Share

Sixth Attack

Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ni Pisces. Patuloy kong iniisip ang mga bagay tungkol sa akin.

Sinong mag-aakalang may nakakakilala sa akin at inakalang patay na ako pitong taon ang nakararaan?

"Pisces..." I knocked on his door thrice.

Walang sumagot. May narinig ako mula sa loob ng pinto pero hindi ko gaanong marinig kaya inilapit ko ang tenga ko sa pinto.

"Do not forget me even when I'm gone..." Isang tinig ang narinig ko.

Isang lumang kanta pero may mapait na ibig sabihin.

"Remember me, do not forget..." Maganda ang boses niya...

Honestly, I don't like his aura. I don't like to breathe the same air he breathes. There's something in him I'm not comfortable with.

Ipinagpatuloy ko pa ang pakikinig sa kanya pero wala na akong marinig. Hindi na siya kumakanta.

"What are you doing here?" Muntik na akong mapatalon sa malalim na boses niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang buksan ang pinto kaya medyo na out of balance ako.

"U-Uh, kakain na raw..." sabi ko at tumingin sa ibang direksyon. Umatras ako.

"Do you use your ear when knocking on someone's door?" seryoso niyang tanong. His jaw tightened.

Kaagad akong umiling. I don't like a conversation with him!

"Kakain na raw," pagbabalewala ko sa sinasabi niya.

Bakit ba kasi ako nakikinig sa pagkanta niya? Ugh, Collier. Stupid!

"Okay..." he said, dismissing the topic. Nauna na siyang naglakad kaya sumunod ako. Nasa likod niya lang ako dahil wala akong balak tabihan siya sa paglalakad.

"Ganyan ba talaga ang buhok mo?" he asked out of the blue.

"No..." maiksi kong sagot. Ayoko nang pahabain pa ang topic. Dahil nga ayokong makipag usap sa kanya. Kinakabahan ako!

"What's your name?"

"Collier..."

"Collier?"

"Collier Harrington."

"Harrington... Interesting." He smirked."Ilang taon ka na?"

"Twenty-five."

"Paano ka napunta rito sa South wing kung taga North wing kayo?"

Taga-north wing ako... Teka, bakit niya ako ini-interview?

"I don't know."

He looked at me. Kitang kita ang pilat niya sa noo papuntang mata. Nang mapansin niya ang pagtitig ko roon ay agad siyang lumingon pabalik sa daanan.

"Anyway, I have some proposal for you."

"Proposal? Anong proposal?" 

"Pag-usapan natin mamaya."

Tumango nalang ako. Parang sobrang tagal ng oras kapag kausap ko siya. At gusto ko nang matapos kaagad! Maybe, natatakot ako sa pilat niya sa mukha o dahil sa respetong ibinibigay sa kanya ng buong squad.

Pagdating namin ay naabutan namin na nagtatalo si Max at Celine.

"Hindi ganyan! Masusugatan ka!" Iritang sigaw ni Max.

"I know what I'm doing, okay? Doon ka na nga at ayusin mo ang mga upuan!"

Nagtatalo sila sa tamang pagbukas ng de lata at halata namang mali si Celine.

"Andyan na pala kayo..." mahinahong sabi ni Nate.

"May pag-uusapan tayo..." Seryoso si Pisces at madilim ang mga mata.

"Ano naman 'yon?" si Cedrick na napa-ayos ang upo sa upuan. 

Umupo ang lahat sa kani-kanilang upuan. Umupo ako sa tabi ni Max at Nate, kaharap ay si Pisces.

Nagsimulang magsandok si Cedrick ng kanin. Sinundan naman ng iba.

Tumingin siya sa akin.

"Nalaman kong Harrington itong si Collier..." paunang sabi niya. Naghintay kami ng kasunod. "Alam naman nating lahat na Harrington ang isa sa pinakamayamang naninirahan sa North wing."

"Yeah, at isa rin sila sa pinakamakapangyarihan," dugtong naman ni Nate.

"Really?" Hindi makapaniwalang si Celine.

"Ang proposal ko para sa'yo, Collier," putol-putol kung magsalita itong si Pisces! Nakakainis! "Sasamahan ka naming makarating sa north wing, sasamahan ka naming makauwi sa inyo, kapalit ng mga goods, army truck at mga armas na kakailanganin namin. Sigurado akong wala lang sa pamilya mo 'yon dahil mayaman naman kayo."

"Basta Harrington ay mayaman," singit ni Max.

"Ikaw lang yata ang hindi..." Humigikhik pa si Celine kaya siniko siya ni Cedrick at tinamaan siya nang bahagya sa braso.

"P-Pero hindi ko sila kilala. I mean, wala akong maalala kaya hindi ko alam kung sino sa kanila ang pamilya ko."

"I know them," sabat ni Nate. Oo nga pala, kilala niya ako.

Tumango ako nang bahagya. "Kapag nakarating na ako sa north wing, maiiwan na ako ro'n?"

Tumawa nang malakas si Celine. "Malamang, girl! Anong gusto mo? Sumama pa sa amin at makipaglaban hanggang sa mamatay? Kung tutuusin, napakaswerte mo dahil mayaman ang pamilya niyo. Sana lahat, 'di ba? Nang hindi na namin kailangang makipagpatayan para mabuhay..."

The deafening silence enveloped the dining area.

"Deal?" Si Pisces na bumasag ng katahimikan. 

"D-Deal..." mahinang usal ko. I don't know my family pero sigurado naman akong matutuwa sila kapag nalaman nilang hindi pa ako patay.

"Good. Bukas tayo magsisimulang maglakbay." Si Pisces.

"Saan naman tayo dadaan?" tanong ni Max.

"Mas mabuting sa east wing na tayo dumaan para mas ligtas." Si Nate ang nagsalita.

"Kung gano'n, gumising tayo ng maaga para ihanda ang mga armas natin." Si Cedrick naman.

Pagkatapos namin kumain ay sinigurado naming nakasarado at nakalock ang lahat ng mga pinto at bintana. Baka may makapasok na zombies or hunters.

May kama sa kwarto ni Celine. Malamang dahil itinuturing siyang prinsesa ng apat.

"Hindi pa ako inaantok..." sabi ni Celine. Kaagad siyang humiga sa kama at tumingin sa kisame. Humiga rin ako pero sa bandang gilid lang.

Nakahubad na ang mga leather jacket namin dahil matutulog na kami.

"Tingin ko, hindi ako makakatulog..." Hininaan ko ang boses ko dahil baka tulog na ang iba.

"Did you know? We were former students of Zombie University." I didn't know there was a school like that. University for zombies? "You don't know that school. Do you?"

"No. Seven years ago, I died." I chuckled. Kung sino man ang nagpakalat na patay na ako, baka hindi niya talaga alam na buhay pa ako. "Then woke up inside a cell with a zombie running towards me."

She chuckled too. "By the way, ZU is a school for Zombie hunters. Bihira ang nakakapasa sa entrance exam doon. Kaya maswerte kaming lima dahil nakapasok kami. Pero natanggal kami dahil gumawa ako ng kalokohan." She smiled. 

"What trouble?"

"It's a secret..." 

I shrugged it off. Hindi ko siya pipilitin.

Humikab siya. "Inaantok na 'ko..." Pumikit na siya.

She smiled sadly habang nakapikit. "I wish I didn't have to kill her."

My eyes went wide open. What? She killed someone? Nilingon ko siya pero sa tingin ko ay nakatulog na talaga siya.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

At hindi ko inasahan na nakatulog na pala ako.

"Ahh!" Napatili ako nang makakita ng zombie! Kaagad ko itong itinulak palayo. Agad ko 'yong pinagsusuntok. Shit! Wala akong armas! Dapat pala ay nagtatabi ako ng armas sa pagtulog ko!

"Aray! Aray!" Inda niya. What?!

Kasunod ng tili ko ay ang tawanan nilang lahat.

Agad na tinanggal ni Maximus ang kanyang maskara at nakitawa sa kanila.

"Nababaliw ka na ba?!" Hingal na hingal ako.

Nakamaskara pala siya ng pang zombie! Teka, saan niya nakuha 'yan? At nakuha niya pang manakot ah!

"Kanina ka pa kasi namin ginigising at ayaw mong gumising." Tumawa ulit siya.

"Pero hindi ibig sabihin no'n mananakot ka!"

"Fine, fine. Sorry. Geez." He apologized. "KJ. Bagay kayo ni Pisces," bulong niya.

"Kunin mo itong pistol at ilagay mo sa bewang mo. Itong dalawang katana ang gamitin mo." Biglang sumulpot si Cedrick.

"Ced! Nasa'n na yung dagger dito?" tawag ni Celine sa malayo. Aligagang aligaga sila at nagmamadali! Habang ako dito, kagigising pa lang!

"Sa likod ka lang, okay? Hindi ka pa masyadong sanay sa pakikipaglaban." Si Nate naman ang lumapit sa akin.

"Where's our map?" Sa malayong dulo ay nakaupo si Pisces at may tinitignan sa mga papel na hawak niya. He's wearing an all black outfit, black leather, black jeans and a black chunky boots.

"One hour from now, aalis na tayo."

Kaagad kong inayos ang sarili ko at tumulong sa kanila sa pag-aayos.

"Siguraduhin niyong walang naiwan..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status