XIV: SA...

SA ONLINE NA pahina ng ARC, makikita ang magagandang feedback at comment mula sa mga mag-aaral. Nahihilo na kami sa pagbabasa roon ngunit kailangang maging masipag sa pagtugon sa kanila. 

"Pahinga muna tayo", paanyaya ni Salome sa aming lahat.

Pinagpahinga muna namin ang aming mga mata sa kakatingin sa screen. Nakakalabo raw ng paningin ang matagal na "pagbabad" sa screen monitor o sa phone screen.

Nasa tanggapan kami ngayong tanghali dahil hinihintay namin ang pagdating ni Bb. Ansel. Ngayon ay ang araw ng pagpunta namin sa kapitolyo kung saan inanyayahan kaming magtanghalian ng lokal na pamahalaan. Marahil, magmemeryenda na lamang kami roon dahil malayo ang aming kinaroroonan, dalawang oras na byahe sakay ng traysikel.

"Sino magiging kasama ko?" Tanong ni Ranilo tungkol sa sasakyan naming traysikel mamaya.

"Ayaw mo na ba sa akin p're?" Tanong ni Guevarra sa kanya.

"Hindi naman sa ganoon. Dalawa tayo sa side car kasi lab pa rin kita p'r

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status