Share

24 You, Me, and the Sea

"Angelie!"

Kay Andrei ang boses na iyon. 'Imposible! It can't be him.' Labis na ba ang pag-iisip niya sa binata at napalakas yata ang imahinasyon niya? Nalungkot siya sa naiisip niya na posibleng hahanap-hanapin niya si Andrei habambuhay.

"Angelie!"

Dalawang beses ba talaga niyang maririnig sa hangin ang boses ng binata? Naglakas ng loob siyang lumingon.

Nag-unahan sa pagdaloy ang mga luha ni Angelie nang paglingon niya ay nakita niya si Andrei. Hindi pala imagination lang ang pagkarinig niya ng boses ng binata. Ni hindi niya maibuka ang bibig dahil sa pagsisikip ng kaniyang dibdib. 'Andrei!

"Thank God, nakita kita!" bulalas ni Andrei habang mabilis na nilapitan ang dalaga. Agad niya itong niyakap. Sumagot din ng pagyakap ang babae. Hindi na napigilan ni Angelie ang pag-iyak ng malakas. Akala niya ay mag-iisa na lang siya sa pagsapit ng bagong taon. Umiyak na rin si Andrei. Hinigpitan niya ang pagyakap sa dalaga. "You're alone! Bakit ka nagpunta rito? Bakit 'di mo ako tinawagan?
Julia

Ito po ay panibagong yugto sa relasyon nina Andrei at Angelie. Haharap na naman sila sa mga bagong pagsubok.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status