Share

3 Best Friends Forever!

Bestfriend Forever

SA bahay nina Andrei nila napagdesisyunang magluto. Patingin-tingin lang sa kanila sina Marcia, Flor, at Errol. 

Parehong naka-apron, magkatuwang sa pagbi-bake ang dalawa. Habang inaasikaso ni Andrei ang oven at ang rectangular pan ay tinutunaw naman ni Angelie ang cocoa powder at kape sa mainit na tubig. 

"Ready na ba iyan?" Matamang pinagmasdan ni Angelie ang ginagawa ng kaibigan. 

"Yes, ma'am," panunudyo ng lalaki. 

Naninigurado, muling binasa ni Angelie ang libro bago niya pinaghalo ang arina, baking powder at baking soda. 

"Okey na kaya ito?" tanong niya habang ayaw ihiwalay ang mga mata sa libro, tinitiyak na masundan niya ng maayos ang baking procedure. 

"Okey na iyan. Masyado kang nerbiyosa. Cake din ang kalalabasan niyan," ani Andrei. 

Matapos sundin ang baking procedure at nailagay na ito sa oven ay muling binasa ni Angelie ang libro. Kinuha ito ni Andrei. 

We 

"Tama na nga iyan. Paano mo mai-enjoy ang pagluluto kung masyado kang nerbiyosa," at inakbayan niya ang kaibigan. Pinaupo niya ito. "Rest, and we'll eat soon." 

Hindi nagustuhan ng dalawa ang resulta ng pagbi-bake nila. Hindi kasi ito singganda ng inaasahan nila. Malungkot na ikinumpara nila ito sa larawang nasa libro. 

"Masarap naman," ani Marcia, matapos niyang sumubo ng cake. 

"Oo nga," ani Flor, "first time n'yo pa namang gumawa kaya normal lang 'yan." 

Kinain nila ang cake habang nilaru-laro ito ni Andrei. Kinulit-kulit niya ang kaibigan upang maibsan ang lungkot nito. 

"Hayaan mo, may alam akong tiyak na makababawi tayo. Di tayo magpa-flop, at mag-i- enjoy ka," pag-aalo niya sa kaibigan habang inaakbayan niya ito. 

NAGLARO sila ng basketball sa likuran ng bahay nila Andrei. May isang basketball ring doon. Dahil madilim na ay naglagay ng extrang ilaw doon si Errol. Nagsilbi din siyang referee ng magkaibigan na abala sa pag-aagawan ng bola. 

Na kay Angelie ang bola at hindi siya masyadong dinikitan ni Andrei hanggang sa nai-shoot niya ito. 

"Yes! ... yes!" tuwang-tuwang sigaw ng dalaga. 

Nang si Andrei naman ang nagdi-dribble ay sinubukan niya itong agawin sa lalaki pero hindi niya ito maagaw sa lalaki. 

Tatlong magkasunod na shoot ang pinakawalan ng lalaki kaya naiinis na dinikitan ni Angelie ang kaibigan. Nangingiti ang lalaki sa nagmamaktol na itsura ng kalaro pero wala siyang balak na pagbigyan ito. Dahil sa kawalan ng pag-asa ay tinabig ni Angelie ang kamay ng kalaro. 

"Ooops! Foul!" ang sigaw ni Errol. 

Tuluyang nawalan ng gana si Angelie. "Ayoko na! Wala na ngang score, foul pa!" 

Nangingiting hinarap ni Andrei ang kaibigan. "Be a good sport. 'Wag kasing daanin sa dahas." 

Nang nakausli pa rin ang nguso ng kaibigan ay hinalikan niya ito sa noo. "Naka-score ka rin naman , a!"

Napapangiti naman si Errol habang nakatingin sa kanila. Iniwan niya ang dalawa nang kinawayan siya ng ina. 

Nagpalitan na lang ng pagsu-shoot ang dalawa. 

"Paano ka magsa-success kung ayaw mo na agad? Pag pumalpak sa pagbi-bake ayaw na agad. 'Pag hindi maka-shoot ayaw mo na." 

"E, kasi, puro na lang failure." 

"Nagta-try ka pa lang naman. Natural lang naman ang pumalpak sa unang subok," ani Andrei, at sinenyasan nito si Angelie na pumuwesto para sa three-point shot. Matiyaga niyang tinuruan ang dalaga kung paano makapag- three points. 

Nang mapagod ay umupo sila sa bench, magkaharap. "At least, ikaw, may kasama ka sa unang subok mo. Ako noon, ako lang mag-isa. Alam mo naman si dad, laging abala sa trabaho. Halos 'di ko na siya makita dito sa bahay, hanggang sa nag-abroad siya." 

"Oo nga. Buti na lang talaga, pizza pie, nandiyan ka." 

Nangiti si Andrei sa tinuran ng babae. Pizza pie naman siya ngayon. Hinahayaan lang niya ang kaibigan kung ano ang itawag nito sa kaniya. Ang mahalaga sa kaniya ay masaya ito at okey silang dalawa. Sa palagay niya'y nai-spoiled na niya ang kaibigan. 

"'Okey ka na? Di ka na high blood?" 

She just shrugged her shoulders. Napangiwi siya, "medyo masakit," ipinakita niya ang sumasakit na kaliwang binti. 

"Naninibago ka lang," ang sabi ni Andrei at inabot niya ang paa ng kaibigan, ipinatong ito sa hita niya. "Mag-jogging ka kaya para lumakas ang mga paa mo," suhestiyon niya habang minamasahe ang binti nito. 

"Alam mong nocturnal ako," ani Angelie. 

"E, di sa hapon." 

"Me klase tayo." 

"Bukas, weekend, wala tayong pasok." 

Hindi umimik ang dalaga. 

"Wala ka nang maisip na idadahilan?" panunukso nito sa kaibigan. 

"Basta!" tumabi ito at humilig sa balikat ng kaibigan. "Just let me be me, okay?" 

"Okay." 

Nanatili silang tahimik sa ganoong posisyon. Bahagyang umikot sa pagkakaupo ang babae. Umikot din ang lalaki kaya magkatalikod sila sa pagkakaupo, nakasandal sa isa't isa. 

"Sayang, hindi pala ako puwedeng maging katulad ni Rinko," ani Angelie. "Hindi siguro ako magugustuhan ng magiging boyfriend ko." 

"Alam mo, Angelie Buenafalco, 'wag mong idamay ang real life sa kaadikan mo sa anime," at mahinang kinatok nito ang noo ng babae. "Hindi ka si Rinko o kahit na sinong bida du'n. Siyempre magaling si Rinko sa baking, karakter niya 'yon. Ikaw naman, magaling sa..." kunwari ay nag-iisip, "saan ka nga ba magaling?" 

"Hoy! Andrei Silva, minemenos mo yata ako, a!" at nag- fist mark ito sa lalaki. 

"Sino kaya? Ikaw lang naman 'yang umaayaw agad," ginaya pa nito ang itsura ng kaibigan habang nagmamaktol. 

"Oo na! Oo na!" Hinarap niya ito. "At sino'ng adik sa anime? Ikaw 'yun! Hinawahan mo lang ako." 

"Kasalanan ko? Ikaw nga 'yang agad na na-i-inlove sa mga bida. Paiyak-iyak ka pa." 

"Oy, Andres! Ikaw ang madalas na umiyak, hindi ako!" at kinurot nito sa tagiliran ang kaibigan. 

"Andrei po ang pangalan niya, ate Angelie," pagkukorek ni Errol sa babae habang papalapit siya sa dalawa dala ang tray na may lamang dalawang tasa ng tsaa. 

Nagpalitan ng pagmi-make face ang magkaibigan sa tinuran ng bata. 

Pinagmasdan nila ang langit habang umiinom ng tsaa. Nalibang sila sa mga maningning na bituin. 

"Parang tao lang din sila, ano," ani Angelie, tinutukoy ang mga bituin. 

"Bakit naman?" 

"Kasi, 'di ba, habang nagniningning sila, tinitingala sila sa langit. Pero kapag wala na ang ningning, wala nang naghahanap sa kanila," at lumungkot ang mukha ng dalaga. 

"Tigilan mo na nga 'yang pagsi-senti mo. Pati bituin, naku!..." 

Napagaya naman si Errol sa dalawa sa pagtingala sa mga bituin habang nakikinig siya sa mga ito. Kakamot-kamot sa ulong iniwan niya ang magkaibigan. 

NATATAKAM si Errol sa inihaing pagkain ng ina sa mesa. 

"Tawagin mo na si ate Marcia at sina kuya Andrei mo. Kakain na 'kamo." 

"Opo." 

Nilapitan ni Errol si Marcia. Nang tumayo na ang babae ay tinungo naman ni Errol ang kinaroroonan ng magkaibigan. Nadatnan niyang magkatalikod na naman ang mga ito at magkasandal habang nakapikit ang mga mata. 

Nilingon ni Errol ang ina. Nang matiyak na hindi ito sumunod sa kaniya ay dahan-dahang kinuha ng bata sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellular phone. Balak niyang kunan ng litrato ang dalawa. Maingat na inihanda niya ang camera. 

"Huli ka!" 

Halos panawan ng ulirat sa pagkabigla ang bata sa ginawa ng dalawa. Pinagtripan lang pala siya ng mga inakala niyang natutulog. Pinagtawanan siya ng dalawa. 

"Kuya, kakain na daw," ang nasambitla ng bata. 

"Ikaw, Errol ha, 'pag tulog pala kami pagtitripan mo pala kami ha," natatawa pa ring sabi ni Andrei. 

"Kakain na po," ang muling nasambitla ng bata habang ramdam ang pagkapahiya sa nangyari. 

Sinundan ni Andrei ang bata at ginusot ang ulo nito. Binulungan pa niya ito,"next time, sabihan mo kasi ako. Piktyuran natin siya na tulo-laway sa pagtulog." 

Napangiti ang bata sa tinuran ni Andrei. 

"Oy, ano 'yang kababalaghang pinaplano n'yo?" ang saway ni Angelie habang sumusunod sa dalawa. 

"Wala. Usapang guwapo ito," at kinindatan nito ang kaibigan. 

....... 

PAGKATAPOS nilang maghapunan ay nakatanggap ng text message si Andrei. Ang kaklase nilang si Norma ang nag-text. 

"Hi! Free ka bukas?" may emoji pa ng heart ang message ni Norma na sabay na binasa nina Angelie at Andrei. 

Nagkatinginan ang magkaibigan. 

"Hindi." Ang naging sagot ni Andrei. 

"Why?" 

"Me lakad ako," ang naging sagot. 

"Saan ang lakad mo?" ang tanong ni Angelie sa binata. 

"Nakalimutan mo kung ano'ng meron bukas?" paninigurado ni Andrei. 

Napalatak si Angelie nang maalala ang event na dadaluhan nila bukas. 

"Thank You, BFF! Mabuti na lang 'pinaalala mo!" sabay yakap niya kay Andrei. "You're the best talaga!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status