Share

Chapter 9

Si Devyn Wills ay isang sculptor. Hindi lang basta iskultor kundi kilala sa larangan ng sining. Ilan sa mga nagawa niya ay naidisplay na sa sikat na mga art galleries. Kabilang na rito ang New York, London, Paris, Singapore, at bansang Japan.

Nakapangalumbaba si Betsy habang binabasa ang article patungkol kay Devyn Wills. Dahil sa nabasa niya ay nakumpirma niya na talaga na hindi panaginip ang mga nangyari at hindi isang prank ang sekretong ibinunyag sa kanya ni Jack—este Devyn pala.

“Ano 'yang binabasa mo? Bakit mukha kang seryoso?” bulong ng boses na nagmumula sa kanang tainga niya.

“Ay kambing!” bulalas niya sabay hawak sa dibdib dahil sa gulat. Lumingon siya at nakita ang kaibigang si Pam sa kanyang likod. “Pam, naman nanggugulat ka.”

“Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ako pinapansin. Ano ba 'yan? Blind item sa showbiz article?” anito sabay sulyap sa computer.

Mabilisan niyang isinara ang page at hinarap na si Pam. “Hmp. Wa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status