Share

10 "I love You!"

I Love You

'Bog!'

Malakas ang pagkakatama sa balikat niya ng bola. Pumito ang referee. Agad siyang pinalapit ng coach.

"Silva, dumiretso ka na sa locker room. Umuwi ka na."

"P-pero, coach,..."

"Kanina ka pa matamlay at wala sa sarili. Mukhang wala ka ring tulog. Huwag mong sirain ang practice. Go, now."

Lulugu-lugong tumalima si Andrei sa sinabi ng soccer coach nila. Batid niyang matatalo rin siya kahit na umapela pa siya.

HABANG nasa harap ng dutsa ay iisang tao ang laman ng kaniyang isipan. Napapabuntunghininga siya sa bumabagabag sa kaniya.

"I don't know why I can't contact mom! It's been a year since we last had our video chat."

Sa pagkakataong iyon lang niya nahalatang lasing na ang dalaga. Pulang-pula ang mga pisngi nito at nakakunot-noo habang nagsasalita.

"Did you ask your dad?"

"So many times!..." nangingilid na ang mga luha nito. "Laging napuputol ang calls namin every time I talk about mom. Laging poor signal, dahil nasa snowy mountain daw sila, o kaya nasa lake, o kaya nasa gitna ng dagat!"

His brows arched in disbelief. "What exactly is your dad's work?"

"A doctor. And mom's a nurse. They're both too busy to accommodate my calls! Normal pa ba iyan?" Tuluyan nang naglaglagan ang mga luha ng babae.

"Masyado siguro silang in demand. I believe that their princess should learn to wait. At saka, mas mabuti na iyan kesa iyong bad news noon,'di ba?"

"Sabagay. Mas mabuti nang busy siya pero buhay, kesa noong fake news na patay na siya. It was really terrible!" Tinanggap niya ang iniabot na tissue ng kaibigan. Hindi pa man niya natapos punasan ang mga luha ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Agad naman siyang inalalayan ni Andrei at sinikap na mapaupo siya ng maayos.

Malakas na buntunghininga ang pinakawalan ni Andrei bago nagmadaling tapusin ang paliligo. Nais niyang makauwi na, hindi nakatulong ang shower sa bigat na nararamdaman niya sa dibdib.

Nakasakay na siya ng bus nang mapansin niyang papalapit sa bus stop sina Angelie at Nannette. Kakawayan sana niya ang dalawa, pinili na lang niyang manahimik. Naisip niyang mabuti at tila may ka-close nang kaklaseng babae si Angelie. Baka hindi Ito mag-aatubiling magtapat ng sama ng loob sa kaibigang babae. Hindi na nito kailangang magtago ng hinanakit sa buhay. With him, kung hindi pa ito nalasing ay hindi pa niya malalaman ang problema nito.

MATAMANG pinagmamasdan ni Marcia ang anak. Kanina pa ito sa likod bahay. Nakatunganga lang doon ang binata habang nakaupo. Nasa isang tabi lang ang bola.

Lumapit si Flor, dala ang tray ng orange juice. Nagtanguan ang dalawang babae. Nilapitan ni Flor ang binata habang nag dial naman sa cellphone si Marcia.

"Kinakalabit ka na, o."

"Po?"

"Kanina pa naghihintay sa iyo ang bola, ano ba raw talaga, maglalaro o ano?" Hinaplos niya ang buhok ng binata. Tinabihan niya ito nang nahalata niyang medyo napahiya Ito. "Pasensiya ka na, nasanay lang siguro ako na sa tuwing may bagay kang 'di mo masabi sa mommy mo ay sa akin mo sinasabi."

Ngiti at mahinang pagtango ang isinagot ni Andrei. Si Flor nga naman ang naging takbuhan niya noong Bata pa siya tuwing may gusto siyang hingin sa mga magulang niya at nag-aalangan siyang magsabi.

"Si besh ba?"

Muli, isang ngiti at tango ang naging sagot.

"Akala ko'y may iba nang gumugulo sa isipan mo bukod kay besh mo." 

Ininom ni Andrei ang iniabot na juice ng babae. Muntik siyang masamid sa naging biro ni Flor bago ito umalis.

"Huwag kang mag-alala, mahal ka no'n."

"Ikaw talaga, ate Flor!"

"Pinapatawa lang kita. Bilisan mo na diyan at malapit na tayong maghapunan."

Sa wakas ay nahawakan na rin niya ang bola. Wala pang limang minuto ng pagdi-dribble at pagsu-shoot ay huminto na ang binata. Ipinasa niya ang bola Kay Errol na kararating lang.

Maganang kumain ng hapunan si Andrei. Ayaw niyang mag-alala sa kaniya ang mga kasama niya sa bahay.

"Siyanga pala, anak, nakausap ko ang ama mo kanina."

"Ayoko pong magbakasyon do'n, mom."

Nahigit ni Marcia ang hininga. "G- good. Pero hindi iyon ang pinag-usapan namin."

"A- ano po?"

Bumuntunghininga ang ina nito at napatingin kay Flor. "S- saka na lang natin pag-usapan iyan, sumakit ang ulo ko. E-excuse me."

Mabilis na inalalayan ni Andrei sa pagtayo ang ina. "Dadalhan po kita ng paracetamol."

"Meron ako sa kuwarto ko. Do'n na lang ako iinom."

…..

HABANG nakahiga ay nagbalik sa kaniyang isipan ang gabing nalasing ang kaibigan.

Nasa loob na sila ng taxi nang nagdadadaldal at tumatawa ng pagak na tila naiiyak si Angelie. Masuyo naman niya itong inalalayang maging maayos ang pag-upo.

"Relax Lang, 'wag masyadong malikot."

"They don't love me anymore!"

"Sshhhh!" Inakbayan niya ang kaibigan."You're wrong."

"They don't want me anymore!"

Hinaplus-haplos niya ang ulo nito para ma-relax. Nang tila makakatuluyan na ito ay biglang kumambyo ang pag-apak ng tsuper sa manibela. Maagap na niyakap niya ang babae upang hindi ito mauntog.

"Sorry, sir! Biglang may nag U-turn."

"Huwag lang pong masyadong mabilis, manong."

Nakasubsob sa balikat ng lalaki ang mukha ni Angelie nang muli itong magsalita. "I love you!"

"A- ano?" Pabulong iyon. Ayaw niyang maka-distract sila sa pagmamaneho ng tsuper.

"I love...you!..." Yumakap ang babae.

"I--" 

"...mommy, daddy!..."

Hindi niya alam kung namula siya o namutla ng sandaling iyon. Lalo siyang naging conscious sa tuwing sumisilip sa salamin ang tsuper habang patuloy siya sa paghagod ng likod ng kaibigan.

Ngayon lang niya naisip itanong sa sarili kung bakit siya sumagot ng 'I'?

SAMANTALA, si Andrei naman ang iniisip ni Angelie ng mga sandaling iyon. Gusto niya sanang magtampo sa binata dahil hindi na naman siya nito sinabayan sa uwian. Pero pinili niyang unawain Ito. Nag-aalala pa nga siya dahil narinig niyang pinauwi ito ng coach dahil may sakit. Unattended naman ang numero nito sa tuwing idina- dial niya.

Abala siya sa paghahanap ng quotes online. Nakahanda na ang picture nilang dalawa ni Andrei para ipost, lalagyan na lang niya ng magandang message. Balak niyang i-tag ang kaibigan. Bakasakaling Ito na mismo ang mag-message sa kaniya.

'Haynaku!' Wala siyang nagustuhan sa mga nabasa. Pakiramdam niya'y hindi akma sa gusto niyang iparating.

NAGMADALING nagpaalam sa ina si Andrei. Suot ang pink cap at blue jogging attire na umalis pagkahalik sa ina.

"Alas otso na! Don't go too far!"

Kumaway lang si Andrei sa ina at nagsimulang mag-jog.

Mag-isa lang siyang nagja-jogging sa plaza. May mangilan-ngilan namang couple na naroon. Nakailang ikot siya, kapagkuwa'y napatitig sa isang couple na naghahalikan. Naalala niya ang unang topic nilang magkaibigan kung saan hindi sila nagkasundo.

"Dapat talaga lalaki lagi ang mag first move. Hindi puwedeng kami."

"I beg to disagree. May karapatan kayong girls na mag first move. Kung gusto ninyo talagang maging in a relationship na, why hide your feelings?"

"Dito pa naman sa atin, may double standard pagdating sa relationships. Mahirap nang masabihan na bad kami."

"Kaya mas dapat kayong maging strong and firm sa kung ano'ng gusto ninyo. Know what you want, who you want, and claim them."

"Easy for you to say, Mr. Andrei Silva. Because you're an epitome of a strong and brave young man who can do anything!"

"Not anything. Never. Every man has his weakness. I just want you to understand my point. You, girls, have the right to choose. You deserve to claim your happiness in every way possible. I mean, as long as it's not in a bad light, then why not?"

"Maybe you just want girls to kiss you!" Nagsimula nang mag make-face ang dalaga laluna nang makita nitong nanilay ang beloy ng lalaki sa pagkakatitig sa mukha niyang halatang naiirita.

"Maybe you just don't know how to kiss." Hindi na niya napigilan ang pagkapunit ng mga labi. Para siyang kinikiliti sa pamumula ng pisngi ni Angelie.

"Maybe you're just torpe. Come to think of it, I've never seen you with girls."

"Aren't you a girl?" He knew that it would irritate her. Nakasanayan na lang niyang i-tease ang kaibigan paminsan-minsan.

"I'm different! Grrrr!" 

It ended in a wrestling match, na nakasanayan nilang gawin. Siyempre, lagi niyang pinapanalo si Angelie.

Tinanggal niya ang cap at nilaru-laro Ito ng daliri. Napansin niyang nagba-vibrate ang cellphone sa loob ng bulsa. Missed call galing kay Flor.

Umiiyak ang mag-ina nang datnan niya sa pathway ng ospital habang humahangos siya sa pagmamadali.

"Si mommy?"

"Nasa loob pa, tinitingnan ng mga doktor."

"Saan?"

"Sa emergency room. Dito lang daw tayo maghintay."

"B-bakit, ano'ng nangyari? Ba't biglang dito sa ospital?"

Pinaupo ni Flor ang binata. Hinagod niya ang likod para kumalma.

"N-nitong mga nakaraang buwan kasi, dumadalas ang pananakit ng dibdib ng mommy mo."

"Dibdib? Akala ko po, migraine?"

Buntunghininga. "Ayaw niya kasing ipahalata sa iyo. Baka raw ma-stress ka."

"Did she consult a doctor?"

"Oo. Binigyan siya ng gamot at pinayuhang umiwas sa stress, oero,..." Hindi niya alam kung dapat pa ba niyang ituloy ang sasabihin sa binata ngayong naglaglagan na ang mga luha nito. Niyakap na lang niya ito.

Naiwang naghihintay sa labas ng emergency room si Andrei. Umuwi muna ang mag-ina para magdala ng gamit at pagkain.

Akbay sabay yakap sa kaibigan ang ipinambungad ni Angelie. Wala man siyang binigkas, ramdam ni Andrei ang pagdamay nito. Mahigpit silang nagyakap.

"How's your mom?" Pareho silang hilam sa luha.

"The doctors are keeping her. Kanina pa!"

"She's going to be fine." Muli niya itong niyakap, hinagod ang likod.

"Thank you."

"Bakit 'di ka nagsabi? Nag-alala ako ng wala akong inabutan sa bahay ninyo. Mabuti na lang nakontak ko si ate Flor."

"S- sorry. Gabi na kasi, you should be sleeping by this time."

"Besh, aren't you over-pampering me? I'm not your baby, I'm your best friend!"

Malumanay na pagtango galing Kay Andrei.

"You're wearing the cap but it seems that you've forgotten its purpose."

"I--"

"I'm here for you! I will always be."

"I- I will always be there for you."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status