Share

Prologue

Author's Note: Although the setting of this story is in Cagayan de Oro City and Opol, Misamis Oriental, please be reminded that Toyang's location and residence is entirely fictitious. However, its description matches my coastal town in Negros Oriental. Enjoy!

Prologue

"Wazzup, mga tutubi! Welcome to another episode of my simple life, and for today's vlog, I will be surprising my family with good news. Katatapos lang po ng deliberation namin ng mga nominees for Latin Honors at gagraduate po ako bilang Summa Cum Laude this year..."

Dear Charo,

Tawagin niyo na lang po akon- Charot!

Who would have thought that simple vlog that one particular day will go viral and turn my life upside down?

Paano ba naman kasi na-caught on cam 'yong hagulgol ni papa sa tuwa with matching pasalampak sa sahig pa samantalang si mama ko namang strikta hindi rin nagpahuli sa iyakan. Naging instant celebrity tuloy kami.

I know that single achievement of a simple girl supposedly should not matter in the eyes of the busy public, but I guess it is rooted in our culture as Filipinos to be appreciative of the underprivileged's resilience, brilliance, and persistence. Chaar.

Pero no joke, siguro maraming naantig sa kwento ko lalo na nang balikan nila ang mga jejemon ko pang vlogs pagkatapos no'n. Di rin masyadong HD ang kuha ng camera ko kasi cellphone lang na padala pa ng tito ko mula sa Canada iyong gamit ko sa pagvi-video.

Mahirap lang kasi kami. Hindi naman iyong type na isang beses lang kumain sa isang araw kasi ako nakakaapat pa nga, e. Basta iyong klase ng mahirap na kung hindi lang sa sipag at tiyaga sa pag-aaral dinaan ay tiyak na hindi makakapagpatuloy ng college kasi walang sapat na pera. Si papa kasi on-call driver lang. Kapag ka may customer lang din ang amo niya siya bumibiyahe. Si mama naman nagbabantay na lang ng mumunting sari-sari store namin matapos niyang magresign sa pagtuturo simula noong na-high blood siya. Kaya nga sobrang kayod ako sa pag-maintain ng academic scholarship ko. Dapat uno lahat kahit hindi naman ako Chinese. Maswerte rin iyong kapatid kong si Don kasi scholar ng siyudad namin kaya wala rin siyang tuition na binabayaran. Si Lucho naman nasa senior high pa at under sa voucher program ng gobyerno. Kaya nga sobrang laking bagay ng achievement na iyon sa amin.

Alam niyo bang singkwenta lang 'yong baon ko kahit nasa kolehiyo na ako? Si papa naman ihahatid ako niyan sa umaga sakay no'ng motor niya na Grade 2 pa lang ako pamana na sa kanya ni lolo para wala akong magastos tapos sisiguraduhin kong magbabaon ako ng lunch para pampamasahe ko lang pauwi iyong gagastusin ko sa isang buong araw.

Kaya nga sinabi ko sa sarili ko noong, "Itong singkwenta pesos na 'to, balang araw magiging singkwenta mil 'to!"

Akalain mo 'yon, dininig ako ng universe! Ngayon sobra pa sa isang daang libo ang nakukuha ko sa isang buwan.

From 303 subscribers lumobo sa 500k hanggang sa nag-1M na ako sa YouTube at nagpatayo na ng sarili naming bahay na tinawag naming Kamp Kawayan. Sinunod namin sa naunang barbecue station na pinagawa namin para kay papa na Bamboo Villa iyon. Hindi naman sila gawa entirely sa kawayan. Concrete pa rin siya pero may desenyong mga fully varnished na mga kawayan sa labas para magmukhang bamboo house pero 'yong looban modern style na. Hindi naman siya mansyon pero bongga na para sa akin. Ayoko kasi ng mansyon, gusto ko 'yong simple lang pero masaya't puno ng pagmamahal.

Hindi ko lubos akalain na ang laki ng pinagbago ng buhay namin ngayon. Iyong 303 subscribers ko na 'yan, ilang ulit ko pang kinulit ang mga relatives at friends saka loyal readers ko sa W*****d ng time na 'yon na magsubscribe sa YouTube channel ko. Now, I always see our family vlogs being promoted in different pages and social media platforms.

I am Antonnia Yulliene Tomas Villa, twenty-four years of age. Isang online news and content writer ng local franchise ng isang sikat na news network, and your one and only fabulously fancy DJ Toyang. I'm also teaching part-time in Creative Writing sa Liceo de Cagayan University where I graduated with a degree in Bachelor of Arts in Communication. I am currently taking my Masters in English Language and Literature sa Xavier University- Ateneo de Cagayan. Scholar ako ng CHED this time kaya wala pa rin akong binabayarang malaki. Siyempre kailangan masinop tayo para sa future.

I am pretty pero fluffy nga lang. Charlungs do'n sa pretty na part. Nagwo-workout na ako pero siyempre umiiral pa rin iyong karupukan sa masasarap na foods. I also dyed my hair ash blonde. Wala lang, umaasang may maaakit, chaar ulit!

I really love retro and vintage fashion. Pero dahil gusto kong makatipid ay sa ukay-ukay o di kaya ay sa mga online thrift shops ako bumibili ng mga OOTDs. Marami rin namang magagandang damit talaga roon. Tapos nilalabahan ko sila nang maigi at tamang wisik-wisik na rin ng holy water kasi gaya nga ng sabi ng lodi kong si Love Marie Escudero, "Malas can be passed on."  Maigi nang safe and sure.

Ano pa bang sasabihin ko?

Ah, oo, nga pala! In search for love pa rin ang lola niyo. Baka naman may maireto kayo r'yan. Charot!

"Manang Toyang, halika na! Male-late na ako!" sigaw sabay katok ni Don sa pinto ng kwarto ko.

"Heto na. Heto na."

I hastily put inside my champagne-colored tote bag the stuff I'll be needing for my master's school and for teaching. I just carried the envelope by the hand. Hindi na kasi nagkasya sa bag. Isinukbit ko na iyon sa balikat ko at nagtungo na sa pinto pero bumalik ulit ako sa harap ng full-length mirror para tingnan ang sarili ko.

I'm wearing a white cuffed sleeves dress shirt na may lace embroidery sa hem ng malaking collar nito. My top was tucked in my mom jeans and I paired it with my Gucci white sneakers. I invested on designer bags and shoes. Iyon ang luho ko.

I put on a thin black headband on my long straight ash blonde hair. I took a quick camera shot of myself to be posted on my I*******m account then.

"Yogs, Manang Toyang, ga-ano ka da man?" naiinip nang tanong ni Don.

I sighed and went out of my simple and small walk-in closet then out of my room, my little corner of the world.

We immediately descended from the second floor and went outside.

"Bye, ma!" I kissed my mother on the cheek goodbye.

Nakaangkas na si Donatello sa motor niya at naka-helmet na rin siya. He's wearing his Criminology uniform. Sa LDCU rin siya nag-aaral at graduating na siya this year. Si Lucho naman BS Information Technology freshman sa XU at gaya ng pangako ko sa kanya noon ay ako na ang nagbabayad ng tuition niya.

"Don, umusog ka pa konti. Alam mo naman 'yang ate mo, may kalakihan," sabi ni mamang ikinahalakhak naman ni Don.

Napangiwi na lang ako at isinuot na ang helmet saka umangkas na sa motorsiklo.

"Nang, baba ka muna."

"Ha? Bakit?" pagtataka ko pero bumaba pa rin.

Yumuko naman si Don, sinisilip ang gulong ng motor niya.

"Akala ko na-flat. Ang bigat mo kasi," pang-aasar niya.

Hinampas ko sa balikat ang walang-hiya saka umangkas na ulit.

"Bwisit na 'to. Chubby lang ako oy," bulong-bulong ko.

Pinanood kami ni mama hanggang sa makarating kami sa dulo ng purok namin at lumiko papunta sa main crossing. Medyo malayo rin ang lugar namin sa Opol papuntang siyudad. Aabutin siguro ng twenty-five minutes kasi pumaparada pa iyong mga jeep at van kaya lalong natatagalan pero kapag ka may sarili kang sasakyan ay kaya naman nang mas maikling oras lang.

"Good morning, class," I greeted my students smilingly.

I put my things atop the teacher's table and looked at them again without removing the smile off my face.

"I am Ms. Antonnia Yulliene Villa and I will be your Creative Writing teacher for the second semester of this academic year," I continued.

Some were dumbstruck whilst the others were just smiling fondly back at me. They probably knew me not just as DJ Toyang but might as well as one of the social media influencers of their time.

My class in Grade 11- Humanities and Social Sciences 1 went well. I just introduced myself and made them do the same too in a creative way. I've given them also a glimpse of our course outline. First day naman kasi namin kaya introduction muna. After ending our first session, some even asked to take selfies with me which I gladly granted.

"Kamusta ang first day, ma'am?" asked one of my bebest friends, Mariah.

She's also teaching in Understanding Culture, Society, and Politics here, just like me. Actually, kaming dalawa iyong Summa Cum Laude ng batch namin.

"Ayos lang, ma'am," hagikhik ko naman.

Just like me and our other friend who happened to be my neighbor also na si Candy ay nagtetake rin ng Masters niya si Mariah sa XU. Si Irish naman, iyong rich girl ng barkada, ay nagproceed sa Law School doon lang din.

Sabay na kami ni Mariah na nagtungo ng XU. Mamayang hapon kasi ang simula ng klase namin from 1-3 PM.

"Be, parang gusto ko ng iced coffee. Bili muna ako ha. How about you? Gusto mo ba?" she asked me.

"Hindi na, be. C2 muna ako ngayon." I chuckled at that. Diet, e.

"Hmm... Mauna ka na lang sa canteen ha. Susunod ako. Nandoon na raw sina Candy at Irish..."

I narrowed my eyes into slits. Nag-iwas naman ng tingin si Mariah kaya natawa ako.

"Makikipagkita ka lang naman kay Harvey, e. Sige na, be. Go, go, go! Ako na bahala sa'yo!" tawa ko sabay tulak sa kanya.

She laughed too and crossed the street so she could go to McDonald's.

"Thank you, be! Secret muna natin 'to ha. Ako na magsasabi sa dalawa!" she shouted from the other side and I blew her a kiss. Natawa lang ang gaga at nakipagdate na.

I put down my waving hand and smiled to myself. I'm happy for my friends, really. They seemed happy with their love life.

Si Irish, six years na ng jowa niyang businessman na si Remo. Si Candelaria naman, sila na rin ng Medical Technology student na ka-batch namin at crush niya lang noon. Tapos ngayon si Mariah at iyong President ng College of Law na si Harvey na mukhang nanliligaw ata sa kanya.

Hay nako...

Mukhang totoo nga talaga 'yong kasabihang sa magkakaibigan, may isang taga-sanaol lang.

I was walking my way inside the university when my phone rang. I took it out immediately from my tote bag and answered mama's call.

"Ma, bakit po?"

"Iyong inorder mong projector sa Shopee dumating na."

"Ha? Ngayon pala dating no'n?! Hindi ko po ala-"

"Sus, Antonnia, bulok na 'yang style. Alam kong ako lang din naman ang pagbabayarin mo nito!"

"Thank you, ma!" sagot at hagikhik ko na lang saka hinalik-halikan ang phone ko.

"Ay, sorry!" I hastily ended the call when I bumped into someone at naglaglagan lahat ng mga dala niyang papel.

Dali-dali akong yumuko at tinulungan siyang damputin ang mga iyon.

"Sorry, sorry talag-"

"Just, just don't touch it!"

Natigilan naman ako sa tigas ng boses niya. Naalala ko tuloy 'yong terror kong prof sa Spanish noong college.

Maging siya ay natigilan din. Marahil napansin niya rin ang pagtaas ng boses niya. Nag-angat ako ng tingin tapos sumunod naman siya. Nagkatinginan kami.

My eyes slightly widened. Hindi lang kasi siya familiar, ang gwapo pa, shet!

Kumunot naman ang makinis niyang noo. Natawa ako sa naisip. Pati noo may description talaga, Toyang?

Well, chinito siya at maputi, matangkad, mukhang daks... charlungs!

Yumuko ulit siya at nagpatuloy na sa pagpupulot. Natauhan naman ako kaya tumulong na rin ako. Nauna siyang tumayo sumunod naman ako saka ibinigay na sa kanya ang mga nakuha ko.

"Sorry..." I told him.

"Sir Alonzo, heto na po 'yong assignment ko. Sorry po talaga, sir. Ngayon ko lang po napasa. Absent po kasi ako kahapon..." ani ng isang lalaking lumapit.

I scanned my gaze through him. Hindi siya nakauniporme, college student. Nahuli ko ang ID niya at tama nga ako sa hula ko. He's a sophomore in Civil Engineering.

Nagkatinginan kami tapos tumingin ulit siya roon sa nakabangga kong abala sa pagbabasa ng gawa niya tapos sa akin ulit. Kumunot naman ang noo ko sa paulit-ulit niyang ginagawa.

"Sir, sorry po kung naistorbo ko kayo. Di ko po alam, mahilig pala kayo sa chubby. May mali po ba d'yan, sir?"

"Repeat number five. If you will pass this late, make sure you will perfect it," was his serious reply before returning the paper to the sophomore who I bet was his student.

Napa-'oh' naman ako pero kaagad ding sumeryoso nang balingan ako ni singkit with matching kunot-noo still. Shet, ang tangos ng ilong!

Maya-maya pa ay tinaasan niya ako ng kilay. "May kailangan ka pa, miss?"

Tamang iling at konting ngiti lang ang naisagot ko.

"Now if you excuse me, nakaharang ka kasi sa daan," dugtong niya agad.

Parang eng-eng na tumabi naman ako. Inayos niya ang dala-dalang mga papel at brown satchel na nakasukbit sa isang balikat niya. He was wearing a light blue dress shirt that's rolled up to his elbows and was tucked in his black trousers then brown oxford shoes.

Nagkatinginan kami saglit ng estudyante niya bago ito humabol sa kanya.

I was humming while making my way to the canteen where my other two bebest friends are waiting. Nakatanga silang dalawa sa maganda kong fez habang nauupo ako at inilalapag ang tote bag ko sa lamesa. Pinalantsa ko pa iyon saglit gamit ang mga palad ko.

Nagkatinginan sina Candy at Irish. Si Irish natatawang napailing na lang sa asta ko.

"Anong meron, dzaii?" tanong ni Candy.

Now that she's asking me, I cupped cheeks with my both hands and squealed without sound.

"Hoy, gaga ka! Anong meron?" tanong na ni Irish.

"May crush na ako, mga be," sagot ko bago tumili ulit nang walang boses. Nagtawanan na naman sila.

"Iyong huli mong crush ginoo sa umaga, Ivana sa gabi. Sino na naman 'to? Baka ma-scam ka ulit, dzaii," pang-aasar ni Candelaria.

Napasimangot naman ako nang may maalala.

"Iyon nga, e. Hindi ko nakuha ang buong pangalan pero may lumapit na second year Civil Engineering student sa kanya tapos tinawag siyang Sir Alonzo. May kilala kayong Sir Alonzo?"

Nagkatinginan ulit sila tapos naghagalpakan ng tawa.

Anong nakakatawa?

"Anong nakakatawa, mga be?" tanong ko sa kanila.

"Seryoso kang hindi mo siya kilala?" tanong ni Candy. Umiling ako, nakakunot-noo.

"Jusko, dzaii, ikaw lang nagtatrabaho sa media na hindi updated. Nubayan..." pang-aasar niya pa.

"Ang hilig nitong mambitin. Palibhasa may jowa na. Support niyo na lang ako please..."

"Toyang, si Engineer Alekhine Alonzo 'yong tinutukoy mo. Calculus professor, Magna Cum Laude ng College of Engineering ng batch niya at top 3 sa Civil Engineering board exam two years ago," paliwanag ni Irish with her Aussie accent. Mamahalin talaga this girl.

My eyes widened in surprise. "Weh, di nga?"

"Oo nga kasi. Nagviral nga 'yan, e, kasi nga ang fudo na, ang brainy pa. Hindi mo talaga alam?" pangungulit ni Candy.

"Kung alam ko, my dearest be, hindi na ako magtatanong kasi na-stalk ko na siya hanggang sa kanuno-nunuan niya," I retorted then silently took my phone out to search for his socmed account.

"Kaya ka tumatabang dalaga, e," panghahamak ni Candy na tinawanan naman ni Irish. Natigil ako sa pagce-cellphone para samaan siya ng tingin.

Natawa lang siya at niyakap ako saka hinalikan sa pisngi. "Hayaan mo na, huggable naman."

Nagtype ako ng pangalan niya sa F******k since complete name niya ang alam ko.

Alekhine Alonzo|

Clinick ko agad ang lumabas na Alekhine Sia Alonzo.

I was smiling as I scrolled through his profile. Kakaonti lang iyong mga pictures niya, halatang hindi mahilig mag-socmed. Iyong recent photo niya naka-side view siya tapos may yellow na hard hat na suot at nakayuko habang may tinitingnang papel sa lamesa. Kagwapo oy!

Iyong grad pic niya nasa 100k na ang reacts. Nagbasa pa ako ng comments, puro papuri at congratulations. Gusto ko nga sanang mag-heart react kaso baka mahalatang iniistalk ko kaya kalmahan muna natin, self. Huwag marupok.

I opened my Twitter account and typed a tweet.

______________________________

DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVilla

Have we met before?

... 'Coz you look like my future husband. Yiee! Haha

______________________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status