Share

14 In Good Hands

EXCITED si Angelie habang naghihintay kay Andrei. May usapan kasi silang dalawa na magkikita sila ngayon. Susunduin siya ng kaibigan para mag-jogging. Twenty minutes before five siya susunduin pero alas kuwatro pa lang ng umaga ay nakabihis na siya. Nang malapit na ang oras ay bumaba na siya at nag-abang sa lobby.

Nang makita ni Angelie ang papalapit na taxi ay agad siyang lumabas ng building. "Good morning!" Masaya niyang kinawayan ang binata.

"Good morning!" Pinagbuksan niya si Angelie para makaupo sa backseat ng taxi, sa tabi niya.. 

Agad namang sumakay ng taxi si Angelie. "Mabuti, walang ulan ngayon. Tama ang weather prediction mo." Kinikilig pa ang dalaga habang nakikipag-usap sa kaibigan.

Bahagya namang natawa si Andrei. "Internet iyong tinanong ko." Parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niyang kasiglahan ng babae. "Alive na alive yata ang nocturnal naming dalaga ngayon."

Bumungisngis naman siya agad. "I'd like to shed some fats."

"Oh!" Hindi muna niya tinanggal ang kaniyang paningin kay Angelie. Hinintay niya ang ipagtatapat ng kaibigan.

"They told me na doon din nagja-jogging sina Ruru Madrid. Marami raw celebrities na nagja-jogging doon,... sometimes."

"A…ha!" Ini-hang pa niyang saglit ang bunganga niya sabay ng panlalaki ng mga mata niya. "So it's not about wanting to be strong and healthy, and shedding some fats."

She giggled. Hindi naman siya nadismaya na nabisto sita kaagad ng kaibigan. Hindi naman din kasi siya sanay na magtago ng sekreto kay Andrei.

Kulang na lang kurutin niya ang kaibigan dahil sa pagkakilig nito. But she was too beautiful para lang kurutin. "Ngayon ko lang nalaman na may local actors ka na palang iniidolo."

"There are some." Pabiro niyang inirap-irapan ang kaibigan bago niya ito nginitian at pinamungayan ng mata. "They told me about Ruru Madrid and other guys, so we had a movie marathon the other day. I found out na marami palang talented actors na pinoy. 

"They… the girls?" Natutuwa naman siyang malaman na nakipag-bonding ito sa mga kaibigan nilang babae.

"Oo. Di ka kasi makontak that time kaya kami na lang ang nanood."

Natahimik naman si Andrei. Iyong tinutukoy yata ni Angelie na 'that time' ay ang araw na nagkaroon sila ng pagtatalo ng kaniyang ama. Ayaw niyang malaman ng kaibigan ang tungkol doon.

Habang excited na nakikipag chat si Angelie kina Melrose at Nannette ay tahimik niya itong tinitingnan. Naisip niyang napaka inosente ng dalaga. Napaka-sweet nito para lang masaktan.

HABANG nag-jogging sila ay napansin niyang palinga-linga si Angelie. "You spotted anyone?"

"No. Walang nandito kahit isa sa mga binanggit nilang artista." There's a bit of disappointment in her tone. "Sayang."

"Well, at least you get to exercise." Nang nanahimik lang ang kaibigan ay binigyan naman niya ito ng pag-asa. "Jog well at baka 'pag me makasalubong ka mamaya, baka sabihing may sakit ka dahil mukha kang matamlay." He smiled nang makitang siniglahan ni Angelie ang pag-jog nito. Nauna na ito sa kaniya. "Jog, not run! Mamaya pa iyong running!"

"Okay!" Ibinalik naman niya ang mahinang pacing hanggang sa magkasabay na sila ni Andrei.

Nilibang niya ang babae sa pakikipag-usap dito, hanggang natapos nila ang jogging at running.

"We should stop now. Tama na ito para sa iyo." Niyaya niyang tumayo sa isang sulok si Angelie. Napansin niyang hinihingal ng sobra ang babae. "Are you okay? Mukhang nag exceed tayo sa kaya mo."

Tumango-tango lang si Angelie habang sinisikap niyang mahinto ang pagkahingal. 

"Look at me." Ginaya niya ang panlalaki ng butas ng ilong ng dalaga habang hinihingal ito. Agad naman siyang sinuntok nito sa braso. "Aray!"

"Kulang pa iyan! You're so bad, Andres! Hindi ka nakakatulong." But when she realized na nawala na ang hingal niya ay napatingin siya sa kaibigan. Pinag-isipan niya kung babawiin ba niya ang sinabi niya habang nakatuon ang pansin nito sa isang dako.

"Let's go."

Bumili sila ng mineral water sa isang stall. Habang umiinom ay may lalaking lumapit sa kanila.

"Hello!"

Binati rin nila ito kahit na nagtataka sila kung bakit sila nito nilapitan.

"Isa akong talent scout. May agency kami for ramp modeling. Just call me Mommy Jones." Inilahad nito ang kamay kay Andrei.

Tinugon naman nila ang pakikipagkamay ni Mommy Jones at nagpakilala sila rito.

"Actually, kanina ko pa kayo pinagmamasdan. Not that I’m a stalker. Ganito lang talaga kami, patingin-tingin, then lalapitan namin kung makita naming promising, kagaya n'yo." Binistahan pa niyang mabuti ang mukha ng magkaibigan, at ang buong kaanyuan ng mga ito. "I can see na may potential kayong sumikat."

"Kami po?" alanganin niyang tanong. Tatanggihan na sana niya ang talent scout pero nakita niyang na-excite si Angelie.

"Really? Puwede po kaming dalawa mag model?" nahihiya pang nagtanong si Angelie.

"Yes! Kayong dalawa. May naisip na agad akong theme para sa inyo," masaya nitong saad.

"Wow, besh! Magmo-modeling na tayo!" Excited siyang pumulupot sa bisig ng kaibigan.

"Besh?" tanong niya kay Angelie. "Akala ko mag-boyfriend kayong dalawa. Besh lang?"

"Yes!" magkasabay na sagot ng dalawa.

Tinanggap naman niya ang sabay na pagsagot ng dalawa. "Well, whatever. Basta, you look good together and I will make you look better. Hindi ko kayo pababayaan. Legit ang agency namin."

"I'm not into modeling," nailabas na rin niya ang gusto niyang sabihin.

"Besh!" Kailangan niyang makumbinsi ang kaibigan. "I won't do it without you!"

"Naku! Package deal pala kayo. Sige, maganda iyan." Tiningnan niya sa mata si Andrei,"her modeling career is in your hands. Kung ayaw mo, hindi raw siya tutuloy sa pangarap niya."

"Besh!" Ipinakita niya kay Andrei ang natutunan niyang "puppy eyes".

Siyempre, pumayag na rin si Andrei. Hindi niya kayang ipahiya ang kaibigan. Mag-iisip na lang siya ng paraan kung paano makakaiwas dito. 

BINIGYAN siya ni Angelie ng pamalit na tee shirt nang inihatid niya ito sa condominium unit nito.

"I'll beat the egg, you cook the rice," ang utos ng babae sa kaniya.

"Okay, chef." Hinanap naman niya ang lalagyan ng bigas.

"No, you're the chef. I'll just beat the egg." 

Napangiti na lang siya. Siya talaga ang lagi nitong pinapagluto mula nang ipinagluto niya ito ng masarap na putahe. "Why is it that you don't cook when you're with me?"

"Why else? I have you to cook our food." Inumpisahan na niyang batihin ang itlog. "Bilisan mo diyan. Sandali lang 'to."

"Opo, nyora."

Nag- make face lang si Angelie. Binilisan naman ni Andrei ang pagkilos. Nang nakasalang na ang bigas ay naghiwa siya ng ingredients para isahog sa itlog.

Si Angelie naman ay tila proud na pagbabati lang ng itlog ang gagawin niya, ginawa niyang parang microphone ang isang kutsara. "I have two eggs, the left and the right…" Natigilan siya.

"Nice song." Kakanta rin sana siya, pero tumunog ang kaniyang cellphone.

Ama niya ang tumatawag.

"Hello, Pa?"

"Where are you?"

"Dito po sa place ni Angelie. Nag jogging po kasi kami kanina."

"A, ganoon ba? Kasama n'yo ba si Norma?"

"Si Norma po?" Hindi siya sure kung tama ba ang dinig niya na si Norma nga ang binanggit ng kaniyang ama. "Hindi po. Kami lang pong dalawa ni Angelie, Pa."

"Ganoon ba? Bakit naman? You should invite your other friends. It's nice to have many friends, anak. Don't just stick to one person."

Hindi agad nakasagot sa ama si Andrei. Hindi niya nagugustuhan ang naririnig niya sa ama. "Pa, I already told you that there's nothing wrong with us. Okay lang po kami."

"If you say so. But that girl is too clingy. She's not good for you."

"Pa!..." Ayaw niyang mahalata ng kaibigan ang pinag-uusapan nilang mag-ama. "I'll be there after breakfast. Bye, Pa." Agad niyang ini-off ang cellphone. Ayaw na niyang humirit pa ang ama.

Napansin niyang parang nag-iisip ng malalim si Angelie habang nilalaro-laro ng kamay nito ang binating itlog.

"Besh,..." Malungkot na tumingin sa kaniya si Angelie. "Was he looking for Norma?"

"Y-yeah." Nagkibit siya ng balikat. "Hayaan mo siya."

"He really liked Norma, 'no?"

Hindi naman kumibo si Andrei. Sinimulan na niyang magluto ng itlog.

"Does he hate me? I think he hates me."

Napalingon si Andrei sa kaibigan. Pinagmasdan niya ang mukha nito. "Why do you say so?"

"Kasi hinahanap niya ang iba kapag ako ang kasama mo. Why? What's wrong with me?" Hindi niya talaga maintindihan kung bakit napi-feel niya na may disgusto sa kaniya ang ama ng kaibigan. 

"Ange!" 

"I can feel that he dislikes me. Fine. Pero bakit parang nag-iba na rin ang treatment ni Tita sa akin ngayon? What did I do to her?"

Hindi alam ni Andrei ang isasagot sa kaibigan. Pareho lang silang naguguluhan. "Hindi ko rin alam. Hayaan na lang muna natin sila.:

"But will you leave me because of that?"

Nakita niya ang namumuong luha sa mga mata ng kaibigan. "No. Ange,..."

"I get it that I'm not important. Look, someday you will have a girl. Whoever she is, baka si Norma iyan dahil boto ang Papa mo sa kaniya, but when that time comes, I know where I should stand. I can be behind you as your friend."

Nilapitan ni Andrei ang kaibigan na namumula na ang mukha dahil sa pagpipigil nitong maluha. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Ange, your stand will always be beside me, not behind. Tandaan mo iyan."

Tinanggap naman ni Angelie ang sinabi ni Andrei. "Promise?" Tuluyan na itong napaluha.

"Yes. Promise." Agad niyang nilundag ang tapat ng lutuan dahil naamoy niyang nasusunog na ang niluluto niya.

They ended up staring at the burnt eggs.

Julia

Salamat po sa pagbabasa.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status