Share

Chapter 30

Nag-jeep ako para makapasok, hindi ko pa nakukuha ang porsche kay Xion. Hindi ko alam kung paano iyon kukunin, should I approach Xavion? 

My shift started, pero ang sasakyan ko ang tumakbo sa aking isip. Nakasalubong ko si Carlvin, lalagpasan ko na sana siya nang bigla itong magsalita. 

"Ahh, Yvonne," I turned my gaze at him. 

"Are you free after your shift?" kumunot ang noo ko.

"Bakit?" 

"Aayain lang sana kitang lumabas," he smiled genuinely. 

Napamaang ako, "Gano'n ba, I'll try. Kailangan ko pa kasing sunduin ang anak ko, e."

"May anak ka?" nawala ang ngiti niya, tumango ako. Napaiwas siya ng tingin. 

"Pwede naman natin siyang isama!" 

"O, sige," ngumiti ako. "Salamat!" 

Nagpaalam siya sa akin, akmang maglalakad ako nang maabutan ko si Xavion na blankong nakatingin sa akin, I gulped. My body stiffened, ang paa ko'y parang dinikitan ng glue at dumikit sa sahig upang hindi na ako makalakad pa. 

"Gagawin mo pang third wheel ang bata," untag niya, natulala ako sa mukha niya. 

"Go and have fun with him, ako ang susundo kay Xarina." 

My lips parted. Hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. 

"You can't do that, may duty ka dito," mariin kong sabi. 

"Sinong nagsabi? Kahapon nga nagawa kitang ihatid sa school, e!" untag niya, bahagya akong napatalon sa gulat. 

"Susunduin ko siya." 

That's the last thing he said before turning his back on me. Naiwan akong nakatitig sa dati niyang pwesto, bumalik lang ako sa ulirat nang bulyawan ako ni Queeny. 

"Ikaw, ha!" kinurot niya ako sa tagiliran. Napadaing ako. 

"Bakit ba?" saad ko. 

"Ano 'tong nasasagap ko? Sabay daw kayong pumasok ni Doctor Xavion kahapon! Tapos hinatid ka rin pauwi!" 

Nanlaki ang mata ko. "La? Tinulungan lang ako kasi nasiraan ako ng kotse!" 

"Asus! Kunwari ka pa! Boyfriend mo si Doc 'no"? 

"Jusko! Magtigil ka, Queeny!" inirapan niya ako, bumalik kami sa trabaho bago pa kami masita. 

3 pm, end of my ship. Nakasabayan ko sa elevator si Xavion, nakagat ko ang labi. Talagang gagawin niya! 

"Gawa na ang kotse mo, ihahatid ni Xion dito mamaya," tumango ako. Naabutan ko si Carlvin na nakasandal sa kotse niya, nabaling ang tingin niya kay Xavion. 

"Yvonne," napapikit ako sa malambing niyang pagtawag sa akin. Gusto kong hilingin na ulitin niya ang pagtawag sa pangalan ko. 

"Why?" lumingon ako. 

"Is it okay if I take her out?" 

Nakagat ko ang ibabang labi. Damn, he's father is making memories with her. Wala sa sariling napatango ako. 

"Sure, ingatan mo siyang mabuti," ngumisi siya bago tumalikod, I watched him leave. 

"Close pala kayo ni Doc?" 

"Batch mate kami no'ng grade 12."

Pumasok kami sa kotse niya. "Huwag na natin sunduin ang anak ko, dumiretso na tayo sa dapat puntahan." 

He looks confuse. "Bakit naman? Hahayaan mo lang anak mo?" 

Napatawa ako. "Hindi, si Xavion kasi ang manunundo sa kaniya." 

Napaawang ang labi niya, hindi niya magawang lumingon sa akin dahil sa pagmamaneho. 

"'Yun ba ang pinag-uusapan n'yo kanina?" 

"Oo."

"Siya ba ang tatay?" 

Tahimik ako, why would he think of that? I didn't answer. 

"So, it's true. Siya nga," I sighed, tumango na lang ako. 

"Hmm, pero hindi niya alam." 

"Bakit? He deserves to know," sabi niya. 

Pero paano ko nga ba sasabihin sa kaniya? Na sa loob ng sampung taon, hindi ko nasabi sa kaniya. Well, malas kasi. Gusto kong sabihin sa kaniya noon pero naputol ang koneksyon namin. Ngayon na nandito na siya, saka naman uurong ang dila ko at matatakot. Sometimes, I can't understand myself. 

"Naghahanap ako ng magandang pagkakataon."

Bigla niyang inihinto ang kotse sa gilid ng daan, taka ko siyang tinignan. 

"You know what, I'm suppose to court you. But I realized that you can still fix it," ngumiti siya. 

"When I looked at him earlier, I saw that he still cares for you, he'll be a good father." 

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Carlvin is a good guy, I'm not blind, he's hitting on me. 

"Gusto mo pa bang tumuloy? Bakit hindi mo samahan ang mag ama mo?" 

Umiling ako. "Ano ka ba? Malapit na tayo, o!" 

"You sure?" tumango ako, napili namin na kumain sa mall. Medyo natagal kami dahil nagpakwento siya tungkol sa nangyari sa amin ni Xavion, he was amazed. Nanood na rin kami ng sine, ala-sais ng gabi nang maihatid niya sa hospital. Pinasalamatan ko siya, he said we'll continue being friends. 

Naabutan ko na rin ang porsche sa parking lot, sinalubong ako ni Xion na may ngising aso. 

"What's up!" nakipag fist bump siya sa akin, napailing ako, inihagis niya sa akin ang susi. 

"Ba't 'di mo na lang palitan 'tong porsche mo! Pwede ka naman bigyan ni Xavion!" 

Hinampas ko siya braso. "Tse! Hindi pwede, pinag-ipunan ko 'yan." 

"Hay naku, Yvonne. Sobrang daming kotse ni Xavion, may bugatti pa nga 'yon, e! Kaso nasa Canada!" 

Mayaman talaga sila ano? Sana all na lang. 

"Kapag gawa na ang hospital ni Mi, doon ka na lang magtrabaho, may special treatment pa!" 

I rolled my eyes on him. "Matagal pa bago magawa 'yon. Lumayas ka na! Uwing-uwi na ako!" 

Ngumisi siya. "Okay, bye!" 

Lumakad siya paalis, sumakay siya doon sa itim na van, pinagbuksan pa siya ng driver. 

Umuwi agad ako, hindi ko alam kung saan hahagilapin ni Xavion. Baka nga gumagala pa silang dalawa. I was surprised when I saw his car outside the house. Alam niya pa rin pala ang daan papunta dito, memories flashes into my mind. Naalala ko, dito sa bahay na 'to nabuo si Xarina. 

Soon, we'll move out. Kung may pagkakataon ay isasauli ko ito sa pamilya ni Lyndsey.

Umalingawngaw ang tunog ng malaking flat screen TV pagpasok ko pa lang. They're watching a movie, si Xarina naman ay ngumunguya ng frech macarons. 

"Mimi!" napalingon si Xavion sa akin, Xarina ran towards me. Sampung taon na siya pero siya pa rin iyong limang taong gulang na parating sumasalubong sa'kin. 

"Kumain ka na?" I kissed her cheek, she nodded. 

"Yes, Mi," sumunod siya sa akin hanggang kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref at ininom. 

"Ahh, Mi," I turned my gaze, umangat ang kilay ko. "What is it?" 

"May gusto po sana akong ipabili," she smiled shyly, nakagat ko ang ibabang labi. 

"Hmm, ano 'yon?" sumandal ako sa sink. 

"I want a computer po," she bit her lower lip, napaawang ang labi ko. We can afford that, pero kailangan niya na ba agad? 

"I'll buy you one," dumako ang tingin ko kay Xavion, nakasandal ito sa pader, kanina pa yata kami pinapanood. 

"O? Really?" Xarina's eyes sparkled. Tumango si Xavion sa kaniya. 

"If you want, I'll buy you a whole set," napairap ako. And why would he? 

"Xarina, baka pwedeng sa susunod na lang? Alam mo naman na nag iipon si Mimi para sa café," Xarina pouted. 

"But, Mimi. Si tito Xav naman ang bibili, e!"atungal niya, I was about to scold her but Xavion interrupted. 

"Yvonne, I got this," he said, I shook my head a bit. 

"You're wasting money," ngumiwi ako. 

"Let me, okay? It's the least I could do." 

What did he mean by that? Napabuntong hininga ako. Napapalapit na sila sa isa't isa, I am expecting that maybe a couple of weeks, they'll discover that they're related. 

"Mimi, sige na! I promise! I will take care of it," hinawakan niya ang kamay ko. Tinitigan ko siya ng matagal, her eyes were begging. 

I sighed. "Fine." 

Dito na kumain si Xavion, nahuli kami kumain dahil pareho kaming gutom. Xarina was asleep when he decided to leave, hinatid ko siya hanggang gate. 

"Salamat nga pala, I appreciate what you did," umiwas ako ng tingin. 

"Kapag hindi mo siya maharap, don't be shy to approach me. Ako ang bahala sa kaniya." 

"And, uh. You don't have to buy her what she wants, baka masanay, e. Maging spoiled," pineke ko ang tawa. 

"No, it's fine," sumandal siya sa kotse, pinasadahan niya ng tingin ang bahay. Probably reminiscing the past. 

"It's been ten years," panimula niya, kumalabog ang dibdib ko. Tinitigan ko siya habang siya naman ay abala sa pagsuri ng bahay. 

"I can still clearly remember everything," nagtama ang paningin namin. 

"If only I was brave enough.." nanginig ang boses ko. "Ano na kayang lagay natin ngayon?" 

"Don't blame yourself," he smiled. 

"Lahat tayo ay may karapatan na mapagod at madapa pero kaunti lamang ang kayang bumangon at magpatuloy sa laban." 

Napayuko ako. Pero paano nga kung hindi ko siya iniwan noon? Maayos pa rin kaya kami hanggang ngayon? I'm blaming myself for everything. 

"If you're still blaming yourself then I am too," may bahid ng sakit ang tono niya. 

"Kung hindi lang manipis ang lubid na pareho nating hawak noon, masaya pa sana tayo ngayon, I chose the wrong string." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status