Share

Chapter XIV

NANG MATAPOS ANG paghahanda ng tatlo kay Lovely, kaagad na rin itong nagtungo ng beach kung saan siya inimbitahan ni Jake para sa sunset watching and bonfire kasama ang mga ka-team nito at ilang mga ka-schoolmates nila.

Kinakabahan man si Lovely dahil ngayon pa lamang siya makikipag-date kahit pa hindi ito totoong date, napatingin naman din siya sa mga taong naroon at tila nabawasan ang pangamba niya.

"Lovely!" pagtawag naman ni Jake sa kanya ng makita itong naglalakad. Nilapitan siya nito at inakbayan kaagad. "Glad you made it."

"Hmm yeah." pagngiting tugon lang din ni Lovely sa binata.

"Hi Lovely!"

"Ganda natin, Love ah?"

"Hello Lovely!"

Nabigla naman si Lovely dahil binabati siya ng mga ka-schoolmate niya ngayong kasama niya si Jake. HIndi niya mawari kung maganda ba ito pero natutuwa siya ngayon sa atensyon na nakukuha niya na kung dati ay hindi siya napapansin.

"Hi Lovely, I'm Roxy. Yung sa student council." pagsalubong naman sa kanila nito ni Jake habang naglalakad sila.

"Oh, hi?" bati na lamang ni Lovely kahit pa wala siyang ideya kung sino ba ito.

"Looks like I'm out with the most popular girl on school." pagbiro pa ni Jake.

"Hmm, eh di ang swerte mo." biro niya rin rito kaya natawa ito ng bahagya sa kanya.

Ngayon lang din napansin ni Lovely na napakagwapo nga ng binata kapag nakangiti ito lalo sa malapitan. 

Now I realized kung bakit halos magpatayan ang mga babaeng yun para kay Jake..

"So, tell me about yourself? I wanna know everything. The whole story." saad naman ni Jake kay Lovely pagkakalas sa pagkakaakbay nito.

Tila nagiisip naman si Lovely ng isasagot dito. "Oh, my whole story? Well, still not being written."

"Oh? It's a mystery?" saad pa ni Jake at tinunguan naman siya ni Lovely bilang pagsangayon dito. "I like mysteries."

"Really?" tila nabigla namang sagot ni Lovely kaya napagtanto niyang hindi nga pala dapat siya magpakita ng kahit anong interes pa rin rito. "I mean, ano namang nagustuhan mo doon?" balik sa seryosong tugon si Lovely roon.

"Ahm.. Ewan ko. I guess, I like secrets." prenteng sagot naman ni Jake sa kanya na tila nakakapagpakabog ng dibdib niya.

Nangiti lang ng konti si Lovely dahil alam niya ang sikreto nito ngunit siya ay hindi alam ni Jake ang tunay na sikreto. "I bet."

A moment of silence sa kanilang dalawa habang naglalakad pa rin patungo malapit sa shore. Hinahayaan lang ni Lovely na si Jake ang mag-open up ng mga topic dahil ito ang payo sa kanya ng tatlo.

"Okay, sige. Too much talking will ruin the moment." paghinto pa ni Jake sa harapan niya. "Dito na lang tayo, at enjoy natin ang magandang view ng sunset." pagtanaw pa ni Jake sa malayo.

"Ahm, Jake.."

"Shh.."

"Nandoon yung sunset." pagturo pa ni Lovely sa may likuran ni Jake kung saan ang beach at ang sunset.

"Alam ko, pero mas enjoy dito tumingin banda kaysa mainggit ako sa mga couples na nadoon eh. Mas maganda ka naman sa sunset." saad pa nito at hindi mapigilan ni Lovely na hindi mangiti dito. 

Napa-iling na lang din si Lovely at nangiti naman din si Jake sa kanya. Hindi maipaliwanag ni Lovely na sa moment na iyon, tila natutuwa siya sa mga ginagawa ni Jake sa kanya.

Sa kabilang banda, habang nakikinig at nanonood ang tatlo mula sa monitor ng boob cam ni Lovely, napairap na lang sila ng sabay-sabay ng marinig rin ang sinabi ni Jake kay Lovely.

"So, how come I went out with this most amazing girl?" saad pa ni Jake habang magkahawak kamay na sila ni Lovely naglalakad patungong shore. "Is that her most irresistible charm or the killer smile? tila panguuto pa ni Jake kay Lovely at sinasakyan naman siya nito.

"Siguro kasi maganda at sexy ako na parang dyosa kaya nahumaling ka kaagad?" pagbibiro pa ni Lovely at tila kinatawa ito ni Jake. Hindi niya akalaing ganito ang confidence at sense of humor. Aminado ang binata na ngayon lang din siya naka-date ng kagaya ni Lovely na hindi basta-basta.

"Ugh? Really?"

Sa kabilang banda...

"Shit! Mukhang umaatake na ang Jake Carter sa mga mabubulaklak niyang salita. I hope Lovely can handle it." pagaalala pa ni Agnes. "You know, it seems perfect. The beach, the sunset."

"Well, you forgot the bonfire."

"AHH! Ayan, sunog na!" pagkuha pa ni Lovely sa marshmallow niyang nasunog na ng tinapat nila ni Jake sa apoy.

"Haha sorry, tagal mo kasing kunin eh."

"Sabi mo hindi pa luto."

Magkatabi silang nakaupo ngayon sa tapat ng bonfire at nagluluto ng marshmallows. Sa kabilang banda nila ay napapanood naman sila ng kapatid nitong si Blake na tila hindi maipinta ang reaksyon sa kanilang dalawa.

"Ahm, pwede ba kitang ihatid pauwi?" saad naman ni Jake kay Lovely na tila kinabigla ng dalaga.

"Ah, ngayon na ba? Si - sige." tila hindi naman malaman ni Lovely kung tama ba ang sinagot niya rito dahil hindi niya pa nakukonsulta ang tatlo tungkol rito. Ni hindi siya na-briefing ng mga ito.

Tumayo sila ni Jake na tila aalis na ngunit hindi siya sigurado tungkol rito. "W - wait, naiihi ako!" biglang saad niya para mapigilan ito. Nangiti naman si Jake sa kanya. "Ah, sorry. Masyadong informative."

"Okay lang, ako lang naman nakarinig eh." pagayos pa ni Jake ng jacket niyang binigay kay Lovely para suotin. "I-check ko lang din si Tommy kung may masasabayan siya paguwi, so kita na lang tayo sa kotse?" 

Tumungo lang si Lovely sa kanya bilang pagsangayon. "Sure."

Naglakad na si Jake patungo kung nasaan ang kaibigan at kaagad namang nanakbo si Lovely paalis doon. Tila napansin ni Blake ang pagkakataranta ni Lovely sa mga kinikilos niya. Hindi niya maunawaan kung papaano nangyaring nakipag-date si Lovely kay Jake gayung alam nitong hindi niya type ang binata.

Dali-dali namang sumakay si Lovely sa kotse ni Jake. "Hellooo? Uyy, I need some help here!" sadyang saad ni Lovely sa pagtapat sa boob cam niya para makita at mapansin siya ng tatlo.

"Nako, hindi tayo nakapaghanda sa ganitong momentum kay Jake!" pagaalala naman ni Irma at nagkatinginan naman silang tatlo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status