Share

Chapter 05: His Secret

Chapter 05

"Bakit nakasimangot ka, Eve?" I rolled my eyes and snorted, making Eleanor chuckle.

I thought everything would be alright after the embarrassment I made. I thought buying him lunch would ease the awkwardness between us and would lessen the debt I have committed. But seeing him here, inside the fast food chain sitting in front of a girl, eating and ignoring the paperbag beside him which was the lunch I bought created madness of thunder. 

"Tangina niyo," usal ko at saka sumubo ng fries. Add the fact that he said that Adiel would never appreciate my efforts. All I could feel right now was anger.

How could he say something offending? Hindi niya ba iniisip ang kalagayan ko? I have paranoia at the same time, I am secretly loving my boy bestfriend.

“May problema ba?” Colette pressed her body on mine.

I groaned. “I’ve just wasted my money, I should’ve kept it.”

“Oh, I thought it’s about a guy.” 

Matagal kong tinitigan si Collete at tinaasan ang kilay. At first, she frowned but it was followed by her eyes getting wider. “For real? Who’s the lucky guy?” 

“La? Hindi nga? Dalaga ka na, Eveone!” Nakangising pagbati ni Devika. 

“It’s not like what you guys are thinking!” I said.

‘Girls!” We saw Lyndsey approaching us. Umayos ng upo si Lyndsey at hinawi ang buhok. "I received a text from Sir Robie, we're going to record our song na!" 

I drank my coke straight out of excitement. Parang kailan lang ay madalas kaming nag-g-gig tapos ngayon ay nabigyan na kami ng kontrata ng isang sikat na music entertainment dito sa Pilipinas.Our dream as a group was slowly growing.

"Which one of our songs?"

"Habang buhay."

“When will we be able to record it?” Ivory asked. 

Napangiwi si Lyndsey. “The production said we have to deal with it immediately, they wanted our presence later after our class.” 

Looks like they are rushing things out. Nagkibit balikat na lamang ako.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang muling dumantay ang mga mata ko sa isang table na hindi malayo sa amin.

Collete seemed to notice and so she looked in the direction I was throwing sharp gazes.

"Si Xavion ba 'yon?" Nakakunot niyang usal.

Matunog kong nailapag sa lamesa ang baso.

 Hindi siya nag-iisa, sa katapat niya'y nakaupo ang babaeng sa tingin ko'y kasama niya kagabi. I gave him his lunch so he wouldn't have to spend his money. Tapos makikita ko siya rito? Nananadya ba siya?

"Sayang, gwapo sana, e." Umiiling na sabi ni Lyndsey.

"Pustahan, ibang babae naman kasama niya next week."

Napaungot ako dahil nga sa naisipan ko siyang i-stalk kanina at napag-alaman ko rin na marami itong naging babae. Noong una ay hindi talaga ako makapaniwala, baka kasi napa-sobra lamang ang pagbabasa ko ng fictions, but everything turns out right.

 

“He’s not that bad, you know, “ Collete whispered to me. “Don’t judge him yet, Eveone. He can surpass your expectations. She winked at me.

It was almost night when we arrived at Moonlight Records. We have to travel two hours since it’s out of our town. The staff were approachable so we didn’t feel uncomfortable. 

Umiinom kami ng tubig nang namataan ang manager namin, sa likod si Xavion na hindi ko inaasahang makita rito.

"Seriously, what is he doing here?" bulong ko sa sarili. Sa pagkakaalam ko'y wala naman siyang papel sa gagawin namin.

"Ah, sir? Bakit nandito 'yan?" Inginuso ni Devika si Xavion. Umupo ito sa couch sa gilid, tulad namin ay naka-uniform pa ito bitbit ang kaniyang itim na backpack.

"Kakarating lang ni sir Jhang, e. Nagpumulit na sumama at wala na raw siyang gagawin doon."

“Allowed ba magkaroon ng audience habang nag-r-record?” 

Our manager sighed. “His brother is the CEO of this entertainment, girls. He came here to visit his brother. Kanina pa ‘yan nandito, he was resting inside his brother’s office when I came. He said he wanted to watch you guys.” He shrugged his shoulders. 

My lips parted due to what I heard. Then that means his family is rich. I bought lunch for a son and a brother of a millionaire. Walang wala ang pagkain na binili ko sa mga pagkain kinakain niya.

"Girls, let's start na," tawag sa amin ng isang staff, uminom kaming muli ng tubig bago sumunod sa kaniya.

Pumasok kami sa loob, pinagmasdan ang pamilyar na kagamitan. Matagal na rin simula nang huling hawak namin sa headphones at pagtapat sa pop filter. Nakakatuwa dahil noon ay nangangarap lamang kami sa ganitong bagay. Everything feels surreal.

Tinawag kami saglit ng aming vocal coach upang ihanda ang boses namin. Pagkatapos ay pumesto na kami, si Collete at Ivory ang vocals namin ngayon. Nag-thumbs up sa amin si Harold na nasa likod ng salamin at kaharap ang monitors.

Outro at saktong tumama ang paningin ko kay Xavion na nakatingin sa akin habang bahagyang nakaawang ang labi. Ipinagpatuloy ko ang pagtugtog kahit pa'y hindi na mapakali ang kalooban ko. Sa unang pagkakataon ay tumugtog akong tila tinatawag ng kanyang mga mata. Hanggang sa tuluyan nang matapos ang kanta, hindi ko nagawang matanggal ang paningin sa kanya.

Bakit gano'n? Bakit parang iba ang nakikita ko sa mga mata niya? Nanalatay bigla ang aking kuryosidad.

Nawala lamang iyon nang bigla akong yakapin nila Lyndsey, tuwang-tuwa sila dahil isang take lamang ang nagawa namin. Panay ang pagpapasalamat nila sa akin dahil hindi raw ako nagkamali. 

"Congrats! Baka after two weeks, mag-film na kayo ng music video and then after one week ay sisimulan na ang album niyo," ani sir Robie. "Pero kung busy kayo no'n, pwede naman i-adjust ang schedule."

"Really? Excited na ako, sana lang talaga ay hindi tayo matambakan ng gawain."

"Tara na't mag-celebrate!" Napangiwi si Ivory kay Lyndsey.

"Sorry, girl. May gagawin pa ako, kayo na lang muna," aniya.

"Me too," gatong ni Collete hanggang sa lahat na sila'y nagpahayag ng gagawin maliban sa akin. Sa kadahilanang tinapos ni Xavion lahat, wala na akong pro-problemahin pa.

"So, mag-isa ko lang gano'n?" angal ko.

Nakagawian na namin na kumain o gumimik kapag nagiging successful ang recording. Hindi namin pinapalampas ang ganitong bagay lalo na ako.

"Oh, come on! Eve!" Tumawa nang peke si Devika habang nililingon ang paligid. Sakto namang huminto ang mata nito kay Xavion na seryosong nakatingin lamang sa labas.

"Ayan, o! Mag-celebrate kayong dalawa!" Sabay turo kay Xavion, umangat lang ang kilay nito.

Napangiwi ako at saka bumulong sa kanya. "Seryoso ka?" Kinurot ako nito sa tagiliran.

"Huwag kang maarte!" She grinned at me. 

Sinamaan ko siya ng tingin, ngumisi na lamang siya at kinalabit si sir Robie. "Sir, alis na kami, ha!" Nanlaki ang mata ko nang sabay-sabay silang tumakbo palayo.

"Tangina! Saglit!" Hinabol ko sila hanggang sa labas ngunit hindi ko na sila naabutan pa. Nakita ko na lang ang kotse nilang humaharurot palayo.

Naiinis kong sinipa ang batong nasa harap, nagpapadyak-padyak din ako na parang magagawa no'n na ibalik sila.

"Stop whining."

I flinched on my feet when a familiar voice tingles around my ears. Huminto sa tabi ko si Xavion. Naalala ko ang ginawa ko kanina, nanghihinayang pa rin ako sa aking pera, sana pala ay hindi ko na siya binilihan pa ng pagkain.

"Paki mo?" masungit kong sabi, nagsimula akong maglakad palayo.

Tinanaw ko ang madilim na daan, lumunok pa ako bago magpatuloy. Kumabog muli ang dibdib ko at mahigpit kong hinawakan ang palda. Mag-isa na naman ako. The girls forgot about my condition, they didn’t consider my situation. 

Ilang minuto akong tulala lang sa ibaba, iniiwasan na makakita nang ikaka-praning ko kaya naman gano'n na lang ang gulat ko nang may bumusina sa aking gilid, paglingon ko'y naroon si Xavion na nakasilip sa bintana ng kanyang BMW.

"What are you looking at? Sakay!"

Napapikit ako sa pagtaas ng kanyang boses. What the hell?

"Kung labag sa kalooban mong ihatid ako, huwag na lang!" Halata naman na napipilitan lamang ito. Lumakad akong muli pero nagpatuloy ito sa pagsunod sa akin.

"Silly! Sinong nagsabing ihahatid kita kaagad? We're going to celebrate!"

Napahinto ako sa pagtapak. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kaniya. Bumuntong hininga muna ito bago magsalita. "Get in," ngumiti siya. Halos malaglag ang puso ko. Kung nakakamatay lang ang ngiti, siguradong ngayon ay nakabulagta na ako sa daan.

"What are you waiting for? Do you want me to carry you?"

Umakyat ang dugo ko sa magkabilang pisngi, natataranta akong pumasok sa loob. Hindi na siya nagsalita pa't pinaandar ang kotse habang ako'y pilit na tumitingin lang sa labas ng bintana. Nakaka-tangina pala.

"Bakit mo naman naisipan na gawin 'to?" Bukod sa tanong na iyon, may tanong din ako para sa sarili. Bakit ko naisip ang sumama sa kanya? Kilala ko siya ngunit hindi ibig sabihin no'n ay maaari na akong magtiwala. Dapat sa mga puntong ito ay hindi na ako komportable ngunit taliwas naman ang nangyayari.

Tumikhim muna ito bago magsalita. "I don't like you being left alone."

"Why? Sanay naman na ako."

"Because I don't want you to experience what it does to me."

I stared at him blankly. He was serious and for the first time I saw his eyes flaming with pain.

"I know you're in pain." I stated. Ito na siguro ang napansin ko sa kaniya kanina. "No matter how hard you try to hide it, the more it can be visible."

He chuckled. "How can you say so?"

"If your lips can't state the pain, your eyes will do it for you."

Kung anong kinaganda ng kanyang mga mata, gano'n naman ang sakit na nais nitong ipakita at sabihin. I'm not blind, I'm an observant person. Madali na lamang sa akin na matukoy ang nararamdaman ng isang tao.

It was obvious, he's sad. "So, tell me. What's the problem? Maaari kang maglabas ng hinanakit sa akin."

Naghintay ako ng ilang segundo ngunit nanatili siyang tahimik. Naging hudyat ko iyon upang mapagtanto na hindi niya gustong pag-usapan ang bagay na nagiging dahilan ng kalungkutan niya.

"I'm sorry-" He suddenly cut my words. 

"Two years ago, I was diagnosed with depression."

-

@GrandDandelion

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status