong. Naiskam nga ako sa puchang sisiw na 'yon,” sabi nito sa kausap na nasa kabilang linya.
Dinaganan ng ten wheeler truck. Ito ang pakiramdam ni Betsy habang wala sa sariling nakasakay ng bus pauwi ng Calamba. Wala nga siyang ni isang bitbit na dala maliban sa maliit na sling bag. Matapos kasi ang tawag ng kanyang Tatang ay manhid siyang naligo, nagbihis at umalis ng apartment.Wala na si Lolo June. Ito lang ang paulit-ulit na mantra ng isipan niya. Naghahangad na sana ay magbago at masamang panaginip lang ang lahat. Sa sakit ay hindi niya na namalayan na nasa terminal na pala siya.Matapos huminto ng bus ay bumaba na siya. Naghintay siya ng taxi na masasakyan sa may kanto. Nang may taxi na huminto sa tapat ay wala siyang imik na pumasok sa loob. Pagkatapos maupo ay walang kabuhay-buhay niya nang sinabisa drayber ang kanyang address.Nang makarating siya sa bahay ay pansin niya ang kanilang mga kapitbahay sa loob ng gate. Hindi niya naramdaman ang pag-apak ng mga paa niya sa lupa papasok ng gate. Mistulan siyang
Excited si Betsy sa araw na ito. Ilang sandali pa ay darating na si Devyn sa apartment para sunduin siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na boyfriend niya na ito. Gusto niyang sumigaw sa galak pero hindi puwede dahil sinisekreto nila ang kanilang relasyon. Habang inaayos niya ang suot na bulaklaking off shoulder dress ay narinig niya na ang katok sa may pinto. Palundag ang lakad niya nang magtungo sa may pintuan upang buksan ito. Awtomatikong nakaplaster na sa mga labi niya ang matamis na ngiti. Pagkabukas niya ng pinto ay agad na bumungad sa kanya ang nakangisi at nakapamulsangboyfriendniya. Nakasuot ito ng kulay asul na T-shirt at black jeans. “Hey you. Are you ready to go?” bungad ni Devyn. “Of course! Oh wait . . . I forgot my purse!” Mabilis niya itong tinalikuran muna at nagmamadaling bumalik ng kuwarto para sa naiwan niyang purse. Dahil sa masyadong pagiging excited ay halos makalimutan niya pa ito
Walang nangyari sa kanila ni Devyn kagabi. Matapos nilang magdinner date with candle light sa may dalampasigan ay bumalik na sila sa kanilang suite, nag goodnight kiss at natulog. Natulog. Kahit iisa ang kama na king size bed na hinihigaan nila ni Devyn Wills ay natulog lang sila. Wala silang kababalaghan na ginawa. Sinubukan niyang pigain ang utak niya at inalala ang mga pangyayari kagabi habang kasalukuyang nakahiga sa kama at nakatingala sa kisame. “Cheers!” “Cheers.This is so romantic,Devyn!” nakangiti niyang sambit habang hawak ang wine glass sa isang kamay.Sumimsim siya mula rito habang nakangisi naman si Devyn na nakaupo sa tapat niya. Pinagmamasdan siya nito habang sumisimsim din mula sa wine glass. “So tell me about your past girlfriends. I'm sure they're all gorgeous,”pagsisimulaniyaatmarahanginilapagangwinesamesa. Nanin