Share

Chapter 3

May nagbabadyang luha sa gilid ng aking mata hahang nakahawak sa knob ng pintuan ng aking terrace. Dahan-dahan ko itong binuksan at tuluyan na nga'ng bumagsak ang mga luha na kanina pa gustong dumausdos pababa.

"Salamat, Ma," halos pabulong lang ang pagkakasabi ko no'n. Nakumpirma kong narinig iyon ni Mama nang maramdaman ko ang yakap niya mula sa aking likuran.

"Kahit ano para sa'yo. Malakas ka sa'kin, e," she teased.

Ang teresa ng aming bahay ay nakaharap sa sentro ng syudad, malinaw na mapagmamasdan ang ganda na hindi ko makita mula sa bintana kong nasa likurang parte ng bahay kung saan mayroon lamang mangilan-ilang kabahayan.

After I was saved from the kidnappers, mom and dad did everything to protect me, and that includes hiding me, keeping me inside the walls of this house.

I used to enjoy here the twilight beauty, stargazing after dinner, and running to catch the sunrise every morning. But when I was taken away by men who were able to escape after I was rescued by my parents and the police, they closed the door of this place and told me to stay in my room where I won't be exposed to people's eye.

Napahawak ako sa barandilya ng teresa. "This is beautiful."

"It is, indeed." Hinalikan ako ni mama sa noo. "Iiwan na kita. Enjoy the view, Ylona. Inaantok na ako."

Nginitian ko siya. "Sure, Mama. Thank you dahil tinanggal n'yo na ang lock niya. I've been wanting so bad to watch the city outside."

"Anything for you, my princess. Basta huwag masyadong magpa-gabi sa teresa, okay? Baka may makakita na naman sa'yo riyan. Ang ganda-ganda mo pa naman."

Hindi ko napigilang mapahagikhik. "Si Mama talaga. O sige na po. Alam kong maaga pa ang pasok n'yo bukas. Good night, Ma."

"Good night."

Pinanood ko si mama hanggang sa makalabas siya ng kuwarto. Pagkatapos no'n ay dali-dali kong binuhat ang study table ko at inilagay sa teresa. Isinunod ko naman ang dalawa nitong upuan at ang lalagyan ko ng mga ballpen. Nang makuha ko ang extension ay isinaksak ko ang lampshade na nasa ibabaw ng lamesa, bago ako tuluyang umupo at gumawa ng mga takdang-aralin. Kahit hindi ako required na gumawa ay gusto ko pa ring maging makatotohanan ang pananatili ko sa Emerson. As a student, I need to do this.

Nang matapos ko ang lahat ng ito ay tumayo na ako at lumapit sa barandilya. Napapikit ako nang marahang humampas sa akin ang pang-gabing ihip ng hangin.

I looked around. I love watching how the city shines so lovely. It is alive and busy. I love the view of the billboards, the buildings, the sound of the trains as well as the crowded railroads.

This terrace is my favorite spot every night. I love watching the place with a coffee in my hand as I dream about the things that I've never seen in reality. It was really my usual routine until the day I was kidnapped. It hurt to see its open door shuts in front of me.

I was banned to go outside the gates of this house without my parents. I took the rest of my school years inside my personal study room. I wasn't able to experience everything that the other teen-agers are doing: shopping, watching cinemas, attending concerts, parties, sleep overs, and even going to amusement parks which I'm really fond of.

Tuwing weekends, dito lang ako sa bahay. Instagramming, nanonood ng TV, kumakain, nagfa-fashion show mag-isa, at makikipag-chikahan sa mga kasambahay.

Busy kasi si papa sa business namin sa sentro. May puwesto kami sa isang building doon. My father is holding a hardware enterprise. And my mom, on the other hand, is a restaurant manager. Paminsan-minsan lang sila naglalaan ng time for family outing, pero naiintindihan ko naman sila. After all, may oras pa rin naman sila sa akin.

My family is not that dramatic. My parents are not the kind of people who only know to shove money then bye-bye.

The drama was just only in my head and heart. I keep it there alone. Besides, it's not that I was forced to be kept in here without justifiable reason. I understand life so well.

I spent hours just watching the night sky and Sangrove's night life as if I won't be able to see them again tomorrow.

Sa pagsagad ng kamay ng orasan sa ika-alas dose ng gabi ay naisipan kong matulog na. Maliwanag pa rin naman ang lungsod, pero unti-unting nang namamatay ang ilaw ng ilan sa mga gusali.

Humiga ako at nakipagtitigan saglit kay Cinderella. Her picture is in a frame in front of me. And before I fell asleep, I found myself smiling back at her as I wishes my story to be as beautiful as hers.

***

"Ang daming nakiki-picture sa'yo. Sikat ka na agad, pinsan!"

"Paano ba naman kasi, living Disney Princess ang peg ni Ylona. Ang kinis din ng balat at ang tangkad. Ikaw na."

Nasa kalagitnaan kami ng vacant time ngayon at kasama ko ang pinsan ko at ang dalawa niyang kaibigang sina Aela at Raine. Narito kami sa malapit na gilid ng soccer field. Napili naming magpalipas ng oras dito sa ilalim ng punong santol at ang gaan sa pakiramdam ang lamig na dulot nito.

"Pero sa totoo lang, ang weird niya sa suot niya ngayon," narinig kong komento ng pinsan kong kontrabida sa taste of fashion ko.

"It's cute. Besides, sit in naman siya. She can wear whatever she likes." Ngumiti ako kay Raine sa naging responde niya. So far, iyan ang pinakamatinong narinig ko ngayong araw.

"Exactly. So she needs to fit in," kontra na naman ng pinsan kong kung hindi ko lang pinsan ay naisumpa ko na kay Maleficent.

"Ivy," I sweetly spoke her name, "I wasn't born to please you."

Nagtawanan ang dalawa habang siya naman ay simpleng umirap lang sa akin. That was my card, hah!

"Actually sa ngayon, dapat may nag-aabot na sa akin ng wine, o 'di kaya'y mga katulong na ipinaghahanda ako ng panligo, or mga tagapag-silbi na nakahawak ng malaking pamaypay." Nakapikit pa ako habang ninanamnam ang tamis ng aking pantasiya. "Heave— ARAY!"

Gulat akong napamulagat at hindi agad napansin ang sakit na dulot ng bola sa ulo ko. Segundo pa ang lumipas bago ko sinapo ang noo ko.

"What the hell?" Hindi ko maitago ang iritasyon ko nang napagtantong tinamaan ako ng bola na ginagamit ng mga soccer boys.

Narinig ko ang tawanan sa tabi ko.

"Ikaw, e. May papikit-pikit ka pang nalalaman. Kung hindi ka sana puro daydreaming diyan e 'di hindi ka tinamaan." Nakangisi nang malaki ang magaling kong pinsan. Feeling niya naman panalo na siya. "Anyway, si Mr. Pogi naman ang may gawa no'n."

Awtomatiko akong napaangat ng tingin sa lalaking papalapit sa amin upang kunin ang bola. Hindi naging maganda ang reaksiyon ko nang makilala siya. Ang lalaking papalapit ay walang iba kun'di si Gray, ang kaklase kong may lahing banyaga, poging-pogi sa aking paningin, pero hindi masyadong nakakatuwa ang ugali.

Dire-diretso niya kaming nilampasan. Nang mapulot na nito ang bola ay halos tumakbo ito pabalik sa soccer field at parang walang nangyari na ipinagpatuloy ang paglalaro.

Nakagat ko ang labi ko at pinigilan ang sarili magbitaw ng kahit anong salita. That man is rude. I feel bad that I needed to ask him a piece of paper in my first day of school. I hate to think that I was the one who approached him first. That toad!

And what I hate the most is that he has something in him that makes someone stare at him in awe, something magnetic and electrifying.

"Super Gray," halakhak ni Aella. "Pero kung may maganda man sa ugali niya, 'yun ay ang kadahilanang siya ang source of paper ng klase. Rich kid, e. Bakit 'di na lang mag-donate ng isang cartoon ng papel 'no?"

Patuloy silang nagtawanan habang ako ay parang naputulan ng dila sa sobrang pananahimik. This is the reason why I hate reality! Pero kung siya ang reyalidad ko, why not?

Luh parang tanga.

"Anyway, guys, what's his full name?" Napatingin silang tatlo sa akin. "Not that I'm interested. You don't have to tell me."

"We're not saying anything, you don't have to defend," nangingising wika ng pinsan ko. Nakakaasar talaga siya.

"So, ano nga?"

"Gray Rhodes," halos sabay-sabay nilang sambit."

Hmm. Not bad.

My name would sound good with his last name.

Princess Ylona Marie Rhodes. Damn, ang sagwa, kaso ang sarap niya.

***

"Potang—" Halos hilain namin ni Gray ang isa't isa habang patuloy sa pagbilang ang aming guro sa Physical Education. "Ayusin mo kasi," naiinis na diin niya sa akin.

"Ikaw nga itong hindi sumusunod sa step. Turuan mo 'yang paa mo na matutong umintindi. The steps are damn easy!"

"Look who's talking. Hindi mo ba napapansing ikaw ang hindi sumusunod? Dapat humakbang ka paatras, hindi paabante," giit niya pa rin sa akin, ayaw na ayaw magpatalo e halata namang siya ang mali.

Hindi na ako nagsalita at piniling mag-concentrate na lang sa pagsasayaw. Idagdag pa ang mga kamay niyang nakahawak sa aking baywang at kamay. He's taking away my sanity and it's annoying that he has no idea of how bad it affects me!

"Release, step, step, release." Malakas ang boses ni Sir Sunga habang busy siya sa harap na nakikisabay para sa demonstration.

Nagpapasalamat ako kahit papaano dahil hindi kami masyadong napapansin ni Gray dito, lalo pa at nandito kami sa pinakadulong linya. Masyadong mapaglaro ang tadhana at kailanga'ng kami pa ang magkapares sa dinami-rami ng probabilities na iba na lang sana. We're currently conducting a ballroom dance as a performance in our PE3.

Nasobrahan sa galing ang kaklase kong si Gray Rhodes. Hindi matanggap ng ego niya na sinabihan ko siyang parehong kaliwa ang paa niya. Sa halip na ayusin niya ang galaw niya ay binaliktad niya pa ang katotohanan—ako raw ang umayos.

This is one of my favorite types of dances. Malawak ang ground ng aming sala. Madalas akong sumayaw roon na sinasabayan ng malamyos na tugtog mula sa speaker. Kabisado ko ang halos lahat ng sayaw na napapanood ko sa mga pelikulang Disney Princesses, at kagaya nila'y suot ko rin ang gown ko at stiletto.

Ngayon sabihin ni Gray na hindi ko alam, at ipapamukha ko sa kanya ang pagkakamali niya.

"Anong—" hindi ko mapigilang magngitngit ng ngipin nang matapakan niya ang maganda kong boots. "You're sick," umiiling kong saad bago ito pinunasan.

"Your fault. Hindi ka kasi sumusunod."

"Bakit ba ayaw mong tanggapin na kasalanan mo?"

"You, at the back!"

Sabay kaming napatingin ni Gray kay Sir Sunga nang malakas itong nagsalita. Nakaturo siya sa amin dahilan kung bakit napunta sa aming dalawa ang atensiyon ng lahat.

"Do you know what you're doing?"

Agad kong itinuro si Gray. "Sir, it seems like he can't follow instructions properly."

"Don't point fingers, woman. I can dance well," mukhang naiinis na sagot niya sa paratang ko. Iyan na ba ang tinatawag niyang 'well'? May sarili siyang diksiyonaryo?

Yes, he's handsome and hot and captivating, but his arrogance irks me.

"You should pay attention, class. This is included to your performance. Don't take it for granted," anunsiyo ni Sir Sunga bago muling tumingin sa amin. "At kayo, Ylona at Gray, maki-change partners kayo sa nasa harapan n'yong pares. You are not compatible to each other."

Nangalumbaba ako sa narinig. Pakiramdam ko may dumaang sakit sa dibdib ko. Misteryo ang dahilan kaya ipinagwalang-bahala ko na lang ito at nginitian ang magiging partner ko.

"Okay!" Nag-echo ang boses ni Sir Sunga sa loob ng auditorium. "1, 2, Release, step, step, release . . . "

Maayos ang partner ko. Sumasabay kami sa grupo. Napunta ang atensiyon ko sa katabi naming pares at pinagmasdan ko ang mga galaw ni Gray. Parehong umaayon sa bilang at galaw ang kanyang mga steps ganundin ang kapareha niya. Nakakagulat pero mukha nga'ng tama si Sir Sunga. We're not compatible to each other.

Mabilis dumaan ang isang oras. Nagpapasalamat akong bakante ang ikalawang subject kaya may panahon kami para magpahinga.

"Paanong hindi kami mapapagalitan? My partner was a mess."

Napalingon ako sa likod kung nasaan ang grupo ng mga lalaki naming classmates at hinanap ang taong nagsabi niyon. Nasa gitna siya at nakaupo sa lamesa ng silya. Nangingibabaw ang kakisigan at kaguwapuhan niya. Gray Morgan's physical features are ideal indeed. But his attitude is rotten!

"Ako ba ang tinutukoy mo?" I voiced out. Napunta sa amin ang atensiyon.

"Ikaw pinsan, ha. May something ba kayo ni Gray?" mula sa gilid ko ay nanunudyong nagsalita si Ivy. Hindi ko siya pinansin.

Tumayo si Gray mula sa kinauupuan at dahan-dahang lumapit sa akin. Narinig ko pa ang impit na sigaw sa likuran ko. My cousin told me that they are like family in this class. It seems like there's a family stroke.

"Why? You're attacked?" natatawang tanong ni Gray na may halong pang-iinis. "Huwag mong masyadong dibdibin, wala ka no'n."

Nagtawanan ang lahat. I don't mind being teased by truths but not by lies.

"You sure about that?" Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay sa kanya. "Tadtarin kita ng ebidensiya, e."

Gustong lumipad ng sapatos ko nang mapansing bumaba sa dibdib ko ang paningin niya. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko.

"Siyempre hindi." Nakangisi na siya. "And don't dare to give evidences. Masyado pang maaga para masuka ako.

Muling nagtawanan ang buong HUMSS. They cheered for Gray Rhodes.

Biglang pumasok sa isip ko ang binasa kong Possessive Series at naisatinig ko, "Isa kang malaking sperm."

Tumalikod siya at naglakad palayo. "Isa kang maliit na egg cell, Princess Ylona Marie."

Laughter filled the room once again, but I was speechless. I, the Princess, is surprised! The person I really I hate just called me by the name I really love. Now I lost my tongue.

Please, call my name again, jerk!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status