Share

Special Chapter

Dear Beautiful and Handsome Readers,

Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you!

I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito.

I hope na nagustuhan n'yo ang kwento.

Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela.

Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon.

Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo!

As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys.

Enjoy!

"Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet." 

Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa. 

Asawa. My wife, Kaileen.

Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya.

Naalala ko pa kung paano ako sumugod noon sa main headquarters sa New York para mahanap lamang siya, subalit bigo ako. Hanggang sa isang sulat nang pamamaalam ang ibinigay sa akin Duke.

From then, I decided to leave the group after 2 years. Namuhay ako bilang CEO ng aking kompanya at sa gabi ay matutulog sa kan'yang bahay. Hindi ko pinalitan ang kan'yang bedsheet at itinapon ang mga damit niya.

How magical is it? that even after years I can still smell her scent on her bed. Ang amoy niyang iyon ang aking pahinga. Gustuhin ko man na sumuko na dahil sa pangungulila sa kan'ya at hindi ko ginawa. Palagi kong naaalala kung gaano siya magpasalamat sa buhay na mayroon siya kaya sino ako para magreklamo.

I tried to live a normal life. Inisip kong buhay siya at babalikan ako isang araw.

Hanggang sa nag-magic ang pag-ibig. I was so low, so down. I keep on driving and driving nang hindi alam ang direksyon. Hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa lugar kung saan ako nagpaalam sa kan'yang manligaw. 

On top of the hill at the golden hour, nakita ko siyang muli. Para bang bitbit niya ang aking puso sa loob ng limang taon, at ngayong nagkita na kaming muli ay nagkaroon ako ng buhay.

Things happened so fast. We're married now. Kasal na kami.

"Oh my gosh!" Bumalik ako sa reyalidad dahil sa tili ng aking kapatid. Napangiwi ako nang makitang siya ang nakasalo ng bulaklak.

Tumalon-talon pa silang dalawa ng kan'yang ate. Napairap na lamang ako. Simula nang bumalik si Kai ay nagkaroon na nang kakampi si Harrieth. Palagi niyang sinasabi na matanda na ang kapatid namin at hayaan nang magdesisyon sa buhay.

"Step out Blue, hindi ka kasali." Matalim na tingin ang ipinukol ko kay Blue nang manguna siya sa pila nang sasalo ng garter.

Hindi ko pa din malimutan kung paano niya pinaiyak noon si Harrieth. I won't let him marry my sister.

Napakamot siya ng ulo at umatras. He's trying to win me back matapos siyang mapatawad ni Harrieth, but I won't. Hindi ko ipapaubaya sa kan'ya ang aking kapatid katulad ng gusto niya.

Binato ko ang garter and to my surprise si Sylvester ang nakasalo but he give it to Blue. 

This is my wedding so dapat ay sa akin ang loyalty nila.

"Higher! Higher!" 

Halos lahat yata ng bisita ay natutuwa sa pagsusuot ni Blue ng garter sa binti ng aking kapatid, pero hindi ako.

"Stop-" Naputol ang sasabihin ko nang kurutin ng aking asawa ang tagiliran ko.

"Love, just let them." Sinamahan niya pa iyon ng pandidilat ng mata.

"But-"

"Wala tayong honeymoon if you keep on doing that."

Syempre I won't won against her. Ito na ang simula nang maluwag kong pagtanggap sa bawat pagkatalo sa mga argumentong darating sa buhay namin.

Proceed na ba tayo sa honeymoon? Hahaha 

I wanna hear from you. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jean MaryA
yes please! honeymoon! hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status