IV: ANO...

“Ano pa ba ang mga kailangan pang i-organize sa programa natin?” Tanong noon ni Salome habang ako'y abala sa paglilista ng mahahalagang napag-uusapan. Gagawan ko pa ito ng minutes of the meeting na ipapasa sa kanya at sa aming gurong tagapayo na si Bb. Ansel.

“Handa na ba ang mechanics?”

Yes po”, nakangiting saad noon ni Lenina

Okay, good to hear that,” nakahinga nang maluwag noon ni Salome. “How about the registration forms via G****e form? Meron na ba?”

Yup!” Sagot ko noon bago ako uminom ng tubig.

Maglulunsad kami ng isang art contest para sa mga mag-aaral, mula sa iba't ibang kolehiyo, kalakip ang temang “A Brighter Future”.

“ A BRIGHTER FUTURE”

Ano para sa 'yo ang MAALIWALAS NA KINABUKASAN?

Katulad din ba ang iyong naiisip sa mga pananaw naming umaalab ang prinsipyong marangal? Prinsipyong iginuguhit pa lamang sa mga alapaap ay gumagalaw na ang aming mga paa tungo sa mabuhangin at mausok na kapalaran. Kapalarang maging palaban sa mga buktot na sistema ngunit hindi mawawala ang pagmamahal sa sarili, magulang at pamayanan.

Katulad din ba sa iba na naghahanagad ng maaliwalas kapalaran sa pamamagitan ng gintong kayamanan? Ngunit ang dangal ay natatapakan sa paulit-ulit na pag-uutos ng mga nasa itaas at makapangyarihang nilalang.

Katulad din ba kay Gng. Sebastian na handang lisanin ang liwanag ng kamera upang ituon ang mga oras sa pagtulong sa mga maralita? Ang kanyang mga anak ay nangangarap maging katulad ng kanyang pagpapakatao, pilit aalisin ang “tuldok” sa harap ng sistema at papalitan ng “kuwit” upang tumuloy ang agos ng batis ng maaliwalas na tadhana.

Napatingin ako kay Hugo na nananahimik sa isang tabi, hawak ang kanyang isa sa mga aklat ng kursong pinag-aaralan. Ramdam ko ang pagod ng kanyang isipan, malayo Ang kanyang iniisip at nakatingin sa malayo. Katabi niya noon si Salome na abala sa pagsasalita sa aming pagpupulong.

Nagsisimula nang maglista ang aming taga ingat-yaman ng mga gagastusin sa nasabing programa. Binukod niya ang estimated amount ng perang nakalaan sa mga kalahok na mananalo: tatlong libo, isang libo at limang daang piso. Ito sana ang magiging premyo, kalakip ang ipinangako naming art materials, T-square na tatak Steadler at iba’t ibang sukat ng sketch pad. Umaasa noon ang mga bumoto sa aming mga pangako. Pangakong programa na magbubukas ng bagong oportunidad na maipakita ang kanilang talento sa sining, sa kabila ng magkakaibang kursong pinag-aaralan.

Maaaring ang iba sa kanila'y biglaan ang pagpili ng kursong pinag-aaralan at ang sining ang una nilang minahal. Maaaring ang iba nama'y nagdadalawang-isip sa kursong pinagpipilian dahil dalawa o isang kurso lamang ang kwalipikado sa kanilang marka noong nagkaroon ng college entrance exam. Ang mga kurso'y tila ayon sa “basta maikumpleto sa requirement ang tatlong pipiliing kurso” sa pagpi-fill up ng registration form.

“Mavie”, tawag noon sa akin ni Salome habang abala pa rin ako sa aking bagong listahan.

“Yes?”

“Maibibigay mo ba kaya 'yong liham na SINULAT natin noong nakaraang linggo gamit ang G****e mail?” Ramdam ko ang pag-aalala o pag-aalinlangan sa kanyang wangis.

“A sige, susubukan ko. Sana mabasa niya”, magiging pangatlong ulit ito kapag nagkataon.

Ito ay dahil hindi sinusuportahan ni Bb. Ansel ang aming gagawing programa.

“Ayoko niyan!”

Nadismaya kami sa sinaad niya noon. Pilit namin siyang kumbinsihin na suportahan ang nasabing patimpalak.

Hindi siya sa patimpalak tumututol noon.

Kundi sa tema.

“Anong masasabi ng namamahala ng paaralan kapag maririnig nila ang temang naiisip ninyo?”

Halatang sa una pa lamang ng aming pagtatagpo'y may pait na siyang taglay sa kanyang pag-uugali. Ibig niyang ang sa kanya'y madalas dapat masusunod, kami ang tagasunod sa utos ng kung ano ang gagawin.

Hindi namin tipo ang ganoong sistema. Batid naming akma sa ganitong pagkakataon ang naiisip naming tema. Masyado siyang mapagmataas sa mga katulad naming mag-aaral.

Hindi namin nais ang kanyang katauhan at pinaninindigan sa pagiging propesyunal. Ang tabas ng kanyang dila'y nakasusugat, hindi sa aming mga balat, kundi sa mga mag-aaral na umaasa ng panibagong gawaing matutunan sa bagong taong-panuruan.

Pareho kami ng naiisip noon at ngayon ni Salome. Maging sina Guevarra, Lenina at Ranilo ay ramdam nila ang kapaitan ni Bb. Ansel.

“Hindi na bago 'yan!” Natatawang sabat ni Ranilo dahil batid niya ang pangungusap ng aming mga mata.

Dugtong pa niya, “Gusto ninyo ba ako na lamang ang magpadala ng letter of request at project proposal? Parang gusto kong isumbong siya sa lolo ko dahil sa pagiging serpentina niya”.

“Pssst!” Tinapik ko siya sa balikat.

Binulong ko siya, “Baka magkagulo dahil lamang sa ginagawa ng ARC”.

“OK, pasesnya na. Nakakainis na kasi 'yong tabas ng dila niya. Parang hindi siya nag-aral sa paaralan natin dati,” nadidismaya na si Ranilo noon dahil sa paulit-ulit nga naman ng paglilista at pagkukwenta ng mga gastusin.

Pinipilit naming pagkasyahin o pag-isipan ng pinakamatipid at alternatibong pagtustos ng ibibigay na pera galing sa itaas. Mahirap mag-isip muli ng mga gagawin. Ramdam ko ang pagod ni Ranilo sa gawaing iyon.

“Sino ba kasi ang tinutukoy ninyo?” Biglang pagtatanong ni Hugo. Nagkikinig pala siya sa aming usapan. Akala ko'y nagninilay mula sa mahabang pagbabalik-aral.

“Si Bb. Althea Ansel, ang serpentina ng taon”, sagot ni Guevarra habang tinitingnan ang kanyang kasuotang hinahabol kanina ng kalabaw ni Mang Tonio.

“Si Tiya ba?” Nag-iba ang dereksyon ng mata ni Hugo.

“Tiya mo pala siya? Wala ka namang kinukwento sa amin a!” Nagtataka ako sa kanya noon. May tiyahin pala siyang gurong nagtuturo sa aming kolehiyo. Ngunit bakit mapait ang kanyang awra?

“Paano ko ba ikukwento sa 'yo e hindi ka naman nagtatanong sa 'kin. Lagi ka kaya kay Yamilet, kaya wala kang time para tanungin ako”.

“Hala siya, madrama ka pare”, natatawa ako sa kanyang tinuran. Nakakunot kanyang noo na hindi ko mawari ang dahilan. Baka stress na siya sa kanyang binabasa.

So,” pagsisimulang tanong ni Guevarra. “kumusta naman siya bilang tita?”

“Pareho lang, mapait din ang timpla ng kanyang dating kapag dumadalaw silang mag-anak dito. Tila hindi siya kuntento sa kanyang estado”.

“Paanong hindi kuntento?” Pagtataka ni Salome. Tumigil ang aming usaping samahan dahil sa pagbubukas ng kwento ni Hugo sa amin. Itinigil din niya ang pagbabasa ng political theories.

“Aba’y hindi ko alam! HAHAHA!” Natatawang paliwanag niya.

“Masyadong kontrabida ng org 'yon e. Kahit sina Tasya at Sabel ng Student Council napapaitan sa kanyang awra. Grabe ang tabas ng dila niya sa pagbibigay ng suhestiyon na hindi naman cost-effective ang mga alam niyang programa,” pagsasalaysay ni Lenina sa amin nang naalala niya ang kwento ng kanyang mga nakatrabaho noon sa isang clean and green project.

“Kay Mama lamang siya nagkikinig”, pagsisimula ni Hugo.

“Bakit naman?” Tanong ni Ranilo.

“Aba’y hindi ko alam! HAHAHA!” Natatawang paliwanag niya. “Basta sa lahat ng kamag-anak niya, kay Mama lamang siya malapit ang kalooban niya”.

Tila si Gng. Sebastian lamang ang makakasagot ng kapaitan niyang nadarama.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status