Share

Chapter XI

LOVELY’S POV~

Matapos ang araw na yun, hindi ko na alam kung ano na bang sunod kong gagawin. Patago pa rin kaming mga nagkikita.patago pa rin kami naguusap-usap

*School bell ring*

"Hey!"

Halos mawindang naman ako ng pagkalabas ko ng classroom ay bumungad sa akin si Jake na tila nagiintay ito sa akin. Napatingin lang ako sa kanya at sa totoo lang, ito ang unang beses ko siyang matingnan ng ganito kalapit. Ang tangkad pala talaga niya at -- at ang bango! Amp!

Kaagad naman din umiwas sa akin si Agnes at sinenyasan ako dahil sabay kaming lumabas ng classroom at nakita niya ang paglapit sa akin ni Jake.

Oh my God! This is it! He's going to talk to me!

Act normal Lovely, act normal!

"Hi, I'm Jake." bati naman niya kaagad as he also walks with me. Shit! I know right!

I'm counting three seconds....

"So, you must be new?" saad niya kaagad ng hindi pa natatapos ang pagbibilang ko. Mukhang tama niya si Irma tungkol rito.

Okay, three seconds ulit.. 1.. 2..

"Not new, new here at school. I mean, new sa cheering squad."

Again, 1.. 2..

"You know what, you don't have to answer me. Maybe we could talk about this outside? You know, I'm captain of the basketball team, and you are the new at the cheer. I think I'm obligated to buy you a dinner."

Grabe, mabilis pa sa alas kwarto talaga itong babaerong ito ah? Date kaagad?

Napansin ko si Irma na pasimpleng kinukuhaan kami ng video mula sa mga locker area. I don't think napansin siya ni Jake dahil alam kong nakatingin lang ito sa akin habang ako ay patay malisya lang sa kanya. But deep inside, parang gusto ko ng maihi sa kaba!

"Ahm, that's nice of you but I gotta pass." Whew! Finally!

"Ahm, why? Are you busy or what?"

"Yes! I'm busy. Nice to meet you. Bye!"

Mabilis ko lang na saad sa kanya at nauna na ko sa paglalakad. Wheeeeew!

"What?" rinig ko pang saad ni Jake pero hindi ko na lang talaga siya nilingon

Success Lovely! Naipasa mo ang first encounter with Jake Carter!

For sure sobrang magtataka na yun dahil hindi ako basta pumayag sa kanya. I think this is a good start. Doesn't it?

NARITO na ko ngayon sa science lab para sa sunod kong klase. I'm having a dilemma again with this Jake’s best friend na siyang lab partner ko naman.

"Alam mo, hindi sa nahihilig ako sa ganung rap music, pero I like Linkin Park and Evanescence too." pa-cool namang saad sa akin ni Blake.

"Me too! I mean, random thoughts pero I like listening to their songs too."

"Really? Hindi halata sayo ah?"

Pabiro ko naman siyang inirapan.

Sa totoo lang, mas enjoy talaga akong kausap itong si Blake. Parang hindi kapani-paniwalang mag-best friend sila ni Jake kasi kung tutuusin, mas may sense siya. What, what?

"Hey? Who are you, kiddo? You weren't supposed to be in my class!" rinig ko naman pagsita ng Prof namin kaya napatingin kami kung saan siya nakatingin.

"Ahh, hindi nga po sir, pero may nagpapabigay lang po nito." tila natataranta ito at biglang -- biglang inabot sa akin ang isang bouquet of white flowers. Is this peonies? Alright, what's going on?

Nagkatinginan naman kami ni Blake pero pareho kaming walang ideya sa nangyayari kaya nagkibit balikat lang din ako sa kanya.

  "Ah, excuse me? Who are you?" takang tanong pa ng Prof namin at tila may dala ring white flowers itong bagong pasok na lalaki diretsong abot sa akin.

Sunod-sunod na may mga nagpasukan mga hindi ko naman kilalang lalaki at lahat sila ay may dalang bouquet of white peonies at inaabot sa akin. Hindi ako makapaniwala sa dami nila, hindi ko na rin kayang hawakan ang lahat ng ito kaya nakatapat lang sila sa akin ngayon.

(Attention fellow students! This is not a drill! Miss Lovely, kung nandyan ka man sa lab room, my number is 09552415511.)

Tila kinabigla ko rin ang narinig ko. Kaya napatingin ako kay Blake na tila hindi naman maipinta ang itsura.

"It's Jake."

Hindi ko alam pero may pagkadismaya sa tugon niya.

Napansin ko namang sinulat ng iba kong kaklase ang number na sinabi ni Jake pero ako, hindi ko yun naintindihan.

"I'm captain of the basketball team, and you are the new at the cheer. I think I'm obligated to buy you a dinner."

Rinig ko namang pini-play ni Irma ang video na nakuhaan niya samin kaninang umaga ni Jake.

Inaayos ko na lang itong mga peonies na binigay sa akin ni Jake dito sa secret hideout namin sa journalism room. Sayang naman din kasi kung itatapon ko na lang. Hindi ko rin naman pwedeng iuwi sa amin. Dumaan kaya akong sementeryo tapos i-distribute ko per nitso? Chos!

"Ah, anong gagawin mo dyan?" tanong ko naman sa kanila pagkapalit ko sa monitor. Pinanood kasi nila ng paulit-ulit.

"Ahm, well I'm just documenting your efforts." sagot naman sa akin ni Irma.

"Great! Then let's make another videos!" saad naman ni Agnes at lumapit samin. "Balang araw makikita ni Jake at mare-realize niya ito, at malalaman din ng buong mundo kung gaano siya kagago!"

"Right. It's our exposé!  We will gonna show the world the real Jake Carter!" pagtapat pa sa amin ni Irma ng kanyang video cam recorder. "And, how we'll gonna broke his heart too!" saktong tapat naman niya sa akin ng camera.

"It gonna be like, prime time Carter. Asta la vista motherfu --"

"Stop! With the rhyming Agnes." pagsuway naman ni Irma sa kanya.

"Indeed. Or more like this." tinapat naman ni Irma ang camera kay Prim. "Jake, there's only one guy out there for me." tila pagarte pa nito sa camera.

"And you are not him!" sabay-sabay namang saad nilang tatlo pero sina Prim at Agnes lang ang nasa tapat ng camera habang sinasabi ito.

"We're so gonna crash him!" tila panggigigil pa ni Prim. "Alright Lovely, ikaw naman dali!"

Tumapat naman din kaagad sa akin ang camera ni Irma. Well, what shall I do?

"Ah, Jake. There's only one guy out there for me. And you are not him." prente kong paggaya sa mga sinabi rin nila habang nakatingin sa camera.

"Noo! Don't hold back! Paano ka magiging magaling na cheerleader nyan kung wala kang attitude?" saad pa ni Agnes.

"Pero, ayaw ko naman talagang maging cheerleader eh." 

"Lovely, lahat ay gustong maging cheerleader. Com'on, you gotta sell it!"

Sumenyas naman si Prim na wag ng kontrahin si Agnes. Kaya tumapat ulit ako sa camera ni Irma.

"Okay, Jake. There's only one guy out there for me, and you’re not him!" saad ko pa na with attitude like a cheerleader daw. Hindi ko na talaga alam ang ginagawa ko.

"No. That's awful." komento naman ni Prim.

"Love, this is for every guy out there that ever lied to any girl. Not just Jake to us. But also to every Intro that made your mom heart broken." saad pa sa akin ni Irma na tila napagtanto ko na. "Okay?" itinapat niya ulit sa akin ang camera niya.

"Jake Carter, there's only one guy out there for me. But you are not him!" saad ko pa na tila natutuwa sa una pero tumapang ang reaksyon kalaunan. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, si mama. Para sa mga lalaking nanakit sa kanya. Para sa mga lalaking kagaya ni Jake Carter na walang ibang alam kundi paglaruan ang mga feelings ng mga babae. I think they deserve to get hurt too.

Saglit silang natigilan at tila napatingin sa akin na hindi na nila kilala kung sino na akong nasa harapan nila.

"Damn! You are gonna be a legend!" saad naman ni Agnes na tila kinatuwa naming lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status