XVIII. NA...

"NA ALIN? DAHIL ba sa pagpunta ninyo sa kapitolyo?"  Pagtatakang tanong sa akin ni Yamilet habang kumakain sa isang karinderya.

Bumalik muli si Yamilet sa aming baryo galing sa Maynila dahil kukunin naman niya ang kanyang kotse upang gamitin sa pagbabyaheng pag-uwi at pagpasok sa pinapasukang trabaho. Nasa internship na programa pa rin siya at pinayagan siya ng kompanya na kunin ang kotse.

Nakasalubong ko siya sa isang daang nasa gitna ng palayan noong isang umaga habang pauwi na ako sa aming kubo.

"Madam?" Pagtatangkang tawag ko sa kanya.

Akala ko hindi pa siya makakabalik agad sa aming baryo sapagkat may kasalukuyan siyang sumasabak sa isang internship program sa Maynila. Maaaring mabawasan iyon sa kanyang oras sa trabaho.

Tinitigan niya ako nang mabuti. Tila kinikilatis niya muna kung sino ang nakapansin sa kanya sapagkat nasisilaw siya sa aking wangis. Mataas na noon ang araw sa kanluran at handa na itong magtago sa likod ng mga bundok anu

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status