Share

Soldier's First Love (Tagalog)
Soldier's First Love (Tagalog)
Author: AVA NAH

Prologue

Nagpupuyos ang damdamin ni Astin ng makitang sumakay sa isang Audi si Laura. Nakapulupot ang mga braso ng lalaki sa sa beywang nito na ikinainis niya. Nagseselos siya. Pero wala siyang karapatan.

When was the last time na nayakap niya ang dalaga? Noong kinse pa lang yata ito. Nakaw pa. Samantalang ang isang ito, walang pilitan hinayaan lang ni Laura?

Hindi kaaya-aya ang view na iyon. Kaya napilitan siyang bumalik sa sasakyan niya. Isa iyong Porsche Carrera S na regalo ng Papa niya noong graduation niya. Pinagpupukpok niya ang manibela at sinuntok pa ang upuan.

Nagngingitngit siya sa galit.

"Damn you, boy!" malakas na sigaw niya sa sasakyan habang nakatanaw pa rin sa sasakyan.

Hindi umaandar iyon. Ilang minuto na sila sa loob?

"What the hell are they doing?" kausap niya sa sarili. Napapasabunot na siya sa buhok.

Nagprisinta pa naman siyang sunduin ang dalaga sa unibersidad ngayon dahil birthday nito. Alam niyang galit ito ngayon sa kanya, pero kahit ganon sumasama pa rin ito sa kanya kapag sinusundo niya. Naghanda pa naman ang pamilya niya. Tumulong din siya, gusto kasing sorpresahin ng Mama niya si Laura.

Tapos ganito ang madadatnan niya?

Ilang manliligaw na ba ng dalaga ang pinauwi niya ng luhaan? Tingin niya uubra ang lalaking ito sa kanya?

Nakaraang taon lang siya grumaduate ng unibersidad din na iyon. Ngayong hindi na siya laging nakabuntot sa dalaga lalo namang nagdagsaan ang manliligaw nito kahit na ipinagkalat na niyang fiancee na niya ito. May mga mata pa rin siya sa unibersidad, pero hindi sapat ang mga impormasyon ng mga ito.

Hanggang ngayon hindi siya pinapansin ng dalaga dahil sa ginawa niya. Mahirap ba siyang mahalin? Mahirap ba siyang gustuhin? Ano bang hinahanap nito sa isang lalaki?

Muling tinanaw niya ang sasakyan, hindi pa rin talaga ito umaandar.

Naging busy lang siya sa opisina may nakalusot agad?

Inis na tinawagan niya ang driver nila na si Mang Vincent at sinabing siya na lang ang magsundo sa dalaga. Hindi na niya sinabi ang rason kung bakit.

Mabilis na pinaharurot niya ang sasakyan at binaybay ang papuntang ZL Lounge, isa sa sikat na bar na pag-aari ng ninong niya.

Quarter to six pa lang ng makarating siya sa ZL. Agad na inabot niya ang susi ng sasakyan niya sa isang guard. Ito na ang nag maniobra para ipark ng maayos.

Maaga pa talaga, wala namang  magagawa ang mga staff dahil anjan na siya. May share pa rin ang Papa niya dito kaya may karapatan siya maglabas pasok kahit anong oras.

"Magandang gabi po, Sir Astin," bungad sa kanya ng assistant manager ng bar na si Oliver.

Ang pagkakaalam niya ang Tito Dane niya ang nagmamanage nito. Pinsang buo ito ng kaniyang mama.

Nginitian niya ito. Pumuwesto ito sa counter tinanung siya kung ano ang iinumin niya. 7pm pa kasi call time ng naka assign sa counter kaya ito na muna ang nagserve sa kanya.

Jack Daniels ang trip niya ngayon. Pagpatak ng alas-siete ay nagsisimula ng magsidatingan ang mga dumadayo doon. Bandang alas-nuebe naman ay lalong umingay ang  paligid. 

Marami-rami na din siyang nainom kaya umakyat na siya ng second floor para doon muna tumambay.

Hinilot niya ang kanyang sintido. Nahihilo na talaga siya. Siguradong magagalit ang kanyang ina kapag nagdrive siya ng lasing. Kaya nagpasundo siya sa kanilang driver.

Lagpas alas-onse na siya nakarating ng bahay. Pasuray-suray siyang naglakad sa malawak na bakuran nila.

Tumingin siya sa bintana na kinaroroonan ng kuwarto ng dalaga.

"Happy birthday, my Laura," aniyang pilit ang ngiti na nakatunghay sa bintana nito.

Napatigil siya sa paghakbang ng marinig ang tunog na galing sa pool. Mukhang may naliligo. Wala sa sariling tinungo niya iyon nang nakapamulsa.

Napangiti siya ng mapagsino ang naliligo ng mga oras na iyon.

"Napakagandang tanawin," bulong niya.

Naupo siya sa deck na malapit sa kinaroroonan ng mga damit nito. Hindi siya napansin nito dahil pabalik-balik ito. Medyo madilim sa bahaging iyon kaya hindi talaga siya nito mapapansin.

Napansin siguro nitong may nanunuod kaya mayamaya ay umahon na ito, napanganga siya nang makita ang kabuuan nito.

Parang tumigil ang buong paligid niya. Napalunok siya habang pinagmamasdan ito. Dahan-dahan itong naglakad na akala mo ay modelo. Hindi niya inalis ang tingin sa dalaga.

Ang sexy niya sa itim one-piece swim wear nito. Bagay sa balingkinitan nitong katawan at mapuputing mga legs nito.

Mainit na ang binubuga ng katawan niya dahil sa alak. Pero mas pinainit pa ng babaeng kasalukuyang naglalakad na palapit sa mga damit nito. Matamang tinitigan niya ito na noo'y nakatingin na sa kanya. Napakunot noo ito.

Nginitian niya ito. Pero hindi man lang ito tumugon. Nakaramdam siya ng inis.

Dahil ba sa lalaking kasama nito?

Mabilis na kinuha nito ang loose shirt nito at isinuot. Pinatungan din nito ng roba. Alam niyang dadaanan lang siya nito kaya naman hinarangan niya ito. Nang makalapit na ito ay bigla niyang hinapit ang dalaga. Parang may kung anong boltahe ng kuryente ang bumalot sa katawan niya ng magkalapit ang kanilang katawan.

Nalanghap niya ang mabangong hininga nga dalaga kaya napapikit siya.

Halatang nagulat ang dalaga sa ginawa niya kaya naramdaman niya ang pagtulak nito sa kaniya. Pero nginitian niya lang ito ng matamis.

"Astin!" anitong pilit na kumakawala. "Ano ba, please, bitiwan mo nga ako!"

"Why?  Babati lang naman ko. Hindi pa naman tapos ang araw kaya happy 21st birthday, My Laura," sabi niya at walang sabi-sabing siniil niya ng halik ang nakaawang nitong mga labi.

Napakalambot naman. Puro smack kiss lang kasi dati ang ginagawa niya.

Naging marahas ang paraan ng paghalik niya. Hinayaan lang niyang pagsusuntukin siya ng dalaga. Wala siya sa tamang katinuan para tumigil dahil na rin siguro sa nainom na alak. Basta gusto niya itong parusahan dahil sa nakita niya kanina.

Hindi pa ba malinaw sa dalaga na sa kanya lang ito dapat magpaligaw?

Kinagat niya ang ibabang labi nito dahil pinipilit nitong isinasara ang mga labi nang bumitaw siya saglit. Muling bumuka  ang labi ng dalaga dahil sa ginawa niya kaya malaya niyang ninamnam ang masarap na labi nito. Ipinasok niya ang kaniyang dila para namnamin ang tamis at bawat sulok nito. Mas lalong naging mapusok ang kaniyang halik sa dalaga ng tumigil ito sa pagbayo ng dibdib niya.

Napangiti siya ng kusa na itong tumugon sa kaniya. Ilang sandali pang naghinang ang kanilang mga labi.

Sa totoo lang, lalong nag-iinit ang katawan niya dahil sa pagtugon nito kaya siya na ang kumontrol sa sarili. Marahang binitawan niya ang mga labi ng dalaga.

Napangiti siya ng makitang nakapikit pala ito. Nagmulat ito ng mata. Tumitig lang ito sa kanya.

Hindi pa rin niya binibitawan ang dalaga. Lalong lumalakas  ang pintig ng puso niya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Namiss niya ang mga mata ng dalaga, isa iyon sa pinakagusto niya sa mukha nito.

Hinaplos niya ang mga labi nitong mamasa-masa dahil sa marubdob nilang halikan. Yumuko naman ito na parang nahihiya. Kaya napangiti siya.

"Akin lang ang mga labing ito, My Laura," aniyang paos na tinig.

Napakunot naman ang noo ng dalaga.

"Ilang beses ko ng narinig iyan sayo, Astin. Nang-aangkin ka na naman ng hindi sayo," sabi nitong iniwas ang tingin sa kanya.

Ngumiti lang siya at hinapit pa ito lalo kaya napahawak ito sa kaniyang dibdib.

"Astin, ano ba. Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas nito.

Inilapit niya ang kaniyang bibig sa tenga nito at may ibinulong.

"Hindi lang pala ang mga labi mo ang inaangkin ko. Ikaw mismo, dahil akin ka lang,  My Laura! Akin lang," matigas na sabi niya.

Mga Comments (16)
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji Buenaflor
round 2 start now... umpisa pa lang mapag-angkin ka na Astin.........
goodnovel comment avatar
AVA NAH
Wow. maraming salamat, maam. Di na pala mababasa dyan ang Kabayong pink? sayang naman
goodnovel comment avatar
Fem NE Raju
hay author buti andito ka subaybay kita s kabayong pink kaya lng ristricted na sila s spg d2 s singapore kaya naghahanap ako ng iba...lucky i found u isa k s subaybay ko dun...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status