Share

Chapter 31

After three weeks, madalas na nakakasama ni Xarina si Xavion. Hindi ko magawang tumutol, isa 'yon sa mga bagay na hindi ko ipagkakait sa anak ko, ang makasama ang ama niya. 

"Mimi, excited na'ko!" tumalon talon siya sa kama, I laughed. 

"Ingatan mo 'yon, a," she nodded. 

"Come here," lumapit ako sa tapa ng salamin, bumaba siya sa kama at sumunod sa'kin. Pinusod ko ang buhok niya at nag iwan ng hibla. I applied lipbalm on her lips and covered it with lip gloss. 

"Am I pretty na?" she giggled, pinisil ko ang pisngi niya. Sabay kaming napalingon sa direksyon ng bintana nang marinig ang pagbusina. 

"He's here! Huwag kang makulit, a!" inunahan niya ako sa pagbaba, sinalubong siya ni Xavion ng yakap at halik sa noo. 

"Excited much ka, girl!"

Natawa ako, ngumuso si Xarina. "Chill, baby. Madami pa tayong pupuntahan!"

Nakakainggit, I want to come with them but I can't, hindi ko pa day off.

"Mi, aalis na po kami," niyakap niya ako, Xavion was starring at us. 

"Take care, have fun," tinapik ko ang ulo niya, patakbo siyang pumasok sa shotgun seat. 

"Pumasok ka na," sabi ko kay Xavion, matagal siyang tumitig sa akin bago gumalaw. Napaatras ako nang magsimula siyang humakbang palapit sa akin. 

"Babalik kami kaagad," he stood few inches away from me, naamoy ko na ang pabango niya. 

Tumikhim siya, namilog ang mata ko, sinakop niya ang natitirang espasyo sa pagitan namin at yumuko malapit sa tenga ko. 

"Take care of yourself too, we can't afford to lose you."

I flinched when he kissed the side of my lips. Pinanood ko silang umalis, ramdam ang mabilis na pagtibok ng puso ko. 

Pumasok ako bahay, natulog ako ng maaga para sa shift ko. Xarina will sleep with Xavion, aniya ay sa condo. 2:30 am ako nagising, sinimulan ko na ang pag aayos ng sarili. Nagsimula na ang shift ko, wala pa rin akong natatanggap na text o tawag mula kay Xavion, update man lang sana tungkol kay Xarina.

"Excuse me, have you seen doctor Hernaez?" 

Napapintig ang tenga ko matapos marinig ang pamilyar na boses, I turned around and I saw Phenny. Walang nagbago sa pananamit niya, naging matured siya tignan ngayon. Lumiwanag ang mukha niya matapos dumako ang paningin sa'kin. 

I remained standing, panay ang tingin sa kaniya ng nurses. 

"Yvonne," nagulat pa ako nang makipagbeso siya at yakapin ako. 

"Hey," I said casually. 

"Uh? Nakita mo si Ton?" I tried my best to hide the bitterness I felt. 

"He's not here," nakagat ko ang labi. I feel so embarrassed, she's here looking for her husband but then her husband is with my daughter. 

"Sad," She pouted. "Perhaps, you're still close with him?" 

Why? Is she jealous? 

"'Di naman, minsan ay nag-uusap?" 

"Oh, sa'yo ko sana iiwan 'to para ibigay sa kaniya," may dinukot siya sa bag, nangunot ang noo ko nang iabot niya sa akin 'yon. 

"I'm getting married, imbitado siya." 

My jaw almost dropped, binasa ko ang invitation. I looked at her with confusion. 

"I thought.." napatungo ako, she chuckled. 

"Oh, no! Dear, hindi natuloy ang kasal," she said cheerfully. What? 

"W–Why?" namula ako sa kahihiyan. 

"Well, someone came and change everything, I guess? Hold up! I think I need to spill some facts!" 

"Kailan matatapos ang shift mo?" 

"3 pm," I shrugged my shoulders. 

"Great! Let's meet! And, oh! Let's exchange numbers too!" 

I gave her my number. She said she have to go because she'll send some invitations. Binati ko na rin siya at humingi ng sorry. 

Inihinto ko ang porsche sa parking lot ng Ayala. Sa chowking namin napagkasunduan na magkita. Dumating ako nang may nakahain ng pagkain. 

"Wala 'yan! Hayaan mo na, libre ko," she exclaimed, I nodded shyly. 

"Kumain muna tayo." 

"So, What happened?" I said while mixing the halo–halo. 

"We moved to Canada, right?" tumango ako. 

"We studied together, madalas ay dinededma niya lang ako. I tried to get close with him but it didn't work," she said. 

"And then, after a couple months. Natigil engagement, my mom wants me to marry someone," tumikhim siya, nakinig lamang ako. 

"Luckily, their company manage to survived. We ended up cutting our connections, and that's it! After our graduation, we became friends, hindi rin natuloy ang engagement ko sa iba kaya naman naging malaya ako sa pagpili ng taong papakasalan ko."

"Pwede ka rin pumunta, here!" inabutan niya ako ng invitation na maagap kong tinanggap. 

"What's your job, now?" 

"A supermodel?" she chuckled, palihim akong namangha. 

Natapos ang pag-uusap namin bandang ala singko, kailangan niya ng bumalik sa trabaho. Dumating ako sa bahay nang naroon na si Xarina, sa tabi niya si Xavion. Abala sila pareho sa bagong computer set. I think they're playing. Nilagay nila sa dating kwarto ni Devika ang computer na ngayon ay pansamantalang kwarto ni Xarina. 

"Hey," kung hindi pa ako babati, hindi nila ako mapapansin. I came inside and took a glance. Napangiti ako habang pinapanood si Xarina na nage–enjoy.

"Bakit ngayon ka lang?" napaigtad ako, I turned my gaze at Xavion. 

"Ahh, kasama ko kasi si Phenny kanina," I awkwardly smile. 

"Pinapabigay niya 'to," I handed the invitation to him, binuklat niya iyon at binasa. 

"Good for her." 

Nagluto ako ng hapunan, gabi na nang magpasya siyang umalis, Xarina wouldn't want to let him go. Eleanor came when I woke up, siya naman ang maghahatid kay Xarina. 

"Yvonne! May naghahanap sa'yo," niyugyog ni Queeny ang balikat ko, I hissed. 

"Sino ba?" inginuso niya ito sa'kin, naptango ako nang makita si Doc. Erwin. Hawak ang bungkos ng bulaklak. 

"Yawa ka! Daming naghahabol sa'yo 'te!" inirapan ko siya.

He cleared his throat, ngumiti ako sa kaniya. "Uh, hey." 

"Hey," siniko ako ni Queen, sinamaan ko siya ng tingin. Inilahad niya sa akin ang bulaklak. 

"Para saan 'to?" 

He chuckled. "A gift?" 

"Okay?" kumunot ang noo ko. 

"Let's date, Yvonne." 

Napaawang ang labi ko, Queeny squealed. "Why? I mean, gosh! This is hard!" 

"Ayaw mo ba?" nagkamot siya sa batok, umiwas ako ng tingin. 

"Baby," nanlaki ang mata ko matapos hawakan ni Xavion ang baywang ko. Bahagya pa akong napatalon sa gulat. 

Queeny's jaw almost dropped, gusto kong matawa sa itsura niya pero nangingibabaw ang pagkagulat ko. Xavion grabbed the bouquet of roses, binigay niya iyon kay Queeny. 

"Excuse me?" nagtangis ang bagang ni Erwin. 

"Not my girl, Erwin. She's not available! We're getting married, we have a daughter!" 

Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba 'yon bilang biro, kinabahan ako dahil do'n. 

Some nurses were shocked, kahit ako. Did he found out already? 

"I'm sorry, hindi ko alam," Erwin hissed. 

"Now you know, back off," hinawakan ako sa palapulsuhan ni Xavion at hinatak hanggang sa makalabas kami ng hospital. 

"Get in," matigas niyang sabi, nanginginig akong pumasok sa kotse niya. Napapikit ako ng mariin nang padabog niyang sinarado ang pintuan. 

I gulped, madilim ang mata niya ngayon. "Doc, may shift pa ako." 

He held the steering wheel tightly. "I don't care," pinaharurot niya ang kotse. 

Ilang minuto lang ay bumagal ang kotse, I frowned when I saw a familiar parking lot. Isang masakit na alaala ang pumasok sa isipan ko. We're here again, the place where I broke up with him, his condo. 

Hinila niya ako papasok sa kaniyang condo, tumigil lang kami noong nasa kwarto na. Kahit saan ako tumingin, may maalala pa rin ako. 

"What are we doing here?" I said trying to cool down the tension between us. 

"Kailan mo balak sabihin sa'kin?" I gulped. 

"A–Ang alin?" he brushed his hair back. 

"Na anak ko si Xarina." 

Tila tumagos iyon sa akin, I looked at him with teary eyes. 

"Lumipad pa si Xion sa Canada! Just to see the dna result!" 

It's over. I'm busted. 

"I'm sorry.." my voice cracked. I'm happy at the same time, hurting. 

"Why? Yvonne? Why!?" 

"Look! I tried! Pero kahit anong gawin ko! Wala akong makitang ibang paraan noon para sabihin sa'yo!" I covered my face using my hands. 

"Kukunin ko ang bata," my sobs became louder. 

"You can't do that! Hindi mo pwedeng ilayo sa'kin ang anak ko!" dinuro ko siya. 

"Watch me." 

Napaupo ako. Napuno ako ng pagsisisi, akala ko magiging maayos ang lahat kapag nalaman niya. 

"No, please," hinabol ko siya palabas ng kwarto. 

"Ina ako, Xavion. Ako ang nagluwal! Maiiwan sa'kin ang anak ko."  

"Hindi, ayaw ko. Hindi tayo hahantong sa gano'n! Hayaan mo kaming maging masaya ni Xarina!"

"There's only one way to fix this, Yvonne," he walked toward my direction and pulled my waist. His lips rose up.

"Marry me."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status