Share

The Last Squad Standing
The Last Squad Standing
Author: Glonkie

First Attack

How do I tell a well-structured story when life is absolute chaos?

"Shit..." 

There is a small light coming from the window. My head is aching and it feels like an ultra hangover. 

I groaned as I massaged my temples. Ilang araw na ba akong tulog? I turned to my left. And then to my back. And there, I saw a door. May kaunting liwanag din mula roon.

"May tao ba r'yan?" tanong ko na umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto. The deafening silence enveloped the whole room. 

Lumapit ako sa pintong may apat na mga rehas sa itaas sapat para makita kung ano nang nangyayari sa labas. Nakasuot pa ako ng dextrose kaya agad ko itong hinugot.

Wala naman akong makita sa labas bukod sa isang mahabang hallway na patay-bukas ang ilaw. Sinubukan ko itong buksan. Kinalampag. Hinampas. Sinigawan. Sinilip ko kung naka-padlock ang pinto pero wala ito. Hindi ito naka-padlock! Pero nakasara pa rin ito. Kung maaabot ko lang sana ang handle mula sa labas, makakalaya na ako sa kulungan na 'to! Sa wakas! Pero paano ko 'yon maaabot? Masyadong mababa.

Tumingin uli ako sa madilim kong kulungan. Bukod sa higaang pinaglumaan na ng panahon, isang pitsel na may lamang malamig na tubig, isang baso, isang biscuit at isang sintas. Sandali, bakit may sintas dito?

Nasaan ba si Doc. Stephen? Si Nurse Camille?

Napatingin ako sa bedside table at may digital clock doon. The clock is indicating the date and time. October 2, 02:23 PM. Naalala ko pang noong huli akong tumingin d'yan ay September 25 palang. So, isang linggo akong unconscious? Fuck.

Napasulyap ako sa pinto dahil parang naramdaman ko na may tao roon. Pero wala.

"May tao ba r'yan?!" Sigaw ko dahil sa inis.

I tried to shout. Thirty minutes passed. 

An hour. 

Two hours. 

Two and a half hours pero wala paring lumalabas para pagbuksan ako ng pinto. I'm getting exhausted.

"Damn you, people! Nasaan kayo? Damn it! Pakawalan niyo ako rito-" hindi pa ako natatapos sa sigaw kong makaputol-litid, bigla akong napaatras dahil sa kamay na dumukwang mula sa rehas ng pinto. Muntik na niya akong makalmot kung hindi ako umatras. Shit! What the heck was that?!

Umungol ito at nagsisigaw na parang ulol na aso. Nagmamadali akong umatras hanggang sa mabangga ko ang kama. Nanlaki ang mga mata ko sa itsura niya. 

Hindi siya normal na tao! Naglalaway siya na parang aso, may harang na puti ang pupils, may bakat ng itim na ugat sa buong katawan, puro dugo at agnas ang balat niya! Nakasuot siya ng laboratory gown pero puro dugo rin. At nagwawala siya! Kinalampag niya nang kinalampag ang pinto at kung wala ang pintong harang na 'yan ay sigurado akong kanina niya pa ako inatake rito at sinisiguro kong wala akong palag.

Nanginginig akong lumapit sa pitsel at baso ng tubig. This can't be happening. God, wake me up. This is a bad, bad dream. This is the worst nightmare I ever had. It looks so damn real!

The man in the lab gown looks very familiar. Shit! Siya si-

"Doc. Stephen!" sigaw ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang isa sa nagturok sa akin ng syringe bago ako makatulog.

Tawagin niyo na akong baliw pero sigurado akong nawawala na siya sa sarili niya na parang isang-

"Z-zombie..." I muttered underneath my breath.

Paano kung mabuksan niya ang pinto? Paano kung pasukin niya na ako rito? Paano kung... Paano kung sakmalin niya ako gaya ng sa mga palabas? Magiging kagaya niya ba ako?

I held the pitcher and put some water on the glass. I need to think properly. Gosh, this is a nightmare. I drank the glass of water and wiped the excess using my knuckles.

I can hear my heartbeat. Palakas nang palakas. Parang may nagkakarerahan. Parang may nagtatambol.

Napatingin ako sa pitsel na hawak ko, stainless ito at baka pwede ko itong gamitin bilang self-defense. I heard a loud bang on the door. Fuck! Naalis na ang pagkakakawit ng handle! Kung paano niya nagawa, hindi ko alam! Ang alam ko lang, pwede akong mamatay ngayon din.

My instinct told me to slam this pitcher on his head so I did. Buong lakas kong inihampas sa kanya ang hawak ko at nakarinig pa ako ng nagcrack. Agad na napahiga ang Zombie at nawalan ng malay. Patay na. Baka patay na.

"Shit. Shit. Shit," I muttered. Tears rolled down my cheeks. Hindi parin ako makapaniwalang natulog lang ako, pagkagising ko ay may zombie na akong kaharap. Paano nalang kung hindi ko siya tinamaan?

Teka, what if buhay pa pala siya?

Nakatagilid siya habang nakahiga kaya pumwesto ako sa likod niya. Pag gumising siya, hindi niya agad ako maaatake, hindi niya ako mapapatay.

Hihintayin ko pa bang gumising siya?

Hinawakan ko ng mahigpit ang metal na pitsel at pinaghahampas sa ulo niya. Dumugo ito nang dumugo. Siguro naman ay hindi na siya magigising?

Wait, napatay ko siya! Shit! Hindi naman ako makukulong 'di ba? What if prank lang ang ginawa niya? Tapos hinampas ko siya ng sobrang lakas! Shit.

First of all, bakit naman siya magpa-prank sa akin?!

Hinampas ko sa pinaka huling beses ang kawawang doktor atsaka dumiretso sa bedside table. Kinuha ko ang biscuit. Napansin ko ang tray. Stainless din siya at sigurado akong pwede ko siyang magamit. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari kaya baka kailanganin ko nga ang stainless tray na ito.

Napalunok ako nang mapatingin sa pinto. Ayoko mang lumabas, kailangan ko. Dahan-dahan kong binagtas ang daan palabas.

Nagpadagdag pa ng kaba ko ang patay-sinding ilaw, nakabibinging katahimikan at mga dugo sa sahig. Sana lang ay si Doc. Stephen lang ang Zombie.

Sinubukan kong buksan ang mga pinto pero nakasarado ang mga ito. Hindi gaya ng pinto kong gawa sa bakal, ang mga pinto rito sa corridor ay gawa sa kahoy at parang room lang sa hotel.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay bumungad sa akin ang dalawang daan. Isang kaliwa at isa sa kanan. Makalat at may mga patak ng dugo. Tahimik. Sobrang tahimik.

Naisip kong dumaan sa kanan. Mas kaunti ang patak ng dugo rito kaya baka mas safe. Hinigpitan ko ang hawak ko sa pitsel at inihanda ito sakaling may umatake. Kada lingon ko sa likod ay napapalunok ako.

I tried to open a door on the right side.

It clicked!

The door opened. I pushed it slowly and my jaw dropped the moment I saw a woman in white uniform eating something, scratch that, eating someone!

"N-nurse Camille..." I muttered underneath my breath. "No way. No. No." I can't believe it! Ang kulay puti niyang damit ay nabahiran ng pula habang kinakain ang laman-loob ng isang matandang lalaki. Nakaluhod siya rito at sinimulang dukutin ang bituka nito.

Muntik na akong masuka sa nakita ko. Unti-unting nag-iba ang kulay ng lalaki at naging maitim ang balat nito. Naglabasan ang mga ugat na itim at nabalutan ng puti ang pupils. Na agnas din ang balat niya na mas lalo akong nasuka. Gaya ng kay Doc Stephen.

"Nurse..." bulong ko, hindi pa rin makapaniwala. The next scene made my jaw dropped more.

Unti-unting gumalaw ang bangkay at agad itong tumayo. Nabuhay siya! Kahit nakalawit ang mga internal organs niya ay tumayo siya.

Dalawa silang napalingon sa akin kaya bigla kong naisara ang pinto. Shit.

Tumakbo ako sa malayong malayo at hindi ko na alam kung nasaan ako. May mga hagdan, automatic doors, escalators, at gate akong nilabasan. Kada lumilingon ako sa likod ay mas lumalakas ang pintig ng puso ko. Paano kung sobrang bilis nilang tumakbo gaya ni Doc Stephen?

Tuluyan akong nakalabas ng building na kulay puti at bumungad sa akin ang mga sasakyang nagkabanggaan, sunog, maduming lugar, madugong daanan at mga taong naglalakad pero walang patutunguhan.

Sangkatutak na zombies. Shit. I'm still alive but I know I'm going to die soon. Walang laban ang pitsel at tray ko sa kanila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status