Share

Chapter 74

Hindi ko kailanman pinangarap na mamatay sa ibang bansa. Ayos na nga sa akin na basta na lang ihulog sa ilog basta sa Pilipinas, atleast mga Pilipinong isda ang makikinabang sa akin.

Bigo kami ni Blue na tumakas. Pagkabukas pa lamang namin ng pintuan ng aking kwarto sa ospital ay bumungad na sa amin ang naglalakihang katawan ng mga foreigner na lalaki.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari nang araw na iyon. Naisakay nila ako sa kotse nang walang pumipigil bukod kay Blue na nagpumilit na humabol subalit hindi niya kami naabutan.

Nang araw din na iyon ay maluwag ko nang tinanggap ang kaparusahan na nag-aabang sa akin. Dinala nila ako sa New York taliwas sa iniisip kong itatapon nila ako sa tulay na dinaraanan namin patungong airport.

Pagdating sa New York ay dumiretso kami sa main headquarters. Doon ay nakita kong muli si Duke. Gwapo pa din siya, pero mas gusto kong makita sa huling sandali si Zid.

Makakaya niya naman sigurong mabuhay na wala ako 'd

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status