Share

Chapter 71

Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang masilaw mula sa liwanag na nanggagaling sa labas.

Sinubukan kong ilibot ang paningin sa apat na sulok ng kwarto at nakitang walang ibang tao bukod sa akin. 

Kinapa ko ang aking cellphone subalit wala ito sa aking bulsa o saan man sa paligid.

Huli kong naalala ang pagsagot ko sa tawag ni Zid hanggang sa mayroong bagay na itinusok sa aking balikat dahilan upang mawalan ako nang malay.

Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na semento upang makapaghanap ng malalabasan. Wala akong ideya kung bakit ako nandito at kung sino ang nagdala sa akin dito pero alam kong kailangan ko nang tumakas habang wala pang tao. Ngunit bigo akong makahanap ng pinto o bintana.

Gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy ang kwarto at kailangan ko ng pamukpok upang makagawa ng butas. Naghanap ako ng matigas na bagay sa loob pero walang ibang gamit doon.

Sumilip ako sa mga butas upang makita kung mayroong

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status