XI. KAHIT...

KAHIT TATLONG LINGGO lang ginanap ang aming patimpalak, maraming mag-aaral ang lumahok at sumuporta. Nariyan ang mga mag-aaral ng ikaapat na antas ng kolehiyo na palaging nanghihikayat sa mga kaibigan sa paaralan na subukang sumali sa patimpalak, sa pamamagitan ng social media accounts. Ito ay sa kabila ng pagiging abala nila sa kanilang mga proyekto at pananaliksik.

"Our school president informed me that your request sa budget ay may pirma na!"  Natutuwang ulat sa amin ni Bb. Ansel.

Nasa tanggapan kami noon ng aming samahan nang inuulat niya ang magandang balita.

"Yeeeeeees!!!!" Sigaw ng iba pa naming kasama.

"Hindi ito isang panaginip!" Pagbibiro ni Guevarra. Tinatapik niya ang balikat ni Ranilo na tulala noon habang nagkikinig.

Hawak ni Ranilo ang kanyang kwaderno kung saan nakasulat ang mga gastusin ng kasalukuyan naming proyekto. May tatak na iyon ng APPROVED, bukod pa sa nakaimprentang mga dokumento na pinasa namin sa kinauukulan.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status