Share

Chapter 08: Stay

Chapter 08

"Feeling better?"

Inalalayan ako nito mula sa paglabas sa kanyang kotse. I only responded with a nod due to the embarrassment I felt earlier. I faced the crowd with him, I faced my fear. Ayaw na ayaw kong nakakakuha ng atensyon mula sa nakararami. I feel like they are judging my life. 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Hindi lamang kami ang naroon, maraming tao ang nanood kung paano niya ako pakalmahin. Mabuti sana kung ang mga kaibigan ko lang ang kasama kong tumugtog kanina pero hindi. He was there. He became my partner.

Iniwasan kong magtagpo ang paningin namin. My cheeks was burning. Nang dahil sa simpleng kilos na iyon, napaulanan kami ng tukso.  The tension between us decreased but it formed an awkward atmosphere around us. 

"Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?"

Naramdaman ko ang pagsandal nito sa pinto ng kotse. He was pertaining to what I did earlier, I left him in his condo, afraid that I might hit another nerve of his again.

I bit my lower lip. "I don't want to disturb you."

Umangat ang kilay nito dahil sa sagot ko. "Disturb me from what?"

Hindi ako sumagot. I turned around and walked away. Can we just not talk about it? I'm supposed to stay away from him but I got home by hopping in his car. I was still guilty about what happened. 

Bubuksan ko na sana ang gate nang maramdaman ko mainit na palad sa aking braso. Hinatak niya ako at pwersahang iniharap sa kaniya. Sa muling pagkakataon ay sinalubong ako ng kanyang kulay lupang mata.

"Bakit?" I almost stuttered.

"Kaya mo bang mag-isa?" Bahagya niya pang sinilip ang bahay namin.

"Kaya ko, umuwi ka na." Mahina ko siyang tinulak. Bumuntong hininga pa ito bago tumango.

"Fine, mag-iingat ka." Ginulo nito ang buhok ko at saka sumilay ang matamis niyang ngiti.

Muntik nang tumigil sa pagkabog ang dibdib ko. "You too, uh? Goodnight?" I looked down on my feet, avoiding his heart-melting eyes. 

"Hmm, goodnight."

Pinanood ko siyang tumalikod at maglakad palapit sa kanyang kotse. Ilang beses akong napakurap, tila gusto ko siyang pigilan sa pag-alis. Paano kung bigla na lang akong madisgrasya kapag nakaalis na ito? Hindi ko alam kung bakit ngunit pakiramdam ko'y hindi ako ligtas kapag mag-isa ko na lang, hindi ako ligtas hangga't hindi ko siya nakikita.

Sumikip ang dibdib ko nang humarurot na ito paalis. Napalunok na lamang ako, nanginginig kong binuksan ang gate at patakbong pumasok sa loob. Why do I feel like someone's watching me from afar?

Sinindi ko kaagad ang flat screen TV sa living room, nilagay ko ito sa pinakamalakas na volume. Mas mabuti nang maingay, sa gano'n ay medyo kampante ang loob ko kahit mag-isa.Silence do bother me. It means danger to me. 

Hawak ang makapal na kumot at malambot na unan, isiniksik ko ang sarili sa malaking sofa. Sa ilalim ay mahigpit kong hinawakan ang cellphone. Mag-a-alas-dose na ng gabi, hindi ako sigurado kung magagawa ko pang matulog lalo na't alam kong wala akong kasama.

I ended up drinking milk, it is my comfort drink. It lessens my anxiety. Nakatutok ang mata ko sa TV ngunit alerto ang aking tainga sa mga kakaibang maririnig ko. Mahirap na’t baka hindi talaga ako ligtas. 

Pagkatapos ng palabas ay pumikit na ako.

Ilang minuto ang lumipas, hindi pa rin ako makatulog. Nagmulat ako ng mata, walang balak patayin ang maingay na flat screen TV. 

I sighed before standing up. Akmang aabutin ko na ang remote nang dumilim ang paligid.

Blackout.

My knees trembled. Nanginginig ang kamay kong binuksan ang flashlight ng cellphone. My heart almost skipped a bit, kung saan-saan na ako luminga. Fvck this phobia! Wala akong magawa kung hindi ang umupo at balutin ang sarili gamit ang makapal na kumot.

I tried to call my younger sister but her line was busy. Tatawagan ko na sana si Collete pero nag-shut down ang cellphone ko. Nanginig na ako, tinakpan ko na ang magkabilang tainga, hindi dapat ako makarinig ng kahit anong tunog dahil kapag nangyari iyon, hindi lang phobia ang aatake sa akin, isama na rin ang pagka-praning ko.

Minutes has passed, tanging paglunok at pagpikit nang mariin ang nagagawa ko. I was sitting with my hands on my ears and covered with a white blanket. 

On that position I heard a loud knock.

"Please, stop," I murmured, nangangatal pa ang labi ko. My eyes started to sting "Please."

Patuloy ang pagkatok sa pintuan namin. At tinatambol ang puso ko dahil bigla na lamang itong tumigil. Kasabay nang pagtili ko, namayani ang pamilyar na boses mula sa labas.

"Eve! Open the door!"

Napabuga ako ng hangin. Inilabas ko ang ulo mula sa kumot at saka tumayo. Nagmamadali akong tumakbo, muntik pa akong matapilok dahil sa labis na kaba.

"It's me, Xav!" Kumatok itong muli. Hindi maayos ang pagkakahawak ko sa door knob kaya naman hindi ko nagawang mabuksan. Saka ko na lamang napihit iyon nang dalawang kamay ang ginamit ko.

"Eve!"

He wrapped me up with his arm. Ibinaon niya ang mukha ko sa kanyang dibdib, doon ko lang napagtanto na hinihingal ito.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Hindi ko siya gaano makita ngunit sapat nang alam kong narito siya sa harap ko. He cupped my cheeks. "Are you okay?" I burst out crying, I didn't bother to answer. I held his hand to support myself, I'm afraid I might pass out.

"Hey." Malambing ang paraan ng pagtawag niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga malapit sa aking tainga.  "It's fine."

"Let's go inside, sasamahan kita."

Hinawakan niya ako sa baywang at iginaya sa loob. I was silently thanking the heaven for bringing him here. Para lamang akong batang nakayapos sa kanya, natatakot na bigla na lang itong mawala.

Binuksan niya ang flashlight ng cellphone at pinaupo niya ako sa sofa. Yumuko ito upang magpantay ang mukha namin.

"Ayos ka lang ba? Kumain ka na ba?"

I was just staring at him, mesmerized by his presence. Abala ito sa pag-aayos ng takas ng aking buhok at pagpunas ng luha ko.

"Stay here, may hahanapin lang ako."

Umiling akong, pinigilan ko siya sa paghakbang. "No, I'm scared."

He sighed. "Sige, halika dito." Inilahad nito ang kamay, umakbay siya sa akin at isinama tungo sa aming kusina.

"Do you have candles?" Tumango ako, itinuro ko ang built in cabinet sa taas. Hinanap niya ang kandila at saka sinindihan iyon gamit ang kalan. Naglagay siya sa kusina at living room.

"Hindi ka pa kumakain 'no?"

Hindi pa ako nakakasagot ay tumikhim na ito. Sumimangot ako, "Umupo ka muna do'n, magluluto ako."

Umupo ako sa counter habang kumuha siya sa refrigerator ng rekado, nagsalang din ito ng bigas. Nang kumalma ay nakapagsalita na ako nang maayos. Ang kalan ang ginamit niya sa pagluluto ng kanina dahil nga walang iwan. While I was there, I happily watching him cook in front. 

"Why are you doing here? Hindi ko inaasahan na ikaw ang pupunta," I asked.

"Hindi pa ako nakakauwi, dumaan pa akong 7/11. Noong nawalan ng ilaw, Ikaw kaagad ang naisip ko." He shrugged his shoulders.  "And also, Collete called me. She sounds worried, that’s when I knew you need help.  Hindi raw niya matawagan ang cellphone mo."

I sighed. "Na-low battery ako, e."

"Hindi na sana kita iniwan kanina. I've got a feeling that something's going to happen," tumigil ito sa paghihiwa at lumingon sa akin saglit. "I'm sorry for leaving you behind."

My heart flattered. Ganito pala ang pakiramdam kapag binabalikan ka. Masaya ako at nagawa niya akong maalala, kahit paano ay nabawasan ang mga iniisip ko.

"You saved me again,” I weakly smiled.

Sinuklay nito ang buhok gamit ang kamay. "Hindi ako magdadalawang isip pa't pupuntahan kita kapag kailangan mo ako."

Napaawang ang labi ko. Tinungkod nito ang kamay sa aking harapan.

"Xav.."

Bahagya pang tumagilid ang kanyang ulo kasabay noon ay mahigpit kong nahawakan ang aking pajama. Para akong naduduling dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin.

"Gutom na gutom ka na ba?" He suddenly asked. Bumaba ang tensyon sa pagitan namin ngunit nakatungo pa rin ako sa kanya. Ipinatong niya sa aking ulo ang kamay at saka humalakhak. Naiinis kong tinampal ang kamay niya. What the hell is happening?

"Bumili ako ng ice cream, nasa kotse ko. Kunin na natin bago pa malusaw."

Nanguna ito sa paglalakad hawak ang kanyang cellphone. Natigil lamang ito sa paghakbang nang mapansin na hindi ako sumusunod.

"What? Hindi ka sasama? May mumu d'yan, sige ka!"

Nagsalubong ang kilay ko. Suot niya ang mapang-asar na ngiti dahilan upang mapasinghal ako.

I scoffed. "Hindi na ako bata para matakot sa multo."

Tumango-tango ito sa akin. "Really? Hmm, okay. Lalabas na ako." He looked back, still giving me a chance to run with him. 

Napalunok ako at saka pinasadahan ng tingin ang madlim naming bahay. Pinihit niya ang doorknob ngunit bago pa itong makakabas ay tumakbo na ako upang masundan siya. "Hoy! Sandali, sasama ako!"

Pero parang wala itong narinig. Iniwan niyang nakabukas ang pinto, mas bibilisan ko ang takbo. Nang makalabas ay mabilis kong hinablot ang dulo ng kanyang hoodie.

"Animal ka! Hindi ka marunong maghintay!"

He groaned, I was stunned when he turned around wearing his serious face.

He suddenly grinned."Really? I waited for her."

Natikom ko ang bibig. Is he bragging? Gano'n ba ang gusto niyang iparating sa akin? Hindi ko siya mabasa. Nakatayo lamang ito sa harap ko habang ang kamay ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon.

"I waited for her to wake up, Eve. And I couldn't believe that I stayed up late for nothing."

Hindi na nasundan ba ang sinabi nito. At hindi ako naging komportable kaya ako na ang bumasag sa mahaba ng katahimikan. Pineke ko ang tawa at saka kunwaring inubo. Mahina kong tinulak ang kanyang braso. Alanganin din ang na ibigay kong ngiti sa kaniya.

"Ano ka ba? Nagbibiro lang ako," sambit ko. Sinusubukan na tanggalin ang tila matayog na pader sa pagitan namin.

Gusto kong sapakin ang sarili ko. Alin doon sa sinabi ko ang biro? Umiwas ako ng tingin dahil sa labis na kahihiyan. Kailangan ko na yata ng mag-ingat sa mga sasabihin ko, maari ko siyang nasaktan nang hindi ko alam.

Tumikhim siya. Tumalikod ito at binuksan ang pinto ng kanyang kotse. Walang pasabing ibinato nito ang isang supot na kaagad kong sinambot.

Naramdaman ng aking palad ang lamig, kinuha ko ang isang ice cream cup at saka binuksan.

"Balik na tayo!" Hindi ito kumibo. Sandali pa itong tumitig sa akin bago magsalita.

"Gusto mo ba akong kasama ngayon gabi?"

"What do you mean?" Nakagat ko ang iba ang labi. "Nandito ka na, e. Bakit? Aalis ka na ba?"

Aalis na ba siya kasi sinabi ko 'yon? Alam kong nasaktan ko siya. Kung wala lang talaga akong sakit ay baka ako pa ang nagtaboy sa kanya. Pero ngayon hindi ko gugustuhin na umalis siya sa tabi ko.

"Sigurado ka? Maybe you need someone else," it was almost a whisper.

Kumunot ang noo ko at tumagilid ng bahagya ang aking ulo. "Sino naman?"

"Adiel."

Imbis na maging masaya, wala itong idinulot sa akin. Hindi siya ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

"Hihingiin ko na lang ang number niya kay Collete." Rumihistro ang kaba sa dibdib ko. Nilabas nito ang cellphone at sinimulan ang pagtipa.

Hinawakan ko ang braso niya, umiling ako.

"Teka lang naman! Wala pa akong sinasabi."

He should not call him. I no longer want to disturb Adiel. 

"You don't have to say anything. Based on your face, I know you want him instead."

"Makinig ka nga muna sa'kin!" Nabuburyo kong sabi. Umangat ang kilay nito at ibinulsang muli ang cellphone.

Humugot ako ng hangin.

"You see, I'm scared. Saka hindi rin tayo sigurado kung pupuntahan niya ako, he's with Sara. Bukod do'n hindi 'yon marunong magluto, Paano ako kakain? Baka hindi rin ako makapagsalita nang maayos kapag kasama ko siya..." he cut my words off.

"And so? What do you want to say?"

"I'm telling you to stay!"

-

@GrandDandelion

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status