Share

Ninth Attack

"Bitawan niyo ako!" sigaw ni Celine habang pilit na nagpupumiglas.

Dalawang lalaki ang nakahawak sa kanya. Isang babae at si Bubble Joe naman ang nakatutok ang baril sa amin. 

Nakatutok din ang baril namin sa kanila.

"My, my, such a pretty lady. Magkano kaya ang halaga mo sa market?" My forehead creased. 

"I thought you were a member of Fascists?" I asked them.

The slutty girl laughed so hard as if something was funny.

"Oh, did you see our Jeepney? Ang cool ng design 'no? Parang Fascist talaga. Para dagdag takot syempre."

"Bitawan niyo ako, ano ba?! Ikaw babae ka, kapag nakawala ako rito, sisiguraduhin kong pati mga zombies, ipapa blow job ko sa 'yo!" Celine screamed at the top of her lungs.

"Oh shut up, bitch. Baka sa 'yo ko ipagawa ngayon 'yan." The girl smirked. "Oh, by the way, thank you rito, ha," she said while pointing a gun at Celine's temple. 

Celine closed her eyes as a tear rolled down on her left cheek.

"Bitawan niyo siya," Pisces firmly ordered.

"Oh... ikaw ba ang squad leader nila?"

"Yes."

Nang pilit na kumawala si Celine ay pinukpok siya ng baril sa batok. Kaagad siyang nawalan ng malay.

"Celine!" Cedrick shouted. His hands were trembling because of extreme anger. "Get your fucking hands away from my girlfriend!"

"Sweet love." Itinaas ng babae ang hawak niyang baril at itinutok sa ulo ni Cedrick. "Kung gusto mo, ikaw na ang mauna." She smirked like an evil.

Nag iinit na ang kamay ko at gusto ko na ring pasabugin ang bungo ng malanding babae na ito. Kung hindi lang magkakagulo at baka mapatay pa kaming lahat! 

Ang kapal naman ng mukha nilang saktan si Celine! Mas humigpit ang hawak ko sa baril ko.

"Let her go." Our team leader said. "I will give you a Harrington in exchange."

My eyes widened in shock. Pisces push me towards the enemy. I was astounded by what he just said. Am I hearing it right? Did he say that he will give Harrington in exchange for Celine? Is this some fucking sort of treachery?

"Leader," Nate whispered firmly.

"That's not right, leader." Maximus seconded.

"Oh, did you just say Harrington? One of the most influential and richest families in Coventry?" The girl giggled in excitement. "Then deal." she laughed evilly.

Kaagad nilang itinulak papalapit sa amin ang walang malay na si Celine at hinila naman ako ng mga lalaking kaaway. 

Nanghina ang tuhod ko kaya hindi na ako nakapalag pa. Napatingin ako kay Pisces na diretso lang na nakatingin sa akin. Na para bang wala lang. Na para bang hindi niya ako ginamit.

Kitang-kita ko ang awa sa mga mata ni Nate. Umigting naman ang panga ni Maximus. Si Cedrick ay kunot noong nakatingin sa akin habang hinahagkan si Celine. Hinalikan niya ang noo nito ng ilang beses.

"What is your name, dear?"

I didn't answer.

"Collier Harrington," si Pisces ang sumagot. My jaw tightened. This asshole will pay.

"Oh, geez. Let's go, guys. We're going to be rich!" 

Itinulak ako ng mga maskuladong lalaki papalayo. A lump in my throat started to form. My vision started to blur. I tried to swallow hard just to remove the bile on my throat but it just keeps on coming back making my vision blurrier. 

"What the fuck is wrong with you?! Bakit ipinamigay mo lang siya nang gano'n kadali?!" I heard Nate shouted.

Lumingon ako sa kanila.

"We can't lose a squad member," Pisces firmly said. I felt an excruciating pain in my chest. Does that mean... Does that mean that he didn't see me as his squad member?

Itinulak ako ng lalaki kaya napabalik ako ng tingin sa daan. 

My tears rolled down my cheeks. I cannot believe it. Akala ko ay kasali ako sa squad. Bakit niya ako nagawang ipamigay nang gano'n kadali? Bakit ba wala siyang puso? 

"Hey can you just stop crying? Sumasakit ang mata at tenga ko sa kakaiyak mo," iritang sabi ni Rick. Mahigit isang oras na kaming naglalakbay patungo sa center para ibenta ako sa market.

"Edi 'wag kang tumingin," I shot back. I wiped my tears angrily.

"Anong sabi mo?!" galit niyang tanong.

"Edi wag kang tumingin," I reiterated.

"Pilosopo ka?" 

"Wag mo na ngang pansinin yan, Rick! Magfocus ka nalang sa ginagawa mo!" utos ni Bubble Joe.

Itinali nila ang kamay at paa ko para hindi ako makawala. Nagpumiglas pa rin ako nang nagpumiglas. Kapag nakalaya ako rito ay babalikan ko si Pisces para pasabugin ang ulo niya! Napakawalang kwenta niya! Paano niya ako nagawang traydurin? Sabagay, bago pa lang naman kaming magkakilala. Unlike si Celine na matagal na niyang nakakasama.

"Ang cool naman ng buhok mo," sabi ng babaeng slutty na ito. Hinawakan niya ang tila antenna'ng bangs ko.

"Get your filthy hand away from me! Baka mahawaan mo pa ako ng STD!" inilihis ko ang ulo ko palayo sa kanya.

"Bitch!" She shrieked as she slapped away the soul in me. I felt my left cheek burned so bad but I immediately looked at her.

"Kapag nakawala ako rito, sisiguraduhin kong uubusin ko kayong lahat. Itatatak ko sa mga bungo niyo na hindi dapat kinakalaban ang isang Harrington." Fuck that, hindi nga ako sigurado sa pagkakakilanlan ko pero kung ito lang daan para matakot ang babaeng ito, I would definitely do it.

She flinched for a while, as if intimidated, but quickly managed to turn back her stance.

"Hihintayin ko 'yan." She smirked.

"Malapit na tayo," deklara ni Bubble Joe. Unti-unting bumagal ang sasakyan.

Huminto kami sa tapat ng isang mababa ngunit mahabang gusali. Napalilibutan ito ng matataas na barb wire sa paligid. Sa pader ng gusali ay may malaking pabilog na pintura at sa gitna nito ay letrang F.

Kahit nakatali ang kamay ay pilit kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. I need to fix myself. Hindi rito matatapos ang buhay ko.

"Saan kayo?" mababa ngunit mariin na tanong ng isang lalaking armado. tingin ko'y tauhan siya ng mga Fascist. May hawak siyang AK47 habang seryosong nakatingin kay Bubble Joe.

"Sa mismong building. May ibebenta lang." Si Bubble Joe na pinantayan ang pagiging seryoso ng lalaki. Itinuro niya ako gamit ang hinlalaki niya at agad na ibinalik ang kamay sa manibela.

"I-check niyo muna ang sasakyan," utos ng lalaki sa mga tauhan niya.

Pagkatapos i-check ay pinapasok na kami agad. 

"Doon ang parking space." Itinuro ng lalaki ang isang malawak na lugar na puno rin ng mga sasakyan.

Pagkarating sa parking lot ay tinanggal nila ang tali sa paa ko at itinulak papunta sa building.

Walang gaanong tao roon. Malamig ang lugar. Air-conditioned at tila name-maintain ang kalinisan.

Pagpasok ay inabutan kami ng Alcohol. Ayaw ko pang kumuha pero itinulak ako ni Rick kaya galit akong kumuha. Ayokong maglakad. 

Sa isang malaking lobby kami pinapunta. Doon ay may mangilan-ngilan na squad at halatang may mga bihag din sila. Habang papalapit nang papalapit ay tila pabigat nang pabigat ang mga paa ko. Ayaw ko nang makarating kung saan kami pupunta.

"Bitiwan niyo ako!" Pagpupumiglas ng isang babae. Nakatali ang kamay niya mula sa likod at nagwawala siya habang umiiyak. "Papatayin ko kayong lahat! I swear!" 

Mas lalo akong kinabahan. Mas lalong bumigat ang katawan ko. The bile inside my throat came back as my eyes turned watery again. Naalala ko na naman ang pantatraydor sa akin ng hayop na si Pisces. I will beat him into pulp, I swear!

"Natatakot ka ba, Harrington?" Pang-aasar ng babaeng pink ang buhok.

"Wag mo nang kausapin, Sasha." Ang tahimik na isa pang babae ay nagsalita na sa wakas. Nakayuko lang siya palagi. Nagiging alerto lang tuwing may nangyayari.

"Ano bang pakialam mo, Kira?" 

"Wala..."

"So shut up."

"Okay." Tumingin sa malayong dulo ang babae at hindi na muli pang nagsalita.

"Kung swerte ka ay baka gawin ka nilang sex slave." Itong Sasha na 'to ang nagsalita muli. Nanindig ang balahibo ko bigla.

"Swerte para sa'yo yon? No wonder kung bakit kang natatawag na slut. Ilan ba ang kaya niyang bibig mo-" 

Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang sampalin niya ako. Mas malakas kay sa kanina.

"Oh, tapos magagalit ka kapag sinabihan ng malandi?" Ngumisi lang ako. I felt a stinging sensation on my right cheek. 

She slapped me again, but this time on my left cheek. 

"Cerberus Squad!" Sigaw ng isang tauhan ng Fascist. 'Yon ang pangalan ng Squad nitong si Sasha. So I guess this is it? Ipagbebenta na ako at baka gawin pang sex slave. Kung gano'n nga, mas pipiliin ko nalang na mamatay.

Hindi ako nakinig nang maayos kay Isaiah. Ang batang nakita ko sa labas ng building na pinanggalingan ko. Dapat ay nag ingat ako sa mga squads.

Nakaramdam ako ng paggapang ng luha sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Why do I have to suffer like this? Gusto ko lang namang makita ang pamilya ko.

I'm going to get even. I swear it to heaven. I'm going to get even.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status