Share

Chapter 28

"Yvonne, Xarina badly needs you, hinahanap ka niya! I think it has something to do with her school."

"I'm sorry, my shift is not over yet. Magtiis ka muna, El, malapit na ako umuwi," nagpunas ako ng pawis.

I heard her sighed. "Fine, bilisan mo, a."

"Oo, take care, thanks," I immediately ended the call and got back to work.

"Yvonne! Kailangan daw tayo ngayon sa OR! Emergency!" tumatakbo sa gawi ko si Queeny, nakisama na rin ako sa kaniya sa pagtakbo. 

Luckily, the operation was a success. 3 pm nang matapos ang shift ko, naabutan kong tulog si Xarina habang si Eleanor naman ay nagsusuot ng uniform. 

"Thanks, El," she nodded. 

"Sa'n lipad n'yo?" inayos ko ang kumot ni Xarina. 

"Japan, 'te. Excited na'ko, first time ko, e!" 

"Good luck, sana hindi bumagsak ang eroplano n'yo," I laughed, pinalo niya ako sa braso. 

"Napakasama ng ugali mo!" singhal niya. 

"Kidding! Ilang araw?" I'm worried for Xarina, walang magbabantay sa kaniya, aasa na lang ako sa schedule ng iba. 

"2 days lang, may lipad kasi kami kaagad." 

"Take care! See you after two days!" she waved before leaving. 

Nagpasya akong magluto ng hapunan, Devika won't probably come home, abala sila ni ZK sa nalalapit na kasal nila. I feel lonely, wala na dito sila Collete, they're happy with their own family. Si Eleanor naman ay engage na, naabala ko lang siya dahil kay Xarina. Ako na lang yata ang natirang single, but at least I have Xarina. Ipinangalan sa'kin ni Lyndsey at ng magulang niya ang titulo ng bahay na ito, so we can live freely. 

Nakakalungkot nga, sa mga nalalapit na buwan, iiwan na rin kami ni Eleanor dahil sa kasal niya. 

"Mimi," naramdaman ko ang yakap ni Xarina, I smiled. It's been ten years when I gave birth to her. 

"Gutom ka na?" tumango siya, iginaya ko siya sa pag upo. 

"How's school?" 

Nilunok niya muna ang nasa bibig. "Hmm, it's fine. Still rank 1," ngumisi siya.

"Sana all," she laughed. 

"Why? Matalino ka naman, Mimi, a!" 

I can't help but to admire her eyes, kuhang kuha niya ang brown eyes ni Xavion. Hindi masyadong halata ang kulay ngunit kung titigan mo ng malapitan, doon mo makikita. 

"Well, your father is better than me, sa kaniya mo siguro namana ang talino mo," ngumiwi siya. 

"When is he coming back?" 

"I don't know, baka hindi na. Ikinasal na 'yon!" kumirot ang puso ko, masakit pa rin pala. 

"Sayang, kahit masilip ko lang po sana siya," maliit na ngiti ang iginawa sa akin ni Xarina. 

"E? Kung kasal na siya, ba't hindi ka na rin magpakasal, Mimi? Marami pang boys d'yan, e!" 

Pinisil ko ang pisngi niya. "Ikaw talaga!" I sighed. 

"Siya lang, Xarina. Siya lang." 

Madaling araw, tinawagan ko si Collete para ihatid si Xarina sa school. I have to leave early because of my shift, pumayag naman siya. Dumating siya pagkatapos kong magluto, handa na akong umalis. Umalis na ako bago pa mag alas tres ng umaga. 

I checked the vital signs of the first patient I visited. Ang sumunod naman ay hinatiran ko ng gamot, and so on. 

"Yvonne! May bago raw magdu-duty dito na doctor!" balita ni Queeny nang makasalubong ko siya. 

"Saan mo naman nasagap 'yan?" 

"Narinig ko sa ibang nurse, pati na rin kay doc." 

"Sino naman daw 'yon?" kumunot ang noo ko. 

"Hindi sinabi, e! Basta big time at gwapo!" she squealed, napailing ako sa kaniya. 

"Pamilya niya raw ang may-ari no'ng ipinapatayong hospital doon malapit sa gordon!" 

Big time nga. But why would he waste his time here? 

"What are you two doing here? Get back to your shifts!" saway sa amin ng isang doctor. 

Nagsikuhan kami. "Sorry, doc." bumalik din kami kaagad sa trabaho. 

Hawak ko ang isang tray na naglalaman ng gamot nang namataan ko ang CEO na papasok sa entrance. My lips parted when I recognized who is he with. Nahakot nila ang atensyon ng nurses, even the patients. 

It was Xavion. I pinched myself but I ended up getting hurt. Ganoon na lang ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. 

His casual outfit made him more attractive. Nakasuot siya ng vintage pants at itim na sapatos. Naka puting polo at bukas ang dalawang butones malapit sa dibdib. Pinatungan iyon ng lab coat at nakasabit sa kaniyang balikat ang stethoscope. His face features didn't change except for his body, mas dumipina ang biceps niya, he became more masculine. 

Nangatog ang tuhod ko nang mapagtantong sa direksyon ko sila papunta, hindi ko malaman ang gagawin. Yumuko na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad at mahigpit na hinawakan ang tray. 

"Oh! Yvonne!" Napapikit ako doon, nag-angat ako ng tingin sa CEO, I saw Xavion looking at me intensively from my peripheral vision. 

"This is Doctor Xavion Treyton Hernaez, he'll start his duty today," I nodded while biting my lower lip. 

"Doc, this is Yvonne. One of the best nurses here, sa susunod ay baka makatulong mo siya sa pag-momonitor ng patients." 

Ngumisi siya. "I can't wait to work with her."

My heart skipped a beat, it sank. Bumaba ang tingin ko sa kaniya, I got confused when I saw nothing but a ring. A familiar ring to me, to us. The promise ring we had few years ago. I tried searching for his wedding ring, pero wala akong nakita. 

Pero hindi ako dapat magpadala doon, maaring nakalimutan niya lang suotin. Bigla na lang akong nakaramdam ng inggit, naalala ko ang mga panahon na sabay kaming mangarap, na magkasama kaming magiging ganap na doctor. 

Wala akong masisi dahil wala naman dapat, ginusto namin ang nangyari. 

"We'll make a good team, for sure. Magkakilala naman kami." 

I gulped of what he said. How can he talk casually? Na para bang walang nangyaring gulo noon. O sadyang, ako lang itong hindi pa nakakalimutan ang lahat. 

"Really?" The CEO was surprised, Xavion nodded. 

"Well then, good luck. Bumalik ka na sa duty mo, nurse," ani ng CEO at naunang naglakad palayo. 

Nanliit ako, bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha. Saglit pa niyang pinasadahan ang kabuuan ko, isang kilos na madalas niyang gawin kapag kasama ako. Inaalala niya rin ba ang lahat? 

He left without saying anything, nanlabot ako. Napasandal ako sa puting pader habang pinapanood ang paglalakad nila paalis. 

"He's back."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status