Share

Chapter X

"OKAY GIRLS, this is Lovely. And she'll going to be taking Nancy's spot."

Pagpapakilala kaagad sa akin ni Agnes sa kanyang whole cheer leading squad lang naman!

"Ano?" yung Nancy yata ito na may benda sa binti.

"Eh may pilay ka eh. So --"

"Pero sprain lang daw ito? Sabi ng doktok gagaling na toh next week." pagangal pa nung Nancy kay Agnes.

"Hmm maybe next year kiddo, baka mas magaling ka na. Sorry."

Hindi naman makapaniwala si Nancy na tinanggal siya para sa akin. Grabe naman itong si Agnes.

Nilapitan ko si Agnes at pasimpleng binulungan. "Sigurado ka ba? Kawawa naman yun."

"Okay lang yan, gusto ko rin naman talaga siyang tanggalin kasi napaka-pabebe."

Maryosep? Kawawa naman si Nancy!

"Okay assemble ng pyramid!" sigaw pa ni Agnes. "Lovely, you're on top." paghigit niya bigla sa akin.

"Huh?!" Ano daw? "Nako hindi, hindi. Ni hindi nga ako makatayo kapag naka-high heels eh." protesta ko pa, pero diniretso na niya ako sa gitna at sa harap ng mga kasamahan namin para umakyat.

"Com'on! Jake loves girls on top!" saad pa ni Agnes at lahat kami ay natigil at napatingin sa kanya. "Of the pyramid! Hello?!"

Ano pa nga bang magagawa ko kundi sundin siya. "Trust me, it's an honor!"

Dahan-dahan namang nag-assemble ang mga ka-team namin at inalalayan naman nila ako para makaakyat sa pinakatuktok. Jusko naman Agnes oh!

"Up, up, up!" pagmamando pa niya sa amin. "Straight legs, Love!"

Ginawa ko naman ang mga sinasabi niya at this is it! I can't believe na nasa itaas na nga ako ng pyramid!

"Oh go Tita -- ahhh!"

And boom!

Sa sobrang lula ko, na-out of balance ako at si Molly, ayun nadaganan ko! Biglang gumuho ang pyramid ni Charice!

"Kung mapapabagsak mo si Jake kagaya ng pagpapabagsak mo kay Molly, I think we're good for today." pagalalay pa sa akin ni Agnes para makatayo.

MATAPOS ang unang araw ng practice ko bilang bagong miyembro ng cheering squad, parang ayaw ko ng umulit!

"Alam mo, hindi talaga magwo-work itong plano mo eh. Napaka-lame ko. Ni hindi nga ako sumasayaw." paliwanag ko pa kay Agnes kasi mukhang pinipilit niya talaga ako sa cheerleading na ito.

"Ano ka ba? Ang mga cheerleaders hindi sumusuko! Dapat may attitude ka! Tingnan mo ito.." nauna siyang naglakad sa akin na parang si Beyonce at nag-pose. Kulang na lang sampalin niya ang lahat ng haharang sa daraanan niya. Tapos nag-lean siya sa bulletin board.

Natawa na lang ako ng tumingin siya akin pabalik. "Ikaw nga!"

"Hindi ko kaya yan."

"Ano ka ba? Subukan mo lang!"

Kahit natatawa ako, ginaya ko ang inarte niya sa paglalakad niya. Naglakad din ako na mala-Beyonce at nilagpasan pa siya. Nag-lean sa board at nag-pose.

Nang tingnan ko si Agnes, laking gulat ko na lang na katabi na niya si Jake at kausap siya. Nahuli ko na lang na nakatingin sila sa akin kaya tumalikod kaagad ako tingin sa kanila. Pambihira!

Hindi naman ako ganito dati ka-tense kapag nagkikita si Jake ah? Act normal Lovely, act normal!

"Hey Agnes."

"Hey."

"Sino yang bago niyong member ha?" nakangiti pa ito habang nakatingin kay Lovely.

"Si Lovely?"

"She's cute."

"Not gonna happen. He's not into jockeys." sabay alis ni Agnes. Pero namumutawi naman kay Jake ang pagkainteres kay Lovely.

"Aww!" nahampas ko kasi ng kamay ko ang board sa kaka-act normal ko eh.

"Tara na!" pagtapik sa akin ni Agnes at kaagad naman din akong sumunod sa kanya.

"Talagang kinausap mo pa siya?!"

"Ano naman? Alam mo ba sabi niya sayo?"

"Ano?"

"Ang cute mo daw."

"Ah? Talaga? So ano ng next step? Kakausapin ko na ba? Puntahan ko na ba? Ano?"

Tila natulala naman sa akin si Agnes at nagiba ang timpla niya. Bigla niya akong hinatak dito sa girl's restroom.

"Emergency! Emergency!" pagkalampag niya pa sa dalawang magkatabing cubicle at lumabas naman kaagad doon sina Irma at Prim. Narito pala ang mga ito?

"Kamusta?"

"I think, may kailangan tayong paliwanagan dito bago natin isabak sa gera ang pambato natin." mukhang galit si Agnes at nagpamewang pa. Naupo naman ako sa sink para makaharap silang tatlo.

"Bakit? Ready naman na ako ah?" depensa ko pa.

"Talaga? Sabihin mo nga kung anong sabi sayo ni Jake?" saad pa ni Agnes.

"Tell us."        

"Well, kanina kasi kinausap ni Agnes si Jake at sabi nito cute daw ako. Alam ko namang pagpapakaplastik niya lang yun para makuha ako or somewhat."

"Love, I'm confused. Sabi mo experienced ka na sa mga ganitong bagay?" pagtataka pa ni Prim sa akin.

"Oo naman! Nakikita ko kaya kay mama lahat ng mga ginagawa sa kanya ng mga abnormal na lalaki na yun eh."

"But you didn't date one."

"Have you ever dated a Jake Carter?” pagtataray pa rin sa akin ni Agnes.

"Have you really dated anyone?" pagtataka ring tanong ni Irma.

And I was like --

"Ahm, define anyone.."

Bigla naman sila nagkulapaasan at nagbagsak balikat.

At doon ko na realized na tama nga sila! Hindi pa ako ready! Ni hindi ko pa nga na-experience talagang makiapg-date! Naman oh!

"Oh my, nako hindi pa talaga ako ready at --"

"No, no, no! It's okay." sabi nilang tatlo para pakalmahin ako.

"Okay, magiging okay ka naman. Just remember that you just gotta be cool and collected."

"Be caring and passionate!"

"Be proud and aggressive!"

"You've got to make him chase you, okay? at kapag nangyari yun, doon tayo mag-move on sa next step natin. Naiintindihan mo ba?"

"Okay. Okay na. It's totally under control!" confident ko namang sagot.

Lumapit sa akin si Irma. "So, sinabi niya ba talagang cute ka?" tila nanunukso.

"Oo! Hindi nga ako makapaniwalang --"

"Argh!"

"Damn it!"

Tila parang back to zero naman kami. Ramdam kong gusto na nila akong bigyan ng tig isang kutos.

"Ano ka ba? Dapat hindi ka dapat ganyan mag-react sa lahat ng sasabihin niya! Tandaan mo, nagpapanggap ka lang!"

"Ah, it's okay. Umpisa pa lang naman siya eh. Ah... Ganito, kapag kausap mo na siya, magintay ka ng three second bago siya sagutin."

"Huwag na huwag kang magpapakita ng kahit anong interes sa kanya. Huwag mo rin siyang titingnan kapag kinakausap."

"At kung maaari umarte ka na parang wala kang paki sa kanya. In that case, mas makukuha mo ang atensyon niya."

Nag-nod naman ako sa kanilang lahat bilang pagsangayon.

"So ano na? Naiintindihan mo ba?"

"Ah, oo."

"Bakit ang tagal mong sumagot?"

"Eh sabi niyo magbilang ng three seconds bago sumagot, sinusubukan ko lang."

"Not that long, ayaw naman nating isipin niyang sinto-sinto ka."

Tapos biglang may mga pumasok ng ibang estudyante dito sa restroom kaya nasipagkalasan naman kami. Hindi kasi maaaring may makaalam na magkakakilala kami dito sa school eh. 

Tama na siguro ito para sa araw na ito. Medyo nakakawindang pa rin talaga. Hays.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status