Share

Chapter 50- Lukas

Chapter 50

Catherine's POV

Isinara ko ang libro ko bago ito ilagay sa lalagyan.

“Hannah? Andiyan na ang mga bisita sa labas. Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ipagpabukas mo na ‘yan.” Sabi ni mama mula sa labas ng pintuan ko.

“Opo ma, papariyan na po.” Wika ko. “Nag-aayos lang po.” Dagdag ko pa.

Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga yabag ng sapatos niya pababa ng hagdan. Pumunta na ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, pati na din ang gown na supt ko ay lumabas na ako.

Bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga mayayamang kaibigan ng mga kaibigan ko. Andito din ang mga kamag-anak namin na galing pa sa ibang bansa.

“Oh, andiyan na pala si Catharina. Dalaga ka na, hija.” Wika ni ninang saka ako hinalikan sa pisngi.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status