Share

You, Me, and the Sea
You, Me, and the Sea
Author: Julia

1 Turtle Queen and Frog Prince

Turtle Queen and Frog Prince

TUWANG-TUWANG naghiyawan ang mga nanonood ng larong soccer sa grounds ng paaralan nina Andrei Silva kung saan siya ang pinakasikat na player. Lumalabas ang magkabila niyang beloy habang umi-score ang team nila. Seryoso si Andrei sa paglalaro kahit na madulas ang lupa dahil katatapos lang ng ulan.

In sync naman ang pagkilos ng cheering squad na pinangungunahan ni Angelie Buenafalco, ang girl bestfriend ni Andrei. "Go, go, Southern! For the win!" 

Cute tingnan ang all-girls squad ni Angelie habang suot ang skimpy cheering outfit nila na may panloob na bloomer. Mukha silang masayahing mga inosenteng bata dahil sa pagkakatirintas ng mahahaba nilang buhok.

Natapos ang laro. Panalo ang team ni Andrei. Masaya naman siyang sinalubong ni Angelie. "Besh!"

Habang nagpapagpag ng putik sa suot na puting tee shirt si Andrei ay tinulungan siya ni Angelie na mahubad ito. Hinayang na hinayang ang babae sa hinuhubad na puting tee shirt na uniform nila sa P.E. Nakulapulan kasi ito ng putik nang mag-goal sa soccer si Andrei. 

"Iyan kasi, besh! Maha-high blood na naman si Ate Flor niyan. Ang dumi!" sabi ng babae na tila nandidiri sa putik. 

Tinutukoy ni Angelie ay ang Ate Flor nina Andrei na matagal na nilang kasambahay. Kilala na kasi ng dalaga ang mga kasama sa bahay ng kaibigan. 

"Di mai- HB iyon, kikilitiin ko lang 'yon at ikukulong sa Chris Evans- stronghold ko!" pakenkoy nitong ipinakita ang macho niyang katawan. 

Nangiti lang ang babae. Alam kasi ni Andrei na idol na idol niya si Chris Evans. 

"Tamo, pati ikaw, tulo-laway na," kunwari ay sinasahod ng kamay niya ang laway ni Angelie.

Itinapon ng babae ang maruming tee shirt sa mukha nito bilang ganti sa joke nito, sabay talikod. 

"Punasan mo, uy!" patuloy na pang-aasar ng lalaki. 

Nanunulis ang ngusong umalis si Angelie. Siya talaga ang pikon sa kanilang dalawa. Nakahalata, sinundan siya ng kaibigan at inakbayan. Nang hindi pa rin natanggal ang panunulis ng nguso ng babae ay pinagsalikop ni Andrei ang mga braso niya sa katawan nito. 

Weakness ni Angelie ay kapag nagre-wrestling silang dalawa. Siya kasi ang nako-conscious laluna kapag pinagtitinginan sila, samantalang tila balewala lang ito kay Andrei. Wala naman siyang nararamdamang malisya sa kaibigan, pero hindi siya komportable sa natatanggap niyang masasakit na pagpukol ng tingin sa kaniya ng ilang kababaihan sa loob ng Campus.

"Babae iyan, brod," ang sawata ni Alvin kay Andrei. Kaklase nila si Alvin at minsan na itong nagpahaging ng pagkagusto kay Angelie. 

"Babae ba ito?" tumatawang ipinahid ni Andrei ang putikang tee shirt kay Angelie. 

Pakunwaring pag-amba ng suntok ang iginanti ni Angelie sa tumatawang kaibigan. "Kung maggu-goal kasi, i- shoot lang, 'wag mag-dive sa putikan."

Sa background ay tumango-tango si Alvin sa mga sinabi ni Angelie. Nanahimik na lang siya nang hindi niya maawat sa pagkukulitan ang magkaibigan.

'Sana nga'y manatili kayong magkaibigan lang. Sana, maambagan mo naman ako kahit isang ngiti lang.'

Siya namang paglingon ni Angelie sa kaniya na nakangiti, kapagkuwa'y bumalik sa pakikipagkulitan kay Andrei. Naiwang nakaawang ang bibig ni Alvin sa pagkagitla. Napangiti ito at napahaplos sa dibdib. Precious ang ngiting iyon ni Angelie para sa kaniya.

Samantala, may ilang babae naman doon ang nakasimangot kay Angelie, ang grupo nina Norma, Vens at Grecia.

Kinuha ni Angelie ang putikang tee shirt at ipinahid sa mukha ni Andrei. Siya naman ngayon ang tumatawa ng malakas. Palaging nasa kaniya ang huling halakhak.

SA shower ang diretso ng dalawa. Abala ang dalawa sa paglilinis ng katawan, si Angelie sa shower room ng girls at sa kabilang shower room naman si Andrei. 

Tumatawang nilapitan ng tatlong kaklaseng lalaki si Andrei. 

"Grabe ka, besh! Naniniwala na talaga ako na curly ka!" ang pabaklang kantiyaw ni Mon kay Andrei. Sumang-ayon naman ang iba. 

Umarte naman si Andrei na parang bakla kahit litaw ang kaniyang abs. "Southern, for the win!" Ginaya niya ang cheering squad kanina. Iiling-iling na tinantanan na siya ng mga kasama. 

Sanay na si Andrei sa ganoong pangangantiyaw ng mga kaklaseng lalaki. Hindi kasi matanggap ng mga ito na ganoon sila ka- physically close ng kaibigan. Walang naniniwala sa kaniya na walang namumuong pagnanasa sa panig niya bilang lalaki. 

Maganda kasi si Angelie. Sa katunayan ay muse nila ito sa classroom, sa soccer team kung saan siya kabilang, sa basketball team na kabilang din siya, at pambato nila ito sa darating na Campus Crush 2022. 

MASAMA naman ang simoy ng hangin kung saan naliligo si Angelie. Lumapit sa kaniya ang tatlong nakasimangot na babae pero hindi siya kinausap ng mga ito. Nagparinig lang ang mga ito sa kaniya, gaya ng lagi nilang ginagawa. 

"Di baleng maputikan ako basta mayakap ko lang siya," ang pagpaparinig ni Norma. 

Sumang-ayon naman ang dalawa. 

"Basta, besh, 'di bawal sa atin mag-PDA kasi friends in love lang naman tayo." Iyon lang at pairap na umalis ang tatlo. 

Napahinto sa ginagawa si Angelie. PDA means public display of affection. Oo, affected siya sa mga pamba-bash sa kaniya ng mga ito, pero PDA?... Kinapa niya ang sariling damdamin para kay Andrei.

Sa classroom nila ay binansagan silang Double A dahil lagi silang magkasama. Pangit naman daw kung An-An ang itawag sa kanilang team kaya pumayag sila sa Double A. 

SA labasan ay tila nababagot na sa paghihintay ang kaibigan. Sinipa-sipa nito ng mahina ang dalang bola. 

"Turtle Queen!" pang-aasar nito sa kaniya. 

"Ikaw, Frog Prince!" 

"At bakit?" pakenkoy na namewang ang lalaki kaya nanilay ang ngiti ni Angelie. 

Iyon lang at umarangkada na sila ng lakad pauwi. Tila balewala sa kanila ang malayu-layo ring nilakad mula sa campus hanggang sa sakayan ng bus. Nalilibang sila sa pagkukuwento ng kung anu-anong mga walang kuwentang bagay. Panay ang jokes at tawanan. 

Biglang inihit ng tawa si Andrei habang napapahiyang nagtakip ng mukha si Angelie. 

"Narinig ko 'yon!" at tumawa uli. "Ang lakas! Hahaha!" 

"Shut up!" ang saway ni Angelie. 

Inayos ni Andrei ang sarili. Ayaw naman niyang mapahiya ang kaibigan. Inakbayan niya ito at inalo. 

" Kabagin ka talaga, ano?" 

"Tahimik na kasi!" paanas nitong saway. 

"Oo na, sige na." Malambing na hinalikan nito sa ulo ang kaibigan. "Simangutin ka talaga. Magpahid ka ng liniment ha." 

Tumango lang si Angelie at pinara ang isang bus. Hindi niya nilingon ang kumakaway na kaibigan habang sumasampa siya sa bus. 

"Bye, sungit! Love you!" sumenyas pa si Andrei ng halik. Siyang paglingon ni Angelie. Nakita ito ng babae kaya binelatan niya ang kumakaway na kaibigan. 

"Love you, too!" pasigaw na sabi kay Andrei ng katabi ni Angelie. 

Hindi naman lahat ng babae ay kontrabida sa Double A. Meron ding game at supportive sa kanilang sweetness, kagaya ni Nannette. Nagngitian lang ang dalawang babae. 

Kahit punuan sa magkaibang bus na kanilang sinasakyan ay panay pa rin ang palitan ng text messages ang mag- best friend. Halos araw-araw silang magkasama pero hindi sila nauubusan ng topic mapa-text man o personal. 

............... 

SA kuwarto niya ay nakakalat sa kama ang pocketbook collection ni Angelie ng mga paborito niyang writers. Nakaugalian na rin 

niyang i-browse sa internet ang iba't ibang kuwento ng mga ito. Aktibo siya sa pagku-comment sa mga nasusubaybayan niyang kuwento. Sa hobby niyang ito ay hindi niya ka-team si Andrei. Pang-girl lang daw kasi ang pagbabasa ng love stories. Mas hilig kasi ng kaibigan niya ang manga at anime. 

"Beeesshh!" wala sa loob niyang bulalas nang may mabasa siya sa internet. Agad niyang idinayal ang number ni Andrei. Agad naman itong sinagot ni Andrei sa kabilang linya. 

"Hello! Napa'no ka?" 

"Si ano kasi!... 'yung kinukuwento ko sa 'yo,... si Angel. 'yung nangunguha ng bata,..." 

"Ano na?" ang tanong ng binata sa kabilang linya habang pilit na inaalala kung sino si Angel. 

"Tinulungan niya si lola Amber. Mabait naman pala siya, peanut butter!" pagkukuwento ni Angelie na may paglalambing sa tono. 

Kapag tinatawag na siya ng kaibigan bilang pagkain na paborito nito gaya ng peanut butter, naglalambing ito sa kaniya. Gusto nito ng kausap. Malamang na wala siyang kasama sa bahay para i-share ang binabasa. Napangiti na lang ang lalaki habang nakikinig sa kaibigan. 

Hindi niya magawang tapusin ang binabasang manga dahil sa pagkukuwento ng kaibigan, sinulyapan na lang niya ang mga pahina nito. 

Nang naghikab na si Andrei habang nakikinig sa kabilang linya ay napahinto sa pagdadaldal si Angelie. 

"Matutulog ka na ba?" 

"Hindi,"sinikap ni Andrei na maging lively ang boses, "'tuloy mo kuwento mo." 

"Hmm..." inilapag ni Angelie ang gadget at naghikab na rin. 

"Tulog muna tayo, besh," kapagkuwa'y padapang humiga sa kama ang dalaga, naiwang naka-on pa rin ang phone. 

Parang nakini-kinita na ni Andrei ang nangyayari sa silid ni Angelie kaya ini-off na niya ang phone. Nagmuni-muni siya sandali kapagkuwa'y inabot ang manga at nagbasa. 

......... 

NAGULAT si Andrei sa tunog ng cellphone niya. Nakatulugan pala niya ang pagbabasa ng manga. Habang sinasagot ang phone ay tiningnan niya ang orasan sa dingding. Nahinuha na niya ang dahilan ng pagtawag ng nasa kabilang linya. Lumakad siya papuntang salas. 

"Oo na, eto na," inaantok pa siya habang nagsasalita. 

Sa salas ay sinenyasan niya ang batang si Errol, anak ni Flor na siyang nanonood ng telebisyon ng mga oras na iyon. Agad naman itong nakaunawa at inilipat ang channel ng TV sa nagpapalabas ng anime. Oras kasi iyon ng panonood ni Andrei ng paborito nilang anime na love story ang genre. Ilang seconds lang mula nang naupo si Andrei ay nagsimula na ang palabas. Kakamot-kamot ng ulo si Errol na nakipanood na rin. Napangiti sa kanila ang ina ni Andrei na si Marcia at ang katulong na si Flor. 

Habang nanonood ay panay ang text nilang magkaibigan. 

"Iyan talagang kaibigan mo, college na parang bata pa rin," natatawang pagpansin ni Marcia, "sabay naman kayong nanonood," at umiling-iling ang ina na natatawa sa anak. 

"Para sure, ma." 

"Sure akong me exam si kuya niyan bukas at makukurot siya ni ate Angelie kapag hindi niya alam ang sagot," pambubuska naman ni Errol, bagay na tinawanan nila. 

Naghapunan sila pagkatapos ng pinanood nilang anime. Kahit maykaya ay mahilig sa simpleng Filipino food si Marcia, bagay na namana ni Andrei. Mahilig sila sa sinabawang isda at magulay na ulam. 

Sarap na sarap sa paghigop sa sabaw si Andrei ng muntik na siyang maubo sa naging tanong ni Errol. 

"Kuya, ilang taon na kayong mag-on ni ate?" 

"H-ha?" 

Pinigilan ng dalawang nakatatanda ang sarili na matawa. 

"Balak n'yo bang mag-asawa pagka-graduate gaya nina ate ko?" 

Mukhang nagpapasaklolo si Andrei kay Flor. Nilapitan naman ni Flor ang anak. 

"Anak, sina ate mo kaya nagpakasal agad, nabuntis kasi. Sina kuya Andrei mo naman at ate Angelie ay iba sa kanila. Hindi kasi sila mag-boyfriend." 

"MU lang po sila?" 

"Ano'ng..."? Pinili na lang ni Andrei na huwag ng pahabain pa ang diskusyon. Ginulo niya ang buhok ni Errol at binigyan ng gulay. 

"Kumain ka ng gulay. Para hindi kung anu-ano ang naiisip mo." 

Sasagot pa sana si Errol pero sinita ito ng ina, itinuro sa anak ang gulay. 

Ngingiti-ngiti lang sa pag-oobserba sa kanila ang ina ng binata. 

Julia

Dear Readers, Ito po ang umpisa ng pagbabago. Pakisundan lang po. May numero po at walang dash. Salamat po.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status