Share

Second Attack

I still don't know what to do. Sobrang dami nila at ang tanging hawak ko lang ay pitsel at stainless tray. I won't survive with this shit. I know that I won't.

I looked back at the building and saw a capital letter A on top of it. The building is wrecked and the windows were broken.

Napatingin ako sa harap ko nang may marinig akong mga yabag ng paa only to find a zombie running towards me. Adrenaline rushed through my veins and I immediately slammed the pitcher on his head.

Nagtago ako sa isang sulok na may nakaharang na yero at niyakap ang sarili. Hindi ko kakayanin ang lahat ng zombies na 'yon. I'm not a hero with superpowers to kill those bastards.

Ilang minuto pa akong nanatili sa maliit na siwang na 'yon at hindi alam kung ano ang patutunguhan. Saan ba ako pupunta? Wala akong matandaan sa kahit na anong nangyari sa akin. Ang natatandaan ko lang ay ang pag-uusap namin ni Doc. Stephen at Nurse Camille. Bukod doon ay wala na. Wala na akong alam tungkol sa akin. Ilang taon na ba ako? Saan ako nakatira? May magulang ba ako? Sino ako?

"This is my place."

Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat. Shit!

Napatingin ako sa likod ko at may nakita akong batang lalaki na sa tingin ko ay nasa labindalawang taong gulang.

"Why are you here? Di mo ba alam na bawal dito? Pwesto ko 'to. Akin 'to."

Nanlaki ang mata ko sa kanya. Dito ba siya nakatira sa siwang na 'to? Nasaan ang mga magulang niya? Nasaan ang pamilya niya?

"Nagtago lang ako dahil may mga zombies sa labas," paliwanag ko sa kanya, pilit na hinihinaan ang boses ko dahil baka may makarinig na zombies sa akin, who knows, baka matalas pala ang pandinig nila.

"Hmm... May dala ka bang pagkain?" tanong niya kaya agad akong umiling. "I've been hiding here for two days. Tubig lang ang ininom ko galing sa Alcandar Building," aniya kaya bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil masyadong mabilis ang pagsasalita niya.

Sobrang dami kong tanong kaya hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Atsaka matino bang kausap ang batang ito?

"Anong pangalan mo?" Ang una kong itinanong sa kanya. Kailangan ko munang makuha ang loob niya para magkaroon siya ng tiwala sa akin.

"Isaiah..." sagot niya.

"Okay, Isaiah. Ilang taon ka na ba? Nasaan ang mga magulang mo?" tanong ko.

Bahagya siyang umiling. "I'm fourteen years old. Wala na sina Mom. Naging Zombies na sila last month."

Last month? Paanong magkakaroon ng zombies last month? Kagigising ko lang last week at normal naman ang lahat. Hindi kaya... Mukha lang normal ang lahat sa loob ng puting building pero ang totoo ay nagkakagulo na sa labas?

"Kailan pa nagsimula ang zombie apocalypse na ito?" sunod kong tanong.

Nag-isip muna siya at naningkit lalo ang singkit niyang mga mata. Napansin ko ang madumi niyang damit. Hindi yata siya naliligo. Kahit ako, hindi na ako makakaligo nang maayos kung alam kong kahit anong oras, pwedeng sumugod ang mga Zombies.

"Seven years ago..." aniya na ikinagulat ko. Itatanong ko na sana kung niloloko niya ba ako pero itinuloy niya ang pagsasalita. "July 2053 no'ng nagsimula ang mga balita tungkol sa mga hinihinalang zombies. August nang makumpirma nila. September nang lumaganap at ngayong 2060, halos lahat ng tao rito sa bansa, na-infect na," mahaba niyang paliwanag.

No way. Ibig sabihin ba ay pitong taon akong tulog?! What the fuck? Na comatose ba ako?

"May alam ka bang tutulong sa atin?" tanong ko at agad naman siyang sumimangot.

He clenched his small jaw. "Kung wala kang pera, o maibibigay sa kanila, walang tutulong sa'yo." Sa kanila? Sino sila? "Sinubukan kong manghingi ng tulong sa kanila nang maging zombie ang pamilya ko... Hindi nila ako pinansin... Hindi nila ako tinulungan..." Bakas ang matinding galit sa mukha niya habang nagpapaliwanag.

"Sinong sila?"

"Ang Fascists. No'ng mag uumpisa palang itong apocalypse, libre pa ang magpagamot sa kanila. Pero nang dumami na, nanghingi na sila ng bayad..." paliwanag niya at nagsimulang kumunot ang noo niya. "Sandali, bakit wala kang alam sa mga nangyayari?"

Dahil pitong taon akong natulog na parang camatosed. At pagkagising ko, punong-puno na ng Zombies kung saan-saan at sinugod pa ako ng isa.

"N-nacomatosed ako." Shit.

"How ungrateful..." komento niya atsaka ako tiningnan sa mata. "Makakaalis ka na. Ayokong may kahati sa lugar ko," pagtataboy niya sa akin.

Napatingin ako sa hawak kong pitsel at stainless tray. Hindi ako makakasurvive gamit ang mga ito. Mabuti pa kung gumawa ako ng sarili kong lugar. O bumalik sa building.

"Salamat nga pala sa biscuit." Ngisi niya habang nakataas ang kanang kamay, may hawak na biscuit. Kinapa ko ang bulsa ko at wala na roon ang biscuit ko.

"Paanong..."

"You are too preoccupied to even notice," sabi niya, nakangiti parin. "Nasagot ko naman ang tanong mo comatosed girl... Pwede na 'to bilang biscuit of appreciation."

Dahan-dahan niya akong itinulak palabas sa lugar niya at unti-unti naring lumiliwanag. Nakikita ko na ang mga zombies na tahimik na nag-aabang sa kawalan.

"Pwede bang umupo rito kahit ilang minuto lang?" tanong ko sa bata pero umiling-iling lang siya.

"Mag-ingat ka sa mga Fascists. Palaging naglilibot ang mga tauhan nila para may maalipin. Mag-ingat ka rin sa iba't ibang squad,- 'yung mga hunters, na makikita mo... Nagbebenta sila ng mga tao sa Fascists kapalit ng mga basic needs nila," babala niya sa akin.

Mas lalong kumabog nang malakas ang dibdib ko. Ano na bang nangyari sa bansa? Pagkagising ko, puro Zombies na kung saan-saan. May mga naghahari-harian nang grupo. Ginagamit na ang mga tao bilang currency para sa pangangailangan nila. Nasaan na ba ang gobyerno na dapat nag-aayos ng gulong ito?

Gulong-gulo ang utak ko paglabas sa maliit na lungga ng binatilyong si Isaiah. Nakayuko ako sa bawat kotseng nadadaanan ko para walang makakitang zombies sa akin. Tingin ko ay matalas ang pandinig nila dahil naririnig nila kahit maliliit na kaluskos lang.

"Oh my god," I muttered underneath my breath as I saw a man lying on the ground. He looked like a zombie but his brain was scattered all over the ground. He also smells ridiculous! He smells like a rotten flesh! He is wearing a black tuxedo. Nakalabas ang mga laman-loob niya.

I want to vomit but I'm afraid that I might get the attention of the Zombies around.

Hindi ko na alam kung saan ako nakarating. Kung pinatuloy lang sana ako ni Isaiah kahit sandali sa lugar niya, hindi ako kakabahan ng ganito!

Kada limang segundo ay tumitingin ako sa likod ko dahil baka may zombie na sumugod sa likod ko at lapain ang spinal cord ko.

Nakarating ako sa isang lugar na may harang na mga alambre. Malawak ang lugar at may isang sirang bahay sa loob.

I want to enter the property but I have no idea on how to enter. Walang pinto o gate sa kung saan. Fuck.

Dapat nag-stay nalang ako sa puting building 'e! Bakit ba ako nagpakalayu-layo? Ugh! Hindi na ako makakabalik doon dahil malayo na ang narating ko. Kailangan kong makarating sa sirang bahay na 'yon at makapagtago roon bago ako pagpyestahan ng mga zombies dito.

Nakarinig ako ng mga yabag kaya agad akong tumalikod only to see two zombies running towards my direction. Oh, fuck!

Hindi ako pwedeng tumakbo dahil alam kong mahahabol nila ako. I need to fight! Fight for my life! Shit! Pero paano ako lalaban? Dalawa sila at isa lang ako. May mga ngipin silang pwedeng ipangkagat sa akin pero hindi ko naman sila pwedeng kagatin!

"Fuck you, bastards!" I muttered underneath my breath as I slam the pitcher on the first Zombie. I kicked the second one and aimed my pitcher once again. Mabilis akong napagod dahil sa ginawa ko. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon.

I was about to throw the stainless tray when I heard two gun shots from my back.

Napayuko ako dahil sa matinding gulat dahil sa dalawang magkasunod na putok ng baril. Hindi ko inexpect ang isang 'yon. Napatingin ako sa dalawang zombie na nakabulagta sa daan. Tinamaan sila sa ulo kaya dumanak ang dugo nila rito. 

Pinunasan ko pa ang dugo na tumalsik sa balat ko. Shit!

Napatingin ako sa likod ko kung saan nanggaling ang tunog ng baril... Only to see a man with a leather outfit.

Naka-all black siya, may combat boots, isang hand gun, isang mahabang baril na sa tingin ko ay pang-ratrat, nakangiti siya sa akin habang dahan-dahang lumalapit.

Sobrang saya ko dahil may nagligtas sa akin. Sa wakas, hindi na ako pagpipyestahan ng mga gutom na Zombies sa daan. I smiled widely not until he said, 

"Beef Jerky and another set of leather outfit." He smirked.


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status