Share

Chapter 07: Destiny

Maaga akong nagising at hindi ito ang nakasanayan ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili na nag-set ng alarm bago matulog. At pagmulat ko pa lang, siya kaagad ang pumasok sa isip ko. It's my fault, bakit ko pa kasi sinabi iyon? Kahit pa ay sabihin niyang naka-move on na siya ay hindi ako naniniwala. I can still see his pain, the longing he was hiding for a long time. He is not fully healed. 

Napatingin ako sa kabuuan ng kaniyang kwarto. Nakapatong sa cabinet ang picture niya kasama ang isang magandang babae, nasa beach sila at masayang nakatingin sa isa't isa. Mayro'n ding malaking frame na nakasabit sa dingding at lahat iyon ay naglalaman ng litrato. Lahat iyon ay litrato ng iisang babae. 

Maputi ito, singkit ang mga mata at mapupulang labi. Sa unang tingin ay masasabi ko nang siya nga babaeng minahal ni Xavion ng halos dalawang taon. She looks soft, the opposite of the girls he played. 

Ala-sais pa lang ng umaga kaya aingat kong sinarado ang pintuan at saka dumiretso sa kusina, nagtingin pa ako ng maaaring lutuin para sa almusal namin. I ended up making sandwiches and cooking pancakes. Nilagay ko rin sa blender ang hiniwang mansanas at nilagyan ng fresh milk.

"Good morning." My body stiffened when I heard his husky voice. Halatang kakagising pa lamang nito.I gulped and released a heavy sigh, trying to compose what to say.

"Good morning, kain ka na!" I plastered a weak smile. Inilapag ko sa lamesa ang pagkain. I watched him sat down, pati pagkuha niya sa pagkain ay hindi ko inalis ang paningin.

"Anong oras ka aalis?" He asked while scanning the food I made.

Napakurap ako ng ilang beses. "Before lunch, I guess."

"Ihahatid kita," pahabol nitong sabi.

Kumuha pa ito ng pancake na dahilan kung bakit palihim akong ngumiti. I don't know why but based on his looks, parang masaya itong nakakain ng almusal. He looked like a kid who woke up and got surprised by his favorite breakfast. His reaction only proved that he hasn’t received any affection for a few years. 

"May gagawin ka ba mamaya?" I asked him, opening a topic. 

"Mayro'n, why do you ask?" Umangat ang kilay nito sa akin. I smiled at him. "Gig namin mamaya, baka gusto mong pumunta."

Hindi ito sumagot, ipinagpatuloy niya lang ang pagkain na parang wala itong narinig. I sighed, I'll take that as a no.

His face was blank but I found him cute. His hair was fluppy and messy. Suddenly, I have the urge to touch his hair but I refused to move, I was afraid that I might make him furios. 

"Pwede ko ba siyang bisitahin?"

Naibaba nito ang kutsara at tumingin sa akin. Napaayos ako kaagad ng upo. "Sino?"

I scoffed. Sinasadya niya yata ito. "Pwede ko bang bisitahin ang ex-girlfriend mo?"

It took him seconds before answering my question. He looked like he was going to explode. I blinked twice and bit my lower lip. I was starting to get scared. 

"Why would you think of doing that?" sambit niya gamit ang mababang boses. 

"Masama ba? At saka pwede ka naman sumama. Hindi mo ba siya nami-miss?" Halos masampal ko na ang sarili sa harap niya. Isa itong malaking kahihiyan. 

Nagsalubong ang kilay nito, ginulo niya pa ang buhok at tila nagtitimping tinapunan ako ng tingin. "Why are you like this?"

"What do you mean?" I fired back, nararamdaman ko na ang mabigat na tensyon sa pagitan namin.

"Why do you keep on mentioning her?"

Sumandal ito sa upuan, hindi matanggal sa akin ang mata niya. Sinusuri ang reaksyon ko.

Nagbaba ako ng tingin sa hita. I wanted to say I'm curious. Pero sa tingin ko hindi iyon valid reason. I'm aware that he still feels pain and my curiosity will not actually kill me, instead it will kill him.

Nanuyo ang lalamunan ko, umangat ang aking ulo. Lumambot ang ekpresyon nito at bahagya pang umiling. I almost hopped out my chair when he suddenly stood up.

"Hey, I'm sorry," sabi ko.

Tumitig lamang ako sa likod niya. Hindi ko man makita ngunit alam kong babagsak na ang kanyang luha. 

"You're not her." Not knowing the reason why but it pained me. Ano ngayon kung hindi ako siya?

At gano'n na lamang kabilis na natapos ang agahan namin. He rushed back inside the room. Hinayaan niya lang akong tumitig sa mga pagkain. Once again, I was left by someone. Hindi ako mapakali matapos ang hindi komportableng pag-uusap namin. I was thinking that he might need someone beside him, siguro ay humahagulgol na siya ngayon. Pero gugustuhin niya bang ako ang umalo sa kanya? I'm worried that it will burst him more when he sees me.

That's why I did what I think is right. Pumasok ako sa kanyang kwarto at saka kinuha ang bag ko. Hindi na ako nag-abala pang tumawag pa, diretso lamang akong umalis sa kanyang condo. Mas mabuti na rin sigurong hayaan ko muna siyang mag-isa, matagal na rin simula nang ilabas niya ang tunay na nararamdaman. He needs time to heal.

Dumating ako sa penthouse at wala pang tao. I decided to clean up everything when I came inside. Wala naman yatang balak maglinis. Nagpa-deliver na lang ako ng pagkain para sa lunch. I was busy strumming my guitar nang pumasok si Devika. As usual, she was wearing her mean-girl-face. Sumunod na pumasok si Lyndsey bitbit nito ang napakaraming designer bags.

"Another dagdag labahan na naman," singhal ni Devika. Lyndsey just rolled her eyes. May inilapag ito sa coffee table. Anim na milktea pala iyon at pinakamalaking size pa ang in-order niya.

"Maraming customer mamaya, are you ready to get tired?" Lyndsey chuckled. "I also heard that Adiel's gonna watch," she gave me a teasing look.

"At hindi ka pwedeng kumanta mamaya, Eve." Right, wala rin si Xavion upang isalba ako sa kahihiyan. I don't want to mess things up again lalo na't mas maraming darating mamaya.

5:00 pm, maaga kami. Kailangan pa naming hintayin ang ilang miyembro dahil tatlo pa lamang kami. Sir Jhang was there, totoo ngang nakabalik na siya. Naging abala kasi ito sa mga branch ng night club.

"I'm here!" sigaw ni Ivory, tumatakbo na ito palapit sa akin. Inabutan ko siya ng tubig. Kaagad din naman niyang binati si sir Jhang na nakamasid lang sa mga crew na naglilinis ng table.

"Siya nga pala, pinakiusapan ko ang pamangkin ko na tumugtog din mamaya. Nasabi na rin sa akin ni Robbie na kumanta na siya dito noon," the owner pursed his lip.

"Kung gano'n po, ano pong schedule namin mamaya?" Collete asked.

"He'll take the stage kapag break time niyo. Don't worry, magaling ang batang 'yon." Tumango na lamang kami at magpasya na mag-practice. 

Matapos ang ilang minuto, nakumpleto rin kami. Sinubukan din naming hintayin ang pamangkin ni sir Jhang ngunit sadyang napakatagal niya. Dumagsa na ang tao bago pa man mag ala-siyete, napilitan ang night club na magpapasok na ng customers.

"Girls, akyat na." Sumenyas sa amin si sir Robbie. Nakahanda ang instruments na gagamitin namin, tulad ng dati si Collete ang main vocalist.

"Magandang gabi po, alam kong kilala niyo na kami at para naman diyan sa mga bago. Kami ang bandang Diyamante," panimula ni Collete, nanginginig ang kamay niya.

Nagkatinginan kami ni Devika nang dahil doon, mas pinili niyang umiling sa akin.

"Ang ating unang kanta para sa gabing ito ay pinamagatang Pagtingin ng Ben and Ben."

May kumukuha na ng video sa amin, ang iba naman nakangiti lang. Hinanap ko ang isang taong inaasahan kong dumating. At ayon nga siya, nakikipagtawanan sa mga kaibigan sa kanyang tabi si Sara. Umiwas ako ng tingin, hindi dapat ako magpadala ngayon sa emosyon.

Nag-init ang sulok ng aking mga mata. I felt a lump in my throat. Pinigilan ko ang pag-iyak, hindi ako pwedeng umiyak ngayon.

"Eve, kaya mo pa?" Lumapit sa akin si Collete. Humiga ako sa sofa at saka ipinantakip sa mukha ang unan.

"Hindi na namin alam ang gagawin sa'yo." Umiiling na sabi ni Eleanor. "We told you already! Sabihin mo na sa kanya."

It was our breaktime and they immediately bombarded me with questions. 

I snorted. "Paano ba? Natatakot din ako, baka masira kami."

"Eve, gusto mo bang gustuhin ka niya pabalik? Answer me, honestly."

Tinanggal ko ang unan at saka umupo, lima silang nakatingin sa akin ngayon.

"Oo."

"Then move!" Napapitlag ako matapos na ibinaba ni Devika ang mineral bottle sa lamesa.

"Ikaw lang naman dapat na gumawa no'n! But if you'll continue being like that, you'll suffer even more. Hindi pwedeng habang buhay ka na lang nakatanaw sa kaniya."

"You only have two choices, Eveone Allisa. Confess or Hide?"

Napabuga ako ng hangin. "Hindi ko alam."

Sabay-sabay silang napasinghal. Pumikit ako nang mariin. Gusto ko rin naman na itong matapos ngunit hindi sa paraan na masasaktan ako. Pero imposible yatang mangyari iyon, malinaw na hindi kami pwede. May babae nang nagpapatibok sa puso niya, gustuhin ko man na ako na lang, hindi maari dahil ayaw kong maging makasarili. I don’t want to be a relationship wrecker. 

"Pansamantalang unan

Sa tuwing ika'y nahihirapan."

Napatingin ako sa pinto, nakabukas ito kaya naman kitang kita ko kung sino ang kumakanta sa entablado. Nakatagilid ito mula sa direkyson ko ngunit hindi iyon hadlang upang hindi ko siya makilala. He was here wearing his faded jeans and gray hoodie. Bagsak ang bangs nito at nakapikit habang kumakanta.

My forehead creased. I thought he was going to do something? Or this was ‘something’ he was talking about.

"Pansamantalang panyo

Sa tuwing ika'y nasasaktan."

Kung hindi si Adiel ang gusto ko ngayon, maari kayang magustuhan ko siya? Napailing ako, kahit anong mangyari hindi maaaring magkagusto ako sa kanya. Mas masasaktan ako kung gano'n dahil hindi pa siya tapos magmahal ng iba, ang masaklap ay hindi na ito nabubuhay.

Ang dapat na kalahating oras na pagtugtog niya sa stage ay nadagdagan pa. Hindi siya tinigilan ng mga manonood, panay ang pag-request nila ng kanta. Mukhang nagugustuhan din ni sir Jhang ang nangyayari kaya naman ay hinahayaan niya lang.

"Back-up-an na kaya natin? Mag-iisang oras na siya d'yan, o! Mapapagod 'yan!" ani Eleanor. Tama siya, gitara lamang ang hawak ni Xavion ngayon, ang tanging puhunan niya ay ang boses. Hindi nauumay ang audience marahil na rin ay soothing ang boses niya at relatable ang mga kantang tinutugtog niya.

"Akyat na tayo." Nauna nang umakyat si Devika, hindi na inabala pa ni Xavion ang lumingon sa amin patuloy lamang siya sa pagkanta.

Hinintay namin itong matapos bago pa magsalita si Collete sa mikropono.

"Anong gusto niyong next song?"

Nahihiya man ay kinalabit ko sa balikat si Xavion. "Woy." Tinignan niya lamang ako.

"Magpahinga ka muna do'n." Inginuso ko ang kwarto sa ibaba. My lips parted when he remained staring at me. Iwinagayway ko ang palad sa harap ng kanyang mukha.

"Tadhana, iyong kumanta sana noong last gig niyo kasama rin si kuya!" Sinundan iyon ng malakas na palakpakan. Nagkasundo ang mga customer. Tila bumaliktad ang sikmura ko, basta ko na lamang naibaba ang kamay na para bang nawalan ng hininga. Nanlamig ako at nais na lamang lumubog sa kinatatayuan.

"Eve." Mariing nakatitig sa akin ang lima. Ang iba sa kanilang gustong sumangayon, ang iba naman ay tutol.

"Eve, look at me." Bumalik ang tingin ko kay Xavion. Naglahad ito ng kamay sa akin.

"Would you like to sing with me?"

Hindi ako nakasagot, napalunok na lang ako dahil sa takot. Bakit? Gugustuhin niya bang magkamali ako ulit?

"Eve, do you trust me?"

Ang kaninang malakas na hiyawan ay hindi ko na marinig. Sa kanya lang ako nakatutok, ang mabilis na kabog ng aking dibdib ang kasalukuyang pumipintig sa aking tainga. Kahit pa'y nangangatog ang tuhod ko, nagawa kong humakbang papalapit sa kanya. He reached for my hand and squeeze it gently.

Then he smiled.

"We'll sing, Eve. Don't be afraid," he whispered.

Lumapit ito sa akin, hinawakan niya ako sa baywang at saka dahan-dahang iniharap sa audience. I can feel his warm breath on my nape.

"I trust you."

-

@GrandDandelion

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status