Share

4 100 Percent Support

100 Percent Support

ALAS siyete pa lang ng umaga ay nasa lobby na siya ng building. Susunduin ni Andrei ang kaibigan. Sasakay sana siya ng elevator pero marami-rami na ang mga nag-aabang kaya naghagdan na lang siya. Nasa third floor ang unit ni Angelie. 

Medyo hiningal ng kaunti ang binata nang makarating sa ikatlong palapag ng gusali. Agad niyang pinindot ang door bell ng unit ng kaibigan. 

“Teka, sandali,” ang sabi ni Angelie habang pinagbubuksan siya nito. Sinipat pa kasi nito sa salamin ang kabuuang itsura. Typical teenager na pinaghalong sweet and alluring si Angelie. Hindi pilit ang fashion sense at hindi rin pilit ang pagiging malambing nito. 

Sandaling pinagmasdan ni Andrei ang kabuuan ng unit. Wala itong masyadong gamit. Simpleng ayos lang at color matching ang nagdala sa interior decoration. Nasa isang sulok pa rin ang malaking picture frame na puno ng pictures nilang dalawa ng kaibigan. Sa mas maliit na picture frame naroon ang larawan ni Angelie kasama ang parents niya. 

“Let’s go!” ani Angelie. 

Pumila sila sa MRT. Habang nakapila ay pinagmasdan ni Andrei ang kaibigan na alerto sa pagtatakip sa kaniyang private body parts gamit ang backpack at jacket. Ayaw na ayaw ng babae na mahipuan kahit na hindi sinasadyang pagkabangga. Ito ang dahilan kung kaya't ayos lang sa kaniyang sunduin ito kahit nanggaling pa siya sa Cubao at ang dalaga ay nakatira sa Fairview samantalang sa Quezon City Memorial Circle ang tungo nila. 

“Sana makaabot pa tayo,” ani Angelie habang nakatayo sila sakay ng MRT. 

“Of course! Alas otso pa lang, alas diyes ‘yung event,” natatawa niyang sabi. 

Tumahimik sandali ang kaibigan kapagkuwa'y nangulit na naman. 8 

“Di pa ba tayo late?” bakas sa mukha nito ang pag-aalala. 

Hindi niya sinagot ang tanong na iyon, palatandaan iyon na nakukulitan na siya. 

“Makulit ba ako?” tanong nito na may paglalambing. 

Half- smiling, tumango si Andrei, dahilan ng pagtulis ng nguso ni Angelie pero agad itong kumambyo, nagpa-cute ito sa kaibigan, iyung OA na pagpapa-cute na lagi niyang ginagawa para hindi ma- bad mood sa kaniya si Andrei. 

Sa harap ng venue ay tatawid sana sa kalsada si Angelie, inawat ito ni Andrei. 

“Teka, hoy!” 

“Tara na!” at nagtangka na naman itong tumawid. 

“Huwag dito! Ikaw, ‘pag nahuli tayo ng pulis, ‘di mo makikita ang paborito mong writer na si Sybil Lee!” 

Nakaramdam ng pagkabahala si Angelie sa tinuran ng kaibigan. Sumunod na lang siya dito. 

“May underpass pala dito,” ani Angelie na natatawa sa sarili. 

“Ewan ko ba sa ‘yo. Sugod ka nang sugod. 

Dahil maaga silang dumating sa venue, hindi pa puno ng tao ang lugar. Nagpalinga-linga ang dalawa. 

"Hey, come here," aniya sa kaibigan nang nakahanap siya ng magandang spot para sa kanila.

Lumapit naman ang dalaga pero nanatiling nakatuon ang atensiyon ni Angelie sa tatlong babaing nasa di kalayuan sa kanila. Hindi siya nakatiis at nilapitan niya ang tatlong babaing nagkukuwentuhan. 

"Hi!" nagpakilala si Angelie sa mga babae. Naging magiliw naman ang mga ito sa kaniya. May lumapit sa kanilang dalawang babae at nadagdagan pa. 

Hindi lumapit sa umpukan nila si Andrei kahit na sinisenyasan siya ng kaibigan. 

Naka-chat na dati ni Angelie iyong tatlong babaing nilapitan niya. Pare-pareho silang nagbabakasakaling makita nila ng maaga ang mga paborito nilang manunulat. 

Umupo si Angelie sa tabi ni Andrei nang magsalita na ang emcee. Excited na inilabas niya sa bag ang cellphone at inihanda ang camera nito. 

"Ila-live mo ba iyan sa social media?" 

Kinikilig na tumango ang dalaga sa kaibigan. Pinaghandaan niya talaga ang meet and greet event ng mga hinahangaan niyang manunulat. 

Nagsilabasan na mula sa backstage ang mga naroong nobelista. Isa-isa silang ipinakilala ng emcee. 

Palakpakan at hiyawan naman ang isinalubong sa kanila ng avid readers. 

"Nasaan si Sybil Lee?" ang mahinang sambit ni Angelie. 

"Relax. Magpapakita rin siya," pang-aalo ni Andrei sa kaibigan na alumpihit na sa pagkakaupo at palinga-linga. 

Nagsimula na ang question and answer portion. May mga avid readers na interesado sa personal na buhay ng mga nobelista. Game namang sinagot ng mga writers ang mga itinanong sa kanila. Siyang-siya ang mga nandoon. 

"Gusto ko sila," aniya kay Andrei. "Simple people lang sila pero nakakapagpasaya sila." 

"That being said," ipinasilip ni Andrei sa kaibigan ang hawak niyang dalawang pocketbook na ang author ay si Sybil Lee. Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga sa sorpresa sa kaniya ng kaibigan. Pirmado kasi ang dalawang libro ni Sybil Lee. Nakapangalan ang isa kay Andrei at ang isa sa kanila. 

"Paano'ng...?" hindi makapaniwala ang dalaga sa nakikita pero tuwang-tuwa ang puso niya. Napayapos siya sa kaibigan. Tiyempong napadako sa kanila ang camera. 

"Uuyyy! Hindi ko pa mandin naia-announce ang pakulo ngayong araw ay mukhang may winner couple na tayo!" ang announcement ng emcee. 

Itinambad sa monitor sina Andrei at Angelie. Gulat man at nagtataka ay alanganing sumunod sa emcee ang magkaibigan nang tinawag sila nito. 

"Lapit kayo rito," ang anyaya sa kanila ng emcee. "Maaga pa'y may winner na agad tayo." 

Habang lumalapit sa emcee ay bumubulong sa kaibigan si Angelie. "Sino'ng nagbigay?" 

"Sshhh! 'Wag kang maingay," bulong ni Andrei. "Sasabihin ko sa 'yo ang secret mamaya." Sinigurado niyang nakatago sa bagpack ni Angelie ang dalawang libro. 

"A-a...," naniniguradong tingin ang ipinukol ng babae sa katabi, "sigurado ka, ha!" 

"Oo. Relax lang kasi." Binati nila ang emcee at ang mga writers sa harapan. 

"Ano'ng pangalan ninyo?" ang tanong habang binibigyan ang dalawa ng tig-isang pocketbook. 

"Angelie," ang sabi ng dalaga habang tuwang-tuwang binistahan ang ibinigay sa kaniyang bag na puno ng pocketbook collection. 

"Andrei." Maiksi lang ang naging pagpapakilala nila. Pareho silang nahihiya at excited. 

Binistahan din ni Angelie ang hawak na pocketbook collection ng kaibigan. 

"Andrei at Angelie, double A pala ito. Sila ang ating lucky couple!" ang pahayag ng emcee at pinangunahan nito ang pagpalakpak sa kanila. 

Nagpasalamat sila sa mga writers. Ngumiti naman ang mga ito sa kanila. Bukod sa libreng kopya ng pocketbook na pirmado ng writers ay una silang nagkaroon ng pagkakataon na makapagpa-picture kasama ng mga manunulat. 

Nagsilapitan na ang audience sa mga paborito nilang writers para magpa-autograph. Kani-kaniya nang kuha ng litrato. 

....... 

"O, ano, sabihin mo na," untag ng babae. Sinundan niya ang kaibigan. 

Humarap siya sa babae. "Secret." Nagpatuloy uli siya sa paglalakad. 

"Ano?" Kumunot na ang noo ng babae. 

"Secret nga," nakangiting sabi ng lalaki. Lumuwang ang pagkakangiti nito nang pinandidilatan na siya ng mga mata ng kaibigan. 

"Andres!" Pinanlakihan niya ng mga mata ang kaibigan. 

"Andres, hindi ba ako icecream," ang sabi ng lalaki nang malingunan nito ang icecream, "o kaya fishball? Maruya, gusto mo?" 

Hindi umimik ang babae.

"Come on, bibihira lang ang copy na iyan," paalala niya sa kaibigan. "Sabi mo nga, pirmado at may pangalan natin." 

MATAPOS nilang dumalo sa event ay naglakad-lakad sa loob ng park ang dalawa. 

"Sayang, wala si Sybil Lee. Bakit kaya?" ang sabi ni Angelie. 

"Oo nga. Hayaan mo na, me libro naman tayo." 

"Paano mo nga ba nakuha ang pocketbook? Kanino galing? Bakit may pirma niya? May pangalan ko pa, may pangalan mo rin, paano?" sunud-sunod na tanong ng babae. Kinulit na niya ang kaibigan. "Ano? Sabi mo sasabihin mo ang secret." 

Ipinagpatuloy ni Andrei ang paglalakad. 

Nanatiling hindi umiimik ang babae pero obvious na hindi na ito naiinis. 

"Burger lang, okey na ako," ang sabi nito sa dalaga nang mahagip ng paningin ang isang restaurant. 

SA loob ng restaurant ay nangungulit pa rin ang babae kahit kumakain na sila. 

"Kahit sa akin, secret?" sabi nito na may himig ng pagtatampo. 

"Huwag ka na kasing magtampo. Let's just be thankful, okay?" pinisil pa nito ang ilong ng dalaga. "Kain na. You should be happy." 

"I am." At binanatan na ni Angelie ang pagkain. Magana siyang kumain. Sumuko na siya sa pangungulit. Iyon ang time na naramdaman niyang gutom na pala siya. 

AYAW pang umuwi ni Angelie kaya nag- rent sila ng tig-isang bisekleta. Habang nagba-bike ay nagpatuloy sila sa chikahan. 

"Besh, 'wag mong kalimutan 'yung date natin kay papa Chris." 

Medyo naasiwa si Andrei sa naging reaksiyon ng mga bikers na nakarinig. Waring sinusuri ng mga ito ang itsura ng lalaki. Ang iba ay nagpalipat-lipat ang tingin sa magkaibigan. 

"Besh!" 

"Oo, me date tayo kay papa Chris, kay mama Scarlet, kay papa Mark,..." gusto niyang sabihin lahat ng pangalan ng mga kasama ng actor para makabawi sa na-feel niyang awkwardness. Tila nabunutan siya ng tinik ng may nagpa-cute sa kaniyang magandang biker. Nginitian din niya ito ng buong tamis. 

Naunawaan naman ni Angelie ang naramdaman ng kaibigan. "Hindi ka rin naman pahuhuli kay papa Chris. May abs siya, may abs ka rin. Six-pack ba 'yung sa kaniya? May two-pack ka naman-" 

"O, tama na. Baka madapa pa ako lalo diyan sa comparison mo." Binangga nito ng bahagya ang bike ng kaibigan at tumatawang pinasibad ang bike niya. 

"The loser will pay the consequences!" 

"Madaya!" gustong magmaktol ng babae. "A, ganu'n ha!" Hinabol niya ang kaibigan. 

Masayang naghabulan ang dalawa hanggang sa ginaya nila ang ilang bikers na mabagal lang ang pagpapatakbo at nagkukuwentuhan habang tinatalunton ang isang daan. Huli na nang mapagtanto nilang napunta sila sa lovers' lane. May iilang pares na ang naroon na nagyayakapan at naghahalikan. Gustong umatras ng magkaibigan pero may mga nakaharang na bikers sa kanilang likuran. Nagpatuloy na lang sila sa pagba-bike, tinalunton ang dulo ng daan palayo sa mga naghahalikang pares. 

Tila may naririnig na musika si Andrei habang papalayo sila doon. Nag-iba ang musika sa kaniyang isipan nang makita ang children's playground. Doon sila nagkulitan ng kaibigan. Nakihalubilo sila sa mga batang naroon. 

Ngingiti-ngiti si Andrei habang pinanonood ang kaibigan na nag-i- enjoy sa bahaging iyon ng park. Bumalik sa alaala niya ang huling pagkikita nila ng kaibigan sa isang parke. 

UMUULAN ng hapong iyon nang mapadaan si Andrei sa dakong iyon ng parke. Nakita niyang may isang babaing nakaupo sa isang bench. Nakasandal ito sa isang puno. Dala niya ang motorsiklo ng ama niya noon. Nawala na sa paningin niya ang babaing ni hindi niya nasilayan ang mukha nang nakapagdesisyon siyang mag- U turn. 

Nag-aalangan man sa paglapit sa babae ay pinanindigan na ni Andrei ang naisipang gawin. 

"Miss,..." 

Tumingin lang sa kaniya ang babae. Bahagyang natatakpan ng buhok ang mukha nito. Bakas sa mukha ang ginawa nitong matinding pag-iyak. 

Dahil sa katahimikan ng babae, lumapit si Andrei dito at sinigurado kung nakikita siya nito. 

"I can see you. Hindi ako bulag." 

"O-okey." Nag-alangan si Andrei sa susunod na gagawin. "Umuulan." 

"Alam ko. Di ako manhid." Mahina pero madiin ang mga katagang binibitawan ng babae. 

"Then let's go. Baka magkasakit pa tayo." 

"You go. I didn't invite you here," at hindi na tumingin kay Andrei ang babae, kaya hindi nito namalayan ang muling paghakbang ni Andrei papalapit at bigla siyang binuhat nito. 

"Hey, wait!" Hindi na nagpumiglas ang babae nang nakita nito ang seryosong mukha ng lalaki. 

Nang makakita ng masilungan ay iniupo niya ang babae. Doon nagsimulang kumawala na parang bulkan ang sama ng loob nito. Hinagod ni Andrei ang likod ng babae habang dumadanguyngoy ito. 

"Salamat." Ininom ng babae ang kapeng binili ni Andrei matapos ang pagbuhos ng ulan at paghupa ng naghuhumiyaw na damdamin ng dalaga. 

"You're welcome." 

Tinantiya ni Andrei kung ano ang maaari niyang sabihin sa babae. So far ay nalaman niyang kaya ito umiiyak ay dahil nalaman nitong namatay na ang ina nito sa abroad. At dahil hindi makita o ma-retrieve ang bangkay nito ay wala silang ililibing na bangkay. Parehong nagtatrabaho sa abroad ang mga magulang nito. At dahil solo na lang ang ama niya ay minabuti nitong huwag na munang umuwi at pinalipat nito ang anak sa isang condominium unit. Naisiwalat iyon ng babae habang umiiyak kanina. 

"Andrei," minabuti niyang i-introduce ang sarili. Inilahad niya ang kamay. 

"Angelie." In-ignore ng babae ang nakalahad na kamay ng lalaki. 

"Come on, we're friends already," at ginagap nito ang mga kamay ng dalaga. Ipinakita niya ang sincere niyang pagdamay dito. 

"Relax ka lang, nandito lang ako." 

"Like a brother?" paniniyak ni Angelie. 

"Like a friend," pagtutuwid ng lalaki. 

Hindi man niya tinanggap na maging parang kuya siya nito pero pakiramdam niya ay ipinasa na sa kaniya ng kaibigan ang maraming role sa buhay nito. Hindi naman niya pinagsawaan ang naging role niya sa babae sa loob ng tatlong taon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status