VI. SANA...

"SANA NAMAN APRUBADO na niya ang project proposal natin. Ang tagal na kasi iyon. Nakakaumay na ang pakikitungo niya sa atin!" Umaangal na noon si Ranilo habang nag-uusap kaming mga miyembro ng ARC sa group chat.

"Kalma lang p're! HAHAHAHAHA!" Natatawang tugon naman ni Guevarra dahil batid niyang hindi kayang kontrolin ni Ranilo ang galit sa kanyang katawan.

Noong nakaraang taon, nainis si Ranilo sa isa niyang kamag-aaral na kumopya ng kanyang sanaysay. Magkaiba lamang ang mga pamagat ngunit iisa lamang ang nilalaman. Humingi naman ng pasensya ang taong iyon sa kanya at gumawa na lamang ito ng panibagong sanaysay.

Sa halip na patawarin ni Ranilo ang kamag-aaral, ipinagkalat sa buong klase ang pagkakamaling nagawa nito sa kanya. Mula noon, hindi na pumasok ang kamag-aaral na iyon dahil sa sobrang hiyang naramdaman.

Naalala pa namin iyon ni Guevarra kaya kailangang pigilang magalit si Ranilo. Maaaring ipagkalat din sa buong kolehiyo a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status