Share

Chapter 29

"Mimi, why do you look so tense?" 

Napahinto ako sa paglapag ng pagkain sa lamesa. Gusto kong sabihin sa kaniya na nandito na ulit sa Pinas ang ama niya. Umiling ako. 

"Nothing, pagod lang si Mimi. Kain na," I smiled. 

"Mi, I forgot to tell you about this yesterday, kailangan n'yo na pong pirmahan 'yong card ko." 

"Sure, after ng shift ko, ako na rin susundo sa'yo." tumango siya. 

After we ate, umalis na ako, bahala na si Collete maghatid sa kaniya. Abala ako sa pagmamaneho ng biglang bumagal ang takbo ng kotse ko. I tried to increase the speed, pero hindi ko nagawa. I parked my car on the side of the road, muntik pang hindi makaabot. Huminto na nang tuluyan ang kotse. 

Lumabas ako para tignan ang problema, at saka papasok ulit para subukang paandarin. Hindi naman flat ang gulong! 

I hate this! Malalate na ako sa shift ko. 

"Ma'am, ano pong problema?" lumapit sa akin ang isang security guard. 

"Nasiraan ako ng kotse, Manong," nasapo ko ang noo. 

"Naku, malaking problema po 'yan! Sandali po! Baka makahingi ako ng tulong!" pinanood ko si Manong na makapasok sa store. 

Napakamalas, wala pa naman akong contact number ng maaring mag-ayos. I texted Queeny, sinabi ko na ma-la-late ako. 

Napaangat ako ng tingin nang may bumusina. Halos mamangha ako sa sasakyan. A black Aston Martin Vulcan parked near my car. Nahiya tuloy ang porsche ko. 

"Ma'am, pasensya na po pero wala kaming numero na pwedeng mag-ayos ng kotse n'yo," I sighed, paano na 'to? Pwede naman akong mag jeep na lang pero ayaw kong pabayaan dito ang kotse ko. 

"I know a person who can fix your car," napapikit ako ng mariin matapos marinig ang pamilyar na boses. 

"Ayon naman pala, Ma'am! Swerte!" 

Swerte? Malas! Mas lalong malas! 

"Sino?" nilingon ko si Xavion, bahagyang tumagilid ang ulo niya. 

"Si Xion," my lips parted, that's what he studied in Canada?

"Okay, may number ka naman siguro niya?"

His lips twitched. "Ako na, sumakay ka na sa loob."

Napaigtad ako, kumurap kurap ako sa harap niya. Nag-dial siya sa cellphone at tumalikod. I felt a loud bang inside my chest. I heard him talking to Xion. Pinasadan ko ng tingin ang kabuuan niya.

He's wearing a black pants and a navy blue button up shirt na naka tuck in, suot niya ang itim na coat at necktie, sa kaniyang batok nakasabit ang stethoscope. 

"Ba't hindi ka pa pumapasok? Baka gusto mong buhatin pa kita?" 

Pinamulahan ako, aligaga akong lumapit. I flinched when he opened the door from behind, damang dama ko ang katawan niya mula sa aking likuran. 

Umupo ako sa shotgun seat, umikot siya papunta sa driver's seat. 

Napatingin siya sa akin, he sighed."Pati ba naman seat belt makakalimutan mo?" 

Napasandal ako ng yumuko siya papalapit sa akin, I smelled his manly scent. Pinanood ko siyang kabitan ako ng seat belt. 

Pagkatapos ay binuhay niya na ang makina. Tahimik kami sa daan, doon ko lang napagtanto ang ginawa ko. Bakit ako pumayag? Gosh! 

We arrived at the hospital's parking lot. Lumunok muna ako bago magsalita. 

"Thanks," I gave him a small smile. 

"No problem, sige na mauna ka na," tumango ako.

Nakahinga ako ng maluwang noong nakapasok na ako sa hospital. I started working, pero hindi maalis sa isip ko nangyari kanina.

Pumasok ako sa isang kwarto ng pasyente, I wanted to step back, Xavion is inside, kausap ang kamag anak ng patient. 

"Hi! Miss nurse!" kumaway sa akin ang dalaga, 16 years old pa lang siya at ako lagi ang nagpapalit ng gauze pad niya sa noo. 

Ngumiti ako, I ignored Xavion's stare. Dumiretso ako kay Kristine. 

"Kumusta ka?" I smiled sweetly. 

"Ayos pa rin po!" masigla niyang sabi. 

"Good, lilinisan natin ang sugat mo," she nodded, pinanood niya ako sa ginagawa ko. 

"This won't hurt you," tinanggal ko ang dressing. 

"Kristine, lalabas muna ako, bibili ako ng prutas," liningon ko ang Mama niya, tumango ito sa akin. 

I gently dab the gauze sponge on her forehead, doon lang sa gilid kung nasaan ang mga natuyong dugo. Kailangan ko munang unti untiin, dahil maski ako ay natatakot sa ginagawa ko. 

"Here," may humawak sa kamay ko at itinuro sa akin kung saan dapat. I felt his breath near my ear. Kristine giggled. 

"Kaya ko na," naibuga ko ng tahimik ang hangin. Pinagpatuloy ko ang paglilinis, pinalitan ko na rin ang gauze pad. 

"Done!" anunsyo ko, nag thumbs up sa akin si Kristine. 

"Hintayin mo na lang ang Mama mo."

My gaze met Xavion's eyes, umiwas ako ng tingin. Umalis na ako kaagad, naghugas ako ng kamay bago magpatuloy sa trabaho.

"What was that?" napatungkod ang kamay ko sa sink. 

My shift ended, malapit na ako makalabas nang biglang makasalubong ko si Xavion. 

"Uuwi ka na? Wait here," natulala ako sa kaniya, what? Lakad takbo ang ginawa niya palayo sa akin. Hihintayin ko pa ba siya? Alright. 

Bumalik siya habang tinatanggal ang lab coat. "Tara." 

Sumunod ako sa kaniya, kumunot ang noo ko. Para saan ba kasi 'to? Huminto kami sa parking lot, sa tapat ng kaniyang kotse. 

"Sakay," napamaang ako, tinitigan niya ako. 

"What? Di'ba nasiraan ka? Kaya sumakay ka na, sa'n ba ang address mo? Dating lugar?" pinagbuksan niya ako, hindi ako sumagot. 

Kinakabahan akong sumakay, makikita niya si Xarina. Oh god! Pero bakit nga ba ako kakabahan? Kung may karapatan naman siyang malaman ang totoo. 

"A–Ahh, sa school sana, e," he remained staring at me, kalaunan ay tumango, sinarado niya ang pinto bago umikot. I told him which school. 

"Pwede ka nang umalis, kung gusto mo. Nakakahiya naman kung hanggang bahay ay ihahatid mo'ko," sabi ko sa kaniya nang makarating kami sa tapat ng school ni Xarina. 

"It's fine, hihintayin kita dito," he tapped his fingers on the steering wheel. 

I sighed, I guess he'll meet her. "Okay."

Pumunta ako sa classroom ni Xarina, she's a grade five student. I knocked to catch her teacher's attention. Kumaway sa akin si Xarina noong makita niya ako. 

"Miss Benavidez! Salamat naman at nakapunta ka," I smiled, she handed Xarina's card to me. Pwede ko naman itong iuwi, sa bahay ko na lang pipirmahan. 

There's still five minutes before their dismissal. Hinintay ko na lamang siya sa labas. H*****k siya sa pisngi ko noong makalabas siya.

"You deserve a reward, baby!" I hugged her, she giggled. 

"But, Mimi, I'm a big girl na!" she pouted, I laughed. 

"But you act like one, you're still my baby, hmm?" ginulo ko ang buhok niya. 

Binuklat ko ang card niya, napangiti ako nang makita ang grades niya. "Come, pupunta tayong mall!" 

Ayon na naman ang malakas na pagkabog ng puso ko, my knees are trembling. Lumabas si Xavion sa kotse, kumunot ang noo ni Xarina nang makalapit kami. 

"Anak mo?" I nodded, he smiled. 

"Hey, what's your name?" lumuhod siya sa harap ni Xarina. 

"I'm Xarina po!" nangilid ang luha ko, ang sarap nilang panoorin sa ganitong posisyon. 

Nagpunas ako ng luha. "A–Ahh, Doc, pwede bang sa Mall mo na lang kami ihatid."

Tumango siya. "Sure."

Sinakay ko si Xarina sa passenger's seat, humalukipkip siya doon at tumahimik, panay ang tingin niya kay Xavion.

"So, how old is she?" I gulped, humigpit ang kapit ko sa puting uniform.

"Ten," I shrugged my shoulders.

"I love her eyes," I bit my lower lip, kung alam mo lang, Xav.

Inalalayan ko si Xarina sa pagbaba, sumandal si Xavion sa pinto ng kotse.

"Thanks, doc," he smirked.

"Welcome," pinaglaruan niya ang susi sa daliri.

"Join us po!"

Nanlaki ang mata ko, gulat kong nilingon si Xarina.

"Xarina, doc is kinda busy today maybe next time, hmm?" she pouted, pinisil ko ang pisngi niya.

"Your mother is right, Xarina. I have patients, e," tinapik niya ng mahina ang ulo ni Xarina.

"Really? Someday, I'll have my own patients too!" she smiled. You better be, tuparin mo ang pangarap ko.

"Good luck, baby girl. Babye na?"

Nagpaalam sila sa isa't isa, kumaway si Xarina sa kaniya. Humarap siya sa akin, napasinghap ako.

"She'll grow up like you." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status